CHAPTER 3

1042 Words
CLARK'S POV Pinanood ko siyang umalis. Nang hindi ko na matanaw ang kotse niya ay dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko. Pumasok na ako sa loob at napatingin sa mga maid na kanina pa nagbubulungan. "So noisy. Parang gusto ko tuloy putulin ang mga dila ng mga maiingay." Napatingin naman ako sa kanila at kitang kita ko sa mata nila ang takot. "Ah sir lilinisin ko pa pala yung cr. Alis muna ako." "T-tulungan na kita" Mabilis pa sa mga langgam na nagsipag alisan yung dalawa. Napailing na lang ako. Mga duwag. "J2." Agad lumapit sa akin si J2. "Call Dad right now. Tell him he can go here now." tumango ito at tumalikod na. Nagpunta na ako sa opisina ko at doon hinintay si Dad. Napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pag bukas ng pinto. Seryoso akong tinignan ni Dad. Alam kong hindi siya natuwa sa ginawa ko sa pagpapatira kay Hell sa puder ng mga Rios. "WHAT THE f**k ARE YOU THINKING, YOU DUMBASS?!" malakas na sigaw nito kapag kaupo palang niya. "Dad, calm down." Agad nangunot ang noo nito. "Calm down?! Alam mo ba iyang ginagawa mo? Alam mo ba ang pwedeng maging resulta niyan? Alam mo bang pwedeng bumaligtad si Hell sa ginawa mo?" Nginisian ko naman si Dad. That's the point. 50-50, pwedeng bumaligtad si Hell, pwede ring hindi. "I know, Dad." nakangiti ko pa ring sabi rito. "You know?! But still ginawa mo pa rin. Ano bang pumasok sa kukote mo?!" agad akong lumapit kay Dad at pinakalma ito. "Gusto kong malaman kung gaano ako kamahal ni Hell at..." Naupo ako sa harap nito. "Kung mahal nga ba niya talaga ako." Kumunot ang noo ni Dad. Oo, maaring mahal ako ni Helliana pero maaring hindi rin. Maaring akala niya mahal niya ako dahil ako lang naman ang nakakasama niya simula nung nawala ang mommy at daddy niya. Pano kung may ibang makasama si Helliana? Ako parin ba? Yun ang gusto kong malaman. Kung mahal niya talaga ako o AKALA lang niya mahal niya ako. "What do you mean? Of course she loves you. She even risked her life for you. " Umiling ako. "Dad, dalawa lang yan. Mahal niya talaga ako o AKALA LANG NIYA na mahal niya ako." Napatigil ito. Hinawakan nito ang balikat ko. Napatungo ako. Gusto ko talagang malaman. "Then what's your plan?" Tumunghay ako, binigyan siya ng nakakalokong ngisi. "Hahayaan kong maging close ang dalawa. Si Hell at Midnight. Para malaman ko kung gaano ba ako kamahal ni Helliana to the point na kahit na may iba siyang kasama, ako pa rin ang laman ng puso niya at para malaman ko rin kung mahal niya ba talaga ako. Then para kay Midnight naman the more na mapalapit siya kay Hell and the more na magiging importante si Hell sa kanya the more na mas masakit kapag pinapatay ko na siya kay Hell. Gusto kong itorture siya physically and emotionally " agad akong tinitigan kay Dad. Matagal bago ito magsalita kaya kinabahan ako. Kapag hindi siya nagustuhan ang plano ko, I'm sure na patitigilan niya ito. Mas pakikinggan siya ni Helliana kesa sakin. "Pano kung bumaligtad si Helliana? Pano kung mahalin din niya pabalik si Midnight? Pano kung akala lang niya mahal ka niya dahil ikaw lang naman ang nakakasama niya. Kung mangyari yun pati tayo bagsak," seryosong seryoso itong nakatingin sa akin. Agad akong ngumisi na nagpakunot ng noo niya. "Mas maganda nga kung yan ang mangyayari. " "What do you mean?" "Dahil kahit anong mangyari sakin parin ang bagsak ni Helliana. Mahal niya man ako o hindi. Dahil alam mo kung anong ginawa ng Rios kay Helliana at kapag nalaman niya yun baka siya pa mismo ang pumatay sa buong Rios." Lalong lumapad ang ngiti ko. "At hahayaan kong magpatayan silang dalawa." Agad na tumayo si Dad. Hinawakan nito ang balikat ko. "You never disappoint me, my son. Good job. If your Mom is still here, I'm sure she's so proud of you." Napangiti naman ako. Narinig ko na ang pagsarado ng pinto. Tumayo ako at pumunta sa secret door. Kahit si Helliana hindi niya alam ang lugar na ito. Tanging kami lang ni Dad ang nakakaalam nito. Nandito ang larawan ng lahat ng dapat managot sa pagkamatay sa Mommy ko at sa pamilya ni Helliana. "Magpakasaya na kayo ngayon dahil kapag dumating ang araw ng pagbagsak niyo sisiguraduhin kong hinding hindi na kayo muling makakabangon." ***** HELLIANA'S POV Agad binitbit ng mga katulong ang maleta ko at mga bag. Pumasok naman ako sa loob ng mansion at naabutan ko ang bwisit na anak ni Axcel. Kumakain ito at ang daming kalat kalat na pagkain sa sala habang nanonood ito. Hindi ko na lang sana siya papansinin ng binato niya ako ng kung ano. Inis akong humarap sa kanya. Nagkalat ang mga popcorn sa sahig dahil iyon ang pinanghagis niya. "You!" Tinuro pa niya ako. Kinunotan ko lang naman sya at hindi nagsalita. "Bakit nandito ka? At ano yang mga gamit na yan?" sigaw niya. "Kasi dito na ako titira." Tumalikod na ulit ako pero binato niya ulit ako. Lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan siya. Nakakapikon na siya, ah. Wala ako sa mood makipag artihan sa kanya. "Kanina ka pa, ah. Baka gusto mong ikaw na ang ihagis ko." Kumunot naman ang noo nito. "Bakit wala ka bang bahay at dito ka titira?" magsasalita pa sana ako ng tinalsik niya ang laway niya sa akin at mabilis na inalis ang pagkakahawak ko sa kanya at tumakbo. Hahabulin ko sana siya kaso agad na siyang nadapa. "AHHHHHHHH TANGINA SINO NAGLAGAY NG POPCORN DITO? BWISET!" sigaw niya habang nakadapa. Yung badmood ko biglang nawala at agad akong napatawa. Damn, so clumsy. Agad akong lumapit at dahil mabait ako ay naglahad ako ng kamay para tulungan siya. "Anong akala mo sakin? Tanga? Di mo ako mauuto!" Tinabig niya ang kamay ko kaya medyo napaatras ako na sana hindi ko na lang ginawa. Na out of balance ako kaya agad akong napaupo sa sahig. Aray! Ang sakit sa pwet. Tumawa siya nang malakas habang napapahawak pa sa tyan niya. Nakaupo na ito habang tawa pa rin nang tawa habang tinuturo pa ako. Bumalik na ulit yung pagiging badmood ko. Bwisit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD