KUNG NAKAKAPATAY ang tingin kanina pa siguro bumulagta ang magkaparehang kanina ko pa pinapatay sa isip ko. "Tsk!, di hamak na maa maganda naman ako sa babaeng iyan. Asan ang taste mo Thimothy? Nakakainit ka ng ulo"gigil na gigil na bulong ko sa sarili ko. Kanina pa ako nakasunod ng nakasunod kay Thimothy. Mula sa opisina hanggang ngayon na nasa isang club at heto may kasama na naman siyang babae. Ibang babae na naman ang kasama ni Thimothy ngayon. "Miss, anong order niyo?"pangatlong balik na ng waiter na ito pero wala pa akong naoorder. "Water nalang"sagot ko naman. Napakamot naman ng ulo ang waiter habang nakatingin sakin. "Ano ba naman miss. Pangatlong baso niyo na ng tubig iyan"sagot naman nito bago siya tumalikod. Inirapan ko nga siya. Kanina kasi tinanong ko kung may juice si

