HINDI KAAGAD nakasagot si Stephanie sa tanong sa kaniya ni Lexus kung kasama niya ba si Scot sa bahay dahil hindi niya alam ang sasabihin. Iniisip niya pa kung ano ba ang magandang maging kasagutan niya sa binata hanggang sa makalipas nga ang ilang segundo ay doon na siya sumagot. "O- oo. Kasama ko siya, dito siya natulog kagabi para may kasama raw ako habang wala ka,"mahina at paunang sagot niya na agad rin naman niyang dinugsungan. "Naliligo lang siya ngayon. Iniintindi niya naman ako dito sa bahay-- pinagluluto niya ako nang masasarap na pagkain kaya w- wag mo na akong alalahanin pa dito. Asikasuhin mo na lang yung ginagawa mo diyan sa Cebu para makauwi ka kaagad. Scot took good care of me here," Simpleng sagot pa niya kay Lexus. Alam naman niya na hindi totoo at walang katotohanan an

