Chapter 8
"Number four....stalker." mahinang salita ko habang sinusulat ko sa isang maliit na notebook ang dagdag sa pinaka-ayaw ko kay Greovanni.
"Hoy ano 'yang pinagsusulat mo?" Tanong ni ate sabay silip sa notebook ko. Mabilis ko naman iyong isinara.
Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Kakauwi lang galing sa date nila ni Christian itong ate ko pero hindi pa rin nakabihis. Kumakain pa ng cake. Ang tinidor ay nasa bunganga nito.
Inilapag ni ate ang tinidor pagkatapos ay akmang aagawin ang notebook at dahil mas mabilis ako ay hindi niya iyon nakuha mula sa akin.
"Pa! Si Eualie may ligaw na!" Sigaw ni ate kay Papa. Ang labi nito ay bilot pa ng cake.
"Eksaherada!" Lumapit ako kay ate pinalo ko siya sa balikat.
"Pa! Si Eualie namamalo oh! Kinikilig--aray!" Kinurot ko siya.
Maya maya ay lumitaw si Papa mula sa sariling kuwarto nito. Nakabihis na at dala dala ang hamper na lalagyan ng mga labahang damit namin.
"Oh? May ligaw na?" Naglakad si Papa papasok ng kusina dala dala pa rin ang hamper. Maglalaba siguro ngayong gabi.
"Ano ka ba 'pa? O.A yang si Ate." Inirapan ko pa si Ate na natatawa na lang habang kumakain mg cake.
"Sus, deny ka pa. Eh sino nagpadala ng cake na 'to? Infairness ang sarap niya."
Pinameywangan ko siya. Nasa dulo na ng dila ko ang pangalan ni Greg pero sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan ay hindi ko itinuloy sabihin ang pangalan ng lalaking 'yon.
"Pake mo kung kanino galing." Sagot ko na lang sabay talikod sa kanya.
Narinig ko ang ma-ala demonyong tawa ni Ate. "Uy..marunong na siya magsinungaling." pakantang tukso ni ate sa akin.
Nahuli ako ni Papa na iniirapan si ate. Ang mukha nito ay seryoso. "Bunso, may ligaw ka na? May papalakulin na ba ako? At bakit alam niya na paborito mo ang blueberry cheesecake? Hmmm? Eh si Mama mo lang ang nagbe-bake non para sa'yo."
Biglang lumitaw si ate mula sa likod ni Papa at nagsalita rin. "Atsaka hindi mo naman ugali na ipagsabi mga paborito mo sa ibang tao?" niyugyog pa nito ang balikat ng tatay namin. "Pa...may ligaw na nga si Eualie!"
Si Papa naman ay nakayakap ang dalawang braso sa ibabaw ng dibdib nito at matamang nakatingin sa akin.
"Ay nako! Ewan ko sainyo. Wala nga. Atsaka bakit naman ako magpapaligaw?"
"Bakit hindi ka naman liligawan? Eh napakaganda mo, anak.." salita naman ni Papa.
"Pero syempre pinakamaganda ako." Ani naman ni Ate.
I show my disgust face to my sister. "Yuck lang ha."
Sa huli hindi na rin ako napilit pa nila Papa kung sino ang nagpadala ng cake. Nasa kuwarto na ako ni ate na ngayon ay puro lovesong na ang pinapatugtog.
Habang ako naman ay nakahiga na at may tinitingnan lang sa cellphone. Kanina hindi ko pinakialaman ang pinadala ng lalaking 'yon. Bakit ko naman kakainin? Ang creepy kaya. Tama si Papa, walang nakakaalam na paborito ko ang klase ng cake na 'yon tapos makita kita ko nagpadala na si Greg ng blueberry cheesecake dito sa bahay?
Ayoko mang makita siya ulit pero mukhang mapipilitan akong makipagkita. Ayoko na lumalapit lapit si Greg sa akin. I know his reputation. At ayokong makita ng mga tao na isa ako sa mga mabibiktima niya.
Mas inayos ko ang hoodie na nakasuot sa ulo ko. Not that I don't him as a human pero ayoko sa kanya dahil lalaki siya at babaero pa.
Sa pagscroll ko ng sa news feed sa f*******: ay may nakita akong post ng isang kilala sa school yunh dating naging Homecoming queen. Nasa bar ito kasama ng iilan nitong kaibigan na pawang sa EWU din nag aaral.
The bar party was a blast. A bar birthday party.
Kanya kanyang selfie ay halatang nag-eenjoy.
Sa pag-view ko pa ng mga pictures ni Alexa ay nakita ko si Greg doon na may ka-akbayan na babae. Yung babae naman akala mo linta ang bibig kung idikit nito iyon sa leeg ng lalaki akala mo uubusun si Greg. Itong lalaki namang 'to, gustong gusto naman.
Napaling na lang ako.
You see? He is so playboy. Hindi marunong mag-seryoso sa babae.
Kinabukasan ay natapos ko ng maaga ang trabaho ko sa firm na hindi gaanong pagod. Hindi naman kami pumunta sa field. Paupo-upo lang ako halos buong araw o kaya inuutusan ng kung ano ano. Ngunit karaniwan ay pag e-encode lang.
Kakaway na sana ako sa guwardiya ng mamataan ko si Greg na kinakausap ang security guard. Nakahilig ito sa motorsiklo at naka frameless shades na suot sa mga mata. Naka-leather jacket din at dark blue na denim pants.
Nang makita ako ng guwardiya ay kaagad akong tinuro kay Greg na ngayon ay nakatingin na kaagad sa akin. Huminga ako ng malalim. Okay, ayoko siyang makita pero kailangan ko siyang tanungin tungkol doon sa cake.
Mas sinukbit ko ang aking bag at naglakad papunta sa direksyon nito. I saw him stand straight and he immediately get the extra helmet hanging on the handle of his motorcycle. Napairap ako sa hangin. Mukhang siguradong sigurado itong sasakay ako ulit sa motorsiklo niya ah?
Narinig ko itong nagpaalam sa guard. "Sige Bert, salamat. Aalis na kami." Sumaludo naman ang guard. "Salamat din, Sir!"
Tumango si Greg kapagkuwan ay lumipat sa akin ang tingin nito. Lihim akong napalunok...well, that frameless rectangular shades is...okay aaminin ko na. Mas lalong nagpaguwapo sa kanya.
Kaya nga obvious na ang pagbubulungan ng iilang kasabayan kong mag-OJT tapos ang mga regular din na empleyado habang nakatingin sa amin ni Greg ngayon.
Pinameywangan ko siya. "Hindi ako sasama sa'yo. May itatanong lang ako." Kaagad kong salita.
Pero ang loko imbes na ma-dissapoint ay ito pa ang nagsuot ulit ng helmet sa ulo ko.
Katulad kagabi ay iniangat nito ang salamin sa may bandang mata ng helmet.
"You can ask me later. I waited for you here, ilang oras din ang hinintay ko para masiguro na ako ang magsusundo sa'yo ngayong araw..." mas lumapit ito sa mukha ko. "...kaya hindi ako tatanggap ng pagtanggi mo."
"Eh sino ba kasing may sabi na maghintay ka?! Hindi nga ako sasama sa'yo. Magku-commute ako." Salita ko naman.
Hindi ito nakinig. Basta na lang sumampa sa motor nito at pinaandar na. His hand gripped on the handle, then he looked at me.
"Baby come here. You can ask me why I know your favorite cake later.. But first, ride with me and I'll take you somewhere beautiful. There I'll answer you. Lika na..." baritono ang boses nito pero malambing.
Bigla na lang kumakalabog ang dibdib ko dahil sa boses nito. This is not good.
"Huwag mo nga akong gamitan ng ganyang boses!" Nagmamartsa akong lumapit sa kanya. Nang makalapit ako ay kinurot ko siya sa tagiliran.
"The f**k baby?!" Gulat na impit na sigaw nito.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Hindi mo ako baby! Puwede ba!" Tumingin tingin pa ako sa paligid. Alam ko may nakarinig ng sigaw na iyon ni Greg.
He chuckled. "Nah...I like baby-ing you." Aba ang gago iyon lang ang sinabi. "By the way I love your new nail color today. Kaya lang mas sexy yung kulay na ginamit mo kahapon."
Mabilis kong tinago ang mga daliri ko sa kanya. "Tseh!"
Naaaliw na tumawa lang ulit ito na para bang aliw na aliw sa galit na pinapakita ko sa kanya. Maya maya umusog na ito para magkaroon ng maluwag na espasyo ang likuran. "Hop in, babe."
Umirap ako sa hangin at sinunod ang gusto niya.
Nang makasakay ako ay ito na mismo ang naglagay ng mga kamay ko sa bewang niya.
"Ombre...nice." I heard him said while complementing my nail color..again.
"Napakamanyak mo talaga. Pinagnanasaan mo ba mga kuko ko?"
Mabilis na umiling ito.
"Well, your fingers are delicate and sexy pero mas pinagnanasaan ko yung may-ari."
Hinampas ko ang matigas na tiyan nito. "Umandar ka na nga! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."