Chapter 6

2692 Words
Chapter 6 "Hoy, bakit hindi mo sinundo kahapon?" Inis kong tanong kay Christian na ngingiti. "Ang daya mo ha!" Sabi ko pa. Nakangiti pa rin ay nagawa nitong iiwas ang katawan sa paghampas ko ulit. "Sorry na. Na-flat-an ako e. Pina car service ko muna. Kanina ko lang din nakuha. Good morning po!" Bati nito sa Papa ko. "Magandang umaga din. Hahatid mo na dalaga ko?" Tanong naman ni Papa. "Oho, kaya lang pinalo pa ako." Masama naman ang binigay na tingin sa akin ni Papa. Wala naman akong mairason na kung ano dahil kapag sinabi ko na kaya ako naiinis ay dahil hindi niya ako nasundo kagabi. Magtataas lang ng kilay si Papa. Alam ko na sasabihin no'n. 'Ikaw pa may ganang magalit, e ikaw na nga lang itong makikisakay.' naiimagine ko na...iyan talaga ang sasabihin niya kapag sinabi ko ang totoong dahilan, kaya, huwag na lang. "Sige 'pa, alis na kami." Paalam ko kay Papa. Palihim ko pang hinila si Christian para makasakay na kami ng kotse niya. Nang nasa loob na kami ay nagsalita ako. "Sumbungero ka." Tumawa ito ng malakas. "Kung hindi ako nagsumbong baka hampasin mo lang ako ng hampasin. Amasona ka pa naman." Aba ang ugok tumawa ulit. Hinampas ko siya. "Aray!" Ingit nito. "Naku kung hindi ka lang nag-birthday kahapon..." Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Ngunit bago ikabit ang seatbelt ay may kinuha ito sa likod ng kotse nito. "Ano 'yan?" Tanong ko. Iniabot naman nito sa akin. "Kay mommy, regalo daw sa'yo." ani nito. Nagkatinginan kaming dalawa. "Huhulaan ko pa ba?" Sabi ko. Umiling ito. Nang buksan ko ang paper bag ay tama nga kami ng hinala. Isang set ng Heaven sent na pabango. Iba't ibang kulay. May Daily sent pa na malililit. Sabi ko na e. Si Tita Marites talaga... Tuwing birthday ko ay hindi nito nakakalimutan na magbigay sa akin regalo. At ang laging madalas ay itong mga pabango. "Alam mo naman si Mommy, feeling niya baby ka pa rin. Kaya yung mga pabango mo high school favorite mo pa." Inilagay ko ss loob ng aking bag ang regalo. "Pakisabi kay Tita, thank you ha?" Bahagya itong lumingon sa gawi ko at mabilis din tumingin sa daan. "Anong thank you? Pinapapunta ka sa bahay. Gusto ka daw niya makita ulit." "Oo ba! Kailan?" Mabilis ko na pagpayag. "Mamaya. Bukas kasi magsi-Singapore si mommy kasama ni ninang." Sagot niya sa akin. Ang ninang na tinutukoy nito ay si Ninang Kle o Kleya. Si ninang Kle ay ang nanay naman ni Elaine at kuya Edison. "Ganoon ba? Eh di...susunduin mo ko niyan mamaya?" Sabay tingin ko kay Christian. "Oo. No choice-" "-grabe sa, no choice ha?" Mabilis kong putol sa sinasabi niya. Humagalpak ito ng tawa. "Hindi naman sa ganon, may date kasi ako mamaya." Nakakalokong tingin ang ibinigay ni Christian sa akin. Napailing na lang ako. "Date...hmmm. at sino naman ang malas na babaeng makikipag-date sa'yo aber?" Tumingin ito sa gawi ko. "Nah...ayokong sabihin sa'yo." Tumaas ang kilay ko. "Aba...aba...at bakit? Hoy Christian, Paglilihiman mo 'ko?" "Hindi naman sa ganon, baka mabigla ka kasi." Hinamon ko siya. "Sabihin mo muna tapos tingnan natin kung mabibigla nga ako diyan sa sasabihin mo.." Nakita ko na huminga ito ng malalim. "Si ate mo." Napatanga ako. "Kita mo na. Nabigla ka." Parang wala lang ay nag-focus na ito sa pagda-drive. "Aray ko naman Eualie!" Angil nito ng hinampas ko siya sa balikat. "Si ate ko? Kay ate Eula?!" "Sino pa ba ate mo? May ate ka pa ba bukod sa kanya? May kambal ba si Eula?" "Amasona yon e." Nagtaas ito ng kilay. "Alam ko...kaya nga gusto ko e." ngumisi pa ito. "Hoy. Ikaw." Salita ko sa kanya. "Kahit naman minsan sinapian ni Satanas si Ate at araw araw nakakapikon...ate ko pa rin 'yon. Kaya kapag nalaman ko na pinagti-tripan mo lang si ate Eula, hay nako Christian. Patay ka talaga sa akin. Teka nga...alam ba 'to ni Papa?" "Matagal na. Ikaw na nga lang huling kong sinabihan e." "Wow. Thank you sa pagsabi ha?" Christian laughed then tapped my shoulder. "Relax, Den...iingatan ko si Eula." Naging seryoso ang boses nito. Napatitig ako kay Christian. Aba! Mukhang seryoso nga sa pag-date sa ate ko ah? "Mabuti pumayag si ate na makipagdate sa'yo? Kaka-break lang nila ni Greg, parang gabi-gabi ata nagmo-move on 'yon." Ani ko. Seryoso pa rin ang mukha nito. "I know. Kaya nga sabi ko sa kanya. Makipagdate sa akin para maka-move on siya. Hindi ba gano'n naman? Kapag gusto mong maka-move on, makikipagdate ka sa iba." Doon ako umiling. "Mali. Kailangan ng time. Mas masasaktan yung taong gagawing rebound ng taong nagmomove-on. Sobrang mali 'yon. No...no..no.." "Well, I can take risk." seryosong anito. Nasa daan pa rin ang mga mata. Natahimik ako sa sinagot nito. "Kayo...bahala kayo." Sabi ko na lang sabay tingin sa labas ng bintana. People need a time break for pain. You cannot easily jump into one relationship again thinking it would help you move on. Kailangan mong mag-isip isip at alagaan ang sarili mo bago ka magmahal ulit. Breath first. Alone time first. Pagkadating ko sa Geoffori firm ay tinawag naman ako ng isang Surveyor. "Sa site tayo, Ms. Reyes." "Yes, Sir!" Mabilis kong sagot habang naglalakad sa labas. Halos kaka-in ko lang nang tinawag ako. May naka-ready ng van ang naghihintay sa labas. Mabilis akong sumakay doon. Tanging ako at ang tatlong Surveyor lang ang nasa loob ng van ang pupunta sa gaganapin na ground breaking sa Bulacan. Pagkadating namin doon ay dumiretso muna kami sa isang munisipyo. Nandoon lang ako sa loob ng opisina kasama sila. Nag-uusap tungkol sa isang malaking project ng mayor doon. At pagkatapos ng isang oras at kalahati siguro ay doon na kami nagpunta sa mismong site. Chineck nila ang quality ng lupa at kung ano anong mga materyales ang babagay na puwedeng gamitin sa pagpapatayo ng isang malaking event center. Lahat ng iyon ay ni-notes ako at nakinig ng mabuti. Paminsan minsan rin ay tinatanong nila kung ano ang opinyon ko sa plano nila. I honestly told them all my answers and opinions. May iilan na pag iisipan, ang iilan naman ay tumatango lang. Halos hapon na nang nakabalik kami sa opisina. Pagod ang mga paa ko sa kakalakad at pagsunod sa mga surveyors. Mayroon pa nga silang pinagagawa sa akin na kailangan ko pang i-encode. Nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ay doon ko nakita ang apat na messages ni Mama sa cellphone ko. Tamad kong binuksan iyon. 'Nak ko, Happy Birthday!' Ang ikalawang chat naman nito ay picture na kasama ang kapatid kong bihis na bihis at nakahiga sa kama, sa tabi niyon ay may nakasulat na 'Happy Birthday Ate Eualie!' 'Nak, punta ko sa opisina kung saan ka nagwo-work bigay ko lang regalo ng kapatid mo sa'yo.' Doon ako mabilis na nagreply. 'Ma..huwag na. Okay lang.' Kaya lang sakto na na-send ko na ay atsaka naman ito nagchat ulit. 'Nak, nasa labas na kami.' Pagbasa ko. Kaya naman ay wala na akong nagawa kundi ang tumayo at puntahan sila. Pagkalabas ko ay nagpalinga linga ako. At sa may paglingon ko sa may bandang kanan malapit sa exit ng mga kotse sa may tapat ng lobby ay nakita ko si mama na nakasakay sa isang kulay puting eco sport na sasakyan. Kumakaway ito. Huminga ng malalim ay atsaka ako lumapit sa kanila. Habang palapit ako ay nanatiling nakabukas ang bintana sa puwesto ni mama. Nakita ko rin yung bagong asawa niya na nasa driver seat. "Saan mo nalaman kung saan ako nag ta-trabaho?" Mabilis kong tanong ng makalapit ako. Dahil sa naging tanong ko...ang kaninang ngiti ay biglang nawala pero maya maya ay ngumiti ulit. May kinuha ito sa mula sa gilid. "Sa Papa mo nak, nag tanong ako. Happy Birthday." Sabay abot ng isang katamtamang laki na hugis square na kulay brown na box. "Blueberry cheesecake 'yan bunso. Diba favorite mo 'yan? Pinagbake kita." Masayang ani pa nito. "Hindi naman na ho kailangan. May cake na ako kahapon. Bigay ni ate. Mas masarap pa diyan." Namatay ang masayang ngiti sa labi ni mama ng marinig niya ang sinabi ko. "Eh tanggapin mo na anak. R-regalo namin ng kapatid mo sa'yo." Pag iinsist pa nito. "Please anak...tanggapin mo na." Walang nagawa ay kinuha ko iyon. "Salamat. Pasok na po ako sa loob. Ingat kayo." Iyon lang ay tumalikod na ako at hindi ko na sila nilingon pa. Sa pagpasok ko ulit sa opisina at nakaupo na rin sa upuan ko. Inilapag ko lang sa isang gilid ang cake. Pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagta-trabaho. Dumating ang alas siyete ay doon lang ako natapos. Ni, hindi ko namalayan ang oras. Tumayo na ako ay kinuha na ang bag ko. Sa pag aayos ay doon ko ulit naalala ang cake. Hindi ko iyon nailagay sa ref. Dali dali kong binuksan at nang makita ko ay tama ako ng hinala. Lusaw na ito at malambot na. I dipped my finger to the cake and taste it. Nang malasahan ay mabilis kong binalik ang pagkakasara ng box. Same taste. Just like before... At dahil doon maraming bumalik na mga alaala sa isip ko. Those were the best and sweet memories of my childhood with her, na ngayon ay isa na lang mapait na aalala. Kinuha ko ang box pati ang bag ko kapagkuwan ay lumabas na ng opisina. Sakto naman na sa paglabas ko ay may nakita akong mga batang kalye na nanghihingi ng barya sa security guard na nagbabantay. "Kayo talagang mga bata kayo! Hindi ba ang sinabi ko huwag na huwag kayong pupunta dito? Alis na! Alis! Binigyan ko na kayo ng pagkain kaninanv umaga ah!" Pagalit na sigaw ng sekyu doon sa mga bata. Ang isang bata ay pumeywang. "Kuya sekyu...almusal pa kasi 'yon. Gabi na oh! Hapunan na." Sabay turo nito sa langit. "Hindi kami nakakain ng tanghalian kasi wala kaming napagbentahan sa sampaguita. Nagalit si bossing kaya wala kaming pera. Kaya sige na naman. Baka naman...kahit sampo lang. Bibili lang kami ng puding do'n sa may bakery." Rinig kong sagot ng batang babae. Nakita kong nagkamot ng ulo ang security guard. "Kayo talaga oo--teka hoy! Bawal kayo pumasok!" Ngunit huli na. Mabilis nang lumapit sa akin ang tatlong bata at sabay sabay na naglahad ng mga kamay para makahingi ng pera. "Naku, ma'am! Pasensya na ho! Ang kukulit talaga ng mga batang 'to." Lumapit ito sa mga bata. "Halina kayo dito! Huwag niyong guguluhin ang mga empleyado dito." "Naku ayos lang ho." Sabi ko naman sa sekyu. "Oh eto...sainyo na lang." Ani ko sabay abot ng cake na hawak hawak ko doon sa mga bata. Namamangha at nakabuka ang bibig ay mabilis nila iyong tinanggap. "Maraming salamat po ate! Pagpalain kayo ni Lord!" Sabay sabay na pagpapasalamat nila sa akin. Wala akong isinagot kundi ngumiti at tumango na lang. Nang umalis na ang mga bata ay bumaling ako sa guard na wala nang nagawa kundi ang hayaan ako. Nakita kong umupo sa gilid ng kalsada ang mga bata at kanya kanya silang kuha doon sa cake. Nakita ko pang sinubuan ng batang babae ang pinaka bata sa kanilang tatlo. Tila may kung anong kumurot sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang munting eksana na iyon. Kung hindi lang pumurada sa harapan ko ang kotse ni Christian ay hindi pa bibitaw ang tingin ko sa kanila. Ibinaba ni Christian ang bintana sa tapat ko. Nakita ko kaagad na ayos na ayos at sobrang mabango pa. Hindi ko tuloy napigilan na hindi ito pagtaasan ng kilay. Mabilis itong nagsalita. "Huwag nang mag-comment. Sakay na." Hindi nga ako nagsalita pero nakataas at nanunudyo ang tingin na ibinibigay ko sa kanya hanggang sa makapasok na ako ng kotse nito. Habang bumibiyahe kami papunta sa kanila at kapag napapatingin ito sa gawi ko ay napapailing na lang. Ako naman ay hindi mapigilang matawa. "Effort na effort bestfriend ko ah..." kinanta ko pa iyon habang nangingiti at nakatingin sa labas ng bintana. Eksakto naman na sa pagtingin ko ay nakita ko ang malaking billboard ni Greg na seryoso ang mukha at naka motor racer suit. Hawak hawak ang helmet at nakahilig sa motorsiklo nito. Nag eendorse ng negosyo nito na ito rin mismo ang may-ari. Sa bagay...bakit nga ba kukuha pa ng ibang modelo kung puwede namang ito na? Napakagwapo nito at nagmomotor pa. Tumagal pa ang ginawang pagtingin ko doon sa billboard dahil na-stuck kami sa traffic. "Anong oras usapan niyo ni ate?" Kapagkuwan ay tanong ko sa kaibigan. Baka mamaya ay ma-late ito. Ayaw pa naman ni ate ng late. Pero sabagay...makupad din naman si ate kumilos. Aabutin ng ilang oras bago matapos gumayak. "Mamaya pang 8:30." Sagot ni Christian sa akin. Napatango tango. Maaga pa, 7:40 pm pa lang. Atsaka doon lang naman sa dulo ng U-turn ang traffic kapag nakalagpas na ay okay na. "Diba kilala mo si Greg?" Tanong ko kapagkuwan. Ngayon ay malayo na kami doon sa billboard na tinitingnan ko. "Everybody knows Greovanni Geoffori." Anito na para ba akong isang alien na hindi alam ang itinanong ko sa kanya. Humalukipkip ako. Everybody knows..... "Well...napagtripan ko siya noong nakaraan." Nang sinabi ko iyon ay hindi ko mapigilan na hindi matawa ulit. Hanggang ngayon nakikinita ko pa rin kung ano kaya ang itsura nito sa mga pinaggagawa ko sa kanya. "Bumingisngis mo diyan..." ani Christian. "Bakit? Ano ba ginawa mo?" Tanong nito. Pinagkrus ko ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib ko. "Hah! Yung ugok na 'yon. Balak ulit akong ihatid sa bahay...ayun kunwari sumakay ako tapos nung papaandarin na yung motor mabilis akong bumaba, tapos pumasok na ng bahay." Natatawa pa rin ay kuwento sa kanya. "Wait--ulit? Meaning, inihatid ka bago 'yon?" Unti unti akong tumango. Oo nga pala, hindi ko pa pala sa kanya o kay Elaine ang parteng iyon. Hindi ko rin naman kasi alam na si Greg pala iyon akala ko kung sinong tanga na maghahatid sa akin sa bahay, kasagkasagan pa ng malakas na ulan. "Yeah...siguro nakita niya lang akong naglalakad noon. Galing akong Circuit no'n at umuulan." "Sa Ayala Circuit?" Napapalatak ito. "Eualie, sa Forbes and bahay nila Greg at ng mga Greovanni. Imposible na pumunta siya doon, at lalo na para maihatid ka pa pauwi sainyo." Ani naman nito. "Makati rin naman ang Forbes Park. Malay mo nagmo-motor tapos napadaan sa Circuit? Ah!Basta! Ang mahalaga na naisahan ko siya." "Sabagay...pero still, mag iingat ka pa rin. Alam mo naman ang reputasyon ng Greg na 'yan pagdating sa mga babae." "Oho, alam ko ho." Mabilis kong sagot. "Sapat na ang nakita ko sa cubicle sa EWU at ang pag iyak ni ate dahil kay Greg. Tanga na lang ako kung pati ako magpapa-uto no." "Good Eualie. Because maybe I am a playboy too and toying women over the past years...I don't want to hurt you, lalong lalo na ang ate mo. I'm more than willing to be good, no...more than good for her." Kita ko sa mga mata nito ang kislap sa mga mata nito habang sinasabi nito ang mga salitang iyon. "Mabuti naman dahil kapag niloko mo ang ate. Ako sisipa sa mukha mo." Banta ko. "....but thank you. And please...take care of my sister." Nilingon niya ako at ngumiti sa akin. "I will Eualie." Mabilis niya akong ibinaba sa tapat ng bahay nila. "Ingat sa biyahe. Enjoy rin sa date Chris!" Kinindatan ko pa ito bago isara ang pinaglabasang pintuan ng kotse. "Thank you Eualie. Paano? Hatid kita mamaya?" Mabilis akong umiling. "Magta-taxi na lang ako o kaya magbu-book ng Grab." "Are you sure? Hatid na lang kaya kita." Umiling na ako. "Huwag na. Mag enjoy ka na lang sa date niyo ni ate. Don't worry about me, ano ka ba! Atsaka baka nga si Papa pa sumundo sa akin mamaya." Dahan dahan naman itong tumango. "O sige, pero huwag na huwag kang aalis hangga't walang maghahatid sa'yo pauwi." "Opo." Tumango ito at kapagkuwan ay nagpaalam na. Kinawayan ko pa ito ng isang beses bago ako tumalikod. Sa front door ay naghihintay si tita Marites na nakangiti. Hindi pa nakuntento ay lumabas ito ng bahay at sinalubong ako. Dali dali niya akong niyakap. "Happy Birthday bunso." Malambing na bati nito sa akin. Bunso ang tawag sa akin ni Tita Marites pati na rin ni ninang Kle dahil sa aming apat nila ate Eula, Elaine, Kuya Edison at ni Christian ay ako ang pinakabata. "Thank you po, Tita. Salamat rin po sa regalo." Sagot ko. Humiwalay ito ng yakap at may hanga sa mga mata nito habang tinitingnan ang kabuuan ko. "Tama nga si Christian, bunso. Dapat pala yung Victoria Secret na mga undies na ang nireregalo ko sa'yo. Dalagang dalaga ka na!" Napanganga ako. "Tita! Wala ho akong balak na gamitin 'yon kung ireregalo niyo man!" Humagikgik ito kapagkuwan ay hinalikan ako sa aking sentido. "Ito naman, joke lang. Atsaka na kapag may napakilala ka na sa aking boyfriend mo." "Tita!" "Anong tita? May ipapakilala ka sa akin pati kay ninang Kle mo na boyfriend Eualie! Hindi puwedeng wala. Aba! Sayang ang ganda bunso." Ani pa nito. Ako naman ay umiling iling. I cannot believe her. Wala nga sa isip ko 'yon. Atsaka wala sa plano ko noh! "Pero bago iyon. Halika ka muna sa loob at kanina ka pa rin gustong makita ng tito Raff mo." Salita nito sabay akay sa akin papasok sa loob ng bahay nila. Ang bahay nila Raf ay three storey. Maganda at maluwag ang bakuran. Nasa loob din ng isang subdivision. Bata pa kami ay madalas kaming pumunta dito noon ni Mama kasama si ate. After Christmas o kaya New year ay dito naman kami nagse-celabrate kasama sila Ninang Kleya, Ninong Randy na asawa nito pati sila Elaine at Kuya Edison. Hindi na iyon nasundan pa two years ago. Hindi naman kasi close si Papa sa kanila. Pero patuloy naman sila sa pag iimbita sa amin kaya lang hindi na rin puwede si Ate dahil may trabaho at busy na. Kaya nga makalipas ang dalawang taon...ngayon ko lang ulit nakita si Tita Marites at Tito Raff. "Mommy! Dalaga na si bunso!" Tawag ni tito Raff kay Tita Marites na ngayon ay nasa kusina na para maghanda ng hapunan para sa amin. Nakayakap ito na para talaga ako ang bunso nilang anak. Si Christian lang kasi ang anak nila tita kaya nga gusto nila na kapag may mga espesyal na okasyon ay nasa bahay nila kami para mas masaya. "Naku, sabi ko nga 'dy." Mula sa kusina ay rinig naming sagot naman ni tita. Maya maya ay nakita namin itong lumabas na may pot holder na parang gloves na nakasuot sa dalawang kamay habang hawak hawak ang isang babasaging mangkok. Inilapag nito iyon sa lamesa. "Sabi ko nga, reregaluhan ko ng Victoria Secret na bra at panty at dalagang dalaga na." What? Umiling iling si Tito Raff. "Marites don't ever think about it. Hindi magbo-boyfriend si bunso." Biglang tumingin sa akin si Tito. "May boyfriend ka na Bunso?" Seryosong tanong sa akin ni Tito. "Wala po. Wala pa iyon sa isip ko, tito. Naku, lagot ako kay Papa." "--at lagot ang boyfriend mo sa amin." Agad na banta rin nito. Mahinang hinampas ni Tita Marites si Tito Raff sa balikat. "Tigilan mo nga yang mga threat threat na 'yan Rafael! Hayaan mong magboyfriend si Eualie malaki na 'yan." Saway ni Tita sa asawa. "Hali na kayo sa hapag. Nakahain na." "Iniiwas ko lang, mommy." Depensa ni tito. "Heh! Tigil tigilan niyo 'ko. Masarap magkaroon ng boyfriend. Responsableng babae naman si bunso. Kaya niya 'yan." Salita ulit ni Tita na ang laki laki ng tiwala sa akin. Napapailing na lang ako pati si Tito na ngayon ay nauna nang naglakad sa dining room. Hinawakan ako sa balikat ni tita. "Magboyfriend ka bunso. Huwag mong pakinggang yang tito mo." Bulong nito sa akin. Nagkamot ako ng ulo. "Eh, tita wala pa nga po akong plano." Pag uulit ko ulit. Naglakad na kami papunta sa dining room. Tinuro ako ni Tito Raff. "See? Ayaw pa ni Eualie. Hayaan mo munang mag explore. Aba! May boyfriend na si Elaine, may asawa na si Edison, si Eula at Christian mukhang magpapakasal na. Si Bunso na lang ang anak natin 'my." Para pa ngang nagtatampo si Tito Raff. "e di gawa na lang po kayo ng bagong bunso." Biro ko. Tila nagningning naman ang mga mata ni Tito Raff. "Oo nga no--" "--Magsitigil nga kayo. Pa-menopause na 'ko.." windang na salita ni Tita. "Habol natin mommy." Singit ulit ni Tito. Mahinang hinampas ni tita si tito. "Rafael! Ano ka ba?! May bata sa harapan!" Umingos si Tito. "Kakasabi mo pa nga lang na dalaga na si Eualie.." "Heh, tumigil ka diyan!" Kita ko ang pamumula ng mukha ni Tita Marites dahil sa panunudyo ng asawa. At nagpatuloy pa ang malambing na pagbabangayan nila sa harapan ko. Ako naman ay nangingiti na. I looked at them. Sa tuwing bumibisita kami ay lagi silang ganito. Yung sweet sa isa't isa tapos naglalambingan. Pati na rin kay Ninang Kle at Ninong Randy. I witnessed their sweetness towards each other. And sometimes I saw Mama getting envy while seeing her friends happy with their husbands. Minsan nga iniisip ko kaya siguro si Mama umayaw kay Papa dahil naghahanap siya ng taong magiging sweet rin sa kanya katulad ng kay Ninang at Tita. Yung pagkukulang na hindi kayang ibigay ni Papa. Hinanap niya sa iba. Ganoon ba iyon? Kapag hindi mo mahanap sa asawa mo...hahanapin mo sa iba? Pagkatapos ng lambingan nila Tita ay nag umpisa na kaming kumain ng hapunan. Sa hapag ay bukod sa pagkain ay napuno rin ng pag-kwentuhan at tawanan. Natapos iyon na bukod sa busog na busog ako ay magaan din sa pakiramdam dahil sa mga kwento nila Tita. Ngayon ay nasa malawak kaming lawn nila Tita. Si Tito ay nasa kusina at siya na daw ang tokang maghuhugas ng pinggan. "Ganyan na talaga ang tito mo. Kahit pa ako ang babae at siya dapat ang inaasikaso ko ay ako pa ang inaasikaso." Salita pa ni tita habang nakatingin kami sa direksyon ni tito na naghuhugas pinggan. Salamin kasi ang dingding sa may labas kung nasaan kami kaya naaaninag namin si tito. "Ang swerte niyo po sa isa't isa. Swerte rin po si tito sainyo Tita.." Buong pagmamahal ay tumango si tita sa sinabi ko. "Sa totoo lang ay swerte kami sa isa't isa. May pagtatamo pero nadadaan naman sa pag uusap ng walang sigaw at bangayan. Maintindihin kasi 'yang tito mo. Parang si Papa mo....hangga't puwedeng hindi pag awayan, hindi pag aawayan." Ani pa nito. Nagbaba ako ng mukha at tumingin strao ng sandals ko na nakatapak sa mga bermuda grass. "Sana po, katulad niyo si mama." Mahinang sabi ko naman. Hindi ko tinitingnan si Tita. Hindi ko ito naringgan ng kahit na anong salita. Kaya ng nag angat ako ng tingin ay nakita ko itong umalis sa harapan ko at lumapit sa akin. Kapagkuwan ay tumabi ng upo sa akin at hinalikan ako sa noo. "Naalala ba niya na birthday mo?" Mahinang tanong nito sa akin. Dahan dahan akong tumango. "Nagpunta sa office tapos nagbigay ng cake." Sagot ko. Tumango tango ito. "Naiintindihan kita kung bakit galit ka pa bunso. Lagi mong kasama si mama mo tapos bigla na lang ganoon ang nangyari. But please understand her more. Let her explain why....hindi ko sinasabi na kinakampihan ko siya at sang ayon ako sa ginawa niya na iwan kayo--hindi kailanman, bunso...hindi kailanman." "Ang akin...pakinggan mo siya. Magtanong ka...sabihin mo lahat ng nasa puso mo. At kahit expected mo na ang isasagot ni mama mo. Magtanong ka pa rin...sabihin mo pa rin ang gusto mong sabihin. Kasi baka sakali, gumaan at maliwanagan ka." Hindi ako nagsalita. I remained silent. "Your mom's reasons still hurt you, bunso. Sa ating lahat na nakasama ang mama mo, ikaw ang pinaka-epektado. And I couldn't bear to see you sad...and lost. Hindi ka nawawala, Eualie. Nandito ako..kami, kaya ka naming pasayahin ulit." "Masaya naman po ako tita..." Masuyo itong ngumiti. "Ito lang ang nakangiti." Turo nito sa labi ko. "Pero hindi ito...at ito.." turo naman sa dalawang mga mata at sa...puso ko. Habang nakasakay sa kotse ni tito Raff at ngayong nakadungaw sa labas ng bintana at tinitingnan ulit ang billboard ni Greg dahil may kaunting traffic na naman ay nasa isip ko pa rin ang sinabi sa akin ni tita. Alam ko naman na kailangan kong maliwanagan pero ayoko pa. O baka hindi ko na gawin. It's just...I don't want to hear her side o kung ano pa mang rason ang mayroon siya kung bakit siya umalis at iwan kami....iwan ako. "Sigurado ka bang, dito na kita ibaba bunso? Puwede naman doon sa bahay niyo na mismo." Kanina pang tanong sa akin ni tito. Nakailang sagot na rin ako. "Dito na lang po, tito atsaka wala pa si Papa sa bahay. Si Christian atsaka si Ate nagdi-date pa. Wala ring tao sa bahay. Dito po muna ako besides, halos kakilala ko naman lahat ng nagbabantay na tanod at tao dito. Tambay ako dito gabi gabi." Hindi pa rin mukhang kumbinsido si tito sa paulit ulit kong sagot. "Dapat pala mamaya na lang kita inihatid. Baka mapano ka dito, Eualie." "Okay lang talaga ako dito tito. Atsaka ayun lang po yung presinto. Safe na safe ako dito." Humugot ng malalim na hininga si Tito Raff. "Tawagan mo ang landline ng bahay at si Christian kung saka sakaling wala pa ang Papa mo. Babalikan kita kaagad dito. Doon ka na lang muna sa bahay. Okay ba bunso?" Mabilis akong sumang ayon. "Yes po, tito tatawag ako. Mag iingat po kayo pauwi. Bye po!" Napipilitan pa rin ay tumango na ito. Alam kong ayaw nito nandito ako pero kasi ay balak ko munang mag-bike bago umuwi ng bahay. Pampatanggal lang ng stress. "Ikaw ang mag ingat, bunso. Yung bilin ko..." "Opo!" Sagot ko at tuluyan ko ng isinara ang pintuan ng kotse nito. Nang masiguro kong nakaalis na si tito ay doon na ako naglakad sa stall ni Harold. Mabilis ko siyang nakita at nagtanguan kami. "Huwag mo na rentahan. Pa birthday ko na 'yan sa'yo" "Oh? Talaga? Salamat, pero buti pa kayo natatandaan niyo birthday ko. Samantalang ako...nakalimutan ko talaga." Umirap sa hangin si Harold. "Iba kasi yung nakalimutan sa hindi talaga interesadong mag birthday." Natahimik ako sa sinabi nito. Sa parteng iyon kasi ay totoo. "Wala kang helmet?" Tanong naman nito kalaunan. Umiling ako. "Galing ako sa bahay ng tita ko doon ako nag-dinner hindi ako umuwi ng bahay." "Ah kaya pala. Hala sige, bike na. Huwag mo lang ibabagok 'yang ulo mo sa semento." I rolled my eyes. "In short mag iingat ka. Grabe sasabihin na lang...kailangan, in a brutal way? Thank you my friend." In a very sarcastic way I said. Natawa ito. "Oo na. Mag ingat ka. O kaya huwag ka munang mag-tricks. Bike bike ka lang." Umiling ako. "Hindi 'yon cool." Pagkatapos ay pumunta na ako sa isa sa mga tuktok. "Hay nako ewan ko sa'yo..." Hindi ko na ito pinansin at mabilis na akong nag-bike pa-ibaba. Habang dumadausdos ang bike ay mas lalong tumataas ang adrenaline rush na nararamdaman ko. This is why I love biking or doing extreme activities. They take my sadness and worries away. Saglit ko silang nakakalimutan at nag eenjoy talaga ako. This is my way of distressing to the things I am obliged to do. My way to escape those responsibilities for a while. To think and breath. Naka ilang baba at taas ako at ilang tricks din ang nagawa ko bago pinagpasyahan na huminto na...hindi lang iyong masyadong komplikado dahil wala akong helmet. Hindi naman ako ganoon ka pasaway. Baka mamaya pagkatapos na pagkatapos ng birthday ko. Doon naman ako bawian ng buhay. Buyag! Simbako! Iaakyat ko na sana ang bisikleta ng may marinig akong nagsalita. "I may not know all the rules in biking but I am hundred percent sure, one of the basic rules it has, is to wear a goddamn helmet when doing tricks." Madiin, arogante at galit na boses ang narinig ko. Umangat ang tingin ko kung saan iyon nanggagaling. Bagsak ang balikat at iiling iling nang makita si Greg na naman na nakahalukipkip ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib at nakatingin sa direksyon ko. Walang buhay kong inakyat ang bike. "Ano na naman?" Lumapit ito sa akin. Tiningnan ang kabuuan ko. "You're not wearing any pads atleast for protection. Mas lalong walang helmet. Woman....are you trying to kill yourself?" Naniningkit na tanong nito. Humarap ako ng tuluyan sa kanya. "Kanina wala. Pero nang makita kita, hindi ko pa rin gustong mamatay pero gusto kitang patayin. Umalis ka nga! Pakialamero..." But Greg pulled my arm para magkalapit ulit kami. "Hoy ano ba?!" "Magsuot ka ng helmet--" he wiggled my arms and tapped my knees. "--use pads. Naiinis ako kapag hindi ka nag iingat." Kinuha ko ang braso ko sa mga kamay niya. "Ba't di ikaw mag suot! Teka nga bakit ka nandito?" "I am here because this is my mall." Napakayabang kahit kailan. Mapakla naman akong tumawa. Tinapik ko ang pisngi nito na kinagulat nito pagkatapos ay tinuro ko ang Ayala Circuit na nasa likod namin. "Ayun yung mall. Isaksak mo sa bunganga mo. Eto?" Sabay turo ko naman sa tinatayuan namin. "Ito? Sa gobyerno 'to. Tumakbo ka munang Mayor ng Makati bago mo sabihing sa'yo 'to." Gumagalaw ang panga ay parang hindi ito nakikinig sa akin. Nakita ko ring sinusundan ng mga mata nito ang pagkilos ng labi ko habang nagsasalita ako. "Hoy! Gusto mo ba akong halikan? Mukha kang natatakam diyan--" "--Yes." Biro lang iyon pero literal na natigil ako sa isinagot niya. A-ano d-daw? Gusto niya akong halikan? "Close your tempting lips." seryoso pa ring salita nito sa akin. Mabilis kong isinara 'yon. Maya maya ay hinampas ko ang balikat niya. "Gago! Manyak!" Kinuha nito ulit ang braso ko at inilapit ako sa katawan nito. Narinig kong tumawa ito ngunit mahina lang, sakto lang na ako lang ang nakarinig. "Gago ako, oo, pero wala sa bokabularyo ko ang pagiging manyak. Unless, gustuhin mo rin na minamanyak kita." Naningkit ang mga mata ko. "By the way, hindi ang Mayor ang may-ari nang tinatapakan natin ngayon, Lie. Kundi ang mga taong nagbabayad ng buwis. I pay my taxes...so it means, akin din ito. Isa rin ako sa mga may-ari nito." "N-nagbabayad din kami!" "E di sa ating dalawa. Tapos ang usapan." May kinuha ito sa tabi ng motor nito, doon sa may handle. Isa iyong helmet pagkatapos ay dahan dahang isinuot sa ulo ko. At bago pa nito ibaba ang salamin na cover. He stared at my eyes first. "This is our place, Lie. Sa atin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD