THIRD PERSON'S POV
"Ehem. So, saan tayo ngayon pupunta?" tanong ni Kean pero hindi parin natinag ang dalawa sa pagbabatuhan ng masasamang tingin. Nagkatinginan naman sina Kean at James at pigil ang tawa.
"Hindi na ako magtataka kung magka-inlove-an 'yang dalawang yan." Iiling-iling na sabi ni James. Sabay na humarap sa dalawa sina Helliana at Caliber at diring-diri tinignan ang isa't isa.
"Ako? Maiinlove sa babaeng yan? Papakamatay na lang ako!" sigaw ni Caliber. Napailing ang dalawa nitong kaibigan sa lakas ng bibig nito.
"Masyado na s'yang swerte kapag nainlove ako sa kanya, give chance to others." Nakangising sabi ni Helliana na ikinatawa ng kaibigan ni Helliana. Sinamaan naman ni Caliber ng tingin si Helliana.
"Cool." nasabi na lang ni Kean sa isip niya.
"Ang kapal naman ng mukha mo." nandidiring sabi ni Caliber.
"Bakla ka ba?" sa tanong ni Helliana na iyon ay agad na humagalpak ng tawa ang dalawa.
"Gago ka ba? Hindi ako bakla. Itong mukhang 'to? Bakla?" Hindi makapaniwalang sabi nito. Maaaring hindi nga nito kayang makipaglaban pero kung sa pagwapuhan naman ay paniguradong panalo na ito. Manly ito. Tama ang pustura ng katawan, hindi masyadong maskulado at halata mong nagggym.
"Oo." simpleng sagot ni Helliana.
Mas lalong sumama ang tingin ni Caliber at tinalikuran na lang ang tatlo. Agad namang nagtawanan sina Kean at James.
"Kapag nasa panganib ka, tawagin mo lang ang pangalan ko darating ako."
Hindi siya pinansin nito at inis na nagwalk out si Caliber at sabay sabay ang tatlo na nag sipag ilingan sa pagiging childish ni Caliber.
"Ganyan lang talaga yan." bulong ni Kean kay Helliana. Hindi naman ito pinansin ni Helliana at pinagmasdan ang papalayong si Caliber. Napangisi naman ito habang umiiling iling habang pinagmamasdan ang pikon na si Caliber.
Sa paglalakad ni Caliber ay may agad itong nabangga. Sa sobrang laki ng katawan ng nabangga nito ay muntik na itong maout of balance.
"The f**k wala ka bang mata? Hindi mo ba nakikitang dadaan ako? Tatanga tanga kasi e." sigaw ni Caliber. Agad tumaas si Helliana papuntang bubong at pinagmasdan ang dalawa mula sa ibaba. Nagulo ang buhok nito sa lakas ng hangin sa itaas.
"Aba't gago ka ba? Ikaw 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan." napatingin iyong lalaki kay Caliber at ang kaninang kunot na kunot na noo nito ay napalitan ng ngising nakakaloko nang makilala kung sino ang nakabangga dito.
"Ikaw pala yan, The Great Caliber Midnight Rios." hindi siya pinansin ni Caliber dahil wala ito sa mood. Pag dating kay Helliana konting pang aasar lang nito dito ay talagang inis na inis na siya. Dumagdag pa ang damulag na kaharap niya ngayon kaya mas lalo pang dumoble ang inis nito. Sa sobrang inis nito ay wala na itong ganang makipag-talo pa.
Tinabig niya ang lalaki pero bago makalampas ay agad na nitong kinuwelyuhan si Caliber. Kunot ang noong napaharap si Caliber sa damulag.
"Hoy bitawan niyo si Midnight!" sigaw ni Kean pero agad silang hinawakan ng mahigpit ng dalawang lalaki. Malalaki ang katawan ng mga ito kaya hindi sila nakapalag.
Agad inikot ni Caliber ang mata nito para mahanap si Helliana pero bigo ito. Kahit anino ni Helliana ay hindi niya nasilayan.
"Damn you! Damn you! Wala kang kwentang bodyguard." inis na sabi ni Caliber sa kanyang isip.
"Asan na ang tapang mo lil'boy?" pang aasar nito kay Caliber. Pinilit tanggalin ni Caliber ang pagkakahawak dito pero mas lalo lang nitong hinigpitan.
"Unahin ko kayang putulin 'yang matalas mong dila?" sabay labas nito ng kutsilyo. Agad tumulo ang pawis nito sa sobrang kaba. Napalunok naman si Caliber ng makitang papalapit na ang kutsilyo sa kanya.
"Kapag nasa panganib ka, tawagin mo lang ang pangalan ko darating ako."
"Kapag nasa panganib ka, tawagin mo lang ang pangalan ko darating ako."
"Kapag nasa panganib ka, tawagin mo lang ang pangalan ko darating ako."
Naalala nito ang sinabi ni Helliana. Agad itong napapikit.
"Damn you Helliana," wika nito sa isip niya.
"HELLIANA!!" malakas na sigaw ni Caliber. Ang dibdib ni Caliber ay halos sumabog na sa sobrang kaba at kahihiyan. Hindi niya inaakalang ganitong kaaga dadating iyong araw na hihingi siya ng tulong doon sa mayabang at nakakainis na babaeng 'yon.
Napatigil ang lalaki sa sinigaw ni Caliber. Bahagyang kumunot ang noo nito at nagtataka kung sino ang tinawag na pangalan ni Caliber. Napangisi naman si Helliana at agad na tumalon at sinipa ang mukha nung lalaki.
Agad na napahiga ang lalaki. Dumugo ang braso nito sa pagkakadausdos sa sahig.
"Tangina!" mura nito at agad na tumayo kahit nananakit ang braso nito dahil sa pagkakadausdos. Masama nitong tinignan si Helliana.
Sumugod ito at susuntukin na sana si Helliana pero agad itong yumuko at sinuntok ang tiyan ng lalaki.
"Arghhh!" malakas na sigaw nito.
Hinawakan ni Helliana ang kwelyo nito tulad ng paghawak ng lalaki sa kwelyo ni Caliber.
"Ito ang tatandaan mo, kapag sinaktan mo pa ulit si Caliber. Baka hindi na kita buhayin." agad niya itong hinagis kung saan.
Napalingon naman si Helliana sa dalawang lalaki na naka hawak kina Kean at James. Meron ding nakatutok na kutsilyo sa dalawa.
"Wag kang lalapit, kung hindi papatayin ko 'to." sigaw nung may hawak kay Kean at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kutsilyo.
Alam ni Helliana na hindi magagawa ng dalawang 'to ang sinasabi nila dahil sa pagkatutok palang ng kutsilyo ay nanginginig na agad sila, paano pa kaya kung papatay pa sila? Baka bago nila masaksak ang leeg nina Kean at James ay nahimatay na sila.
Inirapan lang naman siya ni Helliana at sabay na sinipa ang dalawang kutsilyo. Agad tinusok ni Helliana ang mata ng dalawa gamit ang tig dadalawang daliri nito.
Napaatras ang dalawa at kumaripas ng takbo habang hawak ang dalawang mata nila. Halos madapa na ang dalawa dahil wala na silang makita.
Humarap si Helliana sa madilim ang mukhang si Caliber.
"Alam mo nakakainis ka! Talagang hinintay mo pang isigaw ko ang pangalan mo bago mo ako tulungan, 'no? Pano kung di ko sinigaw? Edi nasa hospital na ako ngayon. Wala kang kwentang bodyguard." Nginisian lang naman siya ni Helliana at hindi pinansin ang sinabi nito.
Lumapit ito kay Caliber at hinawakan ang balikat nito. Bahagyang napaatras si Caliber at nanigas.
"Kahit hindi mo tawagin ang pangalan ko. Basta nasa panganib ka, darating at darating ako para iligtas ka." agad na s'yang iniwan doon ni Helliana.
Napatulala ito at sa hindi malamang dahilan ay bumilis ang t***k ng puso nito.
HELLIANA'S POV
Sumakay ako sa motor ko at mabilis dumiretso sa mansyon nina Clark. Hindi na ako pumasok. Nawala ako bigla sa mood.
Agad akong bumaba. Napatingin ako sa medyas ko. Ang kaninang puting puti ay ngayon ay kulay dugo na. Damn!
Agad kong naabutan si Clark na naglalaptop. Agad itong napalingon sa akin, kunot ang noo nito at tinignan ako mula ulo hanggang baba. Tumigil ito sa may paa ko.
"s**t!" agad ako nitong binuhat at inuupo sa may sofa. Agad nitong tinanggal ang sapatos ko at medyas ko. Doon kitang kita ang malalim na hiwa sa aking paa sa buto. Damn! Sobrang mali ng pagkakasipa ko. Hindi ko na tansya dahil medyo nataranta rin ako sa pagsigaw ni Caliber.
"The first aid kit!" malakas nitong sigaw. Agad na ibinigay ng kasambahay ang first aid kita.
Tahimik niyang ginamot ito at nilinisan. Kapag katapos ay agad siyang humarap sa akin. Madilim ang mukha nito at alam kong hindi niya nagustuhan ang nangyari.
"What happen?" may diin nitong tanong. Hinawakan ko naman ang kamay nito para kumalma ito. Napakunot ang noo nito at tinignan ang kamay kong humawak sa kamay niya bago siya muling tumingin sa mukha ko.
"Nagkamali lang ako ng pagkakasipa at nadali ang paa ko. Yun lang, malayo naman sa bituka yan." mabilis na nagdilim ang paningin nito. Agad akong napalunok.
"Malayo sa bituka?! The f**k? Wala akong pake kung malayo o malapit 'yan ang pakielam ko nasaktan ka at ayokong ayoko na masasaktan ka!" singhal nito sa akin.
Umayos ako para mayakap siya. Baka mamaya bigla siyang sumugod at alam kong hindi ko magugustuhan ang gagawin niya sa gumawa nito sa akin. Baka pati pamilya nila ay hindi niya palampasin.
"Okay. Okay. I'm sorry." Inayos niya ang pagkakahiga ko sa sofa.
"Dito ka muna matulog." Umiling ako. Agad kumunot ang noo nito.
Magtataka sila kung bakit wala ako sa mansyon ng mga Rios. Baka maghinala pa sila sa akin.
"I can't sleep, please." Pagmamakaawa nito. Napatingin ako sa oras. 2 pa lang at maaga pa para matulog.
"Babalik ako dito mamayang 10 at hihintayin kitang makatulog." malalim ang buntong hininga nitong tumango.
Tumayo na ako kahit medyo iika ika pero pinilit ko pa ring ayusin.
"Ihahatid kita." sunod sunod na pag iling ang ginawa ko. Agad kumunot ang noo ko.
"Why not?" nahimigan ko sa boses nito ang iritasyon.
"Baka may makakita." bumuntong hininga ito at tinalikuran ako.
Umiling ako at nagsimula ng lumabas pero bago ako tuluyang lumabas ay lumingon muna ako sa kanya. Tinignan ko ang likod niya habang naglalakad siya palayo.
"Kasalanan mo rin yan. Kung pinatapos mo na agad sa akin, edi walang magaganap na ganito." anas ko bago sumakay sa motor ko at pinaharurot ito patungo sa mansiyon ng mga Rios.
CALIBER MIDNIGHT'S POV
Tulad ng inaasahan ko ay agad kaming pinatawag ni Lolo sa Guidance. Hay nako naman. Napatingin ako sa upuan ni Helliana bago tumayo. Hindi na ito pumasok, siguro nauna na siya doon.
Sabay sabay kaming naglakad nina James at Kean.
"Nasan kaya si Helliana?" tanong ni Kean. Yun din ang tanong ko.
"Baka nauna na." tanong ni James. Yun din ang nasa isip ko.
Malalim akong bumuntong hininga at tumingin sa kanila pero sila ay nakatitig sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Ano?!" irita kong tanong sa kanila.
"Wala wala. Dun na! Dun na!" Sabay nila akong tinulak. Inis akong humiwalay at mabilis na nagtungo sa guidance.
Confident ako. Aaminin ko, sinungaling ako. Nagsisinungaling ako para makaligtas at sina Kean at James alam na ang gagawin. Sasabayan ang kasinungalingan ko.
Pagkapasok ko andon iyong dalawang lalaki pero wala yung isang nagtutok sa akin ng kutsilyo. Wala din dito si Helliana.
Kalahating minuto kami naghintay dito ng may biglang pumasok. Iyong secretary ni Dean, lolo ko.
"Wala si Helliana. " tumango lang si Lolo.
"Tutal wala rin si Helliana at si Clarence ay bukas na lang natin ituloy. Maaari na kayong umuwi. Excused na kayo sa lahat ng subject. Bukas bumalik kayo at may pag uusapan tayo." Sabay sabay naman kaming tumango kay Lolo.
Naunang umalis yung dalawa bago kami sumunod. Masama ang tingin sa amin nung dalawa pero hindi ko na pinansin. Pakielam ko ba sa kanila. Sila naman ang nauna, kung hindi sila tatanga tanga at binangga ako edi sana hindi sila naka shades ngayon.
Paniguradong nasa mansyon na si Helliana. Kailangan kong sabihin sa kanya na pupunta kami bukas sa Guidance.
Agad akong bumaba sa sasakyan at nagmamadaling pumasok sa mansyon para sabihan si Helliana para bukas.
"Helliana!" malakas kong sigaw.
Ang inaakala ko ay nasa sala si Helliana pero wala ito. Tinignan ko ang kwarto niya pero wala rin. Napatingin ako sa aking cellphone.
"Damn!" mura ko nang maaalala kong wala nga pala akong number niya.
Saan na naman ba nagpunta ang babaeng ngayon? Bigla bigla na lang nawawala, nakakainis na.
Inis akong umupo sa sofa at hinintay si Helliana. Ang kapal talaga ng mukha. Ako ang boss niya pero eto ako, naghihintay sa kanya. Bodyguard ko siya, diba? Dapat lagi ko siyang nasa tabi para mabantayan niya ako. Paano kung may mabangga na naman ako at mangyari ulit yung nangyari kanina pero dahil wala siya ngayon ay tuluyan na talaga akong masaksak?
Halos ang dami ko ng napanood at nakain pero wala paring Helliana na dumating. Napatingin ako sa orasan. Alas dos na pero wala pa rin siya. Damn her. Kanina pa ako naghihintay sa kanya dito. Ang kapal talaga ng mukha niya para paghintay ang boss niya. The Great Caliber Midnight Rios.
Agad akong napatayo ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Doon ko nakita si Helliana na diretsong naglalakad at nilagpasan lang ako. Nakakainis talaga siya. Kapag katapos ko siyang hintayin ng ilang oras, hindi manlang niya ako titignan at lalampasan lang niya ako. Kanina, hindi niya rin ako tinanong kung okay lang ba ako?
"Hoy!" sigaw ko dito. Tumigil naman ito pero hindi ito lumingon sa akin. Wow, ang pride.
"Alam mo dahil sa kagagawan mo, napatawag tuloy tayo sa Guidance. Hay nako pagagalitan na naman ako ni Lolo. Kasalanan mo talaga 'yan e. Kung sana nung una palang andon ka na edi sana di nakalapit sakin yung damulag na 'yun. Napaka walang kwenta mong bodyguard. Pano kapag kinasuhan ka nung tatlong yon? Nakita mo ba yung ginawa mo? Kapag talaga ikaw kinasuhan wag na wag kang hihingi samin ng tulong kasi napakawalang kwenta mong bodyguard. "
Napakagat ako ng labi sa sinabi ko. f**k hindi yan ang dapat kong sasabihin. Caliber dapat mag thank you ka. Bwiset.
"Tapos ka na ba?" napakalamig ng pagkakasabi nito kaya napalunok ako. Ngayon ko lang narinig ang tono niyang ganon dahil madalas ay sarcastic siya lagi.
"Uhm hindi pa. Pinapatawag tayo bukas ni Lolo at kasalanan mo yun! Wag mo akong idadamay." tumigil ka na, Caliber. Ano bang lumalabas diyan sa bibig mo?
Malakas itong bumuntong hininga at naglakad na patungo sa itaas. Pinagmasdan ko siyang maglakad papuntang taas pero agad kumunot ang noo ko nang may natulong dugo sa bandang kanan ng paa niya.
"Wait!" Tumigil naman ito sa paglalakad. This time humarap na ito sa akin at kunot na kunot na ang noo.
"Ano na naman? May dadagdag ka pa?" irita nitong tanong.
"Yung paa mo." Tinuro ko ito kaya agad itong napalingon dito.
Inirapan lang niya ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ano kayang nangyari don? Dahil ba yon kanina? Pero kanina ay ayos na ayos naman siya. Saan ba siya pumunta at nagkasugat siya ng ganon.
Gabi na at nakakain na ako at lahat lahat pero di pa rin bumababa si Helliana. Andito ako sa harap ng pinto ko at hindi ko alam kung lalabas ba ako para katukin si Helliana o hindi.
10:30 na ng gabi pero hindi talaga ako mapakali.
"Caliber mag isip ka ng dahilan." Hinawakan ko yung doorknob at akmang bubuksan pero agad ko ulit binitawan at umatras.
"Hoy Helliana andito ako kasi titignan ko kwarto mo. " Dinuro ko pa kunyare yung pinto na parang si Helliana yon.
"Mali mali. Bakit ko naman titignan ang kwarto niya?" umiling ako.
Bahala na nga. Agad kong binuksan ang pinto ko at dumiretso sa pinto ni Helliana. Agad akong kumatok pero walang sumagot, tulog na ata.
Tumalikod na ako pero agad din akong humarap at binuksan ang pinto. Madilim ito. Agad kong binuksan ang ilaw pero ang nadatnan ko ay ang malinis nitong kwarto.
Mabilis akong bumaba at halos nilibot ko na ang buong bahay pero wala siya kahit ang motor niya.
Saan na naman ba siya nagpunta? Bigla bigla siyang nawawala.
HELLIANA'S POV
Agad akong pumasok sa mansion nina Clark at nagtungo sa kwarto nito, nakita ko si Clark na nakahiga na at nagbabasa. Agad nitong nilapag ang binabasa ng makita ako.
Malapad ang ngiti nito. Agad akong tumabi sa kanya. Mabilis siyang nahiga at niyapos ako.
"I miss you." lalo nitong hinigpitan ang kapit sa akin. Hinayaan ko naman siya sa gusto niyang gawin.
"Gusto ko paggising ko ikaw ang una kong makikita." Napakunot ang noo ko. Hindi iyon ang usapan namin.
"What?" Kumunot rin ang noo nito
Mukhang hindi kami nagkakaintindihan. Uuwi rin ako dahil baka hanapin ako don. Magtataka sila kung bakit ganitong oras ay wala ako doon.
"Napag usapan natin na hihintayin lang kitang makatulog ka at aalis na ako." Lalong kumunot ang noo nito at mabilis na tumayo kaya agad na rin akong tumayo.
"Inuutusan kita, Helliana." Matalim ako nitong tinignan at nilapitan. Agad akong napaatras at napalunok.
"Clark, calm down." agad nitong hinawakan ang panga ko.
Hindi na naman niya nakokonteol ang sarili niya. Nakakatakot si Clark kapag nagagalit dahil wala itong sinasanto. Kahit ako ay kayang kaya niyang saktan kapag nawalan na ito ng kontrol sa sarili niya.
"Clark hihintayin kita makatulog." lalong nagdilim ang paningin nito. Damn.
"Ouch f**k" agad ako nitong hinagis. Nasira ang kabinet na pinagbagsakan ko. Sobrang sakit ng pagkakahagis nito sa akin, malamang nagkasugat ako sa likod.
"BAKIT KA BA NAGAGALIT?! IN THE FIRST PLACE IKAW ANG NAGLAGAY SAKIN SA PWESTO NA 'TO!" galit kong sabi dahil hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at malakas kong sinarado ang pinto at lumabas ng mansyon. Mabilis akong lumabas at pinaharurot ang motor ko sa mansyon ng mga Rios.
Kapag pasok ko, patay lahat ng ilaw. Agad kong binuksan at hinubad ang sapatos ko.
"Saan ka galing?" Napatigil ako ng marinig ko ang isang seryosong boses.
Nakatingin sa akin si Caliber habang nakakunot ang noo nito. Tinapos ko muna ang pag tatanggal ko ng sapatos.
"Bumili lang ako." palusot ko
"Asan binili mo?" Napairap naman ako.
"Kinain ko na, nagutom ako e." Mabilis na akong umakyat at baka madagdagan pa ang tanong nya.
Kapag akyat ko ay agad kong nilock ang pintuan ko at tinignan ang sarili sa salamin. Napapikit ako bago tumayo at naghilamos ng mukha. Hinubad ko ang damit ko at tinignan ang likod mula sa salamin, hindi nga ako nagkakamali at mayroon ngang malalim na sugat doon.
Nilinis ko na lang ito bago lumabas ng kwarto ko para kumain. Napatingin naman ako sa kwarto ni Caliber nang madaanan ko ito.
Napailing na lang ako at bumaba na para kumain. Nagpahanda ako ng makakain kina Manang. Kapag katapos ko kumain ay agad na akong bumalik sa kwarto ko.
Muli akong humarap sa salamin at naghubad doon. Napatingin ako sa aking scar sa bandang dibdib. Agad ko itong hinawakan at kinamot para mawala. Halos mamula na ang balat ko pero ayaw pa rin mawala.
"How dare you?" Nanginginig kong sabi habang nakatingin sa aking scar sa dibdib. Itong scar na 'to ang pinaka tumatak sa isip ko.
"I'm still scared." anas ko nang makita ang luha sa pisngi ko.