(Typos and errors ahead)
Tahimik kong pinagmasdan ang kalangitan. Nasa terrace ako at kasalukuyang tinatanaw ang mga bituin. Bilog ang buwan at maganda ang liwanag.
Naisip ko si mama. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling buhay pa si mama? Bigla ay tumulo ang luha ko sa 'di malamang dahilan.
"You're here..."
Nanindig bigla ang balahibo ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Tila napag-aralan ko na ang kung kanino at sino ang nagmamay-ari.
Dahan-dahan akong lumingon. Nasa likuran ko lang siya at mataman akong tiningnan. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit po?"
Lumapit siya at hinapit ako sa baywang na ikinagulat ko. "Tanggalin mo 'yang "po" or else. . ."
Tinulak ko siya at nagmadaling bumaba. Dumadagundong ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Amoy alak siya. Iyon ang naaamoy ko. Naghahalo ang amoy niya. Smell good. Bahagya akong napatigil nang tawagin niya ako ulit. Pero hindi ko siya sinunod.
Ano bang problema nito? Bakit sunod nang sunod? Naiirita ako sa presinsya niya. Naiinis ako!
Naabutan ko sa sala si Ate Madel. Hindi ako kumibo. Dumiretso ako sa kusina, nauuhaw ako bigla sa tensyong nararamdaman ko kani-kanina lang. Malapit na ako nang marinig ko ang pinag-usapan nina ate at kuya Eldon.
"Paano nga kung hindi? Alamo naman 'yang kapatid mo. Muntik na akong nagahasa noon."
Boses iyon ni Ate Celine. Mas lalo akong kinabahan dahil sa narinig. Nanginginig ang kamay kung tumalikod. Bigla ay nawala ang uhaw ko. Mabilis kong inihakbang ang mga paa papunta sa kuwarto ko. Pasalampak akong naupo sa kama.
What I heard earlier from Ate Celine kept coming back to my mind.
I sigh. I was disgusted with that person. Kailangan ko siyang layuan!
Mahirap na, baka ako naman ang isusunod niya sa naudlot niyang pagtangka sa kapatid ko.
KINABUKASAN, maaga pa lang nagising na ako. Balak kong gisingin si Ate Madel ng maaga para hindi na kami maihatid ni Erik. Hindi pala siya umuwi kagabi ayon kay Manang Sylvia. Sa guest room daw ito natulog.
Kumirot ang ulo ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi. Pinaglaruan yata ako ng mga narinig ko mula sa kapatid ko.
"Maaga ka yata. Kumain ka na, may naihain na ako," bungad sa akin ni Manang. Pinasadahan ko muna ng tingin ang buong paligid. Mayamaya lang ay dumating si Ate Madel. Tamang-tama. Para hindi ko makita ang pagmumukha ng manyak na iyon.
"Ate, magmadali tayo. Para makaalis tayo ng maaga."
Nangunot ang noo ni ate sa sinabi ko. Naupo siya at kumuha ng isang hotdog. Si Manang Sylvia naman ay tahimik lang na naghihiwa ng ingredients na ilalagay sa iba pa nitong lulutuin.
"Bakit ba kasi nagmamadali ka?" hindi mapigilang tanong ni ate. Isang subo pa ng pritong itlog bago ako tumayo, pero naudlot sin iyon nang makita ko ang taong kinaiinisan ko.
Tumikhim ito at lumapit sa kinaroroonan ko. Nilingon ko si ate. Patapos na rin ito. Sumenyas akong mauna na sa labas.
Nilagpasan ko siya. Ngunit laking pagkakamali ang ginawa ko dahil hinapit niya ako sa baywang. My lips parted when my face sank into his chest.
"Ano ba!" Napalakas nag boses ko kaya agad napalingon sa amin si Manang Sylvia. May mapaglarong ngiti sa labi nito.
"Ihahatid ko na kayo," presinta ni Erik bago ako bitawan. Nauna na itong lumabas. Nagkatinginan na lamang kami ni ate.
Ano bang problema ng lalaking iyon at bakit kailangan siya pa ang maghatid-sundo sa amin? Kaya naman namin maglakad. Hindi naman kami lumpo.
Nakaramdam ako ng galit sa tinuran ng hambog na iyon.
Hindi ako sumakay front seat. Naiinis ako sa mga pinaggagawa niya. Marahas itong bumuntong hininga bago pinaharurot ang minamanehong sasakyan.
Walang gustong magsalita sa amin. Sa labas lang ako nakatingin, paminsan-minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin sa pamamagitan ng side mirror.
Bumuntong hininga ako. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa. Bakit ko ba kasi iniisip ang taong ito? Nagsasayang lang ako ng oras.
Nang makarating kami sa skuwelahan ay nagmadali kong binuksan ang pinto. Wala na siyang nagawa pa nang makalabas na ako.
"Tara na ate. Baka ma-late pa tayo."
Tumango si ate. Nilagpasan ko na sila. Kung ano man ang napag-usapan nilang dalawa ay wala na akong alam. At wala rin naman akong balak alamin pa. Sa guard house pa lang ay sinalubong na ako ni Jay. Malaki ang ngiti nito habang papalapit sa akin.
"Ang ganda yata ng gising mo a," bungad ko sa kanya.
Tumingin muna ito sa paligid. Napako ang mata nito kung saan nakaparada ang sasakyan ni Erik. Napalunok ako ng seryosong nakatingin sa amin si Erik. Madilim ang mukha. Niyaya ko na sa loob si Jay. Alam kong sinusundan niya kami ng tingin pero hindi ko na pinansin iyon.
Bahala siya sa buhay niya. Hindi ko siya tatay para diktahan ako sa mga gusto kong gawin.
Sino ba siya para pigilan ako sa gusto kong gawin?
"Grabe iyong titig sa akin ng lalaking iyon, a! Manliligaw mo?" Bakit iba ang dating sa akin ng tanong na 'yon? Pinihig ko ang ulo at nauna ng pumasok sa room namin.
"Hindi, a!" sagot ko. Umupo ako sa dati kong upuan. Sumunod naman si Jay na nakangisi. Mayamaya lang ay dumating si Diane. May dala itong 'di kalakihang box. Napakunot ang noo ko nang dahan-dahan nitong ibinaba sa ibabaw ng upuan ko.
"May nagpapabigay sa 'yo," aniya. Nakangiti siyang naupo sa tabi ko. Nang tingnan ko si Jay ay madilim na ang mukha nito.
"Kanino galing 'to?"
"Buksan mo na lang kaya. Hirap manghula."
Dahan-dahan kong binuksan ang box at tumambad sa akin ang cellphone. Mahal ang cellphone base na rin sa itsura nito. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ng cellphone. IPhone?
Kanino kaya galing 'to? Binuksan ko ito at laking gulat ko nang makita ang litrato ni— Erik? Ibig sabihin sa kanya galing ang cellphone na ito?
Akmang ilalagay ko na iyon sa box nang mag-ring ito.
Hindi ko sinagot. Nagtext ito pagkatapos.
Please take that. . .
Nagtipa ako ng reply.
Ako:
Isasauli ko rin mamaya. Hindi ako nanghingi ng cellphone sa 'yo.
Hindi ko na siya hinintay pang mag-reply. Ibinalik ko ang cellphone sa loob ng box. Ilang sandali pa ay dumating na ang guro namin.
****
Nakahinga ako ng maluwag nang paglabas ko ay wala ang sasakyan niya.
Hinintay ko muna si ate makalabas sa room niya. Pumihit ako papunta sa guard house. Doon ko hilig tumambay habang may hinihintay ako.
Huli na ng makalapit ako, nakita kong palabas ng sasakyan niya si Erik. Nagmadali itong lumapit sa akin. Madilim pa rin ang mukha. Halatang aburido.
"Lets go," mando nito sa akin.
"Mauna ka na. Hintayin ko pa si Ate Madel," sagot ng hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
Lumapit siya at hinila ako sa kamay. Dinala ako sa sasakyan nito na nakabukas na ang pinto.
Marahas niyang binitawan ang kamay ko. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin. Hinawakan ang dalawa kong balikat. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Mataas siya, kung tutuosin hanggang balikat niya lang ako.
"Pasok na sa loob. Alam kong hindi si Madel anf hinihintay mo." Nanlaki ang mga mata ko aa narinig. Uminit bigla ang tainga ko.
"Ano bang problema mo! Bakit ka ba ganyan? Hindi naman kita tatay a!" Singhal ko sa kanya.
Umigting ang panga niya. Inilapit niya sa akin ang mukha niya.
He's a drunk. Ngayon ko lang din napansin na namumula ang mukha niya.
"Nakainom ka. Bakit ka pa pumunta rito?"
Hindi ito sumagot bagkus bigla niya akong niyakap na ikinagulat ko. Para akong bata sa itsura ko dahil nakakulong ako sa malaking tao. Malapad ang dibdib at may matitigas na abdomen. Pinihig ko ang ulo sa huli kong naiisip.
Nasisiraan na yata ako. Kumawala ako pero mas lalo niya akong niyakap. Halos hindi na ak makahinga sa higpit ng yakap niya sa akin.
He started stroking my hair down to my jaw. Nakikiliti man ay tila may nag-udyok sa akin upang pumirme ako. Hindi ako nakakilos. Para akong natulos na kandila sa kinatatayuan ko.
The next thing he did was what shook my world.
He kissed me in front of many people.
Lalo akong nanghina ng maramdaman ang malambot niyang labi sa labi ko. Hindi ko alam pero tila nagustuhan ko ang bawat hagod ng labi niya sa labi ko.
Nang makaramdam ng kahihiyan ay saka ko lang napagtanto ang lahat. Tinulak ko siya ng malakas. Napaatras siya, doon ay kumaripas ako ng takbo. He's my first kissed.
He was the first man to kiss me.
Dinig ko pa ang ibang studyanteng nagsisipulan. Iyong iba naman ay pumalakpak. Hindi ko na lang sila pinansin pa. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad nang bigla akong harangan ng pamilyar na sasakyan. Bumaba siya at hinaklit ako sa braso.
"Ano ba! Bakit ka ba ganyan? Ano bang nagawa ko sa 'yo!" Sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Hindi ko alam kong bakit ako naiiyak ngayon sa harap niya.
Nang makita niyang tumulo ang luha sa pisngi ko ay tila ba'y bigla siyang natauhan. Maamo ang mukha at pagod na ibinagsak ang kanyang likod sa pinto ng kanyang sasakyan.
"I'm so sorry. I'm sorry. Please forgive me."
Nasa tono nito ang sinseridad.
Pinahid ko ang huling luha na gustong kumawala sa mata ko at nagmadaling pumasok sa loob ng sasakyan. Sa side mirror ay nakikita kong patakbo si Ate Madel sa kinaroroonan namin.
Hinihingal pa ito nang makasakay. Hindi ako nagsalita. Pinaandar nito ang sasakyan. Hanggang makarating kami sa bahay ay wala akong kibo. Nakita kaya kami ni Ate Madel kanina?
Pinagkibit balikat ko na lang iyon at dumiretso na ako sa kuwarto ko. Walang tao sa sala kaya malaya akong nakapasok nang walang nakakita. Humiga ako sa kama.
I sigh. Biglang bumalik sa balintataw ko ang nangyari sa school kanina. Napahilot ako sa sintido, marahang pumikit. Hanggang sa nakaramdam ako ng antok.
NAPABALIKWAS ako nang may mahinang katok sa pinto. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Bumangon ako para buksan ang pinto. Iniluwa roon si Manang Sylvia.
"Hija, bumaba ka na. Kakausapin ka ng Ate Celine mo," bungad nito sa akin.
Tumango ako at nilakihan ang pinto. Nauna ng bumaba si Manang. Nakailang hakbang na rin ako nang makita kong bumukas ang pinto sa guest room. Ang taong kinaiinisan ko.
Nakaitim na short at naka-white shirt lang siya. Bumagay ang suot nito sa malapad niyang dibdib. Pinihig ko ang ulo at nagmadaling bumaba. Ano ba 'yang nasa isip mo Kylie! Nagtatalo ang utak at isip ko.
Pati tuloy ako naloloka na sa mga nangyari nitong nakaraan.
"Wait. . ."
Napahinto ako nang hawakan niya ang kanang braso ko. Hindi ko siya nilingon. Hinayaan ko siyang siya ang lumapit. Tutal siya naman ang may kailangan.
Napalunok ako nang yakapin niya ako sa likuran. Tila nagrarambulan ang kabog ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Disi sais pa lang ako at first time kong makaranas ng may humawak sa akin na lalaki.
"I'm sorry for what happened yesterday."
Napalunok ako nang ibaba niya labi niya sa leeg ko. Pakiramdam ko hindi ako makahinga.
Bago pa man maghiwalay ang katawan namin ay isang pamilyar na boses ang nagpabilis ng kabog sa dibdib ko.