BAKAS ANG saya sa labi ni Stephanie nang tuluyan na siyang makababa sa kotse ni Scot matapos na makapag parada sila ng sasakyan sa may parking area ng mall. Hindi pa gano'n karami ang mga sasakyan sa parking area kaya naman hindi sila nahirapan na mag hanap ng pwesto kung saan nila iiwan ang kotse. 'Yun ang unang boses ni Steph na makapumta ulit sa mall na 'yun makalipas ang ilang taon na nasa Australia siya. Wala naman masyadong pinag bago ang paligid pero masaya siya dahil nabalikan niya na ulit 'yun. Narinig na lang niya ang tunog na ginawa ni Scot mula sa may likuran niya dahil sa pagkakasarado ng pinto ng kotse sa may driver's seat dahil lumabas na rin ito. Doon niya na hinarap ang binata. "Tara na sa loob, gutom gutom na talaga ako eh, "wika niya sa binata at hindi niya na hinint

