SUNOD-SUNOD NA pag-type nang message ang ginawa ni Scot gamit ang cellphone ng kaniyang kakambal na si Lexus. Meron kasi siyang naisip na plano para hindi na sila matuloy pa ni Stephanie sa pag punta ng Tagaytay. ‘Yun ang tanging plano na nagawa niya kaya umaasa siya na sana ay maging successful ‘yun. Typing... To: Stephanie H. 'I'm sorry Steph, kailangan kong umalis para pumuntang Cebu. ' ‘Yun ang plano na tinutukoy niya. Alam naman niya kasi na kapag tungkol sa trabaho ang mahalagang lakad ni Lexus ay siguradong wala nang magiging angal pa si Steph dahil alam ng dalaga kung gaano kahalaga para kay Lexus ang Flynn’s Furniture. Pagka-send nang una niyang mensahe ay parang naramdaman niya na hindi pa sapat na dahilan ‘yun kaya naman muli pa siyang nag type ng message para sa dalaga. A

