Chapter 7

1682 Words
Chapter 7 "Bakit mo sinuot 'tong helmet mo sa'kin?" Naiinis kong salita kay Greg at pilit na tinatanggal amg helmet niya sa akin. But the more I want try to pull it out on my head the more Greg wants to stay it on my head. Urgh! "Ihahatid na kita sa bahay niyo." Anito. Kapagkuwan ay bahagyang yumukod at sinilip ako mula sa salamin na nakaharang sa mga mata ko "--and no more tricks from you this time." Umirap ako. "Eh bakit kasi gustong gusto mong makarating sa bahay namin? Type mo ba bahay namin? Atsaka hindi tayo close! Puwede ba!" Ang loko natawa lang. At dahil sa pagtawa nito mas natitigan ko ng maayos ang mukha niya. Caesar and style ng buhok ni Greg, sobrang maukit ang pagkakahulma ng panga at nubian ang hugis ng ilong. Mas makurba ang korte ng ibabang labi nito kaysa sa itaas na labi. "Lie, 'lika na." Rinig kong salita nito. Doon ako bahagyang nagising. Kumurap kurap pa ako dahil hindi ko inasahan na nakatitig na pala ako sa mukha niya. He had this one side smile on his lips when he noticed I was looking at his face. I rolled my eyes because of annoyance. "Tigil tigilan mo 'ko." Dinuro ko siya. "Hoy! Ikaw ha! Namumuro ka na sa akin. Ano ba talagang kailangan mo? Wait--" Nahinto ako. "Ito pa ba yung nahuli kita na may kahalikan sa restroom sa EWU? Huwag kang mag alala wala akong pinagsabihan.." salita ko pa ngunit pasimple kong nilagay ang dalawang kamay sa likuran ko at doon ay nagcross-finger dahil sa ginawa kong pagsisinungaling. Mataman lang itong tumingin sa akin. "I don't know what you're talking about." Kapagkuwan ay sinubukan nitong kuhanin ang braso ko pero hindi ko ibinigay sa kanya. "Hah! Wow ngayon may amnesia ka?" Umirap ako sa hangin. Aba ngumisi lang. "I'm just kidding, Lie. Of course naalala ko 'yon. That's the first time you met me right?" Tingnan mo. Napakayabang! At mukha pa palang kailan kong i-celebrate na nakita ko siya noon sa rest room ha? Gago. Nanatili akong hindi gumagalaw at nanatili sa kinatatayuan ko. At para masiguro na susunod ako ay pumuwesto ito sa likuran ko. Naramdaman ko ang dalawang palad nito doon. He slightly pushed me so I could walk towards his big Ducati. Ang kamay nitong nasa likod ay naramdaman kong umakyat sa dalawang magkabilang balikat ko. His hands are soft. Rough but soft and gentle. Ano ba 'to?! "Geez Lie. Walk." Ani pa nito dahil pinipigil ko ang mga paa ko na magpatangay sa tulak nito. Nauna itong sumakay sa Ducati nito kapagkuwan ay sinuot ang sariling helmet. Inalis ang pagkaka-stand ng motor at pinaandar ang makina. Nang matapos ay bumaling ito sa direksyon ko. Hindi pa rin gumagalaw sa kinatatayuan ay pinagmasdan ko ang kabuuan niya. He is his usual get up. Brown leather jacket beneath that is a plain shirt. Black jeans and lace up casual boots for his foot wear. Greg has toned body. Maliit lang ang bewang pero malapad ang likod at dibdib. Sexy din ang leeg nito. Nakita kong binuksan nito ang helmet sa may mata banda. "Lie, ano? Gusto mo buhatin pa kita diyan? Just tell me." Pinilig ko ang aking ulo. Pilit na inaalis ang kung ano anong mga inappropriate thoughts na naghahari sa isip ko. At lahat ng iyon ay pawang magaganda tungkol sa lalaki. Nagmartsa ako palapit sa kanya. Pinameywangan siya. "Pupuwede ba? Huwag mo 'kong bigyan ng bagong palayaw. Pauso ka e!" I heard again his devil chuckle. "I like Lie. Ako palang pala tumatawag no'n sa'yo?" Nakangising tanong nito. "Nice." Inirapan ko siya. Ugrh! Sumasakit na ulo ko kakairap sa lalaking 'to. "Ewan ko sa'yo." Sabi ko sabay lakad paalis. Nunka sumakay ako diyan sa motor mo. Nang makita niya na tumalikod ako ay narinig ko ang pag andar ng motor nito. Hanggang sa kasabay ko na siyang tinatahak ang daan pauwi sa bahay. "Sumakay ka na." "Ayoko!" "Seriously, Lie. Sakay na. Mukha ka ng tanga dahil naglalakad ka na may suot suot na helmet sa ulo." Doon ko napansin na oo nga! May helmet pa pala akong suot! "Agrh! Nakakainis ka!" Naiinis ko ng sigaw sabay hampas sa balikat nito. "Ouch, Lie! Baka matumba ako." Angil nito. "Sa tingin mo may pakialam ako? Kahit ka pa dag-anan ng motor mo..wala akong pakialam sa'yo. Ako pa unang tatawa!" Umingos ito. "Grabe ang brutal mo. But seriously. Sakay na. Promise kapag pumayag ka na ihatid kita sa inyo ngayon...hindi na kita kukulitin." Tumaas ang kilay ko. Patuloy lang ako sa paglalakad habang ito ay mabagal na pinapatakbo ang motor. "Hindi ako naniniwala sa'yo." "Really? Baby, come on." Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. "Hayop ka. Anong tinawag mo sa 'kin?" Nagsalubong ang hindi gaanong kakapalan na kilay nito. "What?" "Tinawag mo 'kong baby. Anong tingin mo sa akin? Nakalampin pa? Atsaka sobrang laspag na niyang endearment mong hayop ka. Tapos gagamitin mo sa akin? Ulol." Bigla nitong hinarang ang motor sa harap ko dahilan kung bakit ako napatigil at napatili sa sobrang gulat. Nakita kong tinanggal nito ang suot suot na helmet. Tinanggal ko na rin ang helmet sa ulo ko. Mabilis kaming nagkatinginan. Ang unang bumati sa akin ay ang napakaseryoso nitong mukha na akala mo hindi ako inaasar kanina. "You cursed a lot, Lie. Naiinis na ako. Kapag hindi ako nakapagtimpi mahahalikan kita--and I promise, you'll like it at hindi mo ako magagawang masampal." Bumaba ito ng motor at nakapamulsang lumapit ng ilang dangkal sa akin. "Now, you want that?" nanghahamon na anito. "Gag--" ngunit kaagad ko ring hindi itinuloy. "Go. Curse me..." Hindi ako nagsalita pero sobrang matalim ang tingin na ibinibigay ko sa kanya ngayon. "Good." Nakangisi na salita nito sa akin nang hindi ko itinuloy ang sasabihin ko. Ngayon ay ibinalik nito ang pagkakasuot ng helmet sa ulo ko. Kapagkuwan ay naglakad ulit papunta sa motor nito. Sumakay at ini-start. Tahimik na akong naglakad para sumakay na sa motor niya. Kahit naman inis ako at hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa ni Greg ito sa akin ay natatakot naman akong halikan niya ako. Aba! Wala pa akong first kiss. At balak kong sa magiging boyfriend ko iyon ibibigay and he is not my boyfriend and will never be boyfriend! Napakayabang na ang playboy pa. Nang makalapit ako mabilis itong umusog paunahan para bigyan ako ng espasyo sa likod. Alanganin akong sumakay. This is my first time riding on a motorcycle at Ducati pa! "Now, encircled your arms on my waist Lie." Rinig kong utos nito. "Hindi ba puwedeng sa balikat?" Tanong ko naman.. "No. Mas safe kung nakayakap ka sa akin." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. So, ano 'to? kapag niyakap ko ang bewang niya para na rin akong naka-seatbelt? Wow. "Nag a-Angkas ako. Pero hindi naman sinabi ng driver na yumakap ako sa bewang niya. Ni, hindi nga ako humawak sa balikat, sa bag ko lang. Nakarating naman ako sa EWU na buhay pa." But Greg searched for my two hands. Siya na ang naglagay ng mga kamay ko sa bewang niya. "Abno ka. Hoy! Tsansing yan ah!" Malakas na salita ko. "Basta yumakap ka. Mas safe kapag nakayakap. Huwag ng magulo." Sabi naman nito. Nanigas pa ang mga daliri ko ng maramdaman ko ang ginawang paghaplos ng kamay nito sa mga kamay ko. "Your fingers looked sexy with your new nail color." Anito. Hinahaplos pa rin ang daliri ko. Sa inis ay hinampas ko ang kamay niya. "Puwede ba! pati kuko ko pinagnanasaan mo. Manyak ka talaga." But Greg just laugh. Hindi na ito nagsalita pa at sinimulan ng paandarin ang motor. "Hug tight, baby!" Sigaw nito sa akin. Hindi ko na halos marinig ang boses niya dahil maingay ang motor at malakas na rin na tumatama ang hangin sa amin. Punyeta talaga. Sinabi ng 'wag akong tawaging baby e! Imbes na sabihin ko iyon ay napailing na lang ako. Who would have thought na maihahatid din pala ako ng mokong na 'to. At napapayag niya ako ha? Lintek. Kung hindi lang sa pangako nito na hindi na niya ako gagambalain pagkatapos nito ay nunka na magpapahatid ako hanggang sa bahay. Habang nagmamaneho ito ay napapatingin ako sa likod nito na nakadikit na sa dibdib ko. Bahagya kong inamoy ang likod niya. Napatango. Infairness, super bango. Kung hindi nga lang sa reputasyon ng lalaking ito sa mga babae ay panigurado magka-crush ako dito. Gwapo na. Mayaman pa. Maangas pa pumorma. Kahit naman sino malalaglag ang panty kapag nakita itong si Greovanni. Kaya lang ekis na agad sa akin dahil pinaiyak ate ko. Nagmomove-on pa nga lang kapatid ko sa kanya, nakita ko ng may kahalikan sa banyo. Grabe talaga. Nang maaninag ko na ang bahay namin ay nag-ready na ako. Bumagal ang pagpapatakbo ni Greg sa motor nito. Nang huminto na kami ay kinalas ko ng nakayakap kong mga braso sa bewang nito. At bumaba na ng motor niya. Greg also wento down from his Ducati. He took off his helmet and went to me. Ito na ang nagtanggal ng helmet ko. "Thank you sa paghatid. Tuparin mo ang pangako mo." Ani ko. But Greg just stared at me. He had this smirk on his face. Later on, he nodded. Tatalikod na sana ako sa kanya ng tinawag naman nito ang pangalan ko. "Denise Eualie." I looked back and faced him again. "What's with the full name?" I swear, yung kilay ko papantay na sa hairline ko sa sobrang taas. Umiling si Greg pero nakangisi pa rin. "Ano nga?" "Happy Birthday." Ang nakataas kong kilay ay unti unting bumaba. Ang labi ko naman ang dahan dahang napangnga dahil sa sinabi niya. Bakit niya alam ang birthday ko? Tumikhim ako. "Hindi ko birthday." Sagot ko. Well, technically hindi naman na talaga kahapon-- "Ngayon hindi na pero kahapon, oo. Sige na, bye. By the way, hope you like my gift." Iyon lang ay tumalikod na ito at swabeng sumakay sa Ducati nito. Nanatili akong nakatayo sa harap ng gate namin, hindi makapaniwala. Malayo na rin ito at wala na sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD