CHAPTER 8

3013 Words
HELLIANA'S POV Sinundan naman ako ni Midnight papuntang Locker kasi nga P.E na namin and kailangan na naming magpalit ng damit pang P.E. Sina Kean at James naman aba't naghubad sa room dahil nakadoble na sa kanila yung P.E nila. Buti na lang at hindi ginawa ng isang to yung kabaliwan ng dalawa at talagang ikakahiya ko siya. "Teka," napatigil ako at napakunot ang noo. Ano na naman bang problema nito? "Bakit kita sinusundan? Diba dapat ako yung sinusundan mo kasi ako yung boss mo, ikaw yung bodyguard ko. " inis ko siyang inirapan. Kakaunting bagay parang napaka big deal sa kanya. Tsaka hindi naman niya ako sinusundan dahil halos lahat kami papuntang locker, parehas lang kami ng direction. Nauna lang ako sa kanya maglakad. "Dami mong arte, lika na dito." Hinila ko na lang siya at tinabi sa akin ng hindi na umangal pa. Alangan naman mag pahuli ako dahil lang sa kaartehan nito. Buti naman at hindi ito pumalag at hinayaan na lang. "Oo nga pala!" inis ko ulit tinignan. Ano na naman ba? "Ano na naman ba?" "Kaano-ano mo si Clark?" Agad akong napatigil. “Parehas kasi kayo ng surname.” Fuck. Imposibleng hindi magtanong itong chismoso na ito. Kung kagabi nakaligtas ako sa kanya ngayon ata hindi na. Halata kong kanina pa niya gustong itanong sakin yan. "Uhm-" Nagulat ako ng may umakbay sa akin. Sa amoy palang nito ay alam ko na kung sino ito. "Clark..." "Magkapatid kami, right Helliana?" tinignan naman ako nito at sobrang lapit ng mukha niya sa akin. "Ah yeah right." Napatango tango naman si Midnight at nagkibit balikat. "Mauuna na pala ako kasi may gagawin pa ako. Bye, baby." hinalikan ako nito sa pisngi. f**k you, Clark. What the f**k are you thinking? "Bye, Midnight. And sorry about yesterday I'm just too out of control." Naiilang na tumango si Midnight. Nginitian naman kami ni Clark bago tumalikod. "Wait," Isa ka pa, Midnight. Isa ka ring tanga. Mas pinapaaga mo kamatayan mo. Lumingon naman si Clark sa kanya. "Why did you kissed her?" Clark chuckle. "She's my sister. What wrong?" kumunot ang noo ni Caliber pero kalaunan ay nag kibit balikat na lang ito. "Uhm nothing. Let's go, Helliana." Tumalikod na si Midnight at bago ako tumalikod hindi nakatakas sa akin ang nakakalokong ngisi ni Clark. f**k, Clark. What the f**k are you thinking? You're ruining everything. Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang plano niya at kung bakit siya nag enroll dito. Alam kong marami siyang ginagawa, bakit mag aaksaya siya ng oras pumasok sa school? Ang sabi niya aayusin niya pero lalo lang niya pinalala. CALIBER MIDNIGHT'S POV Agad na akong naghubad ng damit. Kinuha ko na yung damit ko at susuotin ko na sana ng biglang dumating si Clark. Hindi ko alam pero iba talaga ang pakiramdam ko sa kanya. Kinikilabutan ako dahil hindi maalis sakin yung pangyayari kahapon. Yung time na may ibinulong siya sa hangin na basang basa ko. Kaya kung kaya ko ay lalayuan ko siya, kahit pa kapatid siya ni Helliana. "Hi Caliber." umiling na lang ako at nagsuot na. Ayoko siyang kausapin at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Kami ang nahuli at sigurado nandon na silang lahat sa Gym kaya kami na lang ang tao dito sa dressing room. "How rude." tinignan ko siya. Ano bang gusto nito sa akin? Kulang ba to sa aruga? Hindi ba niya pansin na ayaw ko siyang kausap. Pasalamat siya kapatid siya ni Helliana. Kung hindi siya kapatid ni Helliana kanina ko pa siya sinagot sagot pero syempre siya ang nag alaga kay Helliana kaya basta hangga't maaari ayaw ko siyang pahabain. Kung mag usap man ayokong humaba iyon. "Why?" nginitian naman ako nito. "Friends? Well I'm new here and I'm not familiar here. My sister is working in your family, right? I want to be friends with you." Naglahad ito ng kamay. Hindi naman ganon kasama ang ugali ko para hindi ito tanggapin kaya tinanggap ko na at mabilis din kinalas. "Sure." "So do you like her?" agad kumunot ang noo ko. "Who?" Ano bang pinagsasabi nito? "My sister." Lalong napakunot ang noo ko. Ako? Magkakagusto doon? Never. Mamatay muna ako bago magkagusto don. Yes, maganda siya pero  ah basta. "Why?" "Nothing. Just asking. Oh, we're late. Let's go." Tumango ako at sumunod na lang sa kanya. Siya ang nauunang maglakad sa akin kaya tinitigan ko siya. I'm sure na mayaman siya at hindi siya mahirap. Sigurado akong napakayaman niya kaya bakit niya hinahayaan si Helliana na magbody guard? Natigilan ako. Naalala ko yung kahapon, sinaktan niya si Helliana. Hindi kaya gustong kumawala ni Helliana sa kanila kaya kailangan niya ng sariling pera niya? Siguro minamaltrato siya nina Clark kaya ganon. Patay na rin ang parents niya, hindi sila magkamukha ni Clark. Si Clark ang umampon sa kanya? So, step sister lang niya si Helliana. “Ang talino mo talaga, Caliber.” Napatingin naman sa akin si Clark pero agad ding tumalikod. Kapag talikod niya ay agad kong sinamaan siya ng tingin. Anong karapatan niyang saktan si Helliana ng ganon? Nagsimula na silang mag stretching at ganoon din ako. Nagbasketball kami at ang mga girls naman ay volleyball at yung iba ay nag checheer sakin pero si Helliana ayun nagpipindot sa cellphone niya at walang pakielam sa paligid. Kakampi ko si Clark, James at Kean at di ko alam kung sino yung isa at wala akong planong kilalanin. Yung nag vovolleyball ay medyo malayo sa amin at si Helliana ay parang nasa gitna lang ng court namin at court ng Volleyball. Nag time out muna kami at nagpahinga. Napansin kong nakatingin si Clark kay Helliana. Hindi ko alam pero iba yung tingin niya. Ibang iba. Ganon ba talaga kapag may kapatid kang hindi mo kadugo? Napatingin ako kay Helliana at agad na nanlaki ang mata ng may bolang paparating sa kanya at ang tangang babae tinignan lang yung bolang papalapit sa kanya. Mabilis akong tumakbo pero naunahan ako ni Clark at sinambot ang bola bago matamaan sa mukha si Helliana. Halatang sinadya yon. Kasi kahit na nasa gitna si Helliana ng court ay malayo naman ito. Ganon ang ginawa ni Lolo para hindi matamaan ang audience. Kaya kung hindi mo sadyang ipapapunta don ang bola ay hindi yon puputa don. "Ay sorry Helliana napalakas ata yung palo ko sa bola." sabi nung maarte na babae na di ko alam kung sino. Ngumiti naman si Clark. Nagkibit balikat lang si Helliana. Itong babaeng 'to parang walang pakielam sa mundo. "Kung ganon ang tanga mo naman at kesa sa kalaban mo hinampas yung bola, sa direksyon pa ni Helliana mo hinampas yung bola." Agad natahimik yung buong paligid. "Anong karapatan mong sabihing tanga ang girlfriend ko?" may kalakihan ang tiyan na sabi nung lalaki na bigla na lang sumulpot. "Well it's because your stupid girlfriend tried to hit my sister face. Hey, stupid are you insecure? Because my sister face is hundred thousand more beautiful than yours." SAVAGE. Nag simulang umiyak yung babae. Ang arte naman. Nagulat kami ng may humawak sa kwelyo ni Helliana pero si Helliana? Chill parin. "Ilapit mo sakin yang babaeng yan, Jason. Para makita nitong lalaki na 'to kung paano ko babasagin ang mukha ng kapatid niya." agad nilapit si Helliana. Agad kinuwelyuhan nung lalaki si Helliana. Hindi ko alam pero kalmadong kalmado lang si Helliana. "Clark do something." ngisian lang naman ako ni Clark. "Try to hit her, you'll die I'll swear." Malakas na sinampal nung lalaki si Helliana. Agad namula ang pisngi ni Helliana sa lakas ng pagkakasampal nito. Agad ngumisi yung babae na gf nung panget na damulag. May dugo sa labi nito na agad dinilaan ni Helliana. Kalmado pa rin ito kahit na nasampal na siya nung damulag na 'yon at panigurado akong masakit 'yon dahil hanggang dito ay rinig ko. "Game over." agad sinipa ni Helliana yung mukha nung lalaki kaya napahiga ito. "Be grateful because I will kick your ugly face. My limited edition shoes will kick your face, asshole." at agad na sinipa ni Helliana ang mukha nito. Walang  kahirap hirap na tinaas ito ni Helliana at inihagis. Ayun tulog. "Well, that's my girl." tuwang tuwa na sabi ni Clark. "Your sister." pagtatama ko dito. "Ah yeah my sister whatever." Agad bumukas ang pinto ng gymnasium at andun si Zhavia. The queen. The one and only Queen. "What is happening here?" agad itong tumingin sa akin at nagkibit balikat lang ako. Kapag may gulo, ako agad? Napakunot noo ako ng gulat ito ng napatingin sa katabi kong si Clark. "Clark..." Nginisian naman siya ni Clark at naglakad palapit kay Helliana. Hinawakan nito ang nagdudugo nitong labi. "Let's go, let's clean our mess." luli itong sumulyap kay Zhavia. "Do it." napakunot ang noo ko. Inuutusan niya ba si Zhavia? Ang Queen? Seriously? What's happening? Kahit ako hindi ko mautusan 'yan at maraming sasabihin. Agad silang tumalikod. Hinawakan sa bewang ni Clark si Helliana. Agad sumulyap si Helliana pero hindi sa akin. Kung hindi dun sa babae. Takot ang naramdaman ko ng nabasa ko ang walang boses nitong sinabi. "Die bitch." Third Person's POV Gulat pa rin si Caliber. Parang hindi si Helliana ang nakita niya kanina. Napailing na lang ito. Inisip nito na baka nagkakamali lang siya o siguro ganon lang talaga sila. Napabuntong hininga si Zhavia. Alam nito ang ibig sabihin ni Clark. "EVERYONE GO BACK TO YOUR CLASS!!" mukhang nakabalik naman sa reyalidad ang mga tao. "NOW!!" Pinanlakihan na sila ng mata ni Zhavia kaya agad na silang bumalik maliban kina Caliber. "Caliber go back to your class." muli muna itong tumingin sa nilabasan nila Clark at Helliana. Gusto nitong sundan sila sa hindi malamang dahilan. Napabuntong hininga na lang ito at lantutay na pumasok sa room nila. Sabay na nag kibit balikat sila Kean at James na parehong hindi maintindihan ang nangyayari. Si Zhavia ay ang President Student Council at ang Queen din dito. Kaya halos lahat takot sa kanya at sinusunod siya. Kahit si Caliber ay sinusunod siya dahil kapag may ginawang kalokohan si Caliber ay sa Daddy ni Caliber ito dinediretso, hindi sa Lolo ni Caliber. Agad napalingon si Zhavia sa nilabasan nung dalawa. Napakuyom ito ng kamao. "No, not again. That girl. " Takot at kaba ang nararamdaman nito dahil sa pagpasok ng dalawang Denver sa paaralang pinamumunuan din niya. Sa kabilang banda nakagapos ang dalawa. Ang babaeng kanina ay halos mawalan na ng malay at ang kasintahan naman nito ay duguan na. "Kill them now." mahinang sabi nito bago tinignan ang oras. "You dare to touch my girl, welcome to our world. Goodbye rest in peace." at sunod sunod na bala ang pinutok sa dalawa hanggang sa mawalan na ito ng buhay. Malinis. Walang bahid ng ebidensiya na magtuturo kung sino ang pumatay. ----- CALIBER'S POV Last subject na ng pumasok si Helliana. Sa kanya lahat ang tingin. Sunod ni Helliana ang kapatid niyang si Clark. Gusto kong itanong kung saan ba sila pumunta or kung ano ang ginawa nila. Napatingin ako kay Kean ng mabilis itong tumayo at lumapit kay Helliana. Napakunot ang noo ko. Anong pumasok sa kokote nitong si Kean? Pansin ko rin kanina na parang hindi siya mapakali. Si James naman hinahayaan siya then ako pinapanood ko sya. Para siya napaparanoid na ewan. "Hey are you okay?" sobrang nag aalala ang tono nito. Hinamplos nito ang pisngi na sinampal kay Helliana. Umupo naman si Clark sa may tabi ko at tulad ko pinanood ko rin sila. "Yes. I'm okay." baliwalang sabi ni Helliana. Agad akong napatayo ng hawakan ni Kean ang labi ni Helliana na may cut. Hindi ko alam kung ano bang problema ni Kean at nagkakaganyan siya. Hindi naman siya ganyan. "What the f**k are you doing, Kean? You're making a scene. Stop it." napaatras naman at napabitaw si Kean kay Helliana. "Sorry. I'm just worried." Napakunot ang noo ko. What's happening? Hindi naman ganyan si Kean. Ang tagal ko ng kilala si Kean pero ngayon lang siya naging ganyan. "I'm okay, Kean. No need to worry." Pinat ni Helliana ang balikat nito at naupo na sa tabi ko. Agad nitong hinawakan ang braso ko at inupo ako. Bumalik na rin ako sa upuan ko at napatingin ako kay Kean. "Let's talk later, Kean." Napagawi sakin si Kean at mabilis na nag iwas ng tingin. "He likes her." agad akong napatingin kay Clark na ngayon ay nakatingin sa nakatungo na si Kean. "What?" "Can't you see? Just look into his eyes and you'll see." Napailing na lang ako at hindi siya pinansin. Kung ano ano ang sinasabi ng baliw na 'to.Napatingin ako kay Helliana. Hanggang matapos ang klase ay nakatingin lang ako sa kanya. "Hoy babae." tinignan naman ako ni Helliana. Nag papahuli talaga kami kasi ayaw naming nagsisiksikan na akala mo hindi makakalabas ng room. "I'll go ahead. Bye." Nauna ng umalis si Clark. Kita ko ang pagsunod ng mata ni Helliana dito. "Mid alis na ako. Hell, bye." paalam naman ni James. "Helliana, alis na ako. Uhm Mid, una na ako." hindi ako nito sinulyapan at sinundan si James. What the hell is wrong with you, Kean? I can't read you. I don't know what's your freaking problem. Sabi ko rin na mag uusap kami mamaya pero tignan mo, tinakasan ako. "Hoy babae!" tawag ko ulit dito ng naglakad na ito. "Mauna kana, iihi lang ako. Hintayin mo ako sa parking lot." masama ko itong tinignan. "Kapal mo, paghihintayin mo ako!" nginisian lang naman ako nito at walang paa-paalam na umalis. Agad na akong nagpunta ng parking lot. Kainis! Paghintayin ba ako? I'm her boss. How dare her! Pinaglaruan ko na lang yung bato sa may paa ko. Wala ng mga tao pero may iilan pa ring sasakyan ang natitira. Ngayon lang ako nakakita ng bodyguard na pinaghihintay ang boss niya. Pano kung may mangyari sa akin habang hinihintay ko ang bodyguard ko? Ang kapal talaga ng mukha. "Look who's here the great CALIBER MIDNIGHT." Agad akong napatingin sa limang kalalakihan. Sino ba sila? Tinaasan ko lang ito ng kilay at hindi pinansin. Wala ako sa mood makipag away sa kanila. Ang papanget din nila para pag aksayahan ko ng oras. "Napipi ka na ba?" tatawa tawang sabi nung lalaki. Bumuntong hininga ako at tinignan sila. f**k, Helliana. Where are you? Kapag kailangan kita lagi kang wala. "I really don't feel like talking to ugly creatures like all of you." nagtagis agad ang mga panga nila. "Yung dila mo talaga ang gusto kong putulin." ang gagalaiti nitong sabi. "Why don't you cut your own tongue? Because the word coming out from your mouth is nonsense just like your tongue. So I suggested to cut your own tongue." agad itong sumugod. Sinakal ako nito at napasandal naman ako sa may kotse ko. f**k. "H-hell," halos bulong na lang ang nagawa ko sa sobrang higpit ng pagkakasakal nito sa akin. "Kakaiba talaga tabas ng dila mo e."lalo pa nitong diniin ang pagkakasakal nito. "Are you going to kill him?" Nabitawan naman ako nito pero agad akong hinawakan nung dalawa at yung dalawa naman ay may hawak ng matitigas na bahay. Inis kong tinignan si Helliana na ngayon ay nakaupo sa may taas ng kotse at taimtim na nanonood sa amin. Kung kailan malapit na akong masaktan tsaka lang siya tutulong sa akin. Lagi siyang nawawala kung kailan, kailangan ko siya. Anong klaseng bodyguard siya? "Who are you?" inis na tanong nung lalaking sumakal sa akin. "Answer my question first." ma-autoridad na sabi ni Helliana. Bakit ba ang daming nakakagulat na nangyayari sa babaeng to? Paiba iba ng ugali. Maybe magkapatid talaga sila ni Clark? Tulad din kanina parehas sila nung sinabi at nakakakilabot iyon. Atsaka parehas silang pabago bago ng ugali. Siguro paboritong anak lang si Clark. Ewan ang gulo ng pamilya nila. Hindi ko alam kung kadugo ba niya talaga si Clark o step brother niya lang si Clark. Halatang medyo nagulat at kinabahan yung lalaki pero bumalik din ito sa normal at tumikhim bago umayos. "Yes, so what?" agad ngumisi si Helliana sa kanya. Sinenyasan ko si Helliana na pakawalan ako pero nginisian lang ako nito. f**k! Wala talagang kwentang bodyguard. Siyempre magyayabanh muna yan bago niya ako tulungan, bwiset. "If you're going to kill him, why don't you kill him already? Ang dami mo pang sinasatsat... Or are you afraid?" napakuyom ng kamao yung lalaki. "Fine. I'll kill him in front of you." agad itong lumapit sa akin. Nataranta naman agad ako. "Too bad. Too late." agad tumalon si Helliana at sinipa ang mukha nito. Tumalsik naman ito sa sasakyan. Agad nagsipag lapitan yung iba yung dalawang lalaki ay sabay siyang hinampas pero hinawakan niya ito at agad na nakuha sa kanila iyon. Malakas na hinampas ni Helliana yung matigas na bagay sa mukha nila at sabay silang napatalsik. Naramdaman ko yung pagluwag ng hawak sa akin nung dalawa. Pag tingin sa kanila ni Helliana ay kumaripas sila ng takbo. Inis kong hinarap si Helliana. "Damn you!!!! " agad kong singhal sa kanya ng makalapit ako. "Muntik na ako don! Pano kapag pinatay ako non? " Talagang nainis ako. Puta pano na lang kung wala siya don? Lagi na lang siyang late. Pano kung isang araw, mahuli siya. Hindi niya ako maligtas kasi kukupad kupad siyang kumilos. Agad itong lumapit sa akin. "A-ano?" nauutal kong sabi dito at bahagyang napaatras. Hinawakan nito ang leeg ko. Siguro bumakat yung kamay nito sa pagkakasakal sa akin. Agad nanigas ang buo kong katawan ng dilaan niya yung leeg ko. What the f**k? Did she just lick my neck? Gulat pa rin akong pinanood siya. I'm speechless, I don't know what to do or what to say. Mabilis itong tumalikod at kinuha ang motor nito. Agad itong tumigil sa harap ko. Hinagis nito ang isang helmet sa akin. Tsaka  naman akong napalingon sa kanya. Kumunot ang noo ko at pinakatitigan ko siya. Bakit niya ako hinagisan ng helmet? Nang marealize ko kung bakit ay agad nanlaki ang mata ko. “Don't tell me-” "It's my turn to give you a ride."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD