MAAGA PA lang nasa gitnang bukid na kami ngayon. Naglalakad kami papunta sa bukid na sinasaka nila Nanay Belen. Nakakuha kasi ng maliit na bukid ang kapatid ni Vina na nasa ibang bansa. Iyon ang pinagkukunan nila ng gulat na tinitinda naman ni Vina ngayon sa bayan o talipapa na tinatawag na anak ko. "Papa, mamaya kuha tayo ulit ng palaka"masayang aya ni Vince. Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin aa kanya. Nahihilig talagang mamingwit ng anak ko. Buti sana kung isda ang bibingwitin niya. Kaso lang palaka naman, and worst kinakain pa nila ang kinukuha ni Vince. "Anak, kasi..."paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi healthy ang gusto niyang kainin. "Ayaw kamo ng papa mo ang palaka"singit naman ni Vina mula sa likod namin. "Pero papa masarap po iyon"pang-eengganyo pa ni Vince.

