Chapter 4

1444 Words
Chapter 4 Mas binilisan ko pa ang pagba-bike. Kailangan mawala sa isip ko ang Greg na 'yon. Kanina habang pauwi ay pilit ko namang iniintindi na concern lang ito sa damit na suot ko. Ang hindi ko lang ma gets ay kung bakit kailangan niya pang pumunta sa akin para sabihin 'yon? Anong tingin niya sa akin? Nagsusuot ako ng mga revealing na damit para ipakita ang boobs ko? Gago ba siya? Aware ako na may kalakihan ang dede ko kumpara sa mga ka-edad ko. But he doesn't have to say it in my face! "Urgh!" Inis kong pagtigil sa pagbike. Padabog ko iyong inilagay sa gilid ng rampa at pagkatapos ay umupo. Huminga ako ng malalim. "Init ng ulo natin ngayon ah?" Tumabi nang upo si Harold sa akin. May dala itong hugis rectangle na Styrofoam. Umupo ito sa tabi ko at binuksan iyon. Mabilis kumalat ang amoy ng mac and cheese sa ilong ko. Natatawa ay iniabot nito sa akin ang isa pang kutsara. "Pag-bad trip, ikain na lang 'yan." Sabi pa nito pagkaraan ay sumubo na. Kumuha na rin ako at kumain na rin. "Bad trip kasi. May nagpakitang unggoy sa akin kanina." "Dumalaw o takas sa zoo?" Tanong nito sabay subo ulit. "Takas pero taga EWU." Sakay ko sa biro nito. Natawa kaming dalawa. "Hayaan mo na. Baka type ka...teka lalaki ba?" Tumango ako. Sumipol naman ito. Hinampas ko siya gamit ang kutsara ko. "Hindi ko type 'yon. Hinding hindi magiging type. Asungot lang talaga." "Ano ba kasi ang ginawa?" Kumain ako. Ngumunguya ay sumagot ako. "Yung mga ka-team mates kasi niya. Sinadya na itapon sa labas ng soccer field yung bola. Ngayon nagkataon na ako ang nandoon. Natapos sa damit ko yung mineral water dahil natamaan ako. Nabasa yung eto ko!" Sabay turo sa dibdib ko. "Nung ibibigay ko na...aba ang mga punyeta, ibigay ko daw gamit ang dibdib ko! Ang babastos!" "Eh anong ginawa nung Greg? Kasama ba sa nambastos sa'yo?" Tanong nito ulit. "Hin...di..." mahinang sagot ko. "Eh bakit mas galit ka sa lalaking iyon kaysa sa mga lalaking nambastos sayo?" Dumepensa ako. "Galit din ako sa mga yun ah!" Sumubo ito ng mac and cheese. "Alam ko pero mas galit ka dun sa unggoy." "Binastos ka ba?" "Oo nga!" "Hindi...yung unggoy." "Hindi...naghubad lang sa harapan ng lahat ng tao tapos binigay sa akin yung damit. Itinakip ang basa kong t-shirt." Tumili ito. "Baklaaaaaaa....type ka?!" "Ulol. Type agad? Di ba puwedeng mayabang lang. Porke kumpleto ang abs, Kung makahubad ganon ganon lang? Atsaka ano naman kung anim ang abs. Si Papa ko rin naman may abs....dati. Hindi lang siya ang pinagpala no!" "So mainit ang ulo mo kasi may abs?" "Hindi!" "Eh ano?" "Mayabang kasi." "Galit ka kasi mayabang?" "Oo!" "So, type mo?" "Oo--what?!" Tumango tango ito. "Now, naiintindihan ko na ang inis mo. Confusing talaga yan." Pinagpapalo ko ang balikat niya. "Hoy 'di ko type yon! Gago 'to!" Aba imbes na maniwala ay tumawa lang. Sumandok ako ng mac and cheese pagkatapos ay isinalpak ko sa bunganga niya. Nang matapos kaming kumain ay ako na ang nanlibre ng tubig. "Dapat lang no? Hiya naman ako." Umirap ako. Iniabot ko ang bote ng tubig sa kanya. 'O!" Pagkatapos non ay nagpatuloy kami sa pagba-bike. Si Harold ay off ngayon kaya libre niya akong tinuturuan ng mga iba pang tricks na hindi ko pa alam o kaya kabisado. Hingal at pagod ang mga binti ay nagpaalam na akong uuwi. Iniabot ko sa kanya ang renta ng bike. "Ayusin mo. Baka mamaya ibulsa mo 'yan." sabi ko sabay kuha ng sukli. Binato niya ako ng piso. "Gagi ka, mamaya may makarinig sayo. Isipin...kumukuha nga ako.." luminga linga pa ito para tingnan kung may tao. Tumawa ako ng malakas. "Joke lang...ito naman." "Lakasan mo para marinig." "Joke lang po. Hindi po kurakot si Harold. Depende pag may sagap na Wifi. Pag wala...ayun kumukuha nang pang-data! Aray!" Tumatawa ako ng malakas. "Lumayas ka na nga dito Eualie! Masisisante pa ako ng wala sa oras." Natatawa pa rin ay kumaway na ako sa kanya habang naglalakad pauwi ng bahay. Tuluyan na akong tumalikod. Nagha-hop pa ako habang naglalakad, Inayos ang ipit sa buhok at kumakanta kanta pa ako habang naglalakad. Maya maya ay may humintong motor sa harapan ko. Na naman? Ano hoholdapin mo na ba ako, manong? Sa loob loob ay sarkasmo kong tanong. At dahil nasa harapan ko ang motor ay wala akong ibang ginawa kundi ang tumigil sa paglalakad. Gustuhin ko mang tumakbo. Masyado ng masakit ang binti ko. Tinanggal ng driver ang helmet na suot. Napanganga ako. Hindi rin makapaniwala. "Anong ginagawa mo dito?" Iyon ang unang tanong na naisip ko nang makita ko si Greg sa harapan ko. "Where's my shirt?" Bagkus ay tanong nito sa akin. Seryoso ba 'tong unggoy na 'to? Ngunit nagawa kong sagutin ang estupidong tanong niya sa akin. "Nasa labahan. Nakababad. Kung hindi ka makapaghintay bukas. Puwede kong kunin sa palanggana ngayon tapos ibibigay ko sa'yo. Ikaw na bahalang mag kusot, magpiga at magbanlaw..." sagot ko sabay lakad ulit. Ngunit pinaandar nito ulit ang motor. Sumunod sa paglakad ko. Hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad. Lalo lang itong sumusunod. Pamilyar sa akin ang senaryo na ito. Ganito din ang nangyari sa akin noong umuulan e. May itim din na motor na nakasunod. Pilit akong pinasasakay. Ngayon naman, may hinihingi. Teka.... Mabilis akong humarap. Bigla naman itong nagpreno. "Damn Denise! Mabubunggo kita!" Pag sigaw nito. Saglit akong natigil nang marinig ko ang ginawang pagsigaw nito sa pangalan ko. Damn that was sexy. Mabilis kong pinilig ang ulo. "Bakit kasi nandito ka? At teka nga....ikaw ba yung humarang din sa akin noon? Nung umuulan?" Tanong ko kay Greg. Itinungkod nito ang isang paa sa sahig pagkatapos ay pinagkrus ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito. Nanatili pa rin itong nakasakay sa motor. "Yes at tinanggihan mo ko. Wow! Ikaw pa lang ang tumatanggi sa akin Denise. Ikaw pa lang." "Anong dapat kong sabihin sa'yo ngayon? Sorry? Thank you?" Gumalaw ang panga nito. "Nothing but next time when I offer you something. Huwag mo ng tanggihan." Aba at oobligahin pa ako ano? Tumalikod na ako. "Ewan ko sa'yo." Hindi pa man malayo ang nilalakad ko ay bigla itong bumusina ng pagkalakas lakas. Mabilis akong humarap sa kanya. "Hoy!" Tumingin ako sa paligid. Medyo gabi na kaya marami na ang nagulat talaga sa ginawang pagbusina nito. Naiinis ay lumapit ulit ako sa kanya. "K.S.P ka rin no?! Papansin?!" Ngumisi ito. "Hop in. Ihahatid na kita sa bahay niyo." Huminga ako ng malalim. Mariing pinikit ang dalawang mata. Isipin mo na lang, Eualie, naubusan ng bakuna itong tao 'to nung baby pa kaya ganito siya ngayon nung lumaki na. Matino ka...siya naman may kulang na something sa katawan. So please! Intindihin mo. Idinilat ko ang aking mga mata at kalmadong ngumiti. "No." Sagot ko. Bumisina ulit ito ng malakas! "Urgh!" He gave me his most ugliest smile. "Hop in." Napabuga ako ng hangin. "Seryoso ka talaga?" "Dead serious." He said. Tumango tango ako. Pumuwesto na ako sa likod ng motor nito. Iniabot sa akin ang extrang helmet pero hindi ko tinanggap 'yon. "For protection, Denise." Umirap ako. Sumakay na ako sa likod ng motor. "Paandarin mo na." Utos ko. Malakas ko pang tinapik ang bewang nito. Infairness. Ang firm ha. "Put the helmet on your head." Utos pa rin nito. "Hindi na kailangan! Ano papaandarin mo ba? O bababa na ako?" Tanong ko na. Narinig ko itong nagmura. "Hoy! Anong ginagawa mo!" Mabilis kong kinuha ang kamay ko ng bigla nitong hawakan at dalhin sa may bandang tiyan nito. Lumingon naman ito sa banda ko. "Pinapakapit lang kita baka mahulog ka." "Ano?" "Encircle your arms in my waist, Denise so you won't get fall." Ngayon ay wala nang halong biro na sabi nito sa akin. Ngunit ako? Imbes na sundin ang gusto niya ay inilagay ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng balikat nito. "Tss...next time, ikaw na mismo ang kusang maglalagay ng mga kamay sa bewang ko." Hinampas ko siya sa balikat. "Jerk! Eh di wow!" I heard him laughed. Saktong aandar na ang motor nito ay nagsalita ako. "Stop." Pagpapahinto ko. "What?" "I said stop." Kapagkuwan ay bumaba na ako ng motor niya. "Ano naman ang gagawin mo? Halika na--" "Eto na bahay namin. Bye!" Kumaripas na ako ng takbo at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Nang naisarado ko na ang pinto ay doon ako tumawa ng malakas. Mabilis kong kinuha ang isang maliit na notebook at doon ay nagsulat. Things I hate about Greg: Number one: Asshole Nagsulat ako ulit.... Number two: Mayabang And number three : "Jerk."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD