DAMANG-DAMA NI Stephanie ang pagtitig sa kaniya ni Scot habang nakayuko lang siya sa harapan nito matapos niyang sabihin na nga sa binata ang lahat. Nanatili pa rin siyang nakaupo lang mula sa kaniyang hospital bed. Hindi niya alam kung babatuhan niya ba nang tingin si Scot o mananatili pa rin siyang nakayuko at hihintayin na lang na ang binata mismo ang unang bumasag sa katahimikan na meron sa paitan nilang dalawa. Dahil sa sobrang tahimik nila ay tanging ang mga sunod-sunod na mga yapak ng mga tao naglalakad mula sa labas ng kwartong ‘yun ang naririnig nilang ingay. Idagdag na rin ang mga mahihinang usapan at bulungan ng mga tao sa labas. Nasa pribadong kwarto kasi naka-confine si Steph kaya naman solong-solo niya ang silid na ‘yun... kaya nga rin niya nakausap nang malaya si Scot ng mg

