FLASHBACK CALIBER'S POV Tulad ng nakasanayan ko kapag wala na akong ginagawa ay mag lalakad ako sa playground. Habang nag lalakad ako ay dumating yung babaeng laging tumatabi sa akin na kaibigan ni Dad ang Daddy niya. at tulad ng laging ginagaw niya ay kinausap niya ako Wala naman akong pakielam at hindi rin ako nakikinig sa mga sinasabi nito pero hinahayaan ko na lang siya. Sinabi kasi ni Dad na hayaan ko na lang ito at dahil na rin sa matalik na kaibigan ng Dad ko ang Dad niya. Hindi rin naman ako ganoong nakukulitan sa babae dahil mag sasalita lang naman ito saglit at maya maya ay titigil din at tahimik na uupo sa tabi ko. Sanay din naman ako na may naka paligid sa akin, kaya wala itong problema. Iisipin ko na lang na isa ito sa bodyguard ko na laging naka sunod sa akin. Nag sasali

