CHAPTER 36

2999 Words

HELLIANA'S POV Gusto kong alamin kung ano ang pinag usapan nila ni Clark pero wala akong magawa kung hindi ang umuwi na lang. Sobrang seryoso ni Clark kanina kaya hindi ko siya kayang labagin, ano ba kasing meron? Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Mabilis kong pinark ang motor ko at pumasok sa loob pero ang bumungad sa akin ay ang galit na galit na mukha ni Axel. Napairap naman ako at lalagpasan sana siya ng mahigpit ako nitong hawakan sa braso kaya sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya natinag at mas lalong diniinan. "Nasasaktan ako." "Masasaktan ka talaga." Pilit kong kinalas ang pagkaka hawak niya sa akin at ng mag tagumpay ako ay pulang pula ang braso ko dahil sa higpit ng pag kakahawak nito sa akin. Ano na naman ba ang problema nito? "Ano na naman bang problema mo?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD