HELLIANA'S POV
Sinuot naman ni Caliber ang binigay kong helmet pero hindi ito sumakay.
"S-saan naman ako hahawak?" yun lang pala ang pinoproblema e.
"Sa may hawakan, malamang. Bilis na pangalawang tao kana na nakasakay sa motor ko kaya, swerte ka." ang una si Clark. Wala na akong ibang pinasakay kung hindi si Clark. Hindi ko alam kung bakit ko pinayagan itong lampa na bakla na 'to na sumakay sa motor ko.
"Mas swerte ako kung ako yung una." napairap na lang ako ng bubulong pa siya, e rinig na rinig ko naman. Akala naman di ko narinig.
"Sakay na baka magbago isip ko." agad naman itong sumakay. Hindi pa ito ready ay agad akong nagpaandar.
Nagulat ito at napahawak sa dibdib ko. f**k. Agad bumaba ang kamay nito sa gulat at niyakap ako ng mahigpit sa may bewang. Kahit ako ay nagulat sa ginawa niya, sino bang hindi? Sa dami dami ng pwede niyang mahawakan ay yun pa.
"S-sorry." napalunok naman ako.
"Sinadya mo yon, 'no?" pang aasar ko dito para mawala ang naiilang kong nararamdaman.
"Hoy hindi ah. Bigla mo kasing pinaharurot kaya nataranta ako." tumawa na lang ako at napailing.
Lalo akong nailang ng humigpit ang pagkakayakap nito sa akin at sumandal pa sa akin. Dumikit ang dibdib nito sa aking likod at naramdaman ko ang mabilis na t***k ng puso niya.
"Wag muna tayo umuwi. Mag ikot pa tayo." biglang bumilis ang t***k ng puso ko. What is this?
"Ha?" napalunok ako at mas lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Please." agad kong niliko at iniba ang direksyon namin. f**k. Bakit ko ba sinusunod ang sinasabi ng tukmol na 'to? Wala ata ako sa sarili ko ngayon. Ang dami kong unexpected na ginagawa.
"Ang sarap palang sumakay sa motor." agad akong napangiti.
I felt the same way. Unang sakay ko palang sa motor, talagang magdamag kong ginamit iyon. Pakiramdam ko malaya ako non. Sobrang saya ko nung una akong nakasakay sa motor. Kaya hindi ko nahiligan ang kotse at mas gusto ko ang motor. Gusto ko kasing nalalanghap ang hangin.
"Thank you."
Fuck, Caliber. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Sinaniban ba siya ng mabuting espirito at nagkakaganyan siya?
Why are you acting like that? First it's his first time saying please and I know he's the type of person na hindi nag piplease ng kung sino. Ngayon naman he's thanking me. For what?
"Bakit ka nag thank you?"
"Kasi niligtas mo ako."
"Trabaho kong iligtas ka."
Agad ko itong pinakaramdaman ng dahan dahang lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin at tumahimik.
Agad kong hinawakan ang isang kamay niya gamit ang isa kong kamay.
"Mahuhulog ka, baka hindi kita masalo." agad itong yumakap ng mahigpit sa akin.
"Catch me when I fall." hindi ko alam pero iba ang pumasok sa isip ko.
What the f**k, Helliana? Ano bang iniisip ko. Iniisip ko bang naiinlove sa akin si Caliber. f**k. Assumera na ba talaga ako? Hindi ko alam pero meron akong ibang pakiramdam kay Caliber ngayon. May mali sa kanya, merong kakaiba. May gusto ba siya sa akin?
"Kung sakaling hindi kita bodyguard, ililigtas mo ba ako?" agad akong napabuntong hininga sa tanong niya.
"No. " hindi ito sumagot at tumahimik ulit.
That's true. Kung hindi ako napag utusan at kung sakaling makita ko siya sa posisyon niyang iyon noon. Lalagpasan ko lang siya. Nakabalot ang mundo ko sa mission ko lang. Kung hindi ito sakop, wala na akong pakielam.
"Hahayaan mo akong mamatay?"
"Yes." napapikit ako sa sarili kong sinagot.
I can't lie. I don't want to lie to him. Ayokong tumaas ang expectations niya. Hindi siya pwedeng lumampas sa linyang ginawa ko dahil alam kong once na lumampas siya sa linyang iyon, masasaktan siya. Hindi ko alam kung anong problema ko, alam ko namang balang araw ipapapatay sa akin ni Clark si Caliber pero ayoko pa rin siyang masaktan. Ewan ko ba, ang gulo.
"Hmm uwi na tayo." agad ko ng niliko ang motor ko at pumasok sa subdivision namin.
Kapag park ko ay mabilis itong pumasok sa may mansion nila. Hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Hinubad ko ang helmet ko at pumasok na. Nasa may lalagyanan na yung helmet na sinuot niya at nakita ko siya papaakyat sa may hagdan.
Napailing na lang ako at umakyat na rin. Alam kong sumama ang loob nito sa akin dahil sa sinabi ko pero anong magagawa ko? Ayoko rin namang magsinungaling. Mas masasaktan siya kapag nalaman niyang nagsinungaling ako. Once na hindi na niya ako bodyguard at makita ko siya sa posisyon niyang yon ay hindi ko siya tutulungan dahil hindi ko na trabaho yon.
Ayokong mag isip siya ng iba. Gusto kong isipin niya na nililigtas ko siya, hindi dahil gusto ko, kundi dahil iyon ang trabaho ko.
CALIBER'S POV
Agad kong sinuntok ang pader ng maisara ko ang pinto.
What's my problem? Kanina lang ang saya saya ko. Gusto kong libutin buong mundo para sa kanya. But she slapped me the reality, she's just protecting me, staying by my side because it's her duty as my bodyguard. Not because she care. Ano ba itong naiisip ko? Bakit ko naman iisipin na ililigtas niya ako kasi may pakielam siya sa'kin?
Fuck bakit ko pa tinanong yon? Kung hindi ko tinanong, hindi ako masasaktan. Hindi ko tuloy alam kung hihilingin kong sana nagsinungaling na lang siya sa akin. Gusto kong marinig na may pakielam siya sa akin, na nililigtas niya ako kasi ayaw niyang masaktan ako. f**k! What's wrong with me?
Bakit ako masasaktan? She's just my bodyguard. Right, just my bodyguard.
Agad kong tinawagan si James.
"[Hey brader what's up? Miss me?]"
"Secret room."
Agad ko na itong pinatay. Agad kong tinawagan si Kean. Nakailang tawag ako bago nito sinagot.
"Secret room."
Pinatay ko na agad at hindi na siya binigyan ng pagkakataon para mag salita. Agad akong lumabas at pumunta ng secret room. Sa amin lang itong maliit na bahay na 'to. Madalas dito kami tumatambay.
Ilang minuto lang ay nandito na agad sila. Akala ko hindi ako papansinin ni Kean dahil sa inasal niya kanina pero bumalik na siya sa dati.
Isa pa itong si Kean. Nagiging palaisipan sa akin ang naging asal niya kanina. Gusto kong tanungin pero ayoko ng ungkatin pa.
"Hoy tanga bakit mo kami tinawagan? Miss mo kami 'no?" agad ako nitong dinaganan. f**k. Tinawanan naman kami ni James.
"f**k you, Kean." agad ko itong tinulak pero tumawa lang ito.
"So?" agad kong binuksan ang wine na niready ko kanina pa nung wala pa sila.
Lumagok muna ako bago nagsalita. Wala akong tinatago sa kanila. Lahat sinasabi ko sa kanila. Because I treasure brotherhood the most.
"Kasi ano yung ano ko yung kaibigan ko. May bodyguard siya." agad tumawa sina James at Kean.
"Your friend? You mean you?" Napaiwas naman ako ng tingin sa kanila.
"Yeah, whatever" lalo silang humalakhak.
"Dami mong alam may paimbento kapa. So continue." sinamaan ko naman ng tingin si Kean.
"Yun nga kasi posible kayang may gusto ako sa kanya?"
It's my first time, actually. Wala akong pakielam mga babae kahit na masaktan ko pa sila gamit ang salita ko. Wala rin naman ako masyadong pinapansin na babae sa school at wala rin akong nagugustuhan kasi ang papanget nilang lahat sa paningin ko.
"Kay Helliana? Hmm pano mo naman nasabi na posibleng may gusto ka sa kanya?" at kinuwento ko iyong kanina sa kanila.
"Sumakit yung dibdib ko. Pakiramdam ko binabayo yung dibdib ko. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit hiniling ko na lang na sana nagsinungaling siya sa akin, hindi ko alam pero gusto kong marinig sa kanya mismo na nililigtas niya ako kasi concern siya, kasi ayaw niya akong masaktan."
"She's heartless. " napakunot ako sa sinabi ni James.
"So ang ibig niyang sabihin kung sakaling hindi mo siya bodyguard, hahayaan ka niyang mamatay? " Sumakit ulit ang dibdib ko sa sinabi niya. Double kill.
"Yeah."
"I think you like her. " Napalunok ako.
Maari ba yon? Kailan lang kami nagkakilala. Hindi ba pwedeng crush ko muna? f**k. Nagustuhan ko siya kasi nililigtas niya ako?
"Baka crush lang?"
"No, paghanga 'yon. Iba yung sayo." Napalunok ako. So malapit na ako sa love.
"Nagseselos ka ba kapag may lumalapit sa kanyang iba?" napaisip ako. Tama bang pagselosan ko yung kapatid niya at si Kean.
Agad akong tumango.
"It's obvious naman."
"But don't trust her."
Napatingin ako kay James ng tumayo na ito at sinuot ang coat niya.
"Really, I don't want to judge her but..." binuksan nito ang pinto at nilingon kami ni Kean.
"She's dangerous. She's a murderer."
HELLIANA'S POV
It's saturday as usual maaga akong nagising kahit na walang pasok. Nakasanayan ko na. Kahit late ako matulog, maaga pa rin ang gising ko.
Agad kumunot ang noo ko ng pababa si Caliber at take note naka school uniform siya. Kumunot din ang noo nito ng makita ako.
"Bakit hindi ka pa nag bibihis? Hindi ka ba papasok?" agad akong napatawa. What the f**k? Akala niya ba may pasok?
"Hindi ako papasok." nakangisi kong sabi dito.
Agad akong lumapit dito at inayos ko pa ang neck tie niya. Tinignan ko siya sa mata pero agad itong umiwas.
"Mag iingat ka sa pag pasok, okay?" agad ako nitong hinawi. Pigil ang tawa ko.
"Tsk." nagmadali itong lumabas at nakita ko na lang na umandar na ang kotse niya.
"What an idiot." Nanood muna ako ng TV nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hello Clark, miss me?"
Hindi ko alam kung bakit good mood ako. Napatawa kaagad ako ni Midnight. Seriously? Halos itong araw na ito ang lagi kong inaalala kasi itong araw ang walang pasok pero ito pa talaga ang kinalimutan niya. Ganon ba talaga siya kasipag mag aral at nakalimutan niya walang pasok ng sabado.
"[Yes baby, I missed you. Are you free? Someone wants to hire you to just threaten someone.]"
Marami pa naman akong pera pero dahil boring naman dito kaya tatanggapin ko na lang.
"Sure. Text me the details." Agad ko ng pinatay ng marinig ko ang pagdadabog ng pinto.
"Bakit di mo sinabi saking sabado pala ngayon?" agad akong tumawa. I'm sure napahiya siya.
CALIBER'S POV
Flashback
Agad na akong umalis dahil sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Natatakot akong baka makahalata siya na gusto ko siya. Agad ko itong pinaandar at tinigil ko din ng medyo malayo na sa mansion.
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bango niya. Gusto ko siyang amuyin. f**k. Ano bang iniisip ko? Bakit ang ganda niya? Mahal ko na ba siya? f**k.
“Caliber, umayos ka.” kausap ko sa sarili ko.
Simula ng malaman kong gusto ko si Helliana, ewan ko ba. Parang gusto ko siyang makita araw araw. Wag na lang din kaya ako pumasok? Hindi rin naman pumasok si Helliana, parang nakakatamad pumasok. Pero kailangan ko mag aral para sa future namin. Aish.
Pinaandar ko na ulit yung sasakyan. Napakunot ang noo ko ng ako lang ang mag isa. Well, siguro napaaga ako.
Napakunot ang noo ko ng pinigilan ako nung guard. What the f**k? Gusto niya bang mawalan ng trabaho? Ganitong hindi ko kasama si Helliana at hindi ko siya masisilayan, gaganyanin pa ako. Kabadtrip.
"What are you doing? " iritang tanong ko dito.
"Sir ano pong kailangan niyo at papasok kayo?" kumunot ang noo ko.
Bobo ba 'to? Ano daw kailangan ko at papasok ako.
"Malamang mag aaral ako. Alis nga!" Tinabig ko ito pero humarang na naman ito. What the f**k?
"Sir hindi po pwede."
"Anong hindi pwede? I will call Dad and fire you right now. You dumbass how dare you!" Napalunok naman ito at napaatras. Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa kaya napakunot ako ng noo.
"Sir sabado po ngayon. Bakit po kayo naka school uniform?"
Agad akong napatigil at tinignan ang cellphone ko. f**k it's f*****g saturday. Kaya pala hindi papasok si Helliana dahil wala talagang pasok. The f**k bakit di niya sinabi sa akin? Paniguradong pinagtatawanan ako nung babaeng iyon. f**k, bakit sa lahat lahat ng pwede kong kalimutan iyon pa? Masyadong sinakop ni helliana ang isip ko kagabi kaya nawala sa isip ko na wala nga palang pasok.
"Akala niyo po ba sir may pasok?"
"Shut up! I-i'm just testing you. Hmp." agad ko itong tinalikuran.
"Sige sir."
Agad na akong umalis doon at umuwi. Padabog kong binuksan ang pinto sa inis.
End of Flashback.
"Bakit hindi mo sinabing sabado pala ngayon?" Tumingin ito sa akin at tumawa. f**k. Nawawala ang galit ko.
H'wag kang tumawa! Mawawala ang galit ko. Hindi kaya, ginayuma ako ni Helliana? Feeling ko kahit anong gawin niya basta ngitian lang niya ako, mawawala na agad galit ko sa kanya. Ganito ba talaga kapag may gusto? Ang corny, puta.
"It's your fault." gusto ko siyang barahin pero dahil ang ganda ng ngiti niya napatulala na lang ako sa kanya. f**k, I hate this feeling but I like her.
"Yeah by the way aalis ako." Hawak hawak na nito ang susi ng motor niya.
"San ka pupunta?" Nginitian naman niya ako at tumalikod.
"Secret." agad na nitong sinarado ang pinto.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at napahiga. Napahawak ako sa dibdib ko. Isang ngiti lang niya, napapatulala na agad ako. Isang tawa lang niya, wala na agad ang inis ko. What the f**k is happening to me?
And I missed her already.
HELLIANA'S POV
Tahimik kong sinusundan si Julio ang secretary ng Mayor. Gusto ng Mayor na pakantahin ko ito, dahil malakas ang pakiramdam nito na siya ang traydor.
When he is already in the parking lot. Tahimik lang akong naglakad palapit sa kanya at tinakpan ang bibig at ilong niya gamit ang panyo na may halong pampatulog.
Agad hinawakan ng dalawang tauhan ko si Julio at sinakay sa Van. Tinignan ko ang cctv at tinanguhan ito. Si J2 ang nasa cctv at binubura ang lahat na pwedeng ebidensya.
Dinala namin siya sa secret base. Kinadena sa upuan. Naupo ako sa harap nito. I'm sitting like a queen 'cause why not.
"Wake him up. " agad itong binuhusan ng napakalamig na tubig. Tinanggal ng isang tauhan ko ang naka piring sa kanya.
"S-sino ka?" agad akong napangisi.
"You don't need to know, you will die later anyway." bulong ko dito. Ramdam ko ang kaba nito sa akin.
Hindi nila nakikita ang mukha ko dahil may suot akong maskara. Kailangan ko iyon para makagala ako ng payapa at magawa ko ang misyon ko.
"Ano bang kailangan mo sa akin?" Ngumisi ako.
"Ano ba sa tingin mo? Kung magsasalita ka ngayon baka buhayin pa kita, malay mo." Bumalik ako sa pagkaka upo at tinignan siya.
"Hindi ako magsasalita. Kapag nagsalita ako, buhay ng pamilya ko ang nakasalalay." pasimple kong tinignan si Mayor na nagtatago sa likod nito. Sinenyasan niya akong magpatuloy.
"Isang tanong isang sagot magsasalita ka o hindi?" Mabilis itong umiling at may pumatak na luha dito. He's doing this for his family. I'm sorry but trabaho lang, walang personalan.
"Then fine. Pakakantahin kita." Agad akong pumitik at nilabas nila ang anak nito na kasing edad ko lang din.
"Janee!!" pilit nagsalita si Jane pero may nakatapal sa bibig nito. Iyak ng iyak ang anak nito.
Agad kong tinutukan ng kutsilyo ang anak nito sa leeg.
"Speak." natahimik ito at napalunok.
"You're wasting my time." nataranta ito ng bahagyang dumugo ang leeg ng anak niya dahil medyo nilaslas ko ang leeg nito.
"Oo! Inutusan ako ng Empri Corp para gawin iyon. Pasimple kong kinukuhanan ng letrato ang mga gawa ni Mayor at pinapasa sa kanya. Tinakot niya ako, papatayin niya ang pamilya ko kapag hindi ko iyon ginawa. Ikaw, may magulang ka rin kung ikaw ang nasa pwesto ko gagawin mo rin 'to. Hindi matutuwa ang magulang mo sa ginagawa mo." agad nanlisik ang mata ko. Ang pinakaayoko sa lahat ay pinag uusapan ang magulang ko.
Agad kong hiniwaan sa leeg yung babae at binaril ito sa ulo.
"Janeeeee! Wala kang puso! Demonyo ka! Demonyo!" Nagkukumawag ito. Nilapitan ko ito at hinawakan ang panga nito.
"Yes, I'm a demon or maybe worst than a demon. They made me do this, I don't have a choice. This is the only way to survive." agad kong sinaksak ito sa puso.
Agad kong tinignan si Mayor. Kita ko sa mata nito ang takot. Yes, even politics, we can control them dahil samin nila lahat pinapagawa ang mga maduduming trabaho kaya alam na alam na namin ang mga baho nila.
"Double paid." Sunod sunod ang pagtango nito sa akin.
Lumabas na ako doon at nakita ko si Clark na prenteng nakaupo.
"Done?" Tumango naman ako at nag hugas ng kamay.
“He said I'm a demon. He said Mon and Dad won't like what I'm doing.” Tinigil ko ang paghuhugas sa kanya ko at nilingon si Clark.
"I don't want this, too." Natahimik naman si Clark pero kalaunan ay nginitian ako.
"Let's cuddle." niyakap ako nito patalikod. Pinagpatuloy ko naman ang paghuhugas ng kamay.
I know my hands are full of blood but I still want to clean it.
"Kailangan ko pang bumalik kay Midnight." agad itong natahimik. Bumuntong hininga ako at tinuyo ang kamay ko.
"Ikaw, kailan mo balak bumalik sa akin?" Kunot noo akong humarap sa kanya.
"What?" parehas ng madilim ang aura namin.
"Nothing." Nginitian ako nito pero alam kong nagpipigil lang ito ng inis.
Agad akong lumapit at hinigit ang batok niya at siniil siya ng halik. Tinugon naman nito ang halik ko at binuhat ako at inupo sa may lababo nang hindi pinuputol ang halik namin. Hinimas nito ang bewang ko kaya bahagyang napaawang ang labi ko. Ginamit niya iyong oportunidad para ipasok ang dila sa akin.
Naramdaman ko ang kamay niya sa dibdib ko at dahil don ay tinulak ko na siya papalayo. Namumungay na ang mata nito at hinabol ang labi ko pero iniwas ko na ito.
“Baby,” namamaos nitong sabi at muli akong hinalikan pero pinutol ko rin agad iyon.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at hinalikan siya sa noo bago dinampian ng saglit na halik ang labi niya.
"I love you always remember that." at umalis na ako sa pagkakaupo sa lababo at lumabas na.