THIRD PERSON'S POV
Inaayos ni Caliber ang higaan niya dahil sa kanya matutulog si Helliana. Nag shoshower lang si Helliana sa kwarto niya at hinihintay naman siya ni Caliber matapos sa sarili nitong kwarto.
Napakunot ang noo ni Caliber ng may tumawag sa kanya.
Baby is calling…
Napakunot lalo ang noo nito. Baby? Alam niyang hindi iyon si Helliana dahil ang nakalagay na pangalan ni Helliana sa cellphone niya ay my wife.
"Who the f**k are you?" Agad na bungad ni Caliber sa tumatawag.
"[Woah, chill.]" Natatawang bungad ng kausap niya sa kabilang linya.
Pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya kaya hindi nito pinatay ang tawag. Naupo si Caliber at pinakinggan na lang kung ano ang kailangan ng kung sino man ito.
"Why are you calling me? It's f*****g 12 am and who the f**k are you?" inis na tanong nito.
"[You forgot?]"
"Forgot what?"
"[It's me Liana. I told you I will give you what you want.]" Natigilan si Caliber at tinignan ulit ang pangalan nito sa cellphone niya.
"Then bakit ang nilagay mong pangalan dito ay baby?" inis lalo na tanong ni Caliber. Mas nainis pa ito ng narinig ang malanding tawa nito.
"[Don't worry, I told her that I'm going to steal you.]"
"Steal who?" Muling tumawa si Liana.
"[You.]"
"You're crazy."
"[Yeah, I'm crazy just like you.]"
"Did you just call me crazy?" asar na tanong ni Caliber.
"[Did I?]" maang mangaan nitong tanong.
Sa sobrang inis ni Caliber ay pinatayan niya ito. Agad niyang pinalitan ang pangalan nito sa contact niya at ipinalit ang crazy b***h.
Napakunot ulit ang noo niya ng makareceive ng message galing kay Liana.
From: Crazy Bitch
Come to this address ******* and I will give you what you want and I will tell you what you want to know.
Agad nitong itinago ang cellphone niya ng bumukas ang pinto at tumambad doon si Helliana.
"I'm sleepy." tanging sabi ni Helliana.
Lumapit si Helliana kay Caliber at agad hinalikan sa labi bago nahiga. Nagtaka si Helliana ng hindi tumabi sa kanya si Caliber kaya napaupo ito at napatingin kay Caliber.
"Hindi ka pa ba matutulog?" taka nitong tanong.
Napalunok naman si Caliber at pilit na ngumiti. Hindi niya alam kung paano aalis ng hindi nalalaman ni Helliana. Ayaw niyang malaman ni Helliana kung saan siya pupunta dahil baka sumama pa ito. Gusto niyang siya muna ang makaalam kung sino ba talaga siya bago niya sabihin kay Helliana ang totoo.
"Baby," tawag ni Caliber kay Helliana.
"Hmm?" Napatingin si Helliana kay Caliber.
"Pwedeng doon ka muna sa room mo matulog?" alanganing tanong ni Caliber.
Siya ang nag aya kay Helliana na matulog sa tabi niya at ngayon ay siya naman ang nagpapabalik kay Helliana sa kwarto nito. Napakunot ang noo ni Helliana attumalim ang tingin niya kay Caliber.
Hindi nito alam kung bakit pagkatapos siyang ayain na matulog sa tabi niya ay pababalikin naman siya nito. Sa tingin pa lang ni Caliber ay alam na niyang may hindi ito sinasabi sa kanya.
"Why?"
Napaiwas naman ng tingin si Caliber dahil hindi niya kayang magsinungaling kay Helliana. Nakokonsensiya na siya agad pero ayaw naman niyang malaman ni Helliana kung saan siya pupunta dahil natatakot siya sa malalaman niya. Kung tama nga ang hinala niya ay gusto niyang makumpirma muna iyon bago sabihin kay Helliana ang nakaraan niya.
"Okay." mahinang sabi ni Helliana nang hindi makasagot si Caliber.
Agad na tumayo si Helliana at mabilis na binuksan ang pinto. Napakagat ng labi si Caliber.
"Wait, Hell." pigil niya kay Helliana nang isasarado na nito ang pinto. Bahagyang tumigil si Helliana pero hindi nilingon si Caliber.
"I understand, Caliber. I understand." mahinang sabi nito bago malakas na isinarado ang pintuan.
Galit na pumasok si Helliana sa kwarto niya. Napatulala siya kapag pasok niya at inisip kung bakit ayaw ni Caliber na tumabi siya sa kanya. Sa sobrang inis ni Helliana ay binuksan nito ang bintana at agad na umakyat sa bubong nila Caliber para doon magpahangin.
Naiinis siya kasi nag sisikreto na si Caliber sa kanya pero may karapatan ba siyang magalit kay Caliber? Siya rin naman ay merong tinatago kay Caliber. Siya rin naman ay may mga bagay na hindi kayang sabihin.
Napabuntong hininga na lang si Helliana at nilanghad ang hangin.
Agad napahimos ng mukha si Caliber. Paniguradong bukas ay hindi siya papansinin ni Helliana at mababaliw na naman siya kakaisip ng paraan para pansinin siya ni Helliana.
Napailing na lang si Caliber at nag palit ng damit dahil nakapantulog na siya. Nag jacket siya at agad kinuha ang cellphone niya.
Pumunta muna si Caliber sa tapat ng pinto ni Helliana at hinawakan iyon.
"I'm sorry, baby." bulong ni Caliber.
Agad na siyang bumaba at kinuha ang susi niya at agad na lumabas para puntahan ang ibinigay na address ni Liana sa kanya.
Agad namang napakunot ang noo ni Helliana ng makita na lumabas si Caliber at nag mamadaling pinaharurot ang sasakyan niya. Agad bumaba si Helliana at walang pag aalinlangan na sinundan si Caliber. Malaki ang distansiya niya dahil baka makahalata si Caliber na merong nakasunod sa kanya, buti na lang at sobrang maraming iniisip si Caliber kaya hindi nito napapansin na sinusundan na siya ni Helliana.
Iniisip nito kung ano ang malalaman niya sa nakaraan niya. He's dying to know the truth but afraid to find out. Pakiramdam niya ay nakakatakot ang malalaman niya, pakiramdam nito ay hindi na niya kilala ang sarili niya. Agad nitong pinark ang kotse at bumusina doon.
Agad na lumabas si Liana at nakangising sinalubong si Caliber. Kunot noo namang lumabas si Caliber sa kotse niya. Pinagbuksan ni Liana ng gate si Caliber. Nagulat si Caliber ng yakapin siya nito. Bahagya niyang itinulak si Liana pero mas hinigpitan nito ang hawak, hinayaan na lang ito ni Caliber at pigil na pigil ang sarili na may masabi dahil baka hindi pa nito sabihin ang nalalaman niya kapag may nasabing masama si Caliber.
"Let's go?" nakangising aya ni Liana. Tumango na lang si Caliber at agad na pumasok sa loob.
Sa isang banda ay tahimik na pinapanood ni Helliana si Caliber. Napakuyom ang kamao nito lalo na ng yakapin ng babae si Caliber pero hindi man lang ito itinulak ni Caliber at hinayaan lang na yakapin siya nito.
Sino naman ang matinong babae at lalaki na magkikita sa ganitong oras? Napahawak si Helliana sa dibdib niya ng maramdamang kumirot iyon. Kapag pasok ng dalawa sa loob ay agad napahawak si Helliana sa pisngi niya ng may naramdamang basa.
Kaya pala hindi makasagot si Caliber sa kanya ay dahil makikipag kita siya sa babaeng iyon.
Kapag pasok ni Caliber ay agad siyang naupo sa sofa. Sa lamesa ay may nakalagay na litrato doon na agad niyang tinignan.
"That's me and you." sabi ni Liana at naupo sa tabi ni Caliber.
Mas marami ang stolen picture niya at ang tanging picture na kasama niya si Liana ay isa lang. Nakatayo siya at seryosong nakatingin sa camera habang si Liana ay ngiting ngiti.
Sa halos lahat ng picture ay walang nakangiti si Caliber. Laging seryoso ang ekspresyon nito.
"I really like you back then and I think I still do." Napatingin naman si Caliber sa kanya.
"Sa buong buhay ko kahit nawala ka sa North, sinubukan kong gawin lahat para mapakinabangan mo ako."
"Mapakinabangan?" takang tanong ni Caliber.
"Ang laki ng pinagkaiba mo sa totoong ikaw." Napalunok si Caliber at nakinig lang kay Liana.
"Noon, you're obsessed with her." Mas lalong kumunot ang noo niya.
"With who?"
Tumalim ang mata ni Liana ng maalala ang babaeng kinabaliwan ni Caliber noon. Siya dapat iyon pero nang makita ni Caliber ang babaeng iyon ay mas lalong hindi siya napansin ni Caliber. Mas kaya niyang pasayahin si Caliber kesa sa babaeng iyon pero mas gusto pa rin siya ni Caliber.
"She's not important."
Ayaw niyang sabihin kay Caliber ang tungkol sa babaeng iyon dahil baka hanapin ito ni Caliber at ang tanging pag asa niya ngayon na mapansin ni Caliber ay baka mawala pa.
Agad niyakag ni Liana si Caliber sa taas. Sumunod naman si Caliber sa kanya at pumasok sila sa nakakandadong pintuan. Kapag bukas ni Liana sa ilaw ay halos mahilo si Caliber sa pinture na nakikita dahil punong puno iyon ng litrato. Litrato niya.
"The f**k?" hindi makapaniwalang sabi ni Caliber habang tinitignan ang bawat litrato.
Sinarado ni Liana ang pintuan at nginisian si Caliber.
"You're obsessed with her while I'm obsessed with you. We're meant to be, Caliber." nakangising sabi ni Liana.
Napaatras si Caliber ng makitang may hawak na kutsilyo si Liana.
"What are you going to do with that knife?" kabadong tanong ni Caliber.
Kumunot ang noo niya ng lumuhod sa harap niya si Liana at agad na hiniwa ang palapulsuhan nito. Nanlalaki ang mata nito na pinanood si Liana. Nilahad ni Liana ang kamay niyang may hawak ng kutsilyo.
"I will give you what you want." nakangising sabi ni Liana.
"Break me, Caliber. Destroy me. Torture me. Do whatever you want." Naka awang ang labi na tinignan niya si Liana.
Hinawakan ni Liana ang kamay ni Caliber at siya na mismo ang naglagay ng kutsilyo sa kamay nito.
"Do you remember? You love torturing people. You love hurting them." Nanginginig na binitawan ni Caliber ang kutsilyo at tinulak si Liana.
Lumabas siya sa may kwarto at nanginginig na napaupo sa sahig. Hindi na nito maintindihan kung ano na ang nangyayari. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ng totoo ang babae o pinapaikot lang siya nito.
Napatingin si Caliber sa kamay niyang nagkaroon ng dugo. Nanginginig niyang pinunasan iyon para mawala ang dugo.
"No, I'm not what she told me. She's lying." nanginginig nito sabi.
"You think I'm lying?" Napatingin si Caliber nang sumulpot bigla si Liana sa tabi niya.
"Yes, you are lying! I can't even kill insect." sigaw ni Caliber. Agad tumawa si Liana.
"Of course, hindi naman kasi insekto ang gusto mong patayin kung hindi mga tao. Gusto mo silang nakikitang nahihirapan." Nagdilim ang paningin nito lalo na at tumawa ng nakakaloko ang dalaga. Agad niya itong sinakal. Mas lalong lumakas ang tawa ng dalaga at hinawakan ang kamay ni Caliber na nakasakal sa kanya.
"That's right, my Caliber. Hurt me! Kill me!" malakas na sigaw ni Liana.
Nanginginig na inalis ni Caliber ang kamay niya sa pagkakasakal dito. Napatingin siya sa isang litrato na nasa sahig na naapakan niya. Agad niya itong pinulot at tinignan ito. Litrato niya ito pero this time nakangiti siya at may tinitignan na kung ano.
Agad inagaw iyon ni Liana at galit na tinignan si Caliber na hindi maalis ang titig sa picture.
Napapikit ito ng may mukha ng babae ang lumitaw sa isip niya. Napahawak ito sa ulo niya ng bigla itong sumakit.
Agad hinawakan ni Liana ang magkabilang balikat ni Caliber.
"No, Cal. You don't have to remember her."
"Who is she?"
Hindi niya alam pero may humahaplos sa puso niya ng makita ang imahe ng babae sa isip niya kahit na malabo ang imahe na iyon. Gusto niyang makita ang babaeng iyon. Napatayo si Liana at pinanood ang nakahawak sa ulo na si Caliber.
"Why do you have to remember her?" galit na tanong ni Liana kay Caliber.
Alam ni Caliber na malaki ang parte sa nakaraan niya ang babaeng iyon kaya kailangan niyang malaman kung sino iyon. Kailangan niyang makausap ang babaeng iyon. Kailangan niyang malaman kung sino ba ito sa buhay niya noon.
"Who is she? And where is she?" Agad napangisi si Liana sa tanong ni Caliber. Muli itong umupo at hinaplos ang mukha ni Caliber, kunot noong umiwas si Caliber sa dalaga.
"She's already dead. You kill her." Nakangiting sabi ni Liana.
"What?"
"You like her that's why you destroy her." Mas lalong kumunot ang noo ni Caliber.
Ano ang ibig sabihin nito?
"And sooner or later you will kill your girlfriend too."
"What are you talking about? Why would I kill her?" sigaw ni Caliber. Napatawa naman ang dalaga.
"Why? Because you love her. Lahat ng gusto mo Caliber, you're destroying it. That's your true nature. You're crazy mother fucker at ako lang ang makakatiis sayo. You can hurt me, destroy me, kill me as long as you want me." Napaatras si Caliber at hindi makapaniwalang tinignan ang dalaga.
"You're crazy." Ngumisi ang dalaga.
"So are you."