Chapter 11

2095 Words
Chapter 11 "Puwede ba, tigil tigilan mo yang kakatingin sa akin?" Naiinis ko ng sita kay Greg. Paano ba naman? Lunch time na at panandaliang naka-lunch break ang mga kasamahan ko at heto't nanggugulo sa akin si Greg dito sa Canteen. May mga empleyado na panay ang tingin sa amin habang ang iba ay nanunudyo pa! Punyeta talaga. "Tawagin mo muna ako sa totoo kong pangalan...then i'll try not to stare at you.." Aba! At nagbigay pa ng kondisyon. Aba talaga! Halos mahati na ang styrofoam na kinalalagyan ng pagkain ko sa ginagawa kong pagtusok ng gulay doon. I speak again through gritted teeth. "Bakit? Hindi ba Greg ang pangalan mo? Idiot." Ngumisi lang ito at pinisil pa ang pisngi ko. Mabilis ko iyong tinampal. "Sige na baby...tawagin mo na akong Greovanni..." nagkanda haba haba pa ang nguso nito. I heard giggles near to us. Hinanap ko iyon. Kaagad kong nakita ang isang grupo ng mga babaeng empleyado ng munisipyo na akala mo mga ibon dahil sa huni ng mga maliliit nitong bungisngis. And take note...they are all obviously looking to our direction. "Puwede ba Greg, tigil tigilan mo ako. Mamaya makaabot 'to sa EWU machismis pa ako.." salita ko at nagpatuloy na sa pagkain. Pero matatapos na ako at napapangalahatian ko na rin ang tubig sa mineral bottle ay napansin ko ang pagtahimik ni Greg. Wala sa sarili akong tumingin sa kanya. Seryoso ang mukha nito. Hindi ito mukhang nagbibiro katulad kanina. Tinakpan ko ang mineral bottle ko. "Natahimik ka diyan?" Salita ko na. Ngunit imbes na sumagot ay umiling lang ito. Maya maya ay tumayo ng walang paalam. Iniwan akong nagtataka. "Anong problema non?" Pero natapos na lang gagawin namin dito sa site at uuwi na lang ay hindi pa rin ako pinapansin ni Greg. Tahimik ito. Kapag may kumakausap ay tatango lang ito at magbibigay ng maiksing komento pagkatapos...yon na! Tahimik siya ulit. "Ms. Reyes..." mula sa pagsasara ng bag ay napagawi ang tingin ko sa boses na tumawag sa akin. Sa may unahan ng restroom, sa may pathway ay may lalaking nakangiti sa akin ngayon. Napataas ako ng kilay. Hindi ko siya kilala. Atsaka marami rin ang naglalabasan galing dito sa ladies restroom kaya baka hindi ako ang tinatawag nito. Baka mamaya iba pa lang Ms. Reyes ang tinutukoy nito tapos ako ang sumagot noh? Nakakahiya. Nagpatuloy ako sa pagsasara ng bag ko. Pumunta lang ako saglit sa restroom para mag-ayos. Feeling ko kasi dumikit na sa akin ang lahat ng alikabok at dumi doon sa site at baka kapag hinilod ko 'to mamaya ay puwede nang pagtaniman ng luya. Nang matapos ay nagpatuloy ako sa paglalakad paalis na ng restroom. Mas lalo akong nagmadali dahil baka mamaya ay iwanan na naman ako ng van katulad ng nangyari kanina. "Ms. Reyes!" Natigil ang paglalakad ko ng may humawak sa braso ko. Mula sa kamay na nakahawak sa braso ko ay umakyat ang tingin ko sa kung sino ang nagmamay-ari non. Mas lalong kumunot ang noo ko dahil yung lalaking tumatawag pa rin sa akin kanina ang nakita ko. "Yes?" Puno ng pagtatakang sagot ko. "Sino ka? Kilala ba kita?" Taas ang kilay ay tanong ko na rin. Ngunit imbes na mainis sa pagtataray na ginawa ko ay nakuha pa nitong ngumiti. Seriously? Hindi ba talaga ako magaling magtaray? Bakit parang walang epekto sa kanila? Do I look like a clown or something? "I don't know you and I don't talk to strangers. I'm sorry." I said to the guy who is still holding my arm. Mabilis kong kinalas iyon at balak ko na sanang talikuran ito ng marinig ko itong nagsalita. "I'm sorry Ms. Reyes, I think I creep you out. Pero maniwala ka its not my intention." Nagkamot ito ulit ng ulo. "Actually ako yung isa sa mga engineers na kasama sa site. Gusto ko lang ibigay ito sa'yo.." salita nito sabay bigay ng isang maliit na card. Dahan dahan ko iyong kinuha kapagkuwan ay binasa. Ganoon na lang ang pagpula ng mukha ko dahil isa ito sa mga importanteng mga engineers na gustong maging kasosyo ni Engr. Geoffori. Siya ay si Engr. John Michael Romulo. Kanina ay inutusan ako na puntahan ang opisina nito na nandito lang din sa munisipyo kaya lang ang sabi ng sekretarya nito ay lumabas lang saglit. Ang sabi naman ng isang surveyor sa akin ay sila na lang ang kokontak kay Sir. Pula ang mukha ay dahan dahan akong tumingin kay Mr. Romulo. Kanina habang nasa site kami ay nakita ko na ito. Hindi ito mukhang engineer dahil bata pa ang mukha nito, mukhang hindi seryoso sa buhay, kasing edad lang din ni Greg at parang nakikiusyoso lang doon sa construction site. Okay! Eualie...so much for being judgemental. Tumigil ka na. Just admit na napahiya ka at napaka-judgemental mong tao. "I-I'm sorry Engr. Romulo... I-I didn't know po, I'm sorry..I'm sorry!" Sobrang pagkapahiya at namumula kong panghihingi ng tawad. "It's okay, Ms. Reyes. Madalas talaga akong hindi pagkamalan na hindi engineer. It's okay...mukhang natakot rin kita kanina. Akala ko kasi nakilala mo na ako kanina doon sa site dahil kausap ko--" "Mich." Sabay kaming napalingon ni Sir. Romulo sa likuran ko kung saan may tumawag ata sa pangalan niya. Nakita namin si Greg na hanggang ngayon ay seryoso pa rin ang mukha. Ang tingin nito ay bumaba sa braso ko na hinahawakan ni Sir. "Hey bud! Payag ka na tungkol sa ino-offer ko sa'yo?" bumitaw ang kamay ni Sir doon nang makitang palapit si Greg. Sir Romulo looked at me. "That's my friend. Kaibigan ko siya since were in college..." pagpapakilala nito kay Greg. Wala itong kaide-ideya na kilala ko ang taong kausap niya. Sa huli ay tahimik akong tumango. Kanina doon sa site ay nakita ko silang dalawa na nag uusap. Nagbibiruan pa nga kaya lang ngayong palapit si Greg ay tila nasa mukha nito ang kagustuhan saktan ang huli. Nang makalapit sa amin si Greg ay mabilis itong pumuwesto sa likuran ko. Ang dalawang kamay ay dumantay sa dalawang gilid ng bewang ko. Napaigtad ako sa init na dala ng mga kamay ni Greg. Sir Romulo obviously noticed the sudden move of his friend. Ang dalawang mata nito ay otomatikong napatingin sa mga kamay ni Greg. Hilaw akong ngumiti. "You're talking to my girl, Michael." seryoso at malamig na salita ni Greg. Pasimple kong tinatanggal ang kamay nito sa bewang ko. "Ha! he's joking, sir! Diba nagbibiro ka?" humarap na ako kay Greg. Ang kamay niya ay pinanatili sa magkabilang bewang ko at walang balak atang alisin doon. Mukha na tuloy itong nakayakap sa akin. Pinandilatan ko ito ng mata. "Nagbibiro ka di'ba?" ulit ko pa. Ngunit gumalaw lang ang panga nito. Muling tumingin sa lalaking kaharap namin. "Aalis na kami. Ako na mismo ang magbibigay ng numero mo sa opisina ng kuya ko. You don't need to give your calling card to her..." patukoy nito sa akin. Kinuha nito ang calling card sa kamay ko at nilamukos iyon kapagkuwan ay itinapon sa basurahan. What the! "Greovanni!" mariing tawag ko na sa buong pangalan niya. Nakita ko ang pagkahinto nito. Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi pa rin nababago ang ekspresyon nito. Seryosong seryoso pa rin. Narinig namin ang pagtawa ni Sir Romulo. "Bud, this is new.." anito habang tumatawa pa rin. Hinawakan na ni Greg ang kamay ko at inakay na ako paalis ng lugar. Ngunit bago pa kami makaalis nang tuluyan ay narinig ko ulit na nagsalita si Greg. "Yeah, she happened..." Habang naglalakad kami at ito ang nasa unahan habang ako ang nasa likod niya, hawak pa rin ang kamay ko ay nakita ko na diretso itong naglalakad papunta sa motorsiklo nito. "Kuya Ed, sasakay po ako!" Pigil ko. Nakita ko kasing isasara na nito ng pintuan ng van. Hindi ito tumingin sa akin kundi sa lalaking hawak hawak ang kamay ko na parang nanghihingi ng permiso kung papasakayin ba ako o hindi. Tumingin ako kay Greg. "Sa van ako sasakay." Tumingin naman si Greg kay Kuya Ed. "Ako na maghahatid." Ngunit ay sabi nito. Tumango naman si Kuya Ed. "What?!" Inis ko ng sigaw. Mabuti na lang ay nakalas ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nito. Ginamit ko iyong pagkakataon para makalapit sa van. Pero hindi naman ako pinagbuksan ng pinto ni Kuya Ed. "Kuya Ed, sasakay ako!" Sigaw ko mula sa labas ng bintana ng van. Pero umandar na lang ito at lahat lahat ay hindi talaga ako pinagbuksan. Hanggang ang motor na ni Greg ang pumalit sa pinagpupuwestuhan ng van ang huminto sa tapat ko. "Halika na..." mahinahong pagpapasakay nito sa akin. But I didn't listen. Instead I kicked the front tire of his Ducati. Mabilis akong naglakad palayo. "Eualie!" Tawag nito sa akin. Hindi ko siya nilingon man lang. Bahala siya sa buhay niya! "Eualie! Halika na...gabi na." Doon ako humarap kasabay ng pagsuntok ko sa dibdib niya. "Don't follow me." Mahina ngunit madiin kong babala. But he didn't listen again. Akma nitong hahawakan ang kamay ko ng blangko akong tumingin sa mga mata niya. "Gusto kitang murahin. I am mad so please, stay away from me." Iyon lang ay naglakad ako palayo. Naglakad ng naglakad hanggang sa maging kalmado ako. Umupo ako sa isa sa mga sementong upuan katapat ng isang palaruan. Ilang beses akong huminga ng malalim. Sigurado ako na nagtagal ako sa pagkakaupo doon dahil nag uumpisa ng magsi-ilawan ang mga street lights at unti unti na ring dumidilim. Tatayo na ako ng sa pag angat ko ng mukha ay nakita ko si Greg na nakaupo din. Kalayuan sa akin. Kaagad na nagtama ang paningin naming dalawa. There were guilt in his eyes. Tuluyan na akong tumayo. Ganoon din ito. Metro ang agwat ng distansya naming dalawa. Narinig ko siyang nagsalita. "Puwede na akong lumapit sa'yo?" His eyes were like...begging. I rolled my eyes. "I'm still mad pero puwede na." Wala pang segundo ay nakalapit na ito. "I'm sorry, lie." Kaagad na salita nito ng makalapit. I looked at him. Parang kanina ito ang seryoso at hindi ko makausap samantalang ngayon mukha itong bata na naglalambing ang boses. "Greovanni hindi lahat ng gusto mo kailangan gagawin ko dahil lang sa iyon ang gusto mong mangyari." Umiling ako. "I hate that. It feels like you are manipulating me. Inaagawan mo ako sa pagdedesisyon sa buhay ko. FYI, I am not one of your people." There I said it. "At isa pa...don't give me cold treatment. If you have problem with me you better tell it to my face." Bumuntong hininga ako. "Naiintindihan mo ba ako?" Pagod ko ng tanong sa kanya. Lumamlam ang mga mata nito. Kagat kagat ang labi ay dahan dahan itong tumango. "Yes, I am sorry..." Inayos ko ang pagkakasukbit sa bag ko. "B-bakit ka ba seryoso kanina?" Ayaw mo akong kausapin...pero hindi ko na dinugtong pa iyon. Hindi muna ito sumagot. Mas lumapit sa akin si Greg. Sobrang lapit ngunit kahit ganoon ang distansya namin parang ayaw ko naman siyang itulak palayo. Ramdam ko na ang hininga nito sa ibabaw ng buhok ko. Maya maya ay kinuha nito ang dalawang kamay ko. Pinagsiklop nito iyon sa kamay niya. "I was just offended..." amin nito. Kumunot ang noo ko pero hindi ako siya tiningnan sa mga mata. "Offended? Kanino sa akin?" Tanong ko habang tinitingnan ko ang mga kamay naming magkahawak. His thumb softly caressing my thumb. "Yes..." Greg kissed the top of my head. "Halika na uwi na tayo.." sabay mahinang pag-akay sa akin ngunit pinigil ko siya. "Na-offend ka sa akin? Anong sinabi ko?" Pagkukulit ko. "Baby..." "Sa anong dahilan nga?" Hindi ko siya nilubayan ng tingin. Maya maya ay sumusuko itong hinila ako ulit palapit sa kanya. "I was offended, sinabi mo na baka ma-chismis ka kapag nakita ka ng ibang tao na kasama ako...kinahihiya mo ba ako, lie?" Sagot na nito. "What? W-what are you talking about?" Magkasalubong ang kilay at hindi makapaniwala na tanong ko sa kanya. His jaw moved. "Just forget about it. Halika na..." Ngunit hindi ko siya sinunod. "Greg...dahil doon na-offend ka? Okay..." Bumuntong hininga ako. "Okay...totoo na natatakot ako na ma-chismis lalo na sa EWU pero hindi dahil kinahihiya kita. Where did you even get that term?" Ani ko pa. "Ayoko lang dahil babaero ka--" "Baby that's more offensive--" "Oh? Bakit? Hindi totoo?" Natahimik ito. Nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Ayokong isipin ng mga tao doon na ako ang bagong flavor of the month mo? Which is hindi totoo. I'm no one's flavor of the month and I will never be one!" Tumalikod na ako sa kanya at nag umpisa ng maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD