CHAPTER 7

3013 Words
CALIBER'S POV Nakahiga na ako pero hanggang ngayon hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Napatingin ako sa bintana. Sobrang lakas ng ulan. Super lamig. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin si Helliana. Hindi mawala sa isip ko ang mukha niyang umiiyak. Curious din ako kung ano bang nangyari sa kanya pero hindi ko naman siya matanong dahil baka magalit lang siya sa akin at hindi na naman niya ako pansinin. Alas onse na kaya tulog na sila panigurado. Kailangan ko na rin matulog na at baka anong oras na naman ako magising bukas. Hindi na naman ako gigisingin nung babaeng yon, buset. Walang silbi sakin ang alarm clock dahil pinapatay ko lang naman at babalik ulit ako sa pag tulog kaya ang ending laging late. Napatigil ako ng makarinig ng tatlong malalakas na katok. Tinignan ko ang pinto at hindi ako gumalaw sa kinaroroonan ko. Napatingin ako sa doorknob ng gumagalaw galaw ito na parang binubuksan nito ang pinto ko. Hindi kaya ito yung sinasabi nilang multo. f**k. Narinig kong nagkukuwentuhan ang mga katulong na may nakita nga raw sila dito at tuwing gabi ay nakatok ito ng tatlong beses sa pinto. f**k. f**k. Bakit sa kwarto ko pa? Hindi na lang sa kwarto ni Helliana. Sobrang lamig kanina pero ngayon ay tumutulo na ang pawis ko sa sobrang kaba. Malakas muli itong kumatok ng tatlong beses. f**k, s**t. "Midnight?" agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang boses ni Helliana. Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Helliana. Agad akong pumunta sa pinto at pinagbuksan siya. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Agad akong napatalikod. Namula halos buong mukha ko sa kahihiyan. Naka boxer akong spongebob ngayon. f**k, sa lahat lahat ng pwede kong isuot ngayong gabi ay ito pa talaga ang naisuot ko. "Nice boxer." inis ko itong tinignan. Talagang nang aasar pa? Nginisian lang naman ako nito. Pumasok ito sa loob ng kwarto ko at nahiga. Napatingin ako sa soot nito. Manipit na pajama at sandong manipis. f**k, she's torturing me. Hindi ba niya alam na lalaki rin ako? Hindi ba siya natatakot kung anong pwede kong gawin sa kanya? Napailing na lang ako at tinignan siya. "What are you doing here?" Umupo ako sa kama ko. Yapos yapos pa nito ang unan niya at inaamoy amoy pa ito. "Ah, alam ko na. Takot ka sa kidlat, 'no?" napangisi naman ako. Yung babaeng muntik ng magpabulag dun sa dalawang lalaki at yung babaeng hinagis ng walang kahirap hirap yung damulag ay takot lang sa simpleng kidlat. Sa wakas ay may maiaasar na rin ako sa kanya. "No." "Liar." "Hindi ako nagsisinungaling. " Pumikit na ito. "Ayaw pa aminin." hindi ko na ito nadugtungan at nahiga na sa tabi niya. Teka, humiga ako sa tabi ng isang babae? Agad akong napabalikwas. Saan ako matutulog nito? f**k! Nakakainis na buhay 'to. "San naman ako matutulog?" Niyugyug ko siya para magising siya. f**k hindi ako matutulog sa sofa. Me? Matutulog sa sofa? No way high way. "Kahit san mo gusto." Pumikit na ito ulit at hindi ako pinansin. Wala akong nagawa kung hindi ang humiga sa tabi niya buti na lang malaki ang kama ko at nakapaglagay pa ako ng unan sa gitna namin. "Kala mo naman rarape-in kita." agad napakunot ang noo ko. Parang baligtad kami, ah. Diba dapat ako ang magsabi non. "Edi tanggalin. Gusto mo lang ako makatabi e." nakangisi kong asar dito. Humarap ito sa akin. Isang nakakalokong ngisi ang binigay nito sa akin kaya agad akong napakunot ang noo ko. Ano ang iniisip mo? "Pano kapag sinabi kong oo?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Biglang nagseryoso ang mukha nito nung sinabi niya yun. Is she serious? What the f**k? Agad akong napalunok at napatitig sa kanya pero hindi siya nagpatalo at nilabanan din niya ako ng titig. Agad akong napatalikod. Damn! Damn! Bakit parang nahiya bigla ako? Ano bang nangyayari sa akin. Agad akong napaupo at napalingon sa kanya ng tumawa ito ng malakas. "Just kidding, kinilig ka naman." inis ko itong hinampas ng unan. "Kapal ng mukha mong babae ka!" tumawa rin ito at agad akong hinampas ng unan at sa paghampas niya nahulog ako sa kama. s**t! Bakit niya nilakasan? Hindi agad ako nakatayo at nanatiling nakahiga sa sahig. Agad itong dumungaw  at sinilip ako. Napatingin naman ako sa kanya. "May naalala ako sa panahon ng tag ulan. Takot akong mag isa ulit." Napatigil ako. Nalilito ako sa kanya. Bigla siyang nagseseryoso. Ginugulo niya ang utak ko sa mga sinasabi niya. Parang ang dami niyang sinesekreto. I don't know pero ramdam kong natatakot siya, hindi ko lang alam kung saan ba o kanino siya natatakot. "Ano yun?" ngumiti naman siya sa akin at agad nahiga kaya hindi ko na siya nakita pa. Tumayo na rin ako at nakita kong nakatalikod na siya. "Goodnight." hindi ako sumagot at tumabi na lang sa kanya. Nilagay ko ulit ang unan sa pagitan namin bago humarap sa nakatalikod na si Helliana. Tinitigan ko lang ito hanggang sa nakatulog na ito. "What's your secret, Helliana? I want to know." mahina kong bulong. Hindi ko alam pero kung tumaas ang kamay ko at hinaplos ang buhok niya. “Anong ginawa mo sakin? Bakit ako nag kakaganito sayo?” CLARK'S POV "You're ruining your own plan." inis pero kalmadong sabi sa'kin ni Dad. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Mas pinili niya si Caliber kesa sa akin. Ewan ko pero pakiramdam ko, inagaw ni Caliber sa akin si Helliana. In the first place ako naman nag utos non kay Helliana. But f**k, she's mine. Wala siyang karapatan na hawakan si Helliana. "You know me, Dad." napabuntong hininga ito sa akin. "You hurt her again?" agad akong napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam. Hindi ko ginusto yon. Kapag nilamon ako ng galit kusang gumagalaw ang katawan ko. Agad napailing si Dad sa akin. He's disappointed. "Sorry." tangi ko lang nasabi. "Kailangan mo ng masanay kasi trabaho yon ni Helliana at para rin yon kay Helliana. " tumayo na si Dad at binuksan ang pinto. "Gusto kong ayusin mo ang lahat, maliwanag ba?" "Yes, Dad." Umalis na si Dad. Napatingin ako sa table side ko kung saan andon ang picture naming dalawa ni Helliana. Binuksan ko ang bintana ko at ang lakas ng ulan ngayon. Inaalala ko si Helliana. "f**k you're torturing me." Pumunta ako sa secret room at kinuha ang akong latigo. Naghubad ako ng damit at agad na hinampas ang sarili ko ng latigo. Every time na sasaktan ko si Helliana at nilalatigo ko ang sarili ko. Napatigil ako ng makaramdam ng pagod. Nadugo na ang likod ko. Agad akong nagtawag ng tauhan at pinagamot ko iyon. Agad akong lumabas sa secret room ko at nahiga na sa kama. Muli, hindi ako makatulog. Uminom ako ng gatas upang antukin ako pero wala pa rin. Agad kong binuksan ang cp ko at tinawagan si Mr. Rios ang lolo ni Caliber. "Mag eenroll ako diyan bukas na bukas din." Hindi ko hinintay ang sagot nito at pinatay ko na rin ang tawag. I'm torturing myself. Papasok ako sa school para kay Helliana. Ayokong maulit yung isang araw na nasaktan si Helliana. Napatingin ako sa wallpaper ko. Si Helliana yon. Unang kita ko pa lang sa kanya, kahit ang dungis niya non. Nagustuhan ko kaagad siya. Kaya ako mismo ang nag alaga sa kanya. Ako mismo ang nagpalaki sa ginawa kong demonyo sa kanya. Ginawa ko siyang demonyo para mailigtas ang sarili niya at para mapag bayaran ang gumawa non sa kanya. "Mag hintay ka lang Helliana. Pagbabayarin ko siya sa ginawa nila sayo. Lalong lalo na siya. Doble pa sa doble ang igaganti ko sa kanya. " Pinatay ko na ang cp ko at nilagay sa side table sa tabi ng kama ko. "Akin ka lang, Helliana. Akin lang." sambit ko bago pumikit. HELLIANA'S POV Agad akong naalimpungatan ng may maramdaman na humigit ng bewang ko papalapit sa kanya at may hininga sa may leeg ko. Hinawakaan ko ang kamay nito at hahawakan sana ang singsing ni Clark ng wala akong mahawakan. Oh right, si Midnight pala ang yumayakap sa akin. Agad akong bumangon. Napalingon ako sa inosente nitong mukha. Kung una mong titignan ito may nakabalot na madilim na aura dito pero kapag nakilala mo na at nakausap malalaman mo agad na mahina ito at puro bibig ang pinapagana. Pero yun nga ba ang tunay mong katauhan, Midnight? Hindi ko alam pero meron akong kakaibang nararamdaman kay Midnight. Parang may mali, parang may iba. Pakiramdam ko sa likod ng pagkatao niya meroong nakatago doon. Gusto ko yun malaman, sisiguraduhin kong bago ka ipapatay sa akin ni Clark ay alam ko na kung ano ang sikretong tinatago mo. Napatingin ako sa cellphone ko at chineck kung anong oras na. 4:30 am May isang text sa akin si Clark. Yung text nito ay nung 1:23 am pa. Hindi siya siguro makatulog ulit. From: Clark Hey, I'm sorry. It's my fault, baby. Please call me when you read my message. I missed you, baby. Agad muna akong pumasok sa kwarto ko. Lagi siyang ganyan. Every time na nasasaktan niya ako ay magpapakalma lang yan at susuyuin na ako. I know him. Hindi niya sinasadya yon. Everytime he's angry he can't control himself. Hindi ko alam kung anong tawag sa sakit niyang yon. Hindi niya rin naman sinasabi sa akin kung ano nga ba iyon. Ang alam ko lang paiba iba ang mood nito. Kaya lagi ko siyang tinatansya, konting gawin mo o sabihin mo na hindi niya magugustuhan ay maaari siyang sumabog at hindi natin alam kung ano ang pwede niyang gawin. Clark is so powerful. That's why nanatili ako sa tabi niya. Alam kong kaya niyang gawin ang lahat ng gusto kong ipagawa sa kanya. Alam kong kaya niyang tuparin ang mga pangako niya sa akin. Alam kong kaya niya akong ipaghiganti. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko siya at konting ring lang ay agad na nitong sinagot. "[My Helliana...]"halata mong bagong gising lang nito base sa tono ng boses nito. Nagiging extra sweet din ito sa akin kapag nasasaktan niya ako sinisigurado niyang makakabawi siya sa akin. "Hmm?" Nahiga ako sa kama ko at tinignan ang kisame. "[I'm sorry. Ginawa ko ulit yon.]" "Sanay na ako." Rinig ko ang malalim nitong pag buntong hininga. "[I'm really sorry, baby. Aayusin ko yung ginawa ko, promise.]" "Good." "[I love you.]" "Yeah. Bye." Agad ko ng pinatay ang tawag. Ganito talaga ako sa kanya. Sanay man ako ako sa ginagawa niya at kahit alam kong hindi niya naman ginusto yon dahil sakit na niya yun ay di ko pa rin mapigilan na mainis. Mabilis akong naligo at nag-ayos. 5:30 palang at 7 ang oras ng klase namin pero gusto ko talagang maaga. Ayoko yung nag mamadali ako. Kaya mas maaga, mas maganda para chill chill ka lang. Agad kong binuksan ang pinto ni Midnight at parang bata pa rin itong natutulog. Pinagmasdan ko siyang mahimbing na natutulog. Nakadapa ito at ang mukha ay nakaharap sa akin habang yakap yakap na ngayon ang unan niya. Napangiti naman ako pero agad din iyon nawala at napailing ako. "Hoy!" sinigawan ko ito pero hindi pa rin ito gumagalaw. Maikli lang talaga ang pasensiya ko kaya tinulak ko na siya at agad siyang nahulog sa kama. Pinigilan ko ang tawa at nanatiling seryoso ang tingin sa kanya. "Aray!" halata ang iritasyon sa mukha nito. Bumangon itong hawak hawak ang ulo at masama akong tinignan. Nagkibit balikat lang naman ako. "Pwede mo namang akong gisingin ng ayos, eh!" "Nag hoy ako pero di ka man lang gumalaw kaya tinulak na kita." "Dapat niyugyug mo na lang ako!" "Okay. Next time." Inis nitong kinuha ang cellphone niya at lalong kumunot ang noo nito. "Anong oras palang, ginigising mo na agad ako. Kakainis!" Ginulo gulo nito ang buhok niya. Napailing naman ako at tumawa. Mas lalong sumama ang tingin nito sa akin. "Mas maaga mas maganda." "Letse!" "O baka gusto mong hindi ulit kita gisingin." Inis ako nitong inirapan. "Gay!" Agad itong lumapit sa akin. Sinandal ako nito sa pader at hinarangan ng dalawang braso niya. Sobrang lapit ng mukha nito sa akin. "Do you want me to prove you that I'm not a gay?" Dinilaan pa nito ang labi niya. Dahan dahan nitong inilapit ang mukha nito sa akin. "Ang baho ng hininga mo." inis itong lumayo sa akin. Napahalak halak naman ako. "Hoy kapal mo ha! Mabango hininga ko." "Sabi mo e. Mag ayos ka na hintayin kita sa baba." Kinindatan ko pa siya bago lumapit sa pinto. Nakita kong mabilis itong humarap sa salamin at inamoy ang hininga niya. Napailing naman at pigil ang tawa na sinarado ang pinto. Hindi ko alam pero kapag dating kay Caliber ay agad ako nitong napapatawa. Hindi ko alam kung dahil tanga lang ba talaga siya o sinasadya na niya yon para mag mukha siyang tanga. Sinilip ko muna ulit ang pintuan ni Caliber bago bumaba. Kapag baba ko pinagluto ko na sila Manang at ako naman ay naupo at nanood. Tinignan ko ang cellphone ko at may message don si Clark. Clark: I love you, baby. I'm sorry please forgive me. You love me, right? Clark: Answer me, baby. You love me, right? Agad kong pinindot ang reply. Me: Yes, I love you too. Agad ko nang pinatay ang cellphone ko at binulsa para hindi na ako matawagan ni Clark. Ilang minuto lang ay bumaba na si Caliber. Kumain na kami at kapag tapos ay agad na rin kaming lumabas. 6:30 palang pero mas maganda ng maaga. "San ka sasakay niyan? Yung motor mo nasa school pa." inirapan ko ito. Napaka hina naman ng utak nito. "Malamang sayo. Wala naman akong ibang sasakyan kundi ang motor. " Agad na akong umupo sa passenger seat. Iiling iling naman siyang sumakay din at nag drive na. Nakatingin lang ako sa labas. Nakakaboring. Bakit ang bagal niya magmaneho? "Wala bang ibibilis yan?" inis ako nitong tinignan at bumalik din naman agad sa kalsada ang tingin nito. Kung siguro ako nagmamaneho, kanina pa kami nasa school. Mas mabilis pa ata kung maglalakad ako e. "Aga aga pa e. Atsaka gusto kong ninanamnam ko ang pagdadrive." "Bakla talaga." Sinamaan naman ako nito ng tingin. "Ganito na ba ang itsura ng bakla ngayon, ha?" nginisian ko naman siya. "May mga baklang nagsusuot pa rin ng panglalaking damit. Sa unang tingin di mo aakalain na bakla pero hmm." Kumunot ang noo nito habang nagdadrive. Inis na inis na siya sa akin. Tsk. "May gusto ka sakin 'no?" agad akong napalingon sa kanya. "Teka line ko yan ha?" Sasagot pa sana siya ng nakarating na kami sa University. Mabilis itong nag park. Agad akong umalis doon at tinignan ang motor ko, buti na lang walang gumalaw ng motor ko. Naglakad na ako at napatawa ako ng makita ko si Midnight. "Oh bat nandito ka pa? Hinihintay mo ako, 'no?" Kumunot ang noo nito. Hindi siya agad nakasagot. Konti na lang iisipin ko may gusto sakin to. "Kapal mo! H-hinihintay ko sina Kean at James." napatawa naman ako ng nautal pa siya. "Oo na. Nauutal ka pa e." nag umpisa na ako maglakad. Napatawa ako ng sinundan ako nito. "Kala ko ba hihintayin mo sina Kean at James?" mapang asar kong tanong sa kanila. "Hmp nagbago na isip ko." Napatawa naman ako sa dahilan niya, kahit kailan talaga ang bulok niya magbigay ng dahilan. Bahagya siyang nauuna sa akin kaya tinitigan ko ang likod niya. Napatigil ako ng tumigil ito at nilingon ako. "Bakit ba nandyan ka sa likod? Kupad kupad maglakad." napatawa naman ako ng binalikan niya at tumabi sa pwesto ko. "Sus, gusto mo lang akong kasabay e." pang aasar ko sa kanya. "Ang kapal mo. Bahala ka nga dyan." nauna itong maglakad pero kumpara kanina ay maliliit ang hakbang nito. Napailing naman ako at sinabayan siya ng lakad. "May gusto ka sakin 'no?" nakangisi kong pang aasar dito. Kumunot ang noo nito at inirapan ako. "Libre mangarap." humalakhak naman ako. "Denideny mo pa, halata ka na." mas lalong kumunot ang noo nito. “Hindi ko dinedeny kasi hindi naman kita gusto at hinding hindi ako magkakagusto sayo, baka nga ikaw may gusto sa'kin diyan e.” Nagkibit balikat lang ako at nginisian siya. Pumasok na ako sa room. Malapit na mag time at tamang tama lang talaga ang pasok namin. "Hey hey wazzup?" Nakipag apir si James kay Midnight. "Hi Hell." Bati naman nito sa akin. "Hi." "Hi Philippines, hello world!" Bungad naman ni Kean. Nakipag apir din ito kay James tapos kay Midnight. "Hellianaaaaaa!!!" Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Super taas ng energy, umagang umaga. "Oh?" "Wala lang. Namiss kita." "Hoy Kean dami mong alam maupo kana, andiyan na si Prof." "Selos." "At bakit ako magseselos?" Hindi na siya pinansin ni Kean at naupo na. Dumating na nga ang prof namin. "Good morning meron kayong bagong classmate." Nakatingin pa rin ako sa labas kasi wala naman akong pakielam kung sino man yon. "Hala ang pogi." "Gwapooo." "Ang cute niya ngumiti." "s**t napapalibutan tayo ng gwapo." "Gwapo ng ngiti niya." "Please introduce yourself." "Clark Denver." Agad akong napalingon. No, bakit siya nandito? Agad nagbulungan yung mga tao. Nginitian naman ako ni Clark. f**k. Hindi niya sinabi sakin 'to. What the f**k? Ginugulo niya ang plano namin. Ito ba yung paraan niya ng pag ayos? f**k you, Clark. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo dyan sa utak mo. "Denver? Magkapatid ba sila ni Helliana?" "Ano ka ba marami namang Denver sa mundo malay mo kaparehas lang." Rinig kong usapan nila. Napakunot ang noo ko ng may tumayong lalaki. "Do you mind if I ask you?" "No, continue." "Are you related with Helliana Gwyneth Denver?" Napalingon sa akin si Clark. Ngumiti ito ng napaka lapad. f**k. Wag mong subukan na guluhin ang plano, Clark. Kapag ginulo mo baka matapos ko kaagad ng wala sa oras si Caliber Midnight Rios. "It's a secret." Agad na naman nabuo ang bulungan. f**k you, Clark. Ginalit mo ulit ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD