Chapter 10
Noong sinabi niyang interesado siya sa akin ay totoo ngang hindi ito nagbibiro.
Sa araw araw na pag-o-OJT ko sa firm ng kuya niya ay halos araw araw ko siyang nakikita at laging nagdadala o kaya naman nagpapadala ng kung ano ano.
"Nanliligaw ba sa'yo si Sir Greg?" Napatingin ako sa isa sa mga babaeng empleyado ng firm. Nabitin ang akmang pagsukbit ko sa aking bag.
But the woman shrugged her arms. "Huwag mo ng sagutin. Halata naman."
Napataas ako ng kilay. "Hindi." Maikli kong sagot. Eksakto naman na pagkasagot ko niyon ay pumasok ulit si Kuya Bert sa loob ng opisina.
"Ma'am Eualie...nasa labas po si Sir Greg."
Wala sa sarili akong napatingin sa babae. Ito na ang nakataas ang kilay ngayon na para bang sinasabi nito na. 'Weh? di nga?'
Nagkibit na lang ako ng balikat. Pagod na akong magpaliwanag. Obviously hindi lang naman siya ang nagtatanong kung nanliligaw ba si Greg sa akin. Bahala sila...
Nakakapagod na ring magsabi ng 'hindi.'
Sinukbit ko na ang aking bag at lumabas na ng firm. Pagkalabas ko ay nandoon nga si Greg and with his usual get up.
Wala ba silang practice ngayon para sa graduation? Bakit 'to nandito?
Walang ingay akong lumabas ng firm. Mabuti na lang ay nasa tapat na rin ng entrance ang service van na magdadala sa amin sa Bulacan ngayong araw.
Mabilis akong pumasok doon at sinara na rin ang van para hindi na rin ako makita pa ni kuya Bert at maituro pa kay Greg.
Nang magsipasukan na ang mga surveyors ay mabilis na kaming umalis.
Kinuha ko ang aking earphones at nagpatugtog na lang sa cellphone habang bumibiyahe.
Saglit lang din kami doon. Iinspeksyun lang ang mga materyales na gagamitin at pagkatapos ay magkakaroon ng meeting sa munisipyo kasama ng Mayor doon.
Mamayang hapon naman kapag natapos ng maaga ang lakad namin sa Bulacan ay didiretso ako sa EWU may kukuhanin ako at mula doon ay sabay na kami ni Christian na pupunta sa bahay nila.
Nag aaya na naman kasi si Tita Marites na doon ako maghahapunan. Dahil sabado naman bukas at sa firm lang ako pupunta at tanghali pa naman iyon ay pumayag na ako.
Napatingin ako sa cellphone ko ng makita ko na may isang text si Greg.
I tapped his message displayed on my notification screen wall.
Greg:
Tinakasan mo na naman ako.
I exit the message and I didn't bother myself replying him. Huminga ako ng malalim.
Sa ilang araw na laging ganito si Greg. Yung laging persistent, lagi kong nakikita, laging may bagong alam tungkol sa akin...nakakatakot na.
Minsan hindi ko na nga alam kung saan ba niya nakukuha ang lahat ng impormasyon tungkol sa akin. Katulad na lang ngayon....
Pagkadating na pagkadating ay kaagad kong nakita sa table ko ang sandamakmak na vrootman cookies na paboritong paborito ko. Noong nakaraan naman, nagpadeliver sa bahay ng galon galon na ben and jerry's na ice cream.
Pati si Papa at ate ay naku-curious na at masyado na akong kinukulit kung sino ba ang nagpapadala ng mga pagkain sa bahay.
Hindi ko naman sila masagot dahil kilala nila si Greg. Lalo na si ate.
Kahit pa nakikita ko naman na masaya na siya kay Christian ay alam kong inappropriate kung sasabihin ko na ang ex niya ang nagpapadala ng pagkain sa bahay at para sa akin pa.
Napahilot ako ng sentido.
Hindi ko na alam ang gagawin ko sa lalaking yon.
Nuknukan ng kulit.
Nanatili akong nakatingin sa bintana ng van nang mapansin ko na lumiko kami sa isang stop over dito sa may NLEX.
Magpapa-gas ba?
Ayos lang din dahil makikigamit ako ng restroom.
Kaya naman ng huminto na ang van sa tapat ng isang gasoline station ay nagpaalam akong pupunta na muna sa restroom.
Lakad takbo ang ginawa ko papunta doon. Nang makarating ay nagpasalamat ako dahil halos walang pila. Magkabilaan din ang restroom para sa mga babae.
Pumasok ako sa isa sa mga cubicle at ginawa na ang munting seremonya. Pakanta kanta pa ako habang nakaupo sa inodoro. Sa mga ganitong pagkakataon ay masuwerte na talaga ang walang pila sa female restroom. Yung hindi ka pipila ng pagkanda haba haba habang namimilipit ang mga binti para mapigilan ang pagsabog ng pantog mo.
Geez, doon talaga nasusubok ang pasensya ko. Lalo na kapag matagal lumabas yung nauna sa akin sa CR? Tapos feeling ko sasabog na talaga?
I can control the poop but never the pee. I hate that feeling , ever.
Nang matapos ay mabilis akong lumabas ng cubicle at dumiretso na sa sink. Naghugas ako ng kamay at nagpunit ng tissue na nakasabit sa may gilid para magpunas.
Lumabas na ako doon at paliko na habang nakayuko ang ulo dahil may hinahanap ako sa bag. Nasaan na yung alcohol ko?
"Ah! Eto!"
Kaagad akong nag-spray sa kamay. Ibinalik sa bag at nagpatuloy sa paglalaka--"Oh my god!" Napasapo ako sa aking dibdib dahil sa matinding gulat.
Paano ba naman kasi! Nakita ko si Greg na nakasandal sa may pagliko palabas ng mismong restroom at nakatingin na kaagad sa akin bago pa man ako makatingin sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat pa rin ay tanong ko sa kanya.
Mula sa pagkakasandal ay tumuwid ito ng tayo.
"Why am I doing here?" Tila nag isip ito. "Maybe because you escape again. That! That's the answer."
Pinaikot ko ang mga mata ko. "Ano naman? Alam mong may trabaho ako. Alam ko namang manggugulo ka lang." Ani ko sabay lagpas sa kanya.
Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay nasa harapan ko na ito kaagad.
Kung kaming dalawa lang ay kanina ko pa siya nahampas sa balikat o sa dibdib. Kaya lang ay hindi...
Halos lahat ng tao na dumadaan o kaya nagagawi ang tingin ay nakikilala na kaagad si Greg. I even walked backward because some girls pass right infront of me just to ask Greg for a picture.
Greg saw that, but he didn't had a chance to say even a word because people keep on calling now his attention.
Iiling iling ay naglakad na ako at naglakad na pabalik sa van.
Ngunit ganoon na lang ang takot at gulat ko ng makita kong wala na sa dating pinaghintuan ang van!
Hala? Iniwan ako? Hala!
Nagpalinga linga pa ako. Lumapit ako sa isa mga gasoline boy dito sa gas station.
"Sir, umalis na po ba yung van na nagpapa-gas lang dito kanina? Halos kakahinto lang ho." Turo ko pa sa pinagpuwestuhan nito kanina.
Tila nag isip ang gasoline boy kapagkuwan ay tumango.
"Ay oo! Kakaalis lang halos. Bakit miss?"
Nagsisimula na akong mataranta. "Naiwan po kasi ako..." sagot ko. Tumingin ako sa paligid. Nagbabakasakali na sana may pampasaherong sasakyan pabalik ng Metro. Babalik na lang ako sa firm para i-report na naiwan ako.
"May masasakyan po ba akong van o kahit anong public transpo dito?" Tanong ko na lang sabay kuha ng cellphone ko.
Kung wala ay mapipilitan akong tawagan si Christian para magpasundo. Sana nga lang hindi ito busy.
Naku naman kasi! Parang nagsisi na tuloy ako na sana tiniis ko na lang ang ihi ko hanggang Bulacan. Ito tuloy naiwan ako!
"Naku, ma'am bibihira. Dito na lang po siguro kayo maghintay baka po may magpa-gas na van o bus, atleast makikita niyo pa kaagad."
"No need she's with me."
Sabay kaming lumingon ng kausap ko kay Greg na kakadating lang. Seryoso ang mukha nito habang papalapit sa akin.
Kinuha nito ang bag ko at ito na ang nagbitbit.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kaagad ng inakay niya ako papunta sa kung saan.
Hindi ito sumagot at nagpatuloy sa paglakad habang ako ay nasa likod niya.
Pumasok ito sa isang garahe--hindi ko alam. May nakita akong lalaki na mabilis na tumayo pagkakita sa amin. May sinabi kay Greg at ibinigay na ang dalawang helmet sa huli.
Nakita ko pa itong tumingin sa akin. Kapagkuwan ay ngumisi sa lalaking kasama ko.
"Kaya pala interesado ka na bumalik ulit dito sa North, boss. Sobrang ganda e." Wika nito habang pabalik balik ang tingin nito sa akin at kay Greg.
"Don't stare at her Carlo." I heard Greg said that. Seryoso at hindi nagbibiro ang boses nito.
Tumaas ang dalawang kamay nung lalaki na para bang sumusuko. "Geez..init ng ulo." Tinuro nito ang motor. "Nandoon ang motor mo. Na-check ko na. Puwede puwede pang i-karera sa makalawa."
Iyon lang ay iniwan na kaming dalawa ni Greg at pumasok na sa isang pintuan dito lang din sa loob.
Greg took off the gray cloth that covers his big bike. Bagong linis. Nilinisan siguro nung lalaki.
Inangat ang stand at sumakay doon ngunit nang mapansin nito na hindi ako lumapit sa kinaroroonan niya at wala sa akin ang helmet ko ay mabilis itong bumaba. Kapagkuwan ay ito na ang nagsuot niyon sa ulo ko.
"Saan mo na naman ako dadalhin?" Naging tanong ko kahit na dapat ay natataranta na ako ngayon dahil naiwanan ako ng van. Dapat naghahanap na ako ng masasakyan!
Greg found my hand and intertwine our hands together. Natataranta na at lahat lahat ay nagawa ko pang tangahan ang dalawang kamay naming magkahawak.
Mula sa kamay namin ay tumingala ako para makita ang mukha niya.
Ni hindi man lang ito nag aalala man lang! He is so calm to the point that I saw him smiling like an idiot while rubbing his thumb on my thumb.
Pinipilit kong kuhanin ang kamay ko mula sa kanya.
"Greg, kailangan kong makasakay. Hindi mo ba alam? Naiwanan ako ng van! Hay naku naman talaga! Bakit hindi napansin nung driver na kulang yung tao sa loob ng van? Dapat alam niya kasi nag iisa lang akong babae." I keep on chanting those words.
"I know. Sinabi rin sa akin ni Eduard kung saan site kayo pupunta ngayon."
Ganoon naman pala bakit hindi niya ako tulungan maghanap ng masasakyan?
Teka nga...
"Anong sabi mo?" Tanong ko sabay harap sa kanya. Tinanggal ko ang helmet.
Kagat ang labi ay pumungay ang mga mata ni Greg. "I'm sorry. Sinabi ko kay Eduard na iwanan ka na dahil ako na lang ang maghahatid sa'yo doon sa Bulacan. Bab--hey! Saan ka pupunta!?"
Nang marinig ko ang sinabi niya ay nagawa kong tanggalin ang kamay ko mula sa kanya. Mabilis akong tumalikod at naglakad palayo.
Ngunit naabutan niya pa rin ako. He immediately held my arm and made me faced him. Malambing ang mga mata nito habang ako naman ay masamang masama na ang tinging ibinibigay sa kanya ngayon.
"Bakit mo 'yon ginawa? Alam mong nasa trabaho ako. Alam mong puwede akong mapagalitan..." hindi sumisigaw ay salita ko sa kanya. Ngunit pinakita kong hindi iyon magandang biro at hindi ako natutuwa.
"I'm sorry..I'm sorry." He licked his lower lip. At mas tinitigan pa ako. "I'm sorry, lie. Gusto ko lang na ako ang maghatid sa'yo doon. Kaya lang tinakasan mo ako kanina sa firm."
"So, kasalanan ko? Hindi ba ang sabi ko hindi puwede? "
"Hindi, baby. Kaya lang..." he stopped midway of talking just to silently curse.
"Minumura mo ko?"
"What? no! Babe...no..fuc--okay...It's my fault. I'm sorry." Suko ang boses na salita nito sa akin.
I keep my straight face. Ito naman ay tila nahihirapan dahil sa nakikita nitong kawalan ko ng emosyon.
Maya maya ay dinukot nito ang cellphone at may tinawagan. "Hello...Ed, oo si Greg 'to." Tumingin ito sa akin. "Ahm, puwedeng pakisundo na dito si Eualie? Oo, ayaw e. Akala ko papayag. Sige sige. Pakidalian baka ma-late. Ako ng bahala kapag ka nagkaproblema."
Baliw talaga 'tong bano na 'to.
Naglakad ako pabalik kung nasaan ang motorsiklo nito. Sinuot ko na rin ang helmet sa ulo ko.
Totoong hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya pero hindi ko naman maintindihan ang sarili ko bakit ako nagsusuot ng helmet at naghihintay sa kanya habang may pagtataka itong lumalapit sa akin.
"Ihatid mo na 'ko. Tutal ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nandito pa rin ako." Ngayon ay salita ko habang hindi siya tinitingnan ng diretso sa mga mata.
Wala akong narinig na sagot sa kanya.
And when I looked at him. He had this one wrecking handsome smile on his face.
Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ano na? Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Mamaya ma-chismis pa tayong dalawa, hayop ka."
Umiling iling ito. Lumapit siya sa akin.
"Grabe talaga yang pagmumura mo, Lie. Someday. May gagawin talaga ako diyan..." anito habang inaayos ulit ang motor. "Oppss--"
Nagulat ako nang bigla niya akong kabigin sa bewang kasabay niyon ay ang pagdaan ng isang umaandar na kotse. Halos gahibla lang din ang layo ng kotse sa likuran ko.
"What the?" Binitawan ako ni Greg kapagkuwan ay sinubukang sundan ang umaandar na kotse ngunit ay hindi na nito naabutan.
Nakita kong kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. At kahit naka-helmet na ako ay naririnig ko pa ang sinasabi nito sa kausap.
"Find that son of a b***h. That asshole tried to hit us." Seryosong seryoso ang boses na salita ni Greg. Nakatalikod ito.
Nagtama ang paningin namin ng humarap na ito sa akin.
Hindi pa rin nabago ang pagiging seryoso nito.
"I'll text the plate number.." I heard him said.
"Nah. He better have a very good reason why he did that. You know me..." tumingin muna ito sa akin bago tumalikod. "...ayoko ng nagagalit."
That made me shut my mouth. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makalapit ulit ito sa kinaroroonan ko.
Kinuha niya ang braso ko pagkatapos ay sinuri iyon na para bang nasagi talaga ng kotse kanina kahit hindi naman.
"Wala bang may masakit sa'yo, Lie?" Ang kaninang seryoso at mukhang mananakit sa paraan ng pagsasalita ay napalitan ng lambing ngayon habang tinatanong ako.
Umiling ako. "Wala. Ahmm..'lika na?" Aya ko na sa kanya.
Tinitigan niya muna ako bago ito tumango at naglakad ulit sa motor nito.
Nakasakay na ito ay nakuha niya pa akong alalayan para makasampa sa likod niya.
Walang ingay kong inilagay ang mga kamay ko doon sa may bewang niya.
I rolled my eyes.
Kesa naman magtalo pa kami kung ilalagay ko pa sa balikat niya na alam ko namang hindi din ito papayag.
Greg traced again my fingers using his hands.
"Black and gold, i like it.." he murmured complimenting again my nail polish.
Kagabi ay napagtripan kong gayahin ang isang nail art sa youtube. Mabuti na lang ay nakadaan ako sa Watson kagabi at nakabili ng mga bagong cuticle.
When I'm stressed or happy o kaya minsan kapag type ko lang. Ang paglilinis ng kuko sa kamay at paa ang ginagawa kong stress reliever. And believe it or not....nakakatulong talaga siya sa akin ng bongga.
Mahina kong hinampas ang mga daliri niya. "Umandar ka na. Late na talaga ako, Greovanni." Banggit ko sa buong pangalan nito.
Naramdaman kong natigilan si Greg.
Patay. Mukhang ayaw ata na tinatawag siya sa buong pangalan.
He speaks. "I don't like people calling me that because It's too long. But babe, you are an exception." Lumingon pa ito ng bahagya sa akin. Ang isang kamay ay nagtungo sa isang binti ko at inayos ang pagkaka puwesto ng paa ko sa apakan.
"...call me Greovanni from now on, please? I like it when you say my real long name..."