DAHIL NA rin siguro sa sobrang gutom na nararamdaman ni Stephanie kaya napapayag siya agad ni Scot para kumain sa labas. Wala naman siyang nakikita na mali doon kahit na may hindi sila pinagkasunduan ng binata kahapon sa Tagaytay. Naisip niya na baka kinalimutan na 'yun ni Scot at nagpalamig lang talaga ito ng ulo kaya ito umalis kagabi. "Saan tayo kakain? "Tanong niya sa binata nang batuhan niya na ito nang tingin sa kaniyang gilid. Doon niya nakita na seryoso lang ang ekspresyon ng mukha ni Scot habang nagmamaneho. "Anywhere. I don't usually eat outside kasi marunong naman akong magluto."sagot sa kanya ng binata. Alam naman niyang hindi intensyon ni Scot ang i-flex ang pagiging magaling nito sa pagluluto pero medyo na-offend nga siya sa part na nakita mismo ng binata kung gaano nasun

