Chapter 5
Isang beses ko pang pinasadahan ng suklay ang buhok bago ako lumabas ng restroom dito sa Geoffori Engineering firm.
Huminga ako ng malalim.
This is my first day as an intern student. Maaga talaga ako gumising kaninang umaga. Naunahan ko pa nga si Papa.
Pagkakain ng umagahan ay mabilis na ang kilos ko para gumayak.
Inihatid pa ako ni Papa dito sa firm.
Dumiretso ako sa concierge.
"Good morning po." Magalang na bati ko sa babaeng nasa reception.
May ngiti ito sa labi ng bumati rin sa akin. "Good morning din po ma'am. Intern student from EWU?" Tanong nito.
Tumango ako sabay abot ng I.D.
Kinuha nito iyon at may pinasulat sa akin. Nang matapos ay pinaupo muna ako at hinintay ang iba pang intern.
Nang kumpleto na kami ay doon na kami tinipon sa isang function room. Sampo kaming intern na nandito sa loob. Lahat galing EWU.
Halos isang oras ang orientation. Ako naman
ay busy magtake-down ng notes.
Lumabas na kami at inilibot kami sa buong firm.
"Nandito yung mga iba't ibang departments. Pang familiarize lang ito ha? Kung saka-sakali pero kasi yung iba sa inyo ay outside of the firm na. It means...ang mga Surveyors ang makakasama nang iilan sainyo" Patuloy kami sa paglalakad habang nagdi-discuss sa amin si Ms. Bianca.
Tumango tango naman ako.
May binuksan itong isang salamin na sliding door.
"Interns.... this is Mrs. Marjorie Kalimpayo our Engineering Manager."
Nag-Hi naman sa amin si Mrs. Marjorie pagkatapos ay nginitian kami.
"Welcome to Geoffori Firm." Pagwe-welcome nito.
Halos sabay sabay kaming bumati pabalik kay Mrs. Marjorie.
Kasama si Ms. Bianca ay nilibot rin kami ni Mrs. Marjorie sa buong departamento.
Tinuro niya sa amin ang office nang finance, Human resources, accounting project, project management.
Nakilala naman rin namin si Mr. Luis Enrique. Ang Project manager.
"Ms. Denise Eualie Reyes?" Nagtaas ako ng kamay ng tinawag ni Ms. Bianca ang pangalan ko.
"Follow me. Ma-aasign ka kasama ng mga Surveyors natin."
Tumango ako at sumunod sa kanya.
Buong maghapon ay puro orientation lang naman ang ginawa namin. Bukas ako magsisimula. Nakakalungkot nga dahil ako lang ang nahiwalay sa grupo. Wala kasi sa loob ng opisina ang trabaho ko sa firm.
"Aba, wala pang isang linggo pero yung mukha...mukhang nagpasa na ng resignation letter ah." Tukso sa akin ni Ate nang makapasok ako ng bahay.
I give her my middle finger.
"Eualie!" Saway sa akin ni Papa.
"Sorry 'Pa." Labas sa ilong kong pagso-sorry. Tumingin ako kay Ate at inirapan ito.
"Magbihis ka na. Kakain na tayo." Utos naman ni Papa sa akin.
Hindi na ako nagsalita at sumunod na sa sinabi ni Papa.
Hindi naman mahirap ang pinagawa sa amin ngayong at hindi nakakapagod. Mas napagod ako sa pagko-commute.
Puwede bang tumaya sa lotto tapos manalo kinabukasan para makabili ako ng motor o kaya ng kotse pang biyahe lang?
Tinadtad ko rin ng chat itong si Christian dahil hindi ako hinatid kaninang umaga.
Napakadaya non.
Bukas talaga siya sa akin.
Naligo ako at nagbihis na pagkatapos ay bumaba para maghapunan.
Naabutan ko si Papa at ate sa lamesa. Si ate ay nakapang opisina pa.
Umiling ako. Tamad maligo kahit kailan.
Umupo ako sa gilid ni Papa at nagsandok na nang pagkain.
"Sarap naman ng ulam 'Pa."
Pinagsandok ako ng ulam. "Si Ate mo nagluto. Tikman mo na."
Kinuha ko ang kutsara at titikim na sana nang huminto ako.
"Teka....bakit ako ang unang titikim?"
Naningkit ang mga mata ko. "Nilagyan niyo ng sili yung sabaw ko 'no?"
"Ha?"
"Hindiiii" si Papa.
Tinikman ko iyon pero kaunti lang ang nilagay ko sa kutsara. Tama nga! Nilagyan!
"Papa! Alam niyo namang ayaw ko ng maanghang e!" Nilapag ko ang kutsara at uminom ng juice na nasa baso ko.
Pero niluwa ko rin iyon dahil sobrang tamis ng juice.
"Ate!" Alam ko talaga na si ate ang naglagay ng maraming juice powder sa baso ko.
Parehong tumatawa si Ate at Papa.
"Pranksters!"
Hinalikan ako ni Papa sa noo. Si Ate naman ay nag peace sign. Tumayo ito at may kinuha sa ref.
Isa 'yong cake.
"Teka--" tiningnan ko ang date na nasa cellphone ko.
Nang makita kung anong petsa ngayong araw ay tumingin ako kay Papa at Ate.
"Happy Birthday, bunso." Sabay bati nila sa akin.
I smiled. Alam nila ate at Papa na hindi ako nagse-celebrate ng birthday. Dalawang taon na.
Papa kissed again my forehead.
"Espesyal ang birthday anak. Kailangan taon taon sine-celebrate."
Inilapag ni ate ang cake sa harapan ko. Nagsimula na rin silang kantahan ako ng happy birthday. She even video-ed it on her cellphone.
"Happy birthday, Bunso kahit minsan epal ka sa pagmo-move on ko. Love you!"
I blew my candle.
"Thank you, ate...Thank you,'Pa."