CHAPTER 1

1277 Words
CALIBER MIDNIGHT'S POV "Ano ba kasing gagawin ninyo dito?" tanong ko kina Kean at James habang naglalakad kami papasok sa mansiyon namin. Halos lagi na lang sila nasa amin, hindi na halos umuuwi, madalas dito pa silang dalawa natutulog. "Alam mo namang mahal na mahal namin itong mansyon niyo. " sabay tawa ni James. Napailing naman ako at pumasok na, nakasunod naman sila sa akin at ibinigay namin ang mga gamit namin sa mga maid. Dad's Calling... Tumigil ako at pinauna na muna sila. Sinagot ko ang tawag at mabilis na inilapit sa tenga ko ang cellphone ko. "Hello dad?" "[Where are you?]" Niluwagan ko ang neck tie ko at tinanggal ang tatlong butones ng suot ko. "Mansion." "[Hmm so you already met her]" Agad nangunot ang noo ko. Her? Who? "Who?" takang tanong ko "[Nevermind, call me later when you already met her.]" Sasagot pa sana ako ng bigla na nitong pinatay ang tawag. "Kean! James!" malakas kong sigaw at dumiretso na sa sala pero agad din akong napatigil nang may nakita akong babaeng nakaupo habang kinakausap nina Kean at James. Who is she? Siya ba ang tunutukoy ni Dad? "Who are you? Why are you here?" seryoso kong tanong. Tumayo naman ito. Diretso ang tingin nito sa akin at wala kang kakikitaang expression dito. "Helliana Gwyneth Denver, your new bodyguard." Napataas ang gilid ng labi ko. Agad kumunot ang noo ko. Tama ba ang narinig ko. New bodyguard? Bodyguard ko? Babae ang bago kong bodyguard? Nagpapatawa ba siya? "What?!" Hindi ko mapigilan ang pag sigaw. Nakakainsulto para sa'kin yun! Babae, magiging bodyguard ko? Ganon na ba kahina ang tingin sa'kin ni Dad at mas malakas ba sakin itong epal na babae na to? "Helliana Gwyneth Denver, your new bodyguard." pag uulit niya. Damn! "What?!" Lalo akong nainis. Nakakainsulto siya. Nakakainis siya. Nababadtrip ako sa kanya. Ewan ko kung bakit. Nagpakilala lang naman siyang new bodyguard ko pero naiinis parin ako. "Helliana Gwyneth Denver, your new bodyguard." "What the f**k? Bakit ba paulit ulit ka? Robot ka ba?!" Napangisi naman ako at napabuga sa hangin. Kaya naman pala. Robot siya! Kaya siya ang pinadala sa akin. "Dahil paulit ulit lang din ang tanong mo." Yung ngisi ko at unti unting nawala at agad nangunot ang noo ko. Lalong kumunot ang noo ko ng marinig ko ang biglang lakas ng pagtawa nina Kean at James. "Anong tinatawa tawa niyo dyan?!" inis na singhal ko sa kanilang dalawa at kesa tumigil ay lalo pang lumakas ang tawa nila na lalo nag pa inis sa akin. "Ikaw! " Malakas kong sigaw at dinuro pa siya. Inosente itong tumingin sa akin at tinabingi pa ang ulo. Arghhh! Nakakabadtrip siya. "Get out!" Tinuro ko pa ang pintuan. "Caliber Midnight Rios." Agad akong napatigil ng marinig ang puno ng autoridad na boses ni Dad. Damn! Dahan dahan akong humarap kay Dad at kitang kita ko ang salubong nitong kilay. Agad namang tumahimik ang paligid sa biglaan niyang pagdating. "D-dad," kabado kong utal sa kanya. Lalong bumilis ang t***k ng puso ko ng dahan dahan itong lumapit bitbit ang seryoso nitong mukha. "She's your new bodyguard and you can't fire her because I am the one who hired her! Do you understand, Caliber Midnight Rios?" Napatungo naman ako at parang batang tumango tango. Nakakahiya! Bwisit na babae 'to. Kung hindi kita pwedeng paalisin bilang bodyguard ko, sisiguruhin kong ikaw mismo ang mag resign. Bahagya akong napangisi ng may nabuong plano sa utak ko. "Napaka-talino mo talaga. Walang wala ang makakatalo sa angkin mong talino, Midnight," mayabang kong sabi sa isip ko. "Babantayan ko ba siya dahil ang buhay niya ay nasa panganib o..." Tumigil ito at bahagya pang tumingin sakin. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at inis siyang tinignan. Anong tinitingin tingin mo diyan? "Or what?" takang tanong ni Dad "O dahil may saltik siya?" Bahagya pa itong ngumisi na lalong nagpainis sa akin. "Ano?!" malakas kong sigaw. Kanina pa siya, ah. Nakakainis na siya. Hindi na nakakatuwa. Ako? May saltik? "Gusto mong ulitin ko ulit?" Nag cross-arm pa ito. Nginisian ako nito at tinaas pa ang kilay. "Alam mo yung hospital?" seryoso kong tanong. "Siyempre hindi naman ako kasing tanga mo," inis na tinignan ko si Dad na nakaupo na at pinapanood kaming dalawa. Itong dalawang tukmol naman ay pigil ang tawa pero rinig na rinig ko yung bungisngisan nila. Bwiset. Hinding hindi na sila makakatungtong ulit dito. "Umalis  kana nga dito! Hindi ka naman kailangan dito. Alis!" Pagpapaalis ko pa dito at bahagyang tinulak pero hindi natinag. Bahagya pa itong tumawa na ikinatigil ko. "Pinagtatawanan mo ba ako? Alam mo, ikaw talaga yung may saltik, bwiset ka!" Ginulo ko pa ang buhok ko sa sobrang inis. "Kakasabi lang ng Dad mo na hindi mo ko pwede paalisin. Tinagalog ko na para sayo hindi mo ata naintindihan yung sinabi ng dad mo kasi english." Dahan dahan akong lumapit dito at mabilis na kinuwelyuhan. "Sa tingin mo ba hindi ako nakakaintindi ng english? Atsaka ang sabi niya hindi kita pwedeng i-fire as my bodyguard, hindi niya sinabing hindi kita pwedeng paalisin. So get out!" Malakas ko siyang itinulak pero nabalanse niya parin ang sarili niya. "Wag mong ugaliing tulakin ako." Napatigil ako ng seryoso ako nitong titigan. Agad akong kumarap at umiling para mawala ang takot na hindi ko alam kung saang nanggaling. "At bakit?! Pake mo ba kung gusto kitang itulak, ha? " Tinulak ko ito ulit pero tulad kanina ay nabalanse niya ulit ang sarili niya. Dahan dahan itong lumapit sa akin at pumunta sa likod ko sabay hawak sa may bandang leeg ko. "Ack." Sinubukan kong igalaw ang katawan ko pero hindi ko naigalaw. Humarap ito sa akin at itinulak ako dahilan para matumba ako pero hindi ko parin magalaw ang buo  kong katawan. "Aray!" Sigaw ko sa sakit. "Ibalik mo na siya sa dati, Hell." Tumango lang ito at agad may pinindot sa may leeg ko at agad akong gumalaw pero rinig na rinig ko ang pag tunog ng buto ko. "Gago ka, anong ginawa mo sa'kin?" inis kong tanong habang tumatayo. Tinulungan naman ako nina James at Kean. "Tsk." "Stop it, Midnight. Hell, follow me." Tinignan muna ako nung Hell bago sumunod kay Dad. "Matapilok ka sana!" sigaw ko at agad ng tumalikod. Umakyat na ako sa hagdan, ramdam ko ang pagsunod sa akin ng dalawang kupal na'to. Nang huling hakbang ko na ay kamalasmalasang AKO PA YUNG NATISOD. "BWISET!" malakas kong sigaw. Agad tumawa sina Kean at James. Inis ko silang hinarap. Salubong na salubong na ang kilay ko sa sobrang inis ko. "Nakarma ka tuloy," natatawang sabi ni Kean. "Napakabait niyong kaibigan 'no? Kesa tulungan ako tinawanan ninyo pa ako. Bwisit din kayo!" lalong lumakas ang tawa nila. May pahawak pa sa tiyan. "Tutulungan ka naman namin pero siyempre tatawa muna kami." Nagsihagalpakan na naman sila ng tawa. "Tutulungan? Kung kailan nakatayo na ako." Tumigil sila sa pagtawa at sabay na hinawakan ang balikat. "O sige alalalayan ka namin." Sabi ni James. "Tanga ka pa naman," pahabol ni Kean. Inis kong inalis ang paghawak nila sa akin at sabay ko silang binatukan. Mga gago! Tanga daw ako. Parang hindi sila natatapilok, ha. "Sinasabi ko sa inyo sulitin niyo na mga araw niyong nandito kayo dahil  hinding hindi na kayo ulit makakatapak dito." Agad na akong naglakad papasok sa kwarto ko. Kakamot kamot  naman silang sumunod sa akin. "Eto talaga apaka pikon," rinig kong bulong ni James. "Anong sabi mo?!" malakas kong sigaw. "Ano ba narinig mo?" "Eto talaga apaka pikon," kunot noong pag ulit ko sa sinabi nya. "Narinig mo naman pala, nagtatanong pa." inis ko siyang pinagsisipa at ang mga bugok pinagtulungan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD