CHAPTER 21 ALINA TESORO NAGPAHATID LANG AKO sa bahay kay Via. Halos ayaw niya pa akong iwan dahil baka kung ano daw ang gawin ko. Minsan naaawa na rin ako sa kaibigan ko dahil sa stress na binibigay ko sa kanya lately. Paggising at bago matulog ay itsi check niya pa kung ayos lang ako at matino pa dahil kapag hindi ako sumagot maghapon siyang hindi mapapakali at mag-aalala sa akin. Nakaupo ako sa sala habang inuubos ko ang wine na naiwan ko kagabi ng marinig ko ang kotse ni Landon. Inaantay ang pagpasok ng mahal kong asawa na hindi ko alam kung masaya pa bang umuwi sa bahay na ito o napipilitan na lang. “Hanggang kailan mo ako iiwasan? Hanggang kailan ka magkikibit balikat sa mga tanong ko? Sobrang hirap ba talagang sagutin ang mga tanong ko?” Sunod-sunod kong tanong kay Lan

