SWITZERLAND, EUROPE HINDI MAIWASAN ni Mai na ilibot ang kaniyang buong paningin sa pangalawang apartment na kaniyang pinasukan upang linisin para sa tanghaling 'yun. Hindi niya rin maiwasan na mapakunot ng noo dahil ibang-iba ang ayos ng apartment na 'yun sa unang kwarto na kaniyang nilinisan. "Waahh! Ano 'to? By level ba ang mga lilinisan kong kwarto ngayon?" Hindi niya mapigilan na mabanggit niya 'yun sapagka't kung gaano kadali niyang nalinisan ang unang apartment na nilinis niya ay gano'n naman ang kaibigan nitong pangalawang silid. May mga damit na hindi nakalagay sa mismomg laudry bag, may damit sa sofa, sa ibabaw ng bed side table at kahit mismong sa kama ay meron din. May mga libro rin na nakakalat at mga pinagkainan na hindi pa nahuhugasan. Napabuga tuloy siya nang malali

