HELLIANA'S POV
Malakas kong kinatok ang pinto ni Midnight. Bwiset na lalaki 'to kanina pa ako katok ng katok hindi pa rin nagigising. Malalate na kami, magbibihis pa siya, maliligo. Takte.
Matagal nang nagsimula ang klase pero ngayon lang ako papasok at naibigay na agad sa akin ang uniform noong gabi dahil sina Midnight din naman ang may ari nung school.
Pero nakaiinis iyong uniform nila. Kulay black siya then may coat tapos ang ikli nung palda. Naka unbotton ang dalawang butones at hindi nakabutones ang coat ko dahil naiinis na ako at naiinitan pa pero itong bwiset na 'to hindi pa rin magising- gising. Fully aircon naman iyong mansion nila pero ang dami kasiyng doble kaya naiinitan parin ako.
"HOY MIDNIGHT NAKAIINIS NA HA! DI KA PA BA GIGISING DYAN?" Nilakasan ko pa lalo ang katok pero wala pa rin.
Sa sobrang inis ko ay sinipa ko na ang pinto at nabuksan naman 'yun kaso nasira nga lang pero mayaman naman sila kaya na nila 'yang paltan.
Napatingin ako kay Midnight na walang damit pang itaas at naka kumot ang pang ibaba. Gulo gulo ang buhok habang may headset na nakalagay sa kanya. Kaya naman pala.
"What the f**k?" Gulat nitong tanong.
"Bakit mo pinasabog iyong pinto ko?" Sumandal ako sa pader at inis siyang tinignan.
"Hindi ko siya pinasabog." Kumunot naman ang noo nito.
"Hindi raw pero halos tumalsik na sa'kin iyong pinto! Wag ka ngang magsinungaling! Bwiset! Kaaga aga ikaw agad makikita ko. Panira!" Lumapit ako sa kama nito. Nagulat ito sa ginawa ko at literal na nanlaki ang mata niya.
"A-anong gagawin mo?" Pinigilan ko ang tumawa at seryoso pa ring tumitig sa kanya.
"Sinipa ko ang pinto at kung ayaw mong ikaw ang isunod ko mabuti pang bumango ka na riyan at bilisan mo. Bibigyan lang kita ng 20 minutes para matapos sa lahat lahat." Tumayo na ako at lalabas na pero agad din akong humarap.
"Kapag wala ka pa sa baba ng 20 minutes." Ngumisi ako ng napakaloko. "Matitikman mo ang kauna unahan mong flying kick." kitang-kita ko sa mata nito ang takot sa'kin. Napailing naman ako.
Kumain lang ako ng tinapay at habang kumakain ay nanonood ako ng T.V. Tatapusin ko agad itong mission ko dahil ayokong manatili dito. Gusto ko ng bumalik kay Clark.
Agad kong tinignan ang cellphone ko at ang daming missed call ni Clark.
Agad kong tinawagan si Clark. Wala pang isang ring ay agad na nitong sinagot ang tawag ko. Napangiti naman ako.
"[Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kagabi?]" pansin ko sa tono nito ang pagkainis.
Maaga akong natulog kagabi dahil sa sakit ng pwet ko. Dun sa nangyaring paghulog ko. Mali ang bagsak ko kaya sumakit ang pwet ko.
"Maaga akong natulog e."
"[Buti kapa.]" Bumuntong hininga siya.
"[Ako kasi nahihirapan matulog dahil wala ka dito sa tabi ko.]" agad bumilis ang t***k ng puso ko. Sa simpleng ganyan niya ang laki na ng epekto sa akin.
"About my mission. Pwede ko bang bilisan? Pangako mali---"
"Tapos na ako. Oh wala pa yang 20 minutes 1 minute pa bago mag 20 minutes HAHAHAAHA." agad kong nabitawan ang cellphone ko dahil sa gulat. Napalingon naman sa akin si Midnight kaya agad kong sinipa ng bahagya iyong nahulog kong cellphone.
"Ayaw mo bang matikman ang flying kick ko?" Natatawa akong tanong.
CLARK'S POV
"About my mission. Pwede ko bang bilisan? Pangako mali---"
"Tapos na ako. Oh wala pa yang 20 minutes 1 minute pa bago mag 20 minutes HAHAHAAHA." narinig ko ang boses ni Midnight kaya hindi muna ako nagsalita.
"Ayaw mo bang matikman ang flying kick ko?" natatawang tanong ni Hell.
"Ano ako tanga?!" malakas na sabi ni Midnight.
Tsk. Parang bakla.
"Oo HAHAHAHA." Napatigil ako ng marinig ko ang tawa niya. Matagal na bago ko huling narinig ang tawa niyang 'yan. Iyong walang halong peke, iyong totoo talaga.
"Tsk ikaw yun noh! Atsaka ano 'yong ano." Napataas ang kilay ko. Ano ba sinasabi nito?
Hanggang ngayon pinapakinggan ko pa rin sila. Buti na lang malalakas ang boses ng mga to kaya naririnig ko.
"Iyong?"
"Iyong d-damit mo. Sine-seduce mo ba ako?" agad akong napatayo. Inisip ko iyong uniform nila. Maayos naman tsaka siguro naman sanay na si midnight makakita ng babaeng nakapalda na ganon dahil ganon ang uniform ng mga babae sa pinapasukan niya.
Natigilan ako. Mabilis mainitan si Hell. Panigurado iyong ginagawa niya dito ay ginagawa niya din dun. f**k. Ako lang dapat ang makakakita nun. Ugaling ugali na nito ang mag unbotton lagi ng butones. Madalas dito maninipis at maiikli ang suot dahil hindi siya makatiis sa init.
"Ano bang sinasabi mo?"
"Hindi ka pa tapos mag butones!" sigaw ni midnight.
Uunahin kong kuhanin yang mata mo. Bwisit ka.
"T-teka ano ba ginagawa ni Midnight? Wag! f**k don't touch me--" halos mamatay na ako dito sa sobrang selos at anong ginagawa nung gagong yun kay Hell?
"Mukhang hindi ka marunong magbutones kaya ako na gagawa--- Aray!" may narinig akong nabasag.
Ano na kayang nangyayari? Tsk. Kung ano ano kasi pumapasok sa isip ko na plano kaya ayan magdusa ako. Bwisit.
Ineend call ko na at ayoko ng makarinig pa ng kung ano at baka mapasugod ako at pagbabarilin silang buong pamilya.
CALIBER MIDNIGHT'S POV
Agad ako nitong naitulak at nasagi ko naman ang vase namin. Inis akong tumingin sa kanya.
"Ano bang problema mo? Masisilipan ka sa pinagagawa mong yan! Ako na nga 'yong concern ikaw pa 'yong galit. Osige bahala ka kung gusto mong masilipan." inis ko na siyang tinalikuran.
Bwiset. Habang nasa sasakyan ako at nagmamaneho papuntang school ay hindi maalis sa isip ko 'yong dibdib niya. s**t! Ganito na ba talaga ako kalibog? Nakakabwiset! Hindi tuloy ako nakakain.
Agad akong nag park sa favorite parking space ko. Agad naman akong sinalubong ng mga babae pero walang miski isang nagbalak lumapit lalo na at kunot na kunot ang noo ko.
"Hala badmood."
"Ano kayang nangyare kay papa caliber?"
"Bat ang gwapo pa rin niya?"
"Caliberrrrr Ahhhhhh super gwappooo!"
Agad kong sinalubong si Kean at James.
"Wowwww ang popogi nilaaa"
"The big 3!"
"King of RIS (Rios International School)
"Parang mga anghel!"
"Keannnnn i love youuuu!"
"Jamessss gwapo mo."
"Caliberrr wahhh ang gwapo moooo!"
Napailing na lang ako dahil hindi na bago sa amin ang mga sigawang yan. Alam naming gwapo kami hindi na kailangan pang ipagsigawan.
"Balita ko pa ang ganda daw." sabi ni Kean.
"At sexy pa." Tumatawang sabi ni James.
Anong pinag uusapan ng mga gunggong na ito? I mean sino.
"Sino pinag-uusapan ninyo?" taka kong tanong.
"Wag na agawin mo pa." Tatawa tawang sabi ni James.
"Ulol." Pinakyuhan ko siya. Sabay naman kaming nagtawanan.
"Iyong bagong transfer dito. Balita ko maganda daw at sexy at hindi lang yun sa mga nakakakita daw mas doble pa ang ganda kay Zhavia. Takte pre waiting kami dito." sabi ni Kean. Bahagya akong nacurious. Si Zhavia ang nag iisang queen dito sa RIS kaya naman nacurious ako sa lalamang kay Zhavia.
"Ayan na siya!" sigaw nung isang lalaki kaya agad na dinumog 'yong gate ng mga kalalakihan at kababaehan. Hindi ko ito makita dahil ang daming tao.
Tumingkayad pa ako para lang makita kung sino yon pero dahil sa sobrang daming tao sa unahan ay hindi ko makita halos.
"Bwiset!" inis kong singhal.
"Chill, Cal. Dadaan din yon dito, remember? Kaya nga dito kami pumwesto ni James." Napailing na lang ako sa sinabi ni Kean.
"The great Caliber Midnight Rios is being impatient. Curious na curious, ha?" agad ko itong sinipa.
To be honest hindi naman ako ganong kacurious, I mean curious ako pero hindi sobra. Gusto ko lang talagang mapunta sa iba ang atensyon ko dahil puro 'yong babaeng yon ang naiisip ko at ang dibdib niya. I'm sure sineseduce niya ako, sinadya niya yon. Alam niyang kahinaan ng mga lalaki yon kaya ginamit niya sa akin.
HELLIANA'S POV
Agad na rin akong lumabas ng iwan ako nito sa loob at mag walk out. Nakita ko ang sasakyan niyang paalis na. Masyadong mabilis magalit, kaliit na bagay. Maarte.
Agad na rin akong sumakay sa motor ko at pinaharurot ito sa may 7/11. Binutones ko ang isa pa para wala ng makikitang kahit na ano at hindi na maginarte ang isa dyan.
Bumili lang ako ng siopao at isang drinks tsaka nilagay sa may bag ko.
Naka cycling naman ako kaya ok lang sa'kin ang magmotor ng nakapalda at sa sobrang bilis ko magmaneho hindi nila mapapansin ang pagdaan ko sa sobrang bilis.
Agad akong sumakay sa motor ko at pinaharurot sa may RIS. Agad akong tumigil sa may gate.
"Ayan na siya!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Napataas naman ang kilay ko. Inaabangan ba nila ako?
"Ang ganda niya."
"s**t kakainlove"
"Ang astig."
"Pinapangarap ko yang motor na yaannn."
"Hellianaaaaa"
"I love youu idolll"
"Mas maganda pa kay Zhavia"
"Super astig niya."
Agad kong binaba ang helmet ko. Ang oa ng mga 'to hindi pa nakikita ang mukha ko ang ganda na agad. At sino iyong Zhavia na tinutukoy nila? Kanina ko pa naririnig iyong pangalan na yon.
Agad silang nagsigawan. Takte ano bang meron dito at sinalubong pa ako ng mga ito. Akala mo mga naka loob ng kdrama at pumasok ang isang sikat na tao sa school.
"Ang ganda talagaaa"
"Crushhh"
"Love you idol."
"Helliaannnaaa wahhhh notice mee"
"Super ganda at astig moo"
Agad na akong dumiretso sa may parking lot at pinark ang sasakyan ko. Ang daming sumalubong sa akin pero hindi ko na sila pinansin. Hindi ko naman din sila kilala. Patuloy kong naririnig ang mga sigawan nila, ang sakit sa tenga.
Agad akong napatingin sa gilid at kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Midnight. Nilagpasan ko na lang siya at pumasok sa room kung saan ako. Parehas kami ng schedule para mabantayan ko daw ng maigi. Kahit mga classmate ko pag pasok ko ay nagbulong bulongan.
CALIBER MIDNIGHT'S POV
"Ang ganda niya."
"s**t kakainlove"
"Ang astig."
"Pinapangarap ko yang motor na yaannn."
"Hellianaaaaa"
"I love youu idolll"
"Mas maganda pa kay Zhavia"
"Super astig niya."
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Helliana daw? Kapangalan ba niya o iisa lang sila nung Helliana na bodyguard ko. Imposible, bodyguard ko lang yon at malabong isa siya sa mga tinitilian ng mga 'to. Mahirap lang din yon kaya nga nagtatrabaho lang siya sa amin kaya napaka imposible. Ano ba 'tong iniisip ko? Lalong naglakasan ang mga sigawan. Hindi ko makita dahil sa sobrang dami ng tao.
"The f**k wala akong makita." inis na sabi ni James.
Kahit si James ay pilit na ring tumalon talon at tumingkayad masilayan lang kung sino man iyong babae na yon. Nanatili lang naman akong nakatingin sa kumpulan na tao.
"Ang ganda talagaaa"
"Crushhh"
"Love you idol."
"Helliaannnaaa wahhhh notice mee"
"Super ganda at astig moo"
Maya maya lang ay agad nanglaki ang mata ko ng makita ko si Helliana. Tinignan lang ako nito at nilagpasan. Porket famous siya, lalagpasan niya na lang ako? E samin galing ang perang kinakain niya. Hmp.
"Diba yan 'yong bodyguard kuno ni Midnight?" sabi ni Kean. Sabay silang lumingon sa akin.
"Ano? Bakit kayo nakatingin sa akin?" Dahan dahan akong umatras ng papalapit sila ng papalapit sa akin.
"Reto mo naman ako." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni James.
"Ako rin! Ako rin!" sigaw naman ni Kean.
"May gusto kayo dun? Seryoso kayo? Dun sa babaeng yun? Oo, siguro sabihin na nating maganda yun pero sa tingin ninyo ba kung sakaling mang maging girlfriend ninyo siya, sa tingin mo matatanggap siya ng pamilya n'yo? Ha... Ang pera niya ay pera ng pamilya namin. Hindi siya mayaman, maganda lang. " magsasalita pa sana ulit ako ng bumungisngis na ng tawa iyong dalawa. Ano na naman? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero dahil mga baliw ang dalawang 'to ay tumawa sila.
"Ang dami mo pang sinasabi ayaw mo pang sabihin na "ayaw ko, akin yun e." Kunot noo ko itong tinignan.
"ANOOOO?! NAKAKADIRI YUCK IWW" lalo silang nagtawanan.
Tumalikod na ako. Badtrip. Nagumpisa na akong maglakad at hindi sila pinansin.
Bakit ko naman ayaw? Concern lang naman ako sa kanila dahil mahirap kalaban ang pamilya diyan. Hindi naman sila matapobre pero siyempre gugustuhin mo sa anak mo 'yong makakatulong sa future niya. Si Helliana naman halatang basagulera kaya nga nag bodyguard na lang. Wala itong matutulong sa mga business nila.
"Hoy teka!"
"Yan na naman si pikon."
Sinabayan nila ako pero hindi ko pa rin sila pinansin. Late na rin kami dahil kung ano ano pang sinasabi nitong dalawang kupal na'to.
Agad kaming pumasok at ang kaninang maingay ay agad na nagsipag tahimikan.
"Ayan na sila."
"Shh wag ka maingay."
"Mukhang wala sa mood si Midnight."
"Gwapo talaga niya yieee."
Napatingin ako sa teacher at nakatingin lang din ito sa amin. Hay nako. Mga duwag.
"Magtititigan lang ba ang pinunta n'yo dito?" Nilibot ko ang mata ko. Aba! Sinong gago ang naglakas ng loob ang sabihin yun?
Agad silang naglingunan sa may likod at nandoon ang pinakakinaiinisan ko balat ng lupa. HELLIANA GWYNETH DENVER. Lakas ng loob niyang magsalita. Let's see. Papakita ko sana kanya kung sino ang boss niya at kung sino ang boss ng paaralan na 'to. Bahagya akong napatingin sa damit niya banda sa may puso niya.
Para akong nabunutan ng tinik ng makitang isa na lang ang walang butones sa kanya at wala ng nakakakita ng hindi dapat makita. Bumalik sa mukha niya ang tingin ko.
"Owww" sabay sabay na sabi ng mga gunggong kong classmate.
"Cool" sabay na sabi naman nila Kean at James at nag apir pa ang dalawang kupal. Tsk. Mga kupal talaga.
"Ang lakas naman ng loob mong magsalita. Wala namang nagsabi sayong magsalita ka!" sigaw ko. Agad nagtahimikan naman ang kaklase ko.
Dito sa paaralan na ito walang kahit na sino ang pwedeng lumabag sa kagustuhan ko dahil amin tong paaralan na ito. Sa loob ng paaralan na ito, rules ko ang masusunod.
May mga kulang lang talaga sa aruga at napaka pikon na galit na galit sa'kin. Parang hindi minahal ng mama nila.
"At wala rin nagsabihing hindi ako pwedeng magsalita." nakipag laban pa ito ng titigan sa akin at lalo pang umusok ang tenga ko ng pinatong pa niya ang paa niya sa kaharap niyang lamesa.
Iyong inuupuan niya ay ang pwesto ko. PWESTO KOOOO.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Nginisian lang naman niya ako at hinintay makalapit. Sina Kean at James naman ay ang kapal ng mukha at naupo talaga dun sa table's teacher.
"Yuhooo exciting to." biglang sigaw ni James.
"Kanino pusta n'yo? Helliana o Midnight?" biglang sigaw din ni Kean at naghalagpakan sa tawa ang dalawa. Baliw.
"Hanggang hindi pa ako naiinis sayo ikaw na ang kusang umalis sa PWESTO KO." nairiti naman ako ng itagilid niya ang ulo niya at tinignan ko. Aish lahat ng gawin niya naiinis ako.
"Correction PWESTO KO 'TO." lalo akong lumapit dito. Pinakita ko na sa kanyang nagagalit na ako dahil talaga namang nakakapikon siya. Makita ko lang mukha niya naiinis na ako. Hindi ko alam kung bakit, ngayon lang ako nainis ng ganito kasobra sa isang tao.
"Aking pwesto yan. Baguhan ka lang dito kaya umayos ka." Hahawakan ko na sana ito para hilahin ng iniwas naman nito ang braso niya.
"May pangalan mo ba ito na nagsasabing sayo 'to?" Napatigil ako.
"Uhm wala."
Tumango tango ito at nangalumbabang tumingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Sinong nakaupo ngayon dito?" Tinuro niya pa iyong upuang inuupuan niya.
"Ikaw?" Kunot noong sagot ko sa tanong nito.
Takte ang weird niya, ah. Ano na naman kayang nasinghot nito?
"Edi akin 'tong pwesto na'to kaya umalis ka sa harapan ko."
Ang kapal ng mukha niya. Hindi niya ba alam na lahat ng nandito sa school na 'to ay pag aari ng pamilya ko. May pangalan ko man o wala. Lakas ng loob na tanungin ako at paalisin ako sa harap niya. Nakakalimutan niya atang bodyguard ko lang siya. Kung kaya ko lang talaga siyang alisin sa trabaho niya bilang bodyguard ko ay matagal ko ng ginawa.
Inis akong tumitig dito. Nagulat ako nung may malakas na humampas at gulat na napalingon sa teacher namin.
"You, you, you and you! Gets out!"
Tsk napaalis na naman. Galit na naman to. Kaaga aga. GG.
"Kalma." Natatawang sabi ni Kean kay Maam at pinat pa ang balikat nito.
Bumalik ang tingin ko kay Helliana pero bored lang itong tumingin sa galit na galit na teacher sa unahan. Bumalik ang tingin nito sa akin ng maramdaman siguro nito ang titig ko sa kanya.
Agad ko itong sinamaan ng tingin pero ang loko ay nginisian lang ako at agad na tumayo. Sina Kean at James naman ay nandoon na agad sa labas at excited pa kahit na pinagalitan na kami. Tumigil si Helliana sa harap mg teacher at kitang kita ko kung paano niya nginisian ang teacher.
Ang kapal. Nag fefeeling boss siya dito. Nag fefeeling maangas siya kahit hindi naman siya maangas. Mayabang lang siya. Uulitin ko, MAYABANG.
Nang nasa pinto na si Helliana ay ako naman ang nginisian nito ng nakakaloko. Inis kong sinipa ang upuan, agad namang nagsipaglayuan sa'kin ang classmate ko.
How dare you? Sino ka para nginisian ako ng nakakaloko? Kung pwede lang ay bunutin ko ng isa isa yang ngipin mo, ngayon mismo, dito sa pwesto na 'to para hindi ka na makangisi ng ganyan pa.
Nagdadabog akong lumabas at paglabas ko ay bumungad sa'kin ang naghihintay na si Helliana. Sina Kean at James ay nandoon sa medyo malayong pwesto at hindi ko alam kung ano na naman ang pinagtatawanan nilang dalawa. Mga baliw talaga. Inis ko namang tinignan si Helliana. Isa pa'tong bwiset na 'to. Bakit ba ako pinapaligiran ng mga nakakainis at nakakairitang tao?
Meron na nga akong dalawang kaibigan na nakakairita at nakakainis, dumagdag pa itong bwiset na 'to. Parang triple ng inis at irita ang mararamdaman ko kay Helliana dahil kahit wala ata siyang gawin makita ko lang mukha niya ay maiirita na agad ako. Oo, maganda pero basta nakakairita.
Inis ko itong inirapan. Bwiset.