THIRD PERSON'S POV Dahan dahan iminulat ni Helliana ang mata niya at tinignan ang paligid niya. Alam niya agad na nasa kanilang kwarto siya, kwarto nila ni Clark. Kahit nahihilo ay pilit siyang umupo at napatingin sa seryosong nakaupo sa upuan at pinapanood siyang umuupo. "Clark?" mahinang banggit niya sa pangalan ni Clark. Hindi naman nagsalita si Clark at tumayo lang. Dahan dahan itong lumapit kay Helliana. Bahagyang napaatras si Helliana dahil sa takot niya kay Clark. Kakaiba ang mata ni Clark kumpara sa noon kapag galit siya at wala sa sarili, mas nakakatakot ang mata nito ngayon. Umupo si Clark at pinagmasdan ang natatakot na si Helliana. Kitang kita ni Clark ang takot sa mata ni Helliana. "Call me selfish, but I can't share you with anyone else." Bahagyang napaiwas si Hellian

