HELLIANA'S POV
Agad na akong sumunod kay Caliber Axcel (Daddy ni Midnight). Agad akong napatigil ng marinig ko pa siyang magsalita.
"MATAPILOK KA SANA!" pero dahil isa siyang malaking tanga siya yung natapilok. Pigil ang tawa kong iniwas ang tingin sa kanya. Ang tanga niya.
"BWISIT!" malakas na sigaw niya at yung dalawa naman niyang kasama ay rinig na rinig ko ang tawanan.
Pumasok na ako sa office niya at naupo agad sa upuan.
"Hell," tawag niya sa akin. Nginitian ko naman siya at nilingon.
"Axcel," bahagya itong tumawa.
"Name your price." Lalong lumapad ang ngiti ko.
Hindi ako mahirap. Ang totoo ay halos pinalilibutan ako ng pera pero dahil kailangan ko itong gawin, ginagawa ko 'to.
"500 million pesos every 1 month."
Tinaasan ko ito ng kilay nang hindi ito nakasagot sa akin. Sinimulan ko ng paikutin ang kutsilyo sa daliri ko at ang mga tauhan naman nito ay agad na naalarma.
"Axcel are you wasting my time?" seryoso kong tanong dito.
"No, deal." Lumapad na ang ngiti ko sa naging sagot nito at nag shake hands kami.
"Ang anak kong si Midnight ay..." Umubo pa ito bago pinagpatuloy ang sasabihin. "Hindi marunong makipag-laban pero takaw sa gulo dahil sa paraan ng pananalita nito. Hindi lang yun dahil siya na lang ang nag iisang anak ng Rios Fam ay maraming nagtatangka sa buhay niya kaya kailangan ko ang pinakamalakas na tauhan ni Clark para mabantayan ang anak ko." tumango lang ako at tumayo na.
"Anything else?" tanong ko ng makarating na ako sa pinto. Umiling lang ito kaya agad ko ng sinarado ang pinto. Agad akong bumuntong hininga at kinuyom ang kamao ko.
Hindi eto ang trabaho ko. Hindi ko trabahong magbantay ng isang tao at ilayo sila sa gulo. Ang trabaho ko ay pumatay pero dahil inutos ni Clark ay wala akong magagawa.
Agad na akong bumaba at mabuti naman at hindi ko nasalubong yung tukmol na yun. Payapa akong nakabyaheng papunta ng mansion.
Agad akong pumasok at dumiretso sa kwarto ko. Nakaayos na ang mga gamit ko dahil doon na ako titira sa mga Rios para 24 hours kong mabantayan si Midnight.
Chineck ko lang kung kumpleto na ang mga gamit ko at pinalagay ko na sa sasakyan ko para wala na akong aasikasuhin bukas.
Dumiretso ako sa opisina ni Clark. Kumatok muna ako bago pumasok. Nakita ko siyang umiinom ng wine habang nag babasa ng article. Nang maramdaman niya ang presensya ko ay agad niyang binitawan ang article na hawak niya at tumitig sa akin.
Naka polo siyang damit at lahat yun ay naka unbotton kaya kitang kita ko ang laki ng katawan niya at ang 6 pack abs niya.
"Clark," tawag ko dito.
Sinenyasan niya akong lumapit at sinenyasan akong umupo sa hita niya. Agad akong lumapit at naupo sa hita niya. Naramdaman kong ipinulupot niya ang braso niya sa bewang ko at hinalikan ang balikat ko.
"How's your day?" hindi agad ako nakasagot.
"What do you think?" Napatigil ito sa paghalik sa balikat ko kaya kahit mahirap ay pilit ko siyang nilingon at kita ko agad ang pagbabago ng expression nito.
Nakipagtitigan ako sa kanya at habang tumatagal ay bigla ng lumambot ang expression nito. Madalas kong pakiramdaman si Clark dahil may kakaiba itong sakit. Pabago bago ang mood nito. Mahirap tansyahin.
"Alam kong ayaw mo nitong pinapagawa ko pero kailangan mong gawin 'to, okay? " Wala akong nagawa kung hindi ang tumango.
Siya ang boss. Ano bang magagawa ko? Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya wala akong dapat na ireklamo.
"And by the way kailangan mong mag aral sa pinapasukan din niyang school." Naiirita akong napatayo ng hindi ko magustuhan ang narinig ko.
"What?! You know me, Clark. Ayoko sa school. Ayoko!" mabilis na nag flashback ang nangyari sa akin noon.
"Narinig niyo ba? Wala na daw ang Mommy at Daddy ni Gwyneth . Siguro dahil nangutang sila at hindi binayaran kaya ayon pinatay hahaha."
Agad may nagtapon sa akin ng pintura kapag bukas ko ng pintuan ng room namin. Halos lahat sila ay nagsipagtawanan.
"Hindi ka bagay dito!"
"Poor kid."
"Mahirap na nga, wala pang mga magulang. So poor."
"Umalis ka na dito."
"Hindi ka bagay dito."
Pagpasok ko ay nakita kong nasa labas na ang chair at desk ko at may mga patay na daga at ipis. Meron pang parang suka.
"Alam niyo ba yaya lang ang mommy at daddy ni Gwyneth? Yuck!"
Naramdaman kong mabilis ako nitong niyakap. I hate school. Kaya nun hindi na ako bumalik sa school. Dito na lang ako pinag-aral ni Clark.
"Pero iba na ngayon, Hell. Malakas kana at sa isang pitik mo lang kaya mo silang patayin." Hinalikan nito ang noo ko.
Napayakap ako sa kanya ng agad niya akong binuhat na para bang bago kaming kasal at dinala ako sa kwarto namin.
"Bukas ka na pumunta dun, dito ka na matulog." sabi niya at inihiga ako sa may kama.
Nagshower lang siya pagtapos ay ako naman ang nagshower. Agad na kaming nahiga at niyakap naman niya ako.
"Bibisita ka dito kapag may free time ka, ok?" tumango lang ako dito.
Hindi ko boyfriend si Clark at mas lalong hindi ko siya asawa. Walang kami pero mahal ko siya. Siya lang yung taong nandyan nung tinalikuran ako ng mundo. Noong halos wala ng natira sa akin, binigay niya ang lahat sa akin. Yung dating mahinang ako, pinatay niya at pinalitan ng isang malakas na Helliana.
"I love you." agad ko siyang niyakap pabalik. Hinalikan naman nito ang noo ko.
Agad na akong pumikit at natulog sa bisig nito.
******
"Hell." Humarap ako rito.
Nagulat ako ng bigla ako nitong hilahin at sinandal at pintuan. Agad bumilis ang t***k ng puso ko.
"H'wag na h'wag kang mai-in love kay Caliber Midnight." Nakipagtitigan siya sa akin. Agad ko namang inilagay ang ulo ko sa dibdib niya.
"Pano ako maiinlove kung nasa'yo na ang puso ko?" Hinawakan nito ang baba ko at iniharap ako sa kanya.
Agad na naglapat ang mga labi namin. Naramdaman ko ang pagbaba ng halik nito pababa sa leeg ko.
"Ahh C-clark..." Sinipsip nito ang leeg ko. Alam kong mag iiwan iyon ng hickey.
"Akin ka lang, Hell. Akin lang. Handa akong patayin lahat ng balak mang-agaw sayo." Nginitian ko lang siya at nagsimula ng timalikod.