CHAPTER 40 ALINA TESORO HINDI AKO MAGANDA at mas lalong wala rin namang interesante sa akin at sa buhay ko. Kaya hindi ko alam ang rason ng mga taong ito para pumasok sa buhay ko at paulit-ulit akong gagohin. Kahit anong intindi ko sa mga sinasabi nilang dahilan, ay hindi ko pa rin makuha kung bakit kasali ako sa parteng ito ng buhay nila. Sa parte kung saan parang naghahanap sila ng rason sa existence nila sa mundo at malas ko dahil ako ang una nilang natagpuan. Mga taong hindi alam ipaglaban ang kung ano ang totoo nararamdaman nila. Mga taong mas gustong manakit at gumamit ng iba para lang makuha ang mga bagay na magbibigay sa kanila ng komportableng pamumuhay. Pinagmasdan ko ang dalawang anak ko na mahimbing na natutulog sa magkabilaang gilid ko. Kanina pa kami nakaupo at

