HALOS MAPAMURA na lang si Scot habang nag hihintay siya sa labas ng kotse niya sa dalaga na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng bahay. Hindi niya mapigilan na mapatingin kada segundo sa suot niyang wrist watch dahil isa pa naman sa pinaka ayaw niya ay ang nag hihintay. "f**k Stephanie! Hindi ka pa ba lalabas diyan?! "Hindi niya na talaga maiwasan na isigaw 'yun. Alam naman niya na rinig siya ng dalaga sa loob ng bahay at wala rin siyang pakialam kung masigawan niya si Steph dahil si Scot naman siya at hindi si Lexus. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit? Halos kinse minuto na siyang naghihintay sa labas ng sasakyan niya. Naiinis siya sapagkat ang dalaga pa mismo ang nagsasabi na dapat saktong alas-dyis ay nag ba-biyahe na sila ngunit ang dalaga pa ang mabagal ngayon dahil mag be-b

