bc

The Millionaires Husband

book_age18+
44
FOLLOW
1K
READ
others
drama
twisted
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila, bawal daw umibig sa mas matanda pa sa 'yo. Dahil bukod daw sa matanda ang edad sa 'yo ay parang tatay mo na ito.

Iyon ang katagang lagi kong naririnig mula sa mga classmates ko. Pero tinawanan ko lamang sila. Ano naman ngayon kung matanda siya kumpara sa akin? Bakit nakamamatay ba kung sa matanda tayo iibig? At least wala tayong inapakang tao. Iyon ang lagi kong sagot sa mga sinasabi nila.

Sa edad na Disi sais ay marami na ang napahanga ng katawan ko. Tama lang naman ang hubog nito. May nagtangka na ring manligaw subalit hindi ko binigyang pansin. Sa isip ko napakabata ko pa para sa bagay na 'yan.

Until one day, may isang lalaking dumating sa buhay ni Ate Celine. He's name is Erik. Guwapo at mayaman. Hindi ko binigyang pansin ang lalaking iyon dahil ang akala ko ay si ate talaga ang gusto. But another came. And I was surprised that the two were probably twins.

Hanggang isang araw, palagi ng nakabuntot sa akin ang tinatawag nilang Erik. He's so possessive. Naiinis ako kapag lumapit siya sa akin. Pero hindi ko pinapahalata sa lahat. Dahil sa kanya tinutukso ako ng mga kaibigan ko.

Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang niya akong yakapin sa labas ng school namin. He smells of wine. My lips parted. I gasped as he pulled me into his car.

Then I realized that the man I hated was also my first love. My first kiss and my first heart break.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
A/N: Expected the typos, errors, spelling and grammatical. Hindi po ako batikan. Hope magustuhan n'yo. Kylie POV "Kylie, bilisan mo baka ma-late tayo sa eskwela," malakas na tawag sa akin ni Ate Madel. Sinipat ko muna ang sarili sa salamin bago tuluyang bumaba. Nakangiti akong bumaba ng hagdan. Napansin ko agad si Ate Celine sa b****a pa lang ng pinto. Tila may kausap ito sa cellphone. Tumikhim ako na agad din namang nagpalingon sa kanya. Nginitian ako at iginaya ako sa sala. "O, baon mo. Mag-aral nang mabuti." "Opo, Ate. Pagbutihin ko po ang pag-aaral," exsayted kong sagot. Matapos magpaalam ay nagmadali naming nilisan ang bahay. Simula ng mamatay si mama ang Ate Kylie na ang tumatayo naming ina. May dalawa pa naman kaming batugan na kapatid. Ako ang bunso sa aming limang magkakapatid. Napangiwi pa ako nang maalala ang pangit na pagmamaltrato sa amin ng dalawa ko pang kapatid. Maging si papa ay nalulong sa bisyo. *** "Good morning guys," bati sa amin ng mga classmates ko. Nginitian lang sila ni Ate Madel. "O, iiwan na kita rito. Pupunta na ako sa room ko." "Sige ate. Mag-ingat ka." Maraming nangyari sa loob ng isang araw. Masarap sa pakiramdam ang magkaroon ng kaibigan. Iyon bang may pagsasabihan ka sa lahat ng problema mo. Una kong nakilala si Jay at Diane. Masarap silang kasama. Hindi boring kausap. Laging may banat sa akin si Jay. Hindi ko naman pinansin ang mga 'yon. Kung minsan ay nagpaparinig na ganito, ganiyan. Pero dahil pag-aaral ang focus ko pinagkibit balikat ko na lamang iyon. "Kylie, sabay na tayong mag-lunch." "Para ka talagang multo. Bigla na lang susulpot kung kailan mo gusto," inis kong turan sa kaniya. Ngumisi lang siya at umupo sa tabi ko. Mayamaya lang ay dumating din si Diane. Nakabusangot ang mukha. Natatawa ko siyang tiningnan. "Anong nangyari sa 'yo?" Maarte siyang umupo na akala mo ba'y may dumi sa inuupuan niya. Tumaas ng bahagya ang isang kilay ko sa inasta niya. "Iyong crush ko kasi may iba ng mahal." Napabunghalit ako ng tawa. Kalaunan ay sumeryoso rin ang mukha ko. Lumapit ako sa kanya. Inalo siya. Kahit papaano napalapit na sa akin ang babaeng 'to. Siya lang naman ang nakipagkaibigan sa akin. Iyong iba kasi akala mo may virus ako. Saksakan sa arte porket mayayaman. Hindi ko na lang sila pinansin. Mahirap lang naman kami. Ang tatay namin ay sugarol at lasinggero pa. Hindi man nakatutuwa sabihn ngunit iyon ang totoo. "Hayaan mo kasi ang taong ayaw sa 'yo. Marami namang iba d'yan," sagot ni Jay. Kasalukuyan nitong sinisipsip ang drinks na hawak niya. Sa pagkakataong iyon pumalahaw na ng iyak si Diane. Tila isa itong bata na inagawan ng candy. Napahilot ako sa sintido ng wala sa oras. Gusto kong matawa. Pero naawa rin ako sa kanya. Kinuha ko ang plastic bottle na inilgay ko sa bag ko kanina. Binigay ko iyon sa kanya. "Diane, bata pa tayo, tiyak marami pa tayong makikilalang mga lalaki pagdating nang tamang panahon," sabi ko. Tumigil ito sa pag-iyak at humarap sa akin. "Masakit e, hindi ko naman sinasadyang maramdaman 'to, e!" Sandali akong napatigil. Wala man akong experience sa mga love na 'yan pero ramdam ko siya. Napagdaanan 'yan ng mga ate ko kaya hindi na bago sa akin ang mga katagang 'yon. Sabay kaming napatayo nang tawagin kami ng teacher namin sa last subject. May dalawa kaming subject na hindi mapasukan dahil parehong naka-leave ang teacher namin do'n. Bukas pa raw ang balik nila. May problema lang siguro silang inayos. *** Natapos ang maghapon na pagod ang pakiramdam ko pero sulit naman iyon dahil nangunguna ako sa tatlong subjects. Kahit papaano ay maibsan ang pagod ni ate Celine sa pagtatrabaho para sa amin ni ate Madel. Napangiti ako habang mag-isang naglalakad sa hallway. Hindi ko pa nakitang lumabas si ate Madel, siguro may tinapos pa ito. Kaya nagpasya akong hintayin siya sa guard house. "Kylie, hintay!" Sigaw ni ate sa likuran ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makitang may kasama siyang lalaki. Nginitian ako ng kasama niya. Nang makalapit ay kaagad akong inakbayan ni ate Madel. Sanay naman ako kasi lagi naman namin iyon ginagawa. Si Ate Madel lang talaga ang malapit sa akin at si Ate Celine. Ang dalawa kong ate may sariling mundo ang mga 'yon. "Bunso, kaibigan ko. Si Joseph," Pagpapakilala ni Ate Madel sa kasama. Ngumiti ito at nakipagkamay sa akin ngunit naudlot din iyon nang may biglang humablot sa kanang braso ko! Paglingon ko ay nangunot ang noo ko. "K-kuya, Eldon. May problema po ba?" Utal kong tanong pero umigting lang ang panga nito. Nakaramdam ako ng takot ngayon sa kaharap ko. Hindi ko alam nitong nakaraan ay paiba-iba ang pinapakitang ugali ni Kuya Eldon. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Kuya?" Bigla itong natauhan at binitawan ang pagkahawak nito sa braso ko. "Lets go," aya nito sa amin. Si Ate Madel naman ay tila 'di makapaniwala. Alam kong naguguluhan din siya sa pinapakita ni kuya Eldon ngayon. Wala na kaming sinayang na oras. Matapos magpaalam ni ate sa kaibigan ay tumalima na agad kami sa nakaparada nitong sasakyan. Iba na naman ang dala niyang sasakyan. Mas lalong nangunot ang noo ko nang sa driver seat niya ako pinasakay. Hindi na lang ako kumibo. Maging si Ate Madel ay hindi na rin nagsalita hanggang marating namin ang bahay ni Kuya Eldon. Mabilis itong bumaba at pinagbuksan kami ng pinto. Madilim pa rin ang mukha at paminsan-minsan ay gumagalaw ang panga nito. Nalukot ang noo ko sa inasta nito. Imbes na pansinin ay ngamadali na lang akong pumasok sa loob ng bahay. Naabutan kong nakaupo sa sofa si Ate Celine. Nagmadali akong lapitan siya at nagmano. Sa likod ko ay nakasunod rin si Ate Madel. Malawak ang ngiting iginawad nito sa akin. "Kumusta sa school?" "Ayos naman po ate," maikli kong tugon. Matapos magmano ay dumiretso na ako sa kuwarto ko kung saan ay katabi lang nito ang guest room na nakalaan para sa bisita ni Kuya Eldon. Marahas akong bumuntong hininga bago nahiga sa malambot na kama. Tumatak pa rin sa isip ko ang itsura kanina ni kuya. At kung bakit siya nagagalit nang may humawak sa kamay ko. Bahagya akong napakislot nang mag-ring ang cellphone ko—si Jay. Napangiti ako at sinagot ang tawag. Ngunit nalukot din ang mukha ko nang may kasagutan siya sa kabilang linya. At babae! Binaba ko na ang cellphone at marahang ipinikit ang aking mga mata. *** Naalimpungatan ako nang tumama sa muka ko ang malamig na hangin. Nakabukas ang bintana sa kuwarto ko. Bumangon ako at sinilip ang orasan sa cellphone ko. Alas sais na pala ng gabi. Dalawang oras pala akong nakaidlip. Pumasok muna ako ng banyo bago bumaba sa sala. Nadatnan ko si papa may kausap. Nangunot ang noo ko nang seryoso silang nag-uusap. Tumikhim ako na ikinalingon nilang dalawa. Si Kuya Eldon at madilim pa rin ang mukha. Ano bang nangyari sa kanya? Ba't siya nagagalit? At bakit hindi sila magkasama ni Ate Celine? Para masagot ang tanong ko ay lumapit ako sa kanila na kanina pa ako pinagmasdan. Bumuntong hininga ako bago naupo sa tabi ni papa. "Pa, si Ate Celine po, may itatanong lang po sana ako." Nakaramdam ako ng kaba lalo pa at nakatitig lang naman sa akin si kuya. "Umalis sila kasama si Eldon," sagot ng papa. Awtomatiko akong napatingin sa tinawag kong "kuya Eldon". Sino siya kung gano'n? At bakit sila magkamukha ni Kuya? "I have to go. May asikasuhin pa ako sa opisina." Napalunok ako nang tapunan niya ulit ako ng tingin bago lagpasan. Nagtataka akong napatingin kay papa. I sigh. "Pa, tama po ba 'yong narinig ko na hindi siya si Kuya Eldon? Kaya pala bigla na lang po ak hinablot kanina sa school nang nakipagkamay sa akin ang friend ni Ate Madel." Tumango si papa. "Siya si Erik, kakambal ng kuya Eldon mo," tugon ni papa sa akin. Tila ako natulos sa kinauupuan ko. Hindi kaagad nag-sink in sa utak ko ang sinabing iyon ni papa. Nagpabalik-balik sa balintataw ko ang katagang iyon. Napalunok ako nang maalala ang paghablot nito sa balikat ko. Kaya pala gano'n na lang ito kung kumilos. Pero akala ko ba ay si Erik ang manliligaw ni ate? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin at kay kuya Eldon siya napadpad? Akala ko noong una ay si Kuya Eldon ay si Erik. Naguguluhan ako sa mga nangyari. Malilito ka na lang sa sobrang pagkahawig nila. Pero bakit siya magagalit? Kaano-ano ko ba siya? Dahil sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko na napansin si papa na kanina pa pala ako kinakausap. "Anak, sa kuwarto muna ako. Bigla kasing sumakit ang ulo ko," paalam ni papa sa akin. Doon ay bigla ako bumalik aa huwesyo. Sinamahan ko si papa at pinainom na rin ng gamot pagkatapos ay pinagpahinga. Mamaya na rin daw siya kakain. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko si Erik. Kung bakit gano'n ang kilos niya. Halos magkaparehas sila ni Kuya Eldon. Ang tindig at pangangatawan nito ay halatang naaalagaan ng husto. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref. Nakailang lagok pa ako nang makita ko si Ate Madel na pumasok. May kausap ito sa cellphone. Panay ang ngiti. Lumapit ito at sandaling inilapag ang cellphone. Kumuha ng baso at nagsalin ng tubig. Tahimik ko lang siyang pinagmasdan habang umiinom ng tubig. Mayamaya pa ay dumating sina Kuya Eldon at Ate Celine. May kasama silang may katandaan ng babae. Rinig kong tinawag itong Manang Sylvia. Bagong katulong siguro. Hindi naman kailangan kumuha ng katulong dahil tumutulong naman kami ni Ate Madel sa paggawa ng trabaho rito sa bahay. Siguro dahil nag-aaral na kami, mahirap nga naman iyon pagsabayin. Lalo pa at malaki ang bahay ni Kuya. "May dalawa pang darating sa susunod na araw para hindi na kayo mahirapan tumulong," ani Kuya Eldon sa amin na ang tinutukoy nito ay mga maids. Bale, tatlong maid ang kukunin niya? "Si papa?" tanong ni ate Celine. "Sa kuwarto niya po, mamaya na daw po siya kakain," sagot ko. Binaba na rin ni ate Madel ang hawak na cellphone. Nagpatulong sa akin na maghain na ng hapunan. Agad akong tumalima, mayamaya pa ay nakasunod sa amin si Manang Sylvia. "Ako na riyan, nakakahiya sa inyo." "Naku, manang, sanay na po kami sa gawaing bahay. Kaya huwag po kayong mag-alala," tugon ni Ate Madel. Ngumiti ito. Kinuha ang naka-ready ng mga pinggan. Nang matapos kami ay sakto naman may umugong na sasakyan. Binalewala ko na lang iyon at umupo na sa tabi ni Ate Madel. Tahimik lang na kumakain sina ate at kuya. "Tamang-tama, gutom na ako." Ang boses na iyon ay tila nanggaling sa likuran ko. Ang bilis naman. Kanina lang sinabi nitong pupunta ng opisina. Tumikhim ito at walang pasabing tumabi sa akin ng upo. Nagkabanggaan pa kami ng siko. Rinig kong tumikhim si ate Celine na ikinatawa ni kuya "Tumino ka yata bro." Madilim ang mukha nang tingnan ko ang katabi ko. Nagmadali akong kumain at hindi na lang sila pinansin. *** Kinabukasan. Balik na naman sa eskwela. Kailangan e, para makapagtapos ng pag-aaral. Palabas na ako ng bahay nang harangan ako ng isang pamilyar na sasakyan. Ito iyong ginamit niya kahapon kung hindi ako nagkamali. Bumaba siya at binuksan ang driver seat. Tinuro niya ito nang walang salitang lumabas sa bibig nito. Bigla akong kinabahan sa taong ito! Tahimik pero nakakatakot! Iyon ang tingin ko sa kanya. Akala ko siya na iyong sinasabi ni ate noon na manliligaw niya. Balita ko pa ay baliw rin ito kay Ate Celine. Napalunok ako ng sumagi ang kamay niya sa balikat ko. Isinuot nito sa akin ang seat belt, hindi ko tuloy mapigilang bumuntong hininga. Nakabukas ang aircon pero pakiramdam ko ay basang-basa na ako ng pawis. Nakatitig siya sa akin habang inayos ang paglalagay nang seat belt. Kung nakakatunaw lang ang titig niya ay kanina pa ako natunaw. Nakakatakot siyang tingnan. Parang lion kung makatingin. Hindi mo alam kung galit ba o hindi. Mayamya pa ay dumating na rin si Ate Madel. Walang gustong bumasag sa katahimikan sa gitna ng daan hanggang nakarating kami sa skuwelahan. Bumaba ako nang walang salitang lumabas sa bibig ko gano'n din si Ate Madel. "Anong oras kayo uuwi mamaya?" Nagulat ako nang bigla itong magsalita at magtanong. Pinakalma ko muna ang sarili bago siya sinagot. "Mamayang 4pm po," maikli kong tugon. Rinig ko na naman ang pag-igting ng panga nito. Ano bang problema nito at bakit masyadong nakakatakot? Nagkusa na akong magbukas ng pinto nang marinig ko ulit ang malaki niyang boses. "Stay." Nagmadaling bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. "Thank you," anas ko bago siya iniwan. Hindi na ako lumingon pa. Natatakot ako sa prisensya niya kapag malapit ito sa akin. Alam kong nakasunod ang mga mata niya sa akin, pero hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lang sa pagpasok sa loob ng eskwelahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook