NAMOMROBLEMANG nakapangalumbaba ako sa lamesa sa sala nila Grace. Wala ang mag-asawa ngayon dahil namalengke. Ako ang naiwanan para alagaan ang mga bata. "Tita Vina, bakit niyo po tinititigan iyang pera?"inosenteng tanong sakin ni Harold ang anak nila Grace at George. "Wala naman Harold, may iniisip lang ako"baling ko sa kanya. Kasama pala niya ang anak ko, na maging siya nakatitig sa perang tinititigan ko ngayon. "Mama, yan nalang po pera natin?"tamong naman ng panganay ko. Alam kong maalam siya sa pera kahit na magfour palang siya ngayon. Minsan kasi isinasama ng ama niya sa pamamasada ng tricycle noon. Tapos ito ang pinagtatanggap ng pamasahe ng sakay nito. Isa pa namana din ni Vince ang galing ng ama niya sa mga numero kaya hindi na ako nagtataka kung bakit magaling siya sa ma

