Chapter 9
"Wow so beautiful..." sana marinig ni Greg ang kasarkasmuhan sa boses ko.
Ang sabi niya pupunta daw kami sa something na maganda.
Tapos malaman laman ko...dito lang pala sa Manila bay?
"Pinagloloko mo ba ako?" Tanong ko sabay harap sa kanya.
Pero ang gago, tumawa lang. "You are so judgemental, lie."
Pinagtaasan ko siya ng kilay.
Dumiretso ito sa likod ko. Mula doon gamit ang dalawang kamay ay hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko at pinagalaw ang mukha ko paitaas. "Dito ka tumingin..." anito sa may papalubog na araw.
Pagkatapos ay ginalaw ulit ang mukha ko paibaba. Doon naman sa may mga dumi. "Hindi diyan..."
Ginalaw ko ang ulo ko para makakawala sa mga kamay niya.
"Atsaka wala naman nang mga dumi. Hindi na rin mabaho katulad dati. Come here..." salita pa nito sabay kuha ulit ng kamay ko.
Pinasampa niya ako sa may malapad na gater. Nahampas ko pa ang kamay nito dahil bigla bigla na lang niya aking binuhat.
"You're light as cloud, Lie. Kumakain ka ba?"
I rolled my eyes. "Grabe makapagsalita sa pagiging judgemental, pero kung maka-judge ka sa akin wagas."
"Well, I'm stating facts. Totoo namang magaan ka."
"Ulol ka. Bakit nung pag-judge ko dito? hindi din ba state of facts 'yon?" Singhal ko naman.
Sumusuko itong nagtaas ng dalawang kamay. "Darn, baby. I'm just asking if you eat. That's all. Damn. You're toasting me.." hindi makapaniwala nitong salita.
Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo. Atsaka bakit nga pala ako dinala dito? Anong tingin mo sa akin? Hindi pa nakakapunta ng Manila Bay? Atsaka may atraso ka pa sa akin. Bakit mo ako pinadalhan ng cake? Bakit mo alam ang favorite cake ko? Sumagot kang hayop ka kundi masasapak kita."
Ngunit sa lahat ng tinanong ko. Wala itong sinagot. Tumawa lang ito ng malakas na para bang natutuwa pa siya na galit na galit ako.
Hinampas ko ulit ang balikat niya. "Huwag mo nga akong tatawanan!"
Nang marinig nito ang sinabi ko ay unti unti itong tumigil sa pagtawa ngunit may ngisi pa rin sa labi nito.
"I will answer your questions. Hindi ko lang mapigilan na hindi tumawa. Lie, do you have any idea how pretty you are....kapag nanlalaki 'yang ilong mo tapos pilit mong pinapalaki yang mga singkit mong mga mata? I swear could kiss you. But then, I know you won't let me do that.."
"B-buti alam mo." Teka bakit ako nautal?
He smirked. "Someday you'll crave for my kisses, bab--aww!"
Kinurot ko ang punong tainga nito. "Buti nga sa'yo. Nangangarap ka kasi ng gising. FYI. I'll never crave for you." Sigurado kong sabi.
But Greg only smiled at me. Habang nakahawak sa tenga nitong namumula dahil sa pingot na ginawa ko.
Umiwas ako ng tingin. Lihim na napalunok.
Hindi na ako tumingin sa kanya. At nanatiling nakatingin sa papalubog na araw.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko bakit ako pumayag na sumama sa hinayupak na katabi ko.
Unang una. I don't know him. Well, everybody knows him, but I don't know anything about him...personally. Hindi pa kami close.
Hay nako! Ewan ko na talaga.
"I brought you here because, this place is really beautiful..." rinig kong pagsasalita nito ulit.
Sarkasmo na sana ako na tatawa nang magsalita ito ulit.
"I mean, look at that sunrise...hindi ba siya magandang tingnan para sa'yo?" He asked.
Tumikhim ako. Umayos ng upo. "Maganda. Pero sa mga taong katulad mo? Parang ang labo naman na sa mga ganitong lugar ay nagagandahan ka..."
Greg didn't bother to look at my direction. Instead he admired more the scenery infront of us.
"That's an unfair judgment, Lie." Salita nito maya maya. "Yeah...I can go to places more beautiful than this. More comfortable than this...." unti unti itong tumingin sa akin. "...prettier than this but--I chose not to. Hindi lang naman ganda ang gusto ko. I want to be in a place where I can find peace. Be with someone I feel peace with."
Lihim akong napasinghap dahil sa sinagot nito.
Tumikhim ako."Ang lalim naman 'non. Oo na, wala na akong sinabi." Salita ko pangtakip sa pagkamangha ko sa sinabi niya.
"Eh bakit mo nga pala alam ang favorite cake ko? Are you my stalker?"
Ngumisi ito. "Gwapong stalker..."
Unti unting lumaki ang mga mata ko. Napanganga. Nung tinanong ko ang tanong na iyon, nasa utak ko na na magiging defensive ito o kaya magsisinungaling o kaya iba ang magiging sagot.
"Isara mo 'yang labi mo. Hahalikan ko 'yan sige ka." Pananakot pa nito.
Nahampas ko siya ulit sa balikat. "Huwag ka ngang magbiro. Hindi ka nakakatuwa."
Sumeryoso ang mukha nito. "I'm not joking, Lie. Hahalikan talaga kita--"
Hinampas ko ulit siya. "--hindi iyon ang tinutukoy ko. Yung tungkol sa sagot mo."
Umiling si Greg. " Hindi din ako nagbibiro tungkol d'on, lie. It's true. I stalked you."
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita. Nanatili lang na nakatingin sa kanya na para bang tinubuan ito ng isa pang ulo.
"Hey, talk please. I'm sorry. I cannot help it."
But I didn't answer again. Still processing.
"Lie, I'm interested in everything about you. From the day that I saw you on that bathroom. The first time you slapped me...I cannot get you away out of my system. So I had to know all about you--"
"--nagugutom ako." Ngunit bigla ay salita ko na nakapagpatigil kay Greg sa pagsasalita.
Umalis ako sa pagkakaupo sa gater at tumalon para maghanap ng makakain.
Kahit sa totoo lang ay gusto ko ng umalis doon. I don't want to hear any words coming from him. Parang ano...parang weird. Bakit biglang nawindang ang utak ko sa mga pinagsasabi niya tapos tapos....nagsisimulang lumakas ang kaba sa dibdib ko.
Huminga ako ng malalim habang nakatayo sa harap ng cart ng nagtitinda ng street food.
"Kuya, bente pesos nga pong fishball. May maanghang kayong sawsawan?" Tanong ko sa mama sabay kuha ng pera sa bag ko.
Inabot ko iyon at mabilis naman nitong kinuha.
"Yes ma'am. Meron." Sagot ng mama.
Tumango ako ay kumuha na ako ng disposable na baso at isang stick ng barbeque. Nag umpisa nang magsalang ng fishball yung tindero.
"Lie, Gusto mo bang kumain? Halika...maghahanap tayo."
Hindi ko namalayan na nakasunod na sa akin si Greg. Hindi ako nagsalita at nagpatuloy sa pagkain ng fishball. I'm eating because I'm really hungry. I'm eating because I'm confused and my heart keeps on beating fast. Lalo na ng mas lalo pang lumapit si Greg sa tabi ko.
"Hey, did I made you feel awkward? Sorry...I need to be honest--"
Pinahinto ko siya sa pagsasalita gamit ang pagsubo ng fishball sa bibig niya na nakatusok sa barbeque stick. Huli na ng marealise kong ginagamit ko iyon na isinubo ko pa sa kanya.
"I'm sorry! I'm sorry! Iluwa mo dito!" Pagso-sorry ko sabay kuha ng isa pang disposable cup para doon niya iluwa ang sinubo kong fishball.
Nakakahiya.
Ngunit imbes na gawin iyon ay nakita ko pang nginuya nito at kapagkuwan ay nilunok. "What's this? Masarap, babe." Kumuha pa ito ng fishball sa disposable cup na pinaglalagyan ko at tumusok pa ng tatlo pagkatapos ay kumain ulit. Gamit pa rin nito ang barbeque stick na ginagamit ko.
I'm unable to talk because of what he is doing right now.
"Barbeque stick ko 'yan..." sa wakas ay salita ko.
"This? So?" Sabay pakita pa ng stick sa akin. Like its not a big deal.
Tumingin siya kay Manong.
"Can we get more of these?" Inosenteng tanong nito. Iniangat pa ang fishball na nasa disposable cup.
"Piso isa, sir." Sagot ni Manong?
"Whoah...that cheap? Wow. Paanong hindi ko 'to nalaman?" Nakita kong kumuha ito ng lilibuhin sa wallet nito. Kaagad ko naman iyong ibinaba sabay tingin sa paligid.
Diyos ko, maninilaw pa ng magnanakaw itong tao dito.
"Wala ka bang smaller bill? Baka biglang hablutin 'yang wallet mo." Ani ko.
Ngunit ay umiling ito. "These are only my smaller bills." Sabay pakita ng maraming one thousand.
Napatapik ako sa sarili kong noo.
"Sana all." Nasabi ko na lang. "Itago mo na 'yan. Ako na sagot dito. Baka manakawan ka pa."
"But, this is our first date. I should be the one paying--"
"Hoy! Greovanni. Ako tigil tigilan mo sa mga date date na yan ha? Hindi tayo nagdi-date! Kanina ka pa. Tigilan mo ko. At kapag sinabi kong itago mo yang wallet mo. Itago mo. Naiintindihan mo 'ko? Ayokong masaksak tayo!" Gigil ko ng salita sa kanya.
Bigla nga nitong itinago ang wallet sa harapang bulsa. "Okay...okay...I get it." Pagsuko nito.
Tumango ako. "Good."
Umalis ako sa harapan niya at humarap kay Manong. "Ilan na ho yung nakukuha kong fishball?" Tanong ko dito.
"Sampu pa lang. May sampu ka pa, miss."
Tumango ako at kumuha pa ng bente sa bulsa. "Isa pang bente para sa kasama ko."
Then I looked at Greg who is already looking at me.
May something sa pagtitig niya sa akin...
Admiration?
Umiling sa sariling iniisip. Gaga ka talaga Eualie. Bakit mo naman iniisip 'yon?
Playboy yan. Malamang kaya niyang peke-in ang pinapakita niya para lang maka-skor sa'yo. Mag isip ka nga.
"May iba ka pa bang gusto?" Tanong ko sa kanya.
"Yes." Seryoso nitong sagot.
"Ano? Ituro mo na..."
He pointed his finger at me. Nang makita ko iyon ay kaagad nitong nilihis ang daliri sa may tapat ng kwek-kwek.
May sinusupil na ngiti sa mga labi nito.
"Ilan noon ang gusto mo?" Patay malisya na tanong ko.
"Just one."
"Okay..." tumingin ako kay Manong. "Manong isa ding kwek kwek. Salamat."
Nang maluto lahat ng binili ko ay lahat ng iyon ay pinaghatian namin ni Greg. Kumuha ako ng isa pang disposable cup para sa kanya pati na rin ng stick na gagamiting pangtusok nito.
Tahimik kaming nagmeryenda.
"Sawsawan?" Alok ko.
Ngumunguya ay tumingin ito sa inaalok ko sa kanya. I saw he licks his lower lip. Nag iwas ako ng tingin.
"What's the taste of that?" He then asked me.
"Ahm..sweet and hot."
Nang marinig ang sinagot ko ay ayan na naman ang ngisi nito. "Really? Para palang ikaw..."
"Gusto mo ba? o magdidikdik ako nitong labuyo tapos ipapakain ko sa'yo? Sigurado ako, hot din 'to." Salita ko naman sabay pakita sa kanya ng mga siling labuyo na katabi lang din ng mga nakalubog na mangga.
"Lie..." he warned me.
"What?" Patay malisya kong tanong. "You want hot right? Hot 'to." Sabay pakita ng tatlong siling labuyo. "Pervert." Mahinang dugtong ko.
"I know those. Alam ko ding hot 'yan. Pero mas hot ka and sweet." Inilapag nito ang disposable cup na ngayon ay wala ng laman.
Dumaan ito sa likod ko.
Napaigtad ng hawakan niya ako sa bewang. "And I meant that compliment. At hindi iyon sa paraan ng pangbabastos. I am not that kind of man. Lie," he said over my ear.
"You're hot but I respect you." Salita pa nito sabay kuha na ng kamay ko at inakay na ako paalis ng fishball cart.
Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa motor nito.
Nasa likod ako at ito ang nauunang naglalakad.
Kahit ang likod nito makisig rin. I mean, looked at that shoulders. Napaka firm. Yung kamay niya...maugat pero makinis. Mukhang rough pero ngayong hawak ko...malambot tapos mainit pa.
Binitawan lang ni Greg ang kamay ko dahil kinuha nito ang helmet na suot suot ko kanina.
Isinuot nito ulit sa akin.
Ngayon halata na ang pagiging tahimik nito.
Sumakay ito sa motor. Sumakay na rin ako.
Ipapatong ko na sana ang mga kamay ko sa balikat niya nang bigla naman nitong kinuha at ito na ang naglagay sa sariling bewang nito.
"Your hands always on my waist, Lie. Always. okay?" Seryoso ang boses nito.
"O..kay.."
Iyon lang ay pinaandar na nito ang motor.
May traffic kaming nadadaanan ngunit mabilis iyong nalulusutan ni Greg. Kaya naman wala pang isang oras ay nakarating na kami sa Ayala Circuit.
Sinabi ko kasing dito na niya ako ibaba.
"Alangan namang sa tapat ka pa ng bahay namin huminto? Ayokong machismis noh." Sabi ko sa kanya nang nagtanong ito kung bakit hindi puwede.
Ngunit ang akala kong mangungulit ay hindi nito ginawa. Bumalik sa pagiging seryoso ang mukha ni Greg.
Did I over judged him? Bakit parang kasalanan ko?
"Sige na, alis na. Uuwi na ako." Pagpapaalis ko sa kanya.
Ngunit imbes na umalis ay mas lalo itong sumandal sa motor niya. Mas lalong humalukipkip ang mga braso sa dibdib.
"Eualie! Nandito ka na pala!" Rinig kong tawag sa akin ni Harold.
"Maraming bike ngayon na available...turuan kita ng tricks! Pero yung safe lang. Wala ka pa palang helmet. Alam mo? Bili ka kaya. Nag aalala ako baka mamaya bumaldog ulo mo--ay! may kasama ka pala..." biglang nahiya ito nang makita si Greg na nasa harapan ko. Dumako naman ang tingin ni Greg kay Harold. Mas lalong naging seryoso ang mukha nito. I even saw his jaw clenching.
Humarap ako kay Harold. "Rold, maya na tayo mag usap. Uuwi muna ako sa bahay tapos magpapalit ng damit. Pagkatapos babalik ako dito." Ani ko.
Tumango tango naman ito ngunit nakikita ko pa rin ang kagustuhan nitong magtanong bakit kasama ko si Greg ngayon.
"S-sige...hintayin kita." Iyon lang ay alanganin na itong tumalikod.
Maya maya ay humarap na ako kay Greg na seryoso pa rin ang mukha. Nagkatinginan kami.
"Ahm..uuwi na ako." pagpapaalam ko na sa kanya.
Ni hindi ito tumango man lang. Nag aalangan tuloy akong umalis.
Pero sa huli ay nagawa kong tumalikod ngunit maya maya ay humarap ulit sa kanya.
"Bakit hindi ka nagsasalita?" Bakas na ang inis sa boses ko.
"Ugrh, nevermind.." tumalikod ulit ako.
Lulugo lugo akong naglakad. "Eh di sorry!" bulong ko sa sarili habang naglalakad.
"Lie..."
Hindi ako lumingon.
Hindi ko na ulit narinig ang boses ni Greg kaya nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pero ganoon na lang ang gulat ko ng maramdaman ko ang kamay nito sa bewang ko at halos buhatin na ako para madala lang sa tapat ng motor nito ulit.
Mabilis niya akong isinandal sa motor habang ito naman ay pumuwesto sa harapan ko. Ang dalawang braso nito ay kinukulong ang bewang ko.
"Naiinis ako dahil ang dali dali mo akong i-judge. I hate it and it annoys the hell out of me..." salita nito habang palapit ng palapit ang mukha nito sa mukha ko.
Palayo ng palayo naman ang mukha ko sa kanya. Napansin siguro nito kaya gamit ang kamay na nakatungkod sa ibabaw ng motor ay hinawakan nito ang likod ng ulo ko at pinalapit sa kanya.
"H-hoy.." nauutal kong saway.
"Kaya nag iisip ako kanina kung anong magandang gawin para wala na tayo sa stage na ganito."
"Stage na ano? Teka nga...bakit may stage?" Nalilito ko ng tanong sa kanya.
"Para mas makilala mo ako at mas makilala kita..."
"Believe me...mas hindi ko naintindihan. Stop pulling my face to you Greg! Ang lapit na natin sa isa't isa!"
But he didn't listen.
"I'm interested to you, Denise Eualie. And I will know you more. Sa ayaw at sa gusto mo. And I'm willing to be an open book to you, baby, so you can know me too."