CALIBER'S POV Nang tumapak sa mata ko ang araw ay agad akong naalimpungatan. Napadilat ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Nakayakap sa akin si Helliana at ngayon ay mahimbing na natutulog. Napatingin ako sa maamo nitong mukha habang natutulog. Napakaganda niya talaga. Hinalikan ko ang noo niya at parang tangang tumawa mag isa dahil paulit ulit na naririnig ng tenga ko ang mga ungol, halinghing at tawag ni Helliana sa pangalan ko. Nilalaro ko ang buhok niya at napatingin ulit sa cellphone ni Helliana. Nakita ko ang text doon ni Clark, mahimbing na natutulog na non si Helliana kaya tinignan ko na kung sino iyon. "You think Caliber can save you? You think kaya niyang gawin lahat ng kaya kong gawin? Hindi matatapos ang buwan na 'to na hindi ka gumagapang palapit sa akin. Remember th

