THIRD PERSON'S POV Bumalik na sa dati si Caliber, hindi na rin masyasong nag tanong si Helliana dahil siya na lang mismo ang mag hahanap ng sagot sa sarili niyang tanong. Ayaw na niyang ipaalala pa iyon kay Caliber lalo na at hindi na rin naman inoopen ni Caliber ang topic na iyon. Papasok na sila sa classroom at tulad pa rin ng dati ay agad nag usap sina Caliber at Kean. Umupo lang naman si Helliana sa upuan niya, napatingin siya sa upuan ni Liana. Ilang araw itong absent sa hindi namin malamang dahilan, hindi rin ito nag sabi sa teacher kaya lahat sila ay nagtatanong kung pumasok na ba ito. Bagong bago pa lang, umabsent na agad. Dahil absent si Liana ay mas lalong na curious si Helliana kung ano ba ang pinag usapan ng dalawa. Kung bakit matapos non ay hindi pumasok si Liana. Nakatin

