CALIBER'S POV
Ang sarap ng tulog ko. Ang haba ng tulog ko at walang gumigising sa akin. Nakangiti akong humarap sa salamin at tinignan ang Wall Clock ko.
9:22 am
Inayos ko muna ang gulo gulo kong buhok. Tinignan kong maigi ang napaka gwapo kong mukha sa salamin.
"You're so handsome, young man." ngisi kong sabi sa sarili ko.
Tumayo na ako at dumiretso sa banyo ko. Nakangiti akong naghilamos at nagtooth brush. Maliligo na sana ako ng agad akong napatigil. Dahan dahan akong muling tumingin sa wall clock ko pababa sa calendar ko.
Agad nanlaki ang mata ko. WHAT THE f**k? Dalawang subject ang hindi ko napasukan. The f**k, bakit hindi ako ginising ni Helliana? Agad akong kumilos nang napakabilis. Halos hindi na nga ligo ang ginawa ko. Nag shower na lang ako sa sobrang pagmamadali ko.
Mabilis akong bumaba habang nagbubutones. Nakita ko si Helliana na nakabihis na at tahimik na nanonood.
"THE f**k HELLIANA BAKIT HINDI MO AKO GINISING?!" Napalingon ito sa akin.
Nilagpasan lang ako nito at agad ng lumabas. Napansin ko ang kakaibang paraan nito ng paglalakad. Halatang nasasaktan ito habang naglalakad.
Ano bang problema niya?
Lumabas ako at pinanood ko siyang magsuot ng helmet niya. Inilabas niya sa gate ang motor niya. Sumakay siya dito pero hindi niya ito pinapaandar. Hinihintay niya ba ako?
"HOY BABAE TINATANONG KITA!"
Fuck. Bakit yon ang lumabas sa bibig ko?
Hindi pa rin ito nagsalita. Galit ba siya sa akin?
Tinitigan ko siya pero kahit buong umaga ko siyang titigan ay hindi ako nito lilingunin. Seryoso lang talaga siya.
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar ko na napatingin ako sa side mirror pero hindi pa rin ito naandar hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Agad akong nagpark at naglakad papasok. Napatigil ako ng nakita ko si Helliana na nakasandal sa gate at nakacross arm. Halata mong malalim ang iniisip nito. Gaano kabilis ba ito magmaneho ng motor at naunahan pa ako nito?
Napalingon ito sa akin. Magsasalita sana ako pero agad na niya akong tinalikuran. Ewan ko pero naninibago ako. Kung magsasalita naman ako alam kong kung ano ano lang ang lalabas sa bibig ko.
Kakaiba talaga siya ngayon, mas gusto ko pang makita ang mukha niyang laging nang aasar at nakakapikon niyang mukha kesa naman ganyan siya. Hindi makausap, parang hangin lang ako sa kanya.
Naupo siya sa pwestong pinag awayan namin. Wala itong pake kung may teacher na nasa unahan.
Tumabi ako sa kanya. Yumuko lang ito. Tinitigna ko ulit ito pero hindi man lang niya ako nilingon at nanatiling nakayuko sa lamesa. Napalingon ako kay Kean ng sitsitan ako nito.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Kean.
"Nalate ng gising." magsasalita pa sana siya ulit ng humarap na dito ang teacher kaya di na niya natuloy pa.
"Galit kaba?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtanong na ako pero tulad kanina ay hindi pa rin niya ako pinapansin.
"Para akong kumakausap sa hangin, alam mo 'yon? Para akong tanga dito. Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Hindi ako sanay na ganito ka" mahina kong sabi pero wala pa rin. Hindi pa rin siya nagsasalita. Agad kumunot ang noo ko sa inis sa kanya.
"ANO BA?!" sa sobrang inis ko sa kanya ay napatayo na ako at napasigaw kaya lahat sila ay napatigil at tumingin sa akin. Tinitigan naman ako ni Helliana pero hindi pa rin siya sumagot.
"DAMN IT! WHAT'S YOUR f*****g PROBLEM? DAHIL BA SA MGA SINABI KO KAGABI? TANGINA ALAM MO NAMAN ANG BI-"
"Excuse me pinapatawag sina Helliana, Caliber, Kean at James sa office." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.
Agad na ring tumayo si Helliana at muli akong hindi pinansin. Nauna itong pumunta doon. Agad sumunod sa akin sina Kean at James.
Sinundan ko ng tingin ang papalayong si Helliana. The f**k? Ano ba kasing ginawa ko? Kung galit siya dahil sa sinabi ko kahapon, edi magalit siya. Saktan niya ako, pagsalitaan niya rin ako ng masama. Hindi yung hindi siya namamansin at nagmumukha akong tanga na kausap ng kausap sa kanya.
"What happen?" tanong ni James.
"Hindi ko rin alam. Kaya nga ako nalate kasi hindi niya man lamang ako ginising. Andun lang siya nanonood ng tv and then ayon mula kanina hindi pa nagsasalita." iritado kong kwento sa kanila. Nagkatinginan naman sina Kean at James.
"Halata mong may problema siya e." sabi ni Kean at sinulyapan pa ang naglalakad na si Helliana.
"Baka naman nasobrahan ka na naman Mid." Napatigil ako sa sinabi ni James.
Napatitig ako sa naglalakad na si Helliana. Medyo paika pa itong naglalakad pero hindi nito masyadong iniinda.
Siguro nga napasobra ako kahapon. Gusto kong humingi ng tawad pero yung bibig ko, hindi ko siya makontrol.
"Siguro."mahina kong sabi.
"See? "
Napakagat naman ako ng labi. Hindi ko alam kung paano ako mag sosorry sa kanya. Baka kung ano lang ang masabi ko. Hintayin ko na lang bang mawala ang galit niya? Pano kung sobrang tagal pa non? Abutin ng ilang linggo. Edi ilang linggo akong magiging late at magmumukhang tanga na kakausap sa kanya. Kapag naman kinausap ko siya baka kung ano masabi ko at mas lalo lang lumala. Napakamot ako ng ulo at napailing na lang.
Agad na namin binuksan ang pinto. Andon yung parents nung tatlong naka bangga namin kahapon pero wala yung mga anak nila. Andito na rin ang parents nila Kean at James. Yung sa parents ko ay si Lolo na rin ang bahala don. Alam naman niyang hindi makakapunta sila Mom and Dad dahil sobrang busy.
"So let's start." agad kaming naupo at tumingin kay Lolo.
"Wait, itong babaeng 'to ang gumawa non sa anak ko?" tanong nung hindi naman katandaang babae.
Sinuri nung babae si Helliana pero seryoso pa rin ang mukha ni Helliana at walang pakielam sa paligid.
"Yes" pormal na sagot ni Lolo.
Hindi makapaniwala ang tingin nung babae at iiling iling pa.
"Hell, where's your parents? Kailangan din namin silang makausap. Dahil kahit na sabihin mong self defense ang ginawa mo, may pananagutan ka pa rin dahil ang mga nakaaway mo ngayon ay nakaratay sa hospital." hindi nagsalita si Helliana. Agad natahimik ang lahat.
Napipi na na siya? Kahit sino hindi niya kinakausap.
"Helliana?" Agad tumingin si Helliana kay Lolo.
"Wala sila." mahinang sabi nito.
"Yan, kaya ganyan ang ugali mo, ugaling kalye. Kasi walang magulang na nagbabantay sayo. Ano ba 'yang magulang mo, napaka walang kwenta. Hindi ka mabantayan kaya ayan tignan mo ang ugali mo kulang na lang maging kriminal ka. Aba muntik mo ng mapatay ang anak ko." Napakunot ang noo ko.
Kesa naman sa anak mong mukhang kriminal. Pasimple kong sinamaan ng tingin yung mommy nung isa. Kapal ng mukha.
"Grabe naman." bulong ni Kean sa akin.
"Oh asan ba yang magulang mo ng matawagan. Kakasuhan kita, sinasabi ko sayo." hindi ulit nagsalita si Helliana.
Agad hinigit nung babae yung panga ni Helliana. Halos lahat nagulat sa ginawa nito pero si Helliana ay seryoso lang nakatingin dito.
"Hoy kinakausap kita. Ganyan kaba kawalang respeto?" Mas diniin nung babae ang pagkakahawak nito pero hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Helliana.
"Hey sobra kana" hindi ko na natiis at nagsalita na ako. Inirapan lang naman ako nito at binitawan ang mukha ni Helliana.
"Patay na sila."mahina ulit nitong sabi.
Napatigil ako at napalingon sa kanya. Ulila na siya? Kaya ba nagtatrabaho siya para matustusan ang pangangailangan niya? Sino ang nag aalaga sa kanya? Mas lalo akong nakonsensiya sa mga sinabi ko kahapon sa kanya. Bahagya akong napakagat ng labi. Yung bibig mo kasi Caliber e.
"Hmp para matapos na ito tutal naman nasa ganitong paaralan ka siguradong mapera ka. Babayaran mo kami o ipapakulong kita. " mukhang pera.
Napalingon ako kay lolo. Tahimik lang itong nanonood. Bakit walang ginagawa si lolo? Hindi ganyan si Lolo pero hindi ko alam kung bakit hinahayaan ni Lolo na pagkaperahan nang babaeng yan si Helliana. Saan din kukuha ng pera si Helliana? Baka uutang pa siya sa amin para lang mabayaran ang mga mukhang pera na yan.
"Magkano ba?" ako na ang nagtanong. Ngumisi naman ito.
"500 thousand pesos tig isa sa aming lahat. Pang gastos namin sa ginawa niyang babaeng 'yan sa anak namin." Napakunot ang noo ko. 500 thousand pesos? Hindi nga aabot sa 100k ang pagpapagamot sa mukhang aso nilang anak.
"Alam mo pera lang ang habol mo dito-"
"Caliber!" sigaw ni Lolo na nagpatigil sa akin.
Agad akong umupo at tumahimik. Damn!
"Hello J2. Dalhan mo ako ngayon din in 2 minutes ng 3million pesos." agad na nitong pinatay ang tawag.
Napanganga silang lahat miski ako ay napanganga sa sinabi niya. Is she serious? May pera ba siyang ganon kalaki? Ako bago maka isang 1 milyon ay lilipas muna ang 1 linggo. Hindi ako binibigyan ng malakihang pera dahil lahat na nanggusto ko ay nasa akin na at bago ko pa magustuhan ang isang bagay, nabili na agad nila Mom and Dad para sa akin.
Agad bumukas ang pinto at may dalawang lalaki na may dalang case. Kasunod non ang isang lalaki na sa tingin ko matanda lang sa'kin ng ilang taon.
"S-sir Clark?" Gulat na tanong nung babae na galit na galit kanina. Agad namutla ang mukha nito ng masilayan ang seryoso at madilim na aura ng lalaking pumasok na ngangalan daw na Clark.
Ngumiti naman si Lolo. Sino ba itong lalaki na ito? Kaya ba hindi nangingielam si Lolo dahil alam niyang dadating ang misteryosong lalaking ito?
"Here's the money." Nagulat ako ng agad hinagis ng tauhan nito ang case sa kanila. Agad nila itong tinignan at totoo nga. Puno iyon ng pera.
Agad lumapit dito yung Clark at tumapat sa tahimik na nakatungo na si Helliana.
"Anong nangyari sa pisngi mo?" hindi nagsalita si Helliana. Ngayon ko lang napansin na namula ang pisngi nito sa ginawa nung babae.
Tinignan nung Clark si Lolo. Iiling iling naman si Lolo at tinuro ang babaeng gumawa non kay Helliana.
Nanlaki ang mata ko ng sunod sunod na malakas na sampal ang ginawa nung Clark dun sa babae. Damn! He's crazy. Dumugo ang bibig nung babae sa sobrang lakas ng sampal ni Clark sa kanya. Tahimik itong umiyak sa isang tabi. Ang dalawang babae ay halos hindi na nakapagsalita sa sobrang gulat.
THIRD PERSON'S POV
Tumayo ng hindi nagsasalita si Helliana at lumabas. Napatigil naman si Clark at agad na sinundan si Helliana.
Nagkatinginan sina Midnight, Kean at James.
"Sino yung lalaki kanina?" tanong ni Kean.
"Bakit ganon siya? Baliw ba siya?" tanong naman ni James.
"Hindi ko alam" Tanging nasabi ni Midnight at agad na tumayo para sundan ang dalawa.
Agad napalingon sina Kean at James sa tatlong babae na nakaupo ngayon sa sahig habang kanya kanya ang kuha ng pera samantalang ang isa ay halos hindi na makahinga sa sobrang pag iyak. Sobrang pula ng mukha nito sa sobrang lakas ng pagsampal ni Clark.
"HELLIANAAAA!" malakas na sigaw ni Clark ng nasa field na sila.
Tumigil lang si Helliana pero hindi ito lumingon. Nagtago mula sa hindi kalayuan si Midnight at pinanood ang dalawa.
Hindi niya alam kung anong status nung dalawa at kung sino ba talaga ang misteryosong lalaking iyon? Siya kaya ang nag aalaga ngayon kay Helliana? Kung ganoon, mayaman naman pala siya. Hindi na niya kailangan magtrabaho pa, atsaka sa dinami dami ng pwedeng trabho bakit bodyguard pa ang napili nito?
"What the f**k is your problem?" agad itong lumapit at hinawakan ang balikat ni Helliana at hinarap sa kanya.
Hindi pa rin nagsalita si Helliana. Tahimik lang ito.
"Okay fine, I'm sorry. Kilala mo ako, Helliana. Alam mo yung ugali ko." tinignan siya ni Helliana. Walang emosyon ang mata nito. Napahilamos naman ng mukha si Clark at napabuntong hininga.
"Helliana alam mong mahirap din sa'kin 'to." Bumuntong hininga si Helliana at tinabig ang kamay ni Clark.
"Aalis na ako baka kailangan ako ni Caliber." agad na dumilim ang mukha ni Clark sa narinig kay Helliana.
Natigilan si Midnight.
"Anong sabi niya? Pupuntahan niya ba ako?"
"Caliber, Caliber, Caliber CALIBER!" malakas na sigaw ni Clark.
Agad napalabas sa tinataguan si Caliber ng malakas na sinampal ni Clark si Helliana. Halos tumabingi ang mukha ni Helliana sa lakas ng sampal ni Clark dito.
"Baliw siya." mahinang bulong ni Caliber sa kanyang sarili.
"Naiinlove kana ba sa kanya, ha? Iiwan mo na ako? Ano?!" agad na hinawakan ni Clark ang kwelyo nito at hinagis.
Agad kinuyom ni Helliana ang kamay niya, alam niya sa sarili niya na kahit anong gawin niya ay wala siyang laban kay Clark.
Hindi na napigilan ni Caliber ang sarili at mabilis itong tumakbo kung saan humagis si Helliana. Agad nitong dinaluhan si Helliana. Dumudugo ang gilid ng labi ni Helliana.
Pinagmasdan ni Clark ang ginawa ni Caliber kay Helliana. Mas lalong dumilim ang aura nito nang makitang hinawakan ni Caliber at katawan ni Helliana.
Inalalayan ni Caliber tumayo si Helliana at hinawakan ang likod nito. Napatigil ito ng may basa itong nahawakan.
Tinignan ni Caliber kung ano iyon at nanlaki ang mata nito ng makitang dugo iyon. Halos mataranta si Caliber sa nakita nito.
"You're bleeding." walang emosyon lang siyang tinignan ni Helliana.
Ang kaninang madilim na aura ni Clark ay agad nawala ng marinig ang sinabi ni Caliber.
"H-hell..." agad lumapit si Clark.
Agad tinulak ni Clark si Caliber. Agad nag init ang ulo ni Caliber sa ginawa ni Clark sa kanya. Hindi na maintindihan ni Caliber ang takbo ng isip ni Clark.
"What the f**k?! Bitawan mo si Helliana at iuuwi ko na siya! Tangina tignan mo yung ginawa mo sa kanya." Kukuhanin na sana ni Caliber sa bisig ni Clark ng matalim itong tinignan ni Clark.
"Touch my girl and you will die." Napaatras si Caliber. Nagulat ito sa pagbabanta ni Clark. Marami na ang nagbanta kay Caliber ng ganoon pero ngayon lang siya nakaramdaman ng takot. Pakiramdam nito ay kayang kaya nitong gawin ang sinabi nito, ngayon din, dito mismo kung saan siya nakaupo.
"Clark." Tumayo si Helliana.
"Uuwi na ako." agad lumapad ang ngiti ni Clark. Tumayo na rin si Clark at hahawakan na sana si Helliana ng umiwas ito. Kumunot ang noo ni Clark.
"Uuwi ako kina Midnight. Let's go." Agad ng tinalikuran ni Helliana ang dalawa at nauna ng maglakad.
Mabilis na sinundan ni Midnight ang naglalakad na palayo na si Helliana. Napalingon ito sa kinaroroonan ni Clark na sana ay hindi na lang niya ginawa.
Matalim ang tingin ang pinukaw nito sa kanya. Bumuka ang bibig nito at basang basa ni Midnight ang walang boses na sinabi nito.
"Die."
CALIBER'S POV
Sa akin sumakay si Helliana. Tahimik kami buong byahe hanggang sa nakarating kami sa mansion. Agad itong naupo sa may sofa.
"Sino yung lalaki?" Napalingon siya sa akin. Ngumisi naman ito.
Bahagya akong napakunot ang noo. Bumalik na siya sa dati. Ano bang nangyayari? Paiba iba ang ugali niya. Parang kanina lang ay parang galit siya sa lahat ng tao tapos ngayon nakauwi lang kami back to normal na naman siya.
"Bakit? Type mo?" agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"What?! No! Hindi ako bakla. What the f**k?!" agad itong humagalpak ng tawa. Damn you.
Bahagya ko siyang tinignan habang tumatawa. Yeah, I like this better. Mas gusto kong asarin niya ako ng asarin kesa maging ganon siya kaseryoso. Ngayon, mas lalo siyang nagiging misteryo sa akin. Hindi ko alam kung sino ka ba talaga at gusto ko 'yon malaman.
Umupo ako sa may kabilang sofa at pinanood ko siyang tumawa.
"Si Clark yon. " Pinatong nito ang paa niya sa may lamesa.
"Alam ko." mahina kong bulong.
"Alam naman pala, nagtatanong pa." mangangatwiran sana ako kaso pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong iopen ang topic na iyon. Naaalala ko na naman ang binulong nito kanina sa hangin. Nakakatakot siya sa totoo lang parang anytime pwede siyang pumatay ng tao kung gugustuhin niya.
Agad akong napatayo ng maalala ko ang sugat nito sa likod.
"Yung sugat mo." muli itong tumawa ng malakas.
"Nag aalala kaba sa'kin? Miss na miss mo agad boses ko." Napangiwi naman ako.
"Ilang page ba iyang mukha mo? Ang kapal, grabe." Inirapan naman ako nito kaya ako naman ang tumawa.
"Kagat lang ng langgam 'to sa'kin wala pa yan sa naranasan ko noon." may binulong siya pero hindi ko na narinig dahil sa sobrang hina.
"Yabang mo!" agad akong tumayo at kinuha ang first aid kit.
"Talikod." utos ko sa kanya. Taka itong tumitig sa akin.
"Ano ba! Gagamutin nga kita. " Umiling naman ito at tumalikod na.
Agad niyang tinaas ang damit niya. Damn! What the f**k? Bakit ko naisipan na ako ang mag gamot sa kanya? Sa likod yon. Makikita ko ang likod niya.
Agad akong napalunok at dahan dahang tinignan ang likod niya. Natigilan ako sa nakita ko. Akala ko gasgas lang ang makikita ko non dahil sa pagkakahagis sa kanya pero hindi merong mas malalim na sugat doon na hanggang ngayon ay may tumutulong dugo. Parang tumama ito sa matigas na bagay.
"Anong nangyari diyan?" Nilingon ko siya. Nakapikit siya at hindi dumidilat.
"Wag ka ng magtanong, gamutin mo na lang."
"Pero-"
"Hindi mo gugustuhing malaman."
Hindi ko na pinilit pang magtanong at baka magalit na naman siya sa akin.
Wala akong nagawa kung hindi gamutin ang sugat niya. Kahit na mahinang daing ay wala akong narinig sa kanya na para bang balewala lang sa kanya ang sugat niya. Para bang sanay na sanay na siya.
Nasa harap kami ngayon ng hapag at kumakain. Kaming dalawa lang. Kung noon madalas ako lang mag isa, buti na lang ngayon may kasama na ako.
"Lagi ka bang mag isa kumakain?" Tinignan ko siya.
"Oo, kapag gabi laging busy sila Mom and Dad. Kapag nandito naman sila dun sila sa office kumakain." Napatango tango naman ito.
"Hoy babae baka naaawa ka sa'kin, ha. Sanay na ako hmp." Ineexpect ko na tatawanan niya ako at aasarin pero hindi. Tahimik nitong tinignan ang kinakain niya at hindi 'yon ginalaw.
"Helliana..."
Shit may nasabi na naman ata akong hindi maganda.
"May gusto ka sa'kin 'no?" Napakunot ang noo ko.
"Ha? San nanggaling yan?" bahagya itong ngumiti at mapang asar akong tinignan.
"Sa bibig ko." agad akong tumayo at dinuro siya.
"Hoy babae ang kapal naman ng mukha mo!" malakas ulit itong tumawa.
"Masyado kang defensive." inis ko siyang inismiran at agad na tumayo na. Iniwan ko siya doon at mabilis na dumiretso sa hagdan. Mula dito kitang kita ko ang mukha niya.
Nakangiti siya pero dahan dahan din itong naglaho. Binitawan nito ang kutsara at tinidor niya.
Napatigil ako ng may tumulong luha sa mata nito. Nagulat ako. Parang gusto ko siyang yakapin, parang ang bigat bigat ng dinaramdam niya. Parang sobra sobra siyang nasasaktan.
Ano bang nangyayari sa kanya? Masyadong magulo. Hindi ko alam kung ano ba talagang nangyari sa kanya.
Agad nitong pinunasan ang luha at tumayo na. Halos madapa na ako kakamadali papunta sa kwarto ko. Damn. Agad akong nawalan ng ganang kumain at gusto ko na lang siyang isipin buong gabi.
Kapag sarado ko ng pinto ay dumausdos ako pababa. Nag replay sa akin ang mukha niya kanina at kung paano tumulo ang luha niya.
Gusto ko siyang tanungin kung saan ang masakit? Hindi ko alam pero gusto kong malaman at tulungan siyang pagalingin iyon. Pakiramdam ko kasi sobrang lalim nung sugat niya, hindi yung sugat niya sa likod. Ibang sugat niya na kahit hindi niya iniinda ay sobra siyang nasasaktan.