Chapter 12

2294 Words
Chapter 12 Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na nilingon pa si Greg. Ngunut hindi pa man ako nakakarating sa kinaroroonan ng motor nito ay may nakita na akong babae na naka-highheels, nude color na tube at rust colored trouser pants. Naka-messy bun rin ang buhok nito ngunit hindi iyon gawa dahil lose na ang pagkakatali, talagang ganoon ang ayos ng buhok nito. Naka-red lipstick at maputi ang balat. In short, parang artista sa ganda. Naglalakad ito palapit sa direksyon ko. Ang kaninang agrisibo kong paglakad ay unti unting naging mabagal. Greg caught my hand. Umikot ito papunta sa harapan ko. Frustrated nitong hinawi pataas ang buhok. "Fine, you win baby...you win. Huwag mo na akong talikuran ng ganoo--" "Greovanni!" Nakita ko ang paglaki ng mata ni Greg nang marinig ang pagtawag sa sariling pangalan. At mula sa kanya ay lumagpas ang tingin ko sa babaeng na naglalakad papunta sa direksyon naming dalawa. Mabilis na humarap si Greg. Napataas ako ng kilay. Hmm, his woman I guess. "Ate?" Wait...ate? k-kapatid niya? "You mother freaking f*****g asshole dumb ass! I've been calling you the whole day! Bakit hindi mo...sinasagot..." Mula sa pasigaw nitong pagmumura ay naging malumanay iyon nang makita niya ako. Nagbaba ako ng tingin. Ito ba si Georgina Greoffori? Yung may ari ng sikat na clothing line na Geor? For real? "You..." sigurado akong ako ang tinutukoy nito. "Who are you? And why are you with my brother? Wait--bagong s*x toy ka rin ba ng kapatid ko?" Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Greg sa kamay ko. "The f**k! ate?!" Bulalas nito kasabay ng pagtakip nito sa dalawang tainga ko gamit ang mga kamay niya. Nagkatinginan kami saglit. "Bad words, baby. Don't listen to her." Hinawi ko ang kamay ni Greg. Kapagkuwan ay humarap sa ate niya. Okay...yes! She is Georgina Greoffori and a self made billionaire or trillionaire I don't care! No one calls me a s*x toy! "I am not what you're thinking. Siya?" Sabay turo ko kay Greg. "Hindi kami close at wala akong balak makipag-close at mas lalong lalo na maging s*x toy ng kapatid mong babaero...." Nang sinabi ko iyon ay nakita ko ang pagkabigla nito. Maya maya ay may ikinuha ito sa bag. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito ng makita na ang cellphone. May kinalikot doon kapagkuwan ay narinig ko na lang ang pag-click ng kung ano. Oh no no... "Please tell me, hindi mo ako kinuhanan ng picture..." But Greg's sister just gave me sweet smile. "Then I won't tell you...." she said. Bumaling ito sa kapatid. "You became just Dad.." halata ang pang aasar sa boses. "...pussy." Hindi ko naman narinig si Greg na nagsalita. I looked at him and I didn't see any violent reaction in his face when his sister teased him. Mas lumapit sa akin ang ate niya. "By the way, sorry for being rude earlier. If you don't mind...what's your name?" Nakangiti na ito sa akin at hawak hawak pa ang kamay ko. What is happening? "Ate, you're scaring, Eualie." Rinig kong saway ni Greg. Inirapan lang siya ni Miss Georgina. Nagpakilala ako. "My name is Denise Eualie and yeah...you are really rude earlier." May ngiti pa rin sa labi habang nakataas ang kilay. "You know what? I like you..." Hilaw na ngiti ang ginanti ko. Nagkatinginan kami ni Greg na nakatitig pala sa akin. Kanina pa ba siya nakatitig ng ganyan? "Oh! and tommorow is my birthday!" Masayang anito na para bang ngayon lang naalala. "Ahm..happy birthday?" "Silly!" Kinumpas pa nito ang isang kamay sa ere. "I'm inviting you!" Kapagkuwan ay pumalakpak pa. "W-what?" Tumingin ulit ako kay Greg na kahit ito ay walang nagagawa sa ka-weirduhan ng kapatid. "And you..my brother of mine. Will bring her to my atelier okay? Bye! See you at my birthday sister in law!" Iyon lang ay kumaway na ito sa amin pagkatapos tumalikod ngunit maya maya pa ay bumalik ulit. "Please call kuya Boyet, hindi ko dala yung kotse ko at wala akong masasakyan. Dapat sana sa motor mo kaya lang kasama mo na si Eualie--" "--no, actually I can commute. Ikaw na ang sumakay sa kapatid mo." Putol ko kaagad sa sinasabi nito. Nagkatinginan kami ulit ni Greg. Frustrated ang mukha na hinarap ang kapatid. "Bakit mo naman kasi hindi dinala ang kotse mo, ate? And why in all hell you are here?" Tanong na ni Greg. "Galit ka? I'll call Dad!" Nakita ko ang pag ikot ng mga mata ni Greg dahil sa inasta ng ate niya. "Siya na lang ang isakay mo, Greg. Baka may madaan na bus dito, doon na ako sasakay." Umiling iling ito na para bang hindi iyon mangyayari. "No..." he looked to his older sister. Kinuha nito ang cellphone at may tinawagan. "Kuya Boyet, oo, nandito si Ate pasundo na lang sa kanya. Nope, she didn't bring her car. Yes...okay. Thanks." Ibinaba nito ang cellphone at tumingin sa ate nito. "He's on his way." Anito sa kapatid. Humalik sa pisngi ni Greg ang ate nito. "Thanks brother! Now, shoo! Mag-date na kayo. I'm okay here." Pagpapaalis sa aming dalawa. "We're not on a date." Pagtatama ko. Ngumiti lang sa akin si Miss Georgina. Hinawakan ulit ni Greg ang kamay ko at iginiya na ako kung saan ang motor nito. Pilit ko pa ring inaalis iyon ngunit hindi niya ako hinahayaan. "Greg really? Hahayaan mo talaga ate mo na maiwan dito mag isa? I said I'm fine, magko-commute na lang ako." Bigla naman akong natigil ng tumigil din itong maglakad at hinarap ulit ako. Nandoon ang inis sa mukha nito ngunit hindi isinatinig. Titinitigan niya ako at huminga ng malalim. "She's fine here."iyon lang ang sinabi nito at nagpatuloy na sa paglalakad habang hawak pa rin ang kamay ko. Hindi na ako nagsalita pero marami akong gustong sabihin. Nakarating kami sa Ducati nito at isinuot na ulit sa akin ang helmet. Habang ginagawa iyon ay nagkatinginan kaming dalawa. "Nope, lie. I can't let you commute. Sa akin ka sasakay. Ate will be fine there. Malapit na rin naman si Kuya Boyet dito. Masusundo siya agad. Don't worry about her." Salita nito na para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Sa huli hindi na ako umimik. Nang sumakay na ito sa motor ay sumakay na rin ako. Hindi ko na tinanggap ang kamay niyang handa akong alalayan para makasakay. Ang kamay nito ay otomatikong hinanap ang kamay ko para maiyakap sa bewang. Titg na titig ay hinayaan kong siya na ang magpalibot niyon sa bewang niya. "Lean your head on my shoulder, baby." Bulong nito sa akin habang inaayos nito ang dalawang braso ko sa pagkakayap sa bewang niya. Tahimik kong inihilig ang ulo ko sa balikat niya. His hand went to my thigh. "Let's go?" He caress it. Tahimik akong tumango. Hindi pa rin makapaniwala na ako ang mas pinili niyang pasakayin kaysa sa ate niya. "Hindi naman siguro seryoso ang ate mo sa pag-iimbita sa akin sa birthday niya no?" Tanong ko kay Greg na ngayon ay busy sa paglalagay ng pagkain sa pinggan ko. Nandito kami ngayon sa isa sa mga stop over sa NLEX para kumain. Kahit anong gawin kong pagtanggi na huwag na kaming huminto ay hindi naman ito nakinig. He really insisted na dito na kami mag-dinner. Naglagay pa ito ng ulam, bago ako sagutin. "I'm afraid she's not..." nangingiting sagot nito. Tinusok tusok ko ang ulam na binigay niya at kapagkuwan ay kinain. Ngumunguya ay napairap ako. Ano ba kasing naisip ng ate ni Greg at inimbitahan ako? I looked at Greg who is now busy eating but I noticed he puts all the vegetables on one corner of his plate. Gamit ang serving spoon ay wala sa sariling inusog ko lahat ng iyon papunta sa kanin niya. Halata ang pagtataka at pagtutol sa mukha nito ng tumingin sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Eat." Salita ko. "Vegetables are healthy and good for the body..." "But--" Kinain ko ang gulay ko.Naiilang dahil nakakunot ang noo nito noong una hanggang dahan dahan bumaba ang tingin nito papunta sa bibig ko na ngayon ay nginunguya ang gulay. Nakita kong gumalaw ang panga nito habang nakatingin pa rin sa labi ko. Mabilis kong nilunok ang kinakain. "S-see? Hindi mahirap kainin." I stammer a little dahil parang wala doon ang isip ni Greg kundi nasa bawat galaw ng labi ko. Yinuko nito ang pagkain at mabilis na kinain ang gulay. Ako naman ngayon ang nakatitig sa kanya habang kinakain nito ang gulay. Nandoon ang pagdisgusto ngunit pinilit kinakain. "Done baby..." he said after. Seryoso ang mukha. Bumalik ulit ang tingin sa labi ko. Wala sa sariling napatango. "U-busin mo yung gulay mo." I stammered again. Nag iwas ako ng tingin at pinokus na lang ang atensyon sa pagkain. "I might kiss you, Lie." Nasa kalagitnaan ako ng pagnguya ng marinig ko iyon kay Greg. I slowly, looked up to meet his eyes. "Manyak ka na naman diyan." Salita ko pero seryoso at hindi nagbibiro ang mukha nito. I saw him smirked but his eyes, it's all speaks seriousness. "Your lips...it's very tempting. But don't worry hindi pa naman ngayon. But It'll be soon." Napainom ako ng iced tea. "Tapos ka na ba? Ahm..tara? alis na tayo?" He is still smirking yet he nod. "Magbabayad lang ako." Sagot nito sabay senyas sa isang waiter. Maya maya ay lumapit ang waiter at inibot nito ang bill namin. Mabilis kong kinuha ang wallet ko para kumuha ng pera doon. "Really? Baby? You think I let you pay for our food? This is our first date--" "--we're not dating." Putol ko. "Atsaka nakakahiya." Sabay tingin ko sa waiter. Tumango tango ito pero hindi pinansin ang pera na nasa kamay ko. May ibinigay itong itim na card at nagmamadaling pinaalis ang waiter. "Tama ka, we are not dating." "Exactly." "--kasi hindi ito ang ideal na date na gusto ko para sa ating dalawa. I want a romantic kind of date. I'll cook for you while you, sitting on a chair watching me. We we're both sipping wine. You in my shirt--" sinipa ko ang binti nito sa ilalim ng lamesa. "Tigilan mo 'ko." Pinalakihan ko siya ng mga mata. Kung ano ano ang naiisip! Ngunit imbes na masaktan ay nakuha niya pa akong kindatan. "Baby, i'll make it happen..." sigurada nitong pangako. Magkahawak kamay kaming lumabas. Kahit pa anong gawing tanggal sa kamay ko mula sa pagkakahawak niya ay wala din namang silbi kaya sa huli hindi ko na pinilit. And the weird things is, nasasanay na akong maramdaman ang init ng palad niya nakasiklop sa palad ko. May pagkakataon na nabibitawan niya ang kamay ko ngunit binabalik kaagad. "So, ano? Pupunta ka na sa birthday ni Ate?" Tanong nito. Mabilis akong umiling. "Hindi ako pupunta. Wala akong balak atsaka wala akong kilala doon. Ni, hindi ko nga kilala ate mo e." "Nandoon ako. You should come..." Tinitigan ko siya na mayroong ekspresyon na - mas lalo akong hindi pupunta. "I don't know you also. But thank you for inviting me." Nasa harapan na kami ng motor nito. "You're hurting me." Anito. "And here we are, I'm holding your hand. We had dinner together and yet, you said, you still don't know me?" Sa mga mata nito totoo ngang nasaktan ito sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim. Kasi naman e. "Saan ba kasi gaganapin yung birthday?" "I don't know bar?" "Bar? Naku, hindi rin ako papayagan ng papa ko." "I'll ask him." "Ano? Huwag na!" Pigil ko. "So, you are really not coming?" Umuoo ka Eualie. Hindi mo naman sila kilala atsaka malay mo bang mag-bar? "Oo na nga, pupunta na ako." Sagot ko. Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito. Samantalang ako ay nagulat sa sariling sagot. I guess there is no backing out now? Isinuot na nito ang helmet sa ulo ko. After that, he looked at me. "Don't worry, I won't leave you there." Pagpapanatag nito sa loob ko. Hindi pa man nangyayari. "Things I hate about Greg.....number five," I paused. Itinigil ako ang pagsusulat. Binuksan ko ang cellphone ko dahil may bagong message akong na-received. Binasa ko iyon. "Baby, Ate told me, I'll bring you to her boutique tomorrow after your work at the fir. Aayusan ka daw niya. I keep on telling her no need but she keeps insisting...." Kumunot ang noo ko at biglang sumakit ang ulo ko dahil sa nabasa. I'm on verge regretting saying yes earlier. Nag-reply ako. 'Weird kayo ng ate mo. Alam mo yun?' Walang pang minuto ay nakita ko nang tumatawag ito. Napaupo ako ng wala sa oras. Sinilip ko pa ang ate ko na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Sinagot ko ang tawag ni Greg. "Hello?" Sa mahinang boses ay salita ko. "Naistorbo ba kita?" Malambing ang boses nito sa kabilang linya. Mahina akong tumikhim. "H-hindi naman...n-napatawag ka?" "For purposes.." Kumunot ang noo ko. "Purposes?" "Yes," he paused. "To check on you and to hear your voice." Higit ang hininga ay wala akong naisagot sa sinabi niya. Nanatiling mahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. "You are so weird." Tanging nasabi ko kalaunan . I heard him chuckle. "Yeah. You're right. And this is me...first time being weird. But, lie..." he called out my name. "I like this me...being weird." Hindi ko na natapos ang tawag na iyon at ako na mismo ang nag-end call. Walang lakas akong sumandal sa malamig na pader. Inilapag ko ang cellphone sa tabi ko katabi ng maliit kong notebook. Pinakatitigan ko iyon... Maya maya ay kinuha ko ang ballpen at pinagpatuloy ang pagsusulat. Things I hate about Greg; his words. Sulat ko. Tumunog ang cellphone ko. Text message iyon galing ulit kay Greg. Kinuha ko at binasa.. 'Goodnight baby...' basa ko. Yep, his words. No doubt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD