St Luke's Medical Center Quezon City NAALIMPUNGATAN SI Stephanie sa kaniyang mahimbing na pag tulog dahil sa nararamdaman niyang panunuyo ng kaniyang bibig at lalamunan dahil sa sobrang pagka uhaw. Dahan-dahan niya nang iminulat ang kaniyang mga mata kung saan ay nanlalabo pa 'yun nung una dahil sa tagal nang pagkaka pikit noon. Ngunit hindi na rin naman nagtagal at nagawa niya nang makita nang mas malinaw ang lugar kung nasaan siya ng mga oras na 'yun. Tanaw na tanaw niya ang jalousie window sa may kanang parte ng kwarto at nakabukas pa ang ilang bubog noon kaya natanaw niya rin na madilim pa ang paligid sa may labas. Noong una ay hindi niya alam kung nasaan ba siyang lugar ng mga sandali na 'yun pero agad ding bumalik sa kaniyang alaala na nasa ospital nga pala siya. Natatandaan niy

