THIRD PERSON'S POV
Nakatulalang napaupo si Caliber sa kwarto niya. Napatingin ito sa kamay niya at kahit na wala na iyong dugo ay pakiramdam niya ay andon pa rin iyon. Agad itong tumayo at pumunta sa lababo at pilit hinuhugasan ang kamay.
Napatingin ito sa repleksiyon niya at nakikita na naman niya ang batang siya. Napapikit si Caliber at napansandal sa pintuan at dahal dahang naupo. Napasabunot ito sa sarili.
"I'm going crazy." bulong nito sa sarili.
Mas lalo siyang natakot na malaman ang katotohanan. Takot siyang malaman na totoo ang sinasabi ng dalaga, natatakot siya na baka ganoong klase siya ng tao.
Tumayo si Caliber at sinarado ang pintuan ng c.r niya pero agad itong napahawak sa ulo niya ng kumirot na naman ito.
"I like her, Dad."
"She's mine!"
"I like you, that's why I'm doing this."
"You're still beautiful even though you're full of blood."
"Can I destroy you?"
Nanginginig na napahawak si Caliber sa ulo niya. Kumpara noon ay malinaw na niyang naririnig ang mga sinasabi nito. Sino ang nagsasalita? Siya ba? Is it true that his hand is full of blood?
"I'm scared." bulong ni Caliber sa sarili.
Tagaktak na ang pawis nito at nanginginig na sa sobrang takot. Takot para sa kanyang sarili. Hindi na niya kilala ang sarili niya. Hindi na niya alam kung sino ba talaga siya.
Napahawak si Caliber sa dibdib siya ng unti unti itong sumakit. Pumasok ang imahe ng mukha ni Helliana sa isip niya.
"Helliana… I need to see her." Pilit na tumayo si Caliber at agad bumukas ang pintuan niya. Papunta na sana siya ng makasalubong ang Dad niya.
Papunta sana si Axel para tignan ang kwarto ni Helliana at baka may mahanap siyang impormasyon doon pero hindi niya inaasahan na makakasalubong nito si Caliber. Napakunot ang noo ni Axel ng makitang pawis na pawis si Caliber at malalim ang hininga nito.
"Caliber?" takang tanong nito at tinignan maigi ang pawis na pawis na si Caliber.
Napatingin si Caliber at nanginginig na ang luha nito.
"D-dad?" nang hihinang tanong ni Caliber.
Nagtatakang inalalayan ni Axel ang anak niya. Hindi nito alam kung anong nangyayari at sa ganitong madaling araw ay nagkakaganito si Caliber. Inalalayan ni Axel ang anak pabalik sa kwarto dahil nanghihina si Caliber ay hindi nito mapigilan ang ama niya na ipasok siya sa loob. Iniupo siya doon ni Axel at tinignan maigi si Caliber.
"What's wrong with you?" takang tanong nito.
"I have to see her, Dad." nahihirapang sabi ni Caliber.
"Okay but what's happening to you? Bakit ganyan ang itsura mo?"
Nag aalala si Axel sa anak dahil ngayon lang niyang nakitang ganoon ang itsura nito. Hindi niya alam kung bakit ganon ang itsura nito, ramdam nitong nahihirapan si Caliber at ang pawis nito kahit aircon na ang buong mansion ay tagaktak ang pawis nito sa buong mukha.
"I met a girl." nahihirapang sabi ni Caliber. Tinignan naman siya ni Axel.
"Who?"
"Her name is Liana." Nanlaki naman ang mata ni Axel na agad napansin ni Caliber.
"Do you know her, Dad?"
Napalunok si Axel at agad na napakuyom ang kamao. Liana? Merong dalawang Liana na kilala si Caliber at sana hindi ang Liana na nagpabaliw kay Caliber ang nakita ni Caliber dahil sigurado siyang babalik agad ang alaala nito dahil malaki ang parte nito sa nakaraan ni Caliber.
"No." mahinang sabi ni Axel.
"She knows me, Dad. The past me, she said I'm obsessed and I'm crazy. She's f*****g crazy, Dad. Meron siyang picture ko, maraming picture ko sa isang room. She said she's obsessed with me and I'm obsessed with someone else."
Hindi nito alam kung makakahinga ba ito ng maluwag o hindi dahil yung isang Liana ang nakilala ni Caliber. Noon merong nakilala si Caliber na mayroong parehas ng pangalan. But Caliber like the other Liana and the other Liana like Caliber.
Napakuyom ang kamao ni Axel. Kung alam lang nito na makikita ni Caliber si Liana, edi sana noon pa lang ay pinatahimik na niya ito. Hindi niya lang ito pinapatahimik dahil wala rin naman ito masyadong alam. She's a psychopath.
Mas kinakatakot ni Axel na baka may sabihin si Liana kay Caliber tungkol sa isa pang Liana na nagpabaliw kay Caliber. Gustong gusto ni Caliber ang babaeng iyon at sa sobrang pag ka gusto niyo nauwi sa obssesion ang nararamdaman nito. Isa rin ito sa dahilan kung bakit ayaw na rin ni Axel makaalala si Caliber dahil panigurado itong mag tatanong ito about kay Liana at hindi niya alam ang isasagot dito.
Niyakap ni Axel ang nanginginig na anak.
"I'm scared, Dad. Pumapatay ba ako ng tao, Dad?" Hinawakan ni Axel at pisngi ni Caliber at pinunasan ang luha nito.
"Caliber, this is the reason why I don't want you to remember your past."
"Dad, you didn't answer my question." Napabuntong hininga si Axel at umiwas ng tingin kay Caliber.
"It's not important, Caliber."
"It is!"
"I'm a f*****g monster. What if I hurt Helliana because I love her?" Napatingin si Axel sa anak.
"Why would you hurt her if you love her?"
"She said that everything that I want, I'm destroying it. I'm scared. I don't want to hurt her. I'll die first before hurt her."
"Don't say that, Caliber."
Mas lalong napaluha si Caliber ng hindi tinatanggi ng Dad niya ang katotohanan. Kung hindi totoo yung sinasabi niya edi sana tinatanggi na iyon ng Dad niya pero hindi. Hindi niya kinukumpirma pero hindi niya rin tinatanggi.
"Dad is that true? All of it. You didn't deny it." Madiing pumikit si Axel.
"You know, Caliber. Hindi importante kung ano ka noo, ang importante ay kung ano ka ngayon." Kinalas ni Caliber ang pagkakayakap sa ama at tinignan ito.
"So it's true." sabi ni Caliber at tumango tango.
"Importante kung ano ako noon, Dad! Kung ano noon, 'yun talaga yung totoong ako!" sigaw ni Caliber.
"Ikaw pa rin yan, Caliber. With or without your memory, ikaw pa rin si Caliber, ang anak namin." Tumayo si Caliber at napahilamos.
"Bakit ba takot na takot ka na makaalala ako? Bakit?"
Umiwas ng tingin si Axel. Alam niyang kapag nakaalala si Caliber ay magkakagulo na naman ang lahat. Ang tahimik niyang buhay ngayon ay babalik sa dati. Ayaw na niyang makitang ganoon ang anak. Oo, siya ang nagturo noon na sana ay hindi na lang niya ginawa. Ang gusto lang naman niya talaga nung una ay matuto si Caliber para maprotektahan ang sarili niya, hindi niya inaasahan na magiging ganoon si Caliber.
Hindi niya inaasahan na mas lalala pa si Caliber sa kanya. Noong una ay natutuwa siya pero noong nagsimulang makilala ni Caliber si Liana doon unti unting nagbago ang lahat.
"Ayokong bumalik ka sa dating ikaw." mahinang sabi ni Axel.
"It's a lie, right? Iyong nakidnap ako kaya nawalan ako ng alaala. Dad, tell me now. Tell me what's the truth kasi nababaliw na ako. "
"Yes, it's a lie."
"What's the truth, Dad? How many people I killed? Am I a monster?" Lumapit si Axel sa anak pero si Caliber na mismo ang lumayo.
"You're not a monster."
"Paano kapag nalaman ni Helliana? Paano kung iwan niya ako, Dad?"
"You know how to make her yours. Completely yours." Agad napahawak si Caliber ng may marinig na naman na boses.
"Dad, I think I'm crazy. I keep on hearing things." Napaupo si Caliber at napahawak sa ulo.
Sumasakit ang puso ni Axel nang makitang nahihirapan ang anak niya.
"I'm sorry." Napatingin si Caliber kay Axel.
"Why?" mahinang bulong nito.
"I made you like that. I thought it's the best for you turns out it's your nightmare." Niyakap ni Axel ang anak.
Akala niya na magiging ayos ang lahat dahil marunong makipag laban si Caliber. Lalo na ng makitaan na may potensiyal si Caliber, hanggang sa naging isa na si Caliber sa kinakatakutan sa buong North.
"Dad," mahinang tawag ni Caliber nang medyo kumalma na ito. Kumalas naman si Axel at napatingin kay Caliber.
"That girl. Who is she?"
"W-who?" kabadong tanong ni Axel.
No, maalala na lahat ni Caliber wag lang ang babaeng iyon. Sa kanya lahat nag simula ang ito. Kung bakit nagkaganon si Caliber, kung hindi dahil sa kanya ay walang mangyayaring ganito. Ang mas kinakatakot pa ni Axel ay hindi nito alam kung buhay ba o hindi ang babaeng iyon. Kung buhay ito alam niyang mapaglaro ang tadhana, natatakot siyang baka makita ito ni Caliber at maulit na naman ang hindi na dapat maulit na nakaraan.
Sinubukan hanapin ni Axel ang babaeng iyon pero kahit anino nito ay hindi nito nakita. Buong bansa ay inikot na niya mahanap niya lang iyon pero hindi niya mahanap.
Alam niya at siguradong sigurado siya na makikilala iyon agad ni Caliber. Hindi niya alam kung sapat ba si Helliana para patigilin si Caliber. Bago palang ang relasyon nila ni Helliana. Kung nakita na ni Caliber ang isang Liana hindi malamang makita na rin ni Caliber ang Liana na pinaka iniiwasan nila.
Baka hanapin pa ito ni Caliber at baka mahanap niya ito. Hindi niya alam kung ano ng mangyayari kapag nahanap ni Caliber ang babaeng iyon.
"The girl I'm obsessed with."
"Why do you want to know?" balik na tanong ni Axel.
"She's the key. If I find her, I know I will remember everything." Agad napatayo si Axel.
"No! You will not find her!" malakas na sigaw ni Axel.
Ito na nga ba ang kinakatakutan niya. Gusto ng hanapin ni Caliber si Liana. Hindi siya papayag at baka mahanap niya ito, baka maulit na naman ang nakaraan. Hindi siya papayag. Ayaw niyang makitang ganoon na naman si Caliber. Ayaw niyang makita ang ganoong ekspresyo ni Caliber, na kahit siya mismong ama ay kinalibutan sa anak.
"I need to find her, Dad!"
"But you killed her!"
Ayaw niyang magsinungaling kay Caliber pero wala na siyang choice. Kailangan na lang niyang sabihin na patay na ito para hindi na nito hanapin ang babae. Hindi niya na pwedeng hanapin ang babaeng iyon.
"I killed her?" Tinignan nito ang umaatras na si Caliber.
Napatingin si Caliber at naalala na naman nito ang dugo nito sa kamay kanina. So, totoo ang sinabi ni Liana na pinatay niya ang babaeng iyon? Natatakot siya sa sarili niya. Hindi na niya kilala ang sarili niya. Pakiramdam niya ay ang sama sama na niya.
"Why?" mahinang bulong ni Caliber.
"Because you like her." Napaawang ang labi ni Caliber.
Hindi nito maintindihan kung ano ang kuneksyon noon. Kung gusto niya iyong babae then bakit niya papatayin iyon? Diba dapat aalagaan niya, mamahalin niya, liligawan niya araw araw? Bakit niya papatayin yung babae kung mahal niya ito?
"Why would I kill her if I like her?"
"That's your true nature. It pleasures you seeing her being helpless." Mas lalo itong napaatras.
Naisip nito na edi maaaring dahil gusto niya rin si Helliana, hindi maaraming masaktan niya rin ito. Hindi niya na alam ang gagawin, natatakot na siya sa sarili niya. Sa mga nalalaman niya ngayon, naghahalo halo na. Sumasakit na ang ulo nito at hindi na rin makapaniwala sa mga nalalaman.
Hindi niya rin alam kung masasabi pa ba niya ito kay Helliana. Natatakot siyang sabihin ito kay Helliana. Paano kung layuan siya ni Helliana dahil doon? Nagagalit siya kay Clark kasi sinasaktan nito si Helliana tapos baka ganon rin ang gawin niya. Baka masaktan din niya si Helliana. Kapag nasaktan niya si Helliana, hindi niya na alam ang gagawin niya. Hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya kay Helliana.
Pakiramdam niya ngayon ay ang sama sama niya ng tao. Hindi na niya deserve si Helliana.
"Get out." mahinang sabi ni Caliber.
"Caliber," tawag ni Axel at lalapitan sana si Caliber.
"I SAID GET OUT!" malakas na sigaw ni Caliber.
Wala namang nagawa si Axel at lumabas na lang ng kwarto ni Caliber. Agad inihagis ni Caliber ang lamp na katabi niya. Napaupo ito at napahawak ulit sa ulo.
Takot na takot siya. Takot siya sa mga nalaman niya. Takot siya sa kung sino talaga siya. Hindi niya kayang sabihin kay Helliana ang totoong siya. Ayaw niyang makita sa mata ni Helliana na natatakot ito. Ayaw niyang makita iyon, masasaktan siya kapag nakita niya iyon sa mata ni Helliana.
Siya mismo ay natatakot na sa sarili niya, si Helliana pa kaya. Napatingin siya sa bubug na nasa sahig na nagbigay ng repleksyon niya. Agad niya itong hinawi at walang pakielam kung masugatan man siya.
Hindi niya kayang tignan ang mukha niya. Hindi niya kayang tignan ang repleksyon ng mukha niya. Pumasok siya sa c.r at agad sinuntok ang salamin doon.
"I don't want to see this evil face." bulong niya at pinagsusuntok ang salamin hanggang sa magdugo na ang kamao niya.
Hindi niya alam pero wala siyang naramdamang sakit. Parang namanhid ang buo niyang katawan. Napatingin siya sa dugo niya na ngayon ay tumutulo.
"Blood," mahina nitong bulong.
Napasandal ito sa pintuan at nilagay sa mata ang braso niya at doon nagsimulang tumulo ang luha nito.
"Will you still save me if I became my demon, Helliana?"