NASA LABAS NA naman ako ng opisina nila Thimothy. Narinig ko mula sa guard na wala ang mga magulang nila Thimothy sa bansa. Kaya pala maluwag ang security ni Thimothy pagdating sakin. Isa pa pansin ko din nagiging maluwag na talaga ang mga magulang ni Thimothy pagdating sakin. Siguro dahil walang maalala ang anak nila tungkol sakin kaya kampante sila. "Miss Vina, mas maganda po umuwi nalang kayo.mukhang uulan na po"taboy sakin ng guard. Napabuntong hininga naman ako habang nakatitig sa entrance ng building. Hapon na at uwian na ng mga empleyado. Malamang pati si Thimothy uuwi na din. "Sandali nalang po. Baka lalabas na si Thimothy"aniko naman. Wala namang nagawa ang mga guard kundi ang pabayaan ako. Nasa labas lang naman ako at hindi ako nanggugulo. Pinapangako ko sa sarili ko na h

