CHAPTER 10

3031 Words
THIRD PERSON'S POV Nang may marinig na motor si Caliber ay agad itong tumayo at sumilip sa bintana. Lumapad ang ngiti nito ng makita si Helliana. Kanina ay inip na inip na ito kakahintay kay Helliana. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanya at bakit pag alis pa lang ni Helliana ay miss na niya agad ito. Prente itong umupo at kunyareng kumunot ang noo nito ng pumasok na si Helliana. "San ka galing?" kunot noo nitong kunyareng tanong. "Secret." Humalukipkip ito. "Aalis ulit ako, saglit lang ako." agad itong napatayo. Nag tataka si Caliber kung saan na naman ito pupunta. "Sama ako!!" Hinabol ni Caliber si Helliana. Tumawa lang naman si Helliana at hindi pinansin si Caliber. Mabilis na nag bihis si Caliber at bumaba na. Nakangiti nitong sinuot yung helmet habang hinihintay si Helliana. Nang nakapag bihis na si Helliana ay kumunot ang noo nito ng naka helmet si Caliber. "Bakit ka naka helmet?" lumapad ang ngiti ni Caliber. "Sasakay tayo sa motor mo." Inirapan na lang siya ni Helliana. Well, ano pa bang magagawa niya at nakasuot na kay Caliber yung helmet. Kinuha na nito ang susi at lumabas na ng bahay. Malapad ang ngiti ni Caliber na sinundan si Helliana. Sumakay na sila sa motor at sumandig si Caliber kay Helliana at sobrang lapad ng ngiti nito. Napailing na lang si Helliana at hindi binigyang pansin ang pag kailang na nararamdaman nito sa ginagawa ni Caliber. Tumigil sila sa Mall. Nakangiting bumaba naman si Caliber. Kumunot na ang noo ni Helliana dahil kanina pa nito napapansin ang pag ngiti nito. "Bakit ba ngiti ka ngiti diyan? Ano bang nakain mo?" Ang kilala kasi nitong Caliber ay laging nakakunot ang noo, pikon at puro bibig lang ang pinapagana. Konting gawin ni Helliana, galit na galit agad. "Ha? Nakangiti ba ako?" nakangiting tanong nito. Inirapan na lang siya ni Helliana at nag simula ng maglakad. Agad sinundan ito ni Caliber at hinawakan sa kamay si Helliana. Agad kinalas ni Helliana ang kamay ni Caliber dahil sa gulat. "Baka mawala ako." parang bata na nakangusong sabi ni Caliber. Napangiwi naman si Helliana. Seriously what's wrong with him? "Ang laki laki mo na." inis na sabi ni Helliana. Hindi ito sanay sa ikinikilos ni Caliber. Nginitian lang siya ni Caliber at hinawakan ulit ang kamay nito. Kahit naiilang siya sa mga ikinikilos ni Caliber ay hinayaan na lang niya ito. HELLIANA'S POV Agad akong pumunta sa may ATM at nag withdraw ako ng pera. Pilit kong kinalas yung isa kong kamay pero hindi nito pinakawalan. "Caliber kanan ako, di ako sanay kung gagamitin ko yung kabila." Ngumiti naman ito at kinalabas ang pagkakahawak sakin. Sa wakas. Pero agad akong nanlumo ng yung kabila naman ang hawakan niya. What the f**k? It's f*****g uncomfortable. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Napatingin din ito sa akin. “Why?” taka nitong tanong. Inirapan ko na lang siya at hindi na nakipag away pa. Nag simula na akong magpindot at tulad ng napag usapan ay 100 million pesos. 50 million pesos lang talaga dahil papakantahin ko lang naman talaga dapat e kaso napatay atsaka wala na rin naman siyang pakinabang kaya mas mabuting mamatay na rin siya. "Bakit ka pa nagtatrabaho? Ang dami mo ng pera." gulat na tanong ni Caliber. "Aminin mo nga sakin, mayaman ka talaga no?" nginisian ko lang naman siya. Yes, may pera kami dahil mayaman naman si Clark. Nung nag simula akong kumuha ng mission kay Clark ay hindi na ako umasa sa kanya ng pera at meron na akong sariling pera ko. Noong una kong mission ay nahihirapan pa ako dahil hindi ko makontrol ang sarili ko. Sa tuwing nakakakita ako ng dugo ay nagrereplay sa utak ko ang nangyari noon, kaya hindi ako binibigyan noon ni Clark ng mabibigat na mission. "Secret." "Alam ko 'yan, e! Nagpapanggap kang mahirap ganon. Kasi nasa billions na 'yan e tapos ang dami mo pang credit card. Nako, don't me alam ko na 'yan. Nagpapanggap kang mahirap." agad ko itong binatukan. Ang daming alam. Kapapanood ata ng mga movies. Baklang bakla talaga. "Tanga naipon ko yan sa trabaho ko, dami mong alam." agad kumunot ang noo. "Trabaho? Ilang years ka na bang nagtatrabaho at ganyan karami ang pera mo, ha?" natigilan naman ako sa tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nananakot ako ng tao at pumapatay kaya ganyang karami ang pera ko. Bahagya akong lumapit kay Caliber para bumulong. Nagulat pa ito pero hinayaan lang naman ako nito. “Ang totoo kasi niyan,” bahagya akong napatawa ng lumunok pa ito at parang kabado sa sasabihin ko. “A-ano?” nauutal nitong tanong. “Pera ni Clark yung iba diyan.” pagsisinungaling ko. Lumayo ako at nginitian siya. Agad ko na itong hinila paalis nung nakuha ko na ang pera ko. Napakunot ulit ang noo ko ng tumigil ito. "Uhm uuwi na ba tayo?" Tumango ako. Ano pa bang gagawin namin dito? Pumunta lang naman ako dito para kumuha ng pera. "Ayoko umuwi." bahagyang kumunot ang noo ko. Nag iwas ito ng tingin. Binitawan ko naman siya. Well, wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya. Ang malas na lang niya siguro kapag ganon. Talagang lapitin siya ng gulo kung hanggang dito may mangyaring masama sa kanya. "Okay. Wag ka muna umuwi." Tumalikod na ako pero agad nitong hinila ang kamay ko. Kumunot ang noo ko sa inis. Seriously, hindi na ako natutuwa. "Hoy babae samahan mo ko sa lahat ng gusto kung gawin. Diba bodyguard kita kaya dapat babantayan mo ako, okay? Kapag hindi mo yon ginawa," nag isip naman ito ng idadahilan niya kaya agad napataas ang kilay ko. As if matatakot ako. "Ano mangyayari?" taas kilay kong tanong dito. "Susumbong kita kay Dad." lihim akong napangiti. Ang laki laki na niya pero sumbungero pa rin siya sa magulang niya. Seriously? "Whatever." Lumapad naman ang ngiti nito at hinila ako sa palaruan. Napaka isip bata talaga. Ang dami niyang binili na token. Pinanood ko lang siyang maglakad lakad. Sinusundan ko siya kung saan man siya pumunta. Hanggang sa tumigil siya sa Tekken na laro. Sumandal na lang ako at pinanood siyang umupo doon. "Hoy ano ginagawa mo diyan? Umupo  ka dito at maglalaro tayo." Pinat niya pa ang katabing upuan. "Hindi ako marunong." umiling pa ako sa kanya. Hindi naman kasi ako nag lalaro ng mga video games. Buong buhay ko nag training lang ako kaya wala akong alam sa mga ganyan at hindi rin naman ako ganon ka interisado sa mga ganyan. Wala na akong nagawa ng pilit ako nitong inupo. Naghulog ito ng dalawang token. Pindot lang ako ng pindot. Hindi ko alam kung para saan ba yung pinipindot ko. Napakuyom naman ako ng kamao ko ng matalo ako. I really hate losing. CALIBER'S POV Nakangiti akong tumingin sa kanya ng matalo ko ulit siya sa pang limang beses. Nakakunot na ang noo nito. Halata ko ang pagkapikon nito sa akin. Ayaw niya bang natatalo? Well, lahat naman tayo ayaw matalo. "Sa iba naman tayo." yaya ko sa kanya. Tumayo na ako at hihilahin sana siya ng tinabig niya ako. "No. Maglalaro pa tayo." Wala akong nagawa kung hindi ang umupo. Naglaro ulit kami at natalo ko ulit siya. Naririnig kong nagmumura ito ng pabulong. Naglaro ulit kami pero nagpatalo ako. Agad nagliwanag ang mata nito. Nawala ang pagkakunot ng noo at napangiti. "Nanalo ako." proud nitong sabi. Ngumiti naman ako at pinanood siya pero nung lumingon sya ay agad akong ngumisi. "Chamba 'yon." inirapan ako nito. Naglaro ulit kami at nagpatalo na lang ako ng nagpatalo sa kanya. I hate losing, but if losing means to make her happy, I'm willing to lose. Nakangiti itong tumayo ng mapagod na. Ang dami pang natitirang token. "Uwi na tayo." yaya nito sa akin. Umiling ako at pumunta kami sa photo booth. Kumunot ulit ang noo nito. Gusto kong maalala ang araw na ito. First date namin, gusto kong may makikita akong magpapaalala sa first date namin. "No way." Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sumunod at pumasok kami don. Sinet ko ng 10 seconds yung timer. Meron siyang 6 shots. Nung unang shot nakasimangot si Helliana. Pangalawang shot pinilit ko itong pinangiti gamit ang kamay ko. Pangatlong shot nakangisi na ito habang ako naka akbay sa kanya. Pang apat na shot nakangiti na siya at nakangiti rin ako, sobrang lawak. Pang limang shot nag wacky na kami parehas at ang pang anim na shot agad kaming nagharap dahil wala akong maisip na pose pero pag harap nito sobrang lapit namin sa isat isa. Nanlaki ang mata ko pero kumunot ang noo niya at aatras na sana pero hinalikan ko siya. Hinigit ko siya at hinawakan sa batok. Naputol ang halikan namin ng kinagat niya ang labi ko. f**k. Nalasahan ko ang dugo ko. "f**k. Ang sakit." Lumayo ako sa kaniya. Lalong kumunot ang noo nito. Agad akong napatigil ng maalala ko ang ginawa ko. Namula ako at hindi makalingon sa kanya. "Bakit mo ako hinalikan?" f**k f**k anong sinasabi ko? Ako yung humalik. Bakit ko siya tinatanong? "YOU kissed me." Napalunok ako. Nakakatakot ang paraan ng pagsasalita nito. f**k. "A-akala mo gusto ko yon? Hah! Hindi ko iyon sadya bigla ka kasing lumingon kaya kasalanan mo 'yon." Inirapan na lang ako nito at lumabas na. Kapag labas nito napatingin ako sa camera. Hinawakan ko ang labi ko. Lumapad ang ngiti sa labi ko. Ang lambot ng labi niya, ang sarap halikan. Lumabas ako at kinuha ang aming picture. Nilagyan ko iyon ng date at nilagyan ko rin ng puso. Napangiti ako at tinakbo ang nagdadabog na si Helliana. Our first date and first kiss. HELLIANA'S POV Kapag pasok namin ni Caliber hindi ko alam pero hindi ako makatingin kay Clark. Pakiramdam ko trinaydor ko siya kahit wala naman akong ginagawa. "Good morning." bati samin ni Clark. "Good morninggggg." masiglang bati naman ni Midnight. Kapag katapos nung nangyaring kissing scene namin. Napansin kong kakaiba siya. Nakangiti siya na parang tanga. Konti na lang na iisipin kong may gusto na talaga siya sa akin. "Good morning." sabay na bati naman ni Kean at James. Binati rin ni Midnight sina Kean at James. Hindi ko naman sila pinansin kasi hindi ko rin alam. Magulo ang utak ko ngayon. Lutang ako simula ng mag lunch at hanggang matapos ang buong klase. Kinakausap nila ako pero hindi ko sila pinapansin. No, mali ito e. Wala akong ginawa. Nagulat ako nung hinalikan ako ni Midnight. Nagulat ako kaya di ako naka react agad. Pinutol ko rin naman iyon ng magising ako sa reyalidad. "Uuwi ba tayo agad? Hindi ba muna tayo gagala?" tanong ni Midnight samin habang naglalakad kami palabas. "Uwi na agad. Bakit gusto mo bang gumala?" tumigil ito kaya napatigil din ako at napalingon sa kanya. Tumingin ako sa kanya. Simula nung hinalikan niya ako nag iba pakikitungo nito sa akin. Ayokong mag assume pero iba yung pinapakita nito sa akin and I hate it. Ayokong magka-gusto siya sa akin dahil hindi pwede. Mas masasaktan lang siya sa gagawin ko kung sakali. "Tara na, uwi na tayo." nagsimula na ulit kaming maglakad. Nang nasa parking lot na kami ay tumigil na naman ito. The f**k is wrong with him? Kanina pa siya patigil tigil. Inis ng kumunot ang noo ko. "Helliana," Taka akong napalingon dito. Napapakamot ito ng ulo. Kunot noo ko naman itong tinignan. "Flat yung gulong ko, pwede bang makisabay ako sayo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Is he making fun of me? Hindi pa nga siya nakakarating sa sasakyan niya at alam na agad niyang flat ang gulong niya. "Pinagloloko mo ba ako?" Mabilis itong umiling. "Hindi mo pa nga nakikita ang sasakyan mo, alam mo na agad na naflat." Napakamot naman ito sa ulo. Pinagloloko ba niya ako? "Nararamdaman ko!" lalong sumama ang tingin ko sa kanya. "Tara na gusto ko na umuwi." Kinuha nito ang helmet ko at sinuot sakin. Agad akong napailing ng nauna na itong sumakay sa motor ko at ang loko ngiting ngiti pa. THIRD PERSON'S POV Tahimik na naghihintay si Zhavia sa isang abandunadong building. Agad nitong kinuha ang cp niya at nag text. "Andito na ako. Asan ka na?" Agad itong napatayo ng makita si Clark. Napangiti naman ito. Lumapit si Clark at naupo sa tabi niya. Magdidilim na dahil uwian na at wala na halos tao sa paaralan. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Zhavia sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo ni Clark pero hindi pa rin nito nilingon ang dalagang nakatitig sa kanya. "Hinintay ko pang makaalis sina Helliana." Lumukot ang mukha ni Zhavia ng marinig ang pangalan  ni Helliana. "Helliana na naman." mahinang bulong nito. "So anong kailangan mo sakin?" Dun na siya tinignan ni Clark at matamis na nginitian. Mabilis tumibok ang puso nito. Kahit matagal na silang hiwalay, iba pa rin ang epekto ng lalaki sa kanya. Akala niya okay na siya, akala niya naka move on na siya pero nung nakita niya ulit si Clark. Wala na, sa kanya na ulit umiikot ang mundo nito kahit na ipinahamak siya ni Clark mahal na mahal niya pa rin ito. "Bumaba ka sa pwesto mo bilang President." agad kumunot ang noo ni Zhavia at napatayo sa gulat. "What?!" malakas nitong sigaw. Tumayo na rin si Clark at sumandal sa dingding. "I need power to control the school. Mag iinvest din ako." "But why?" "None of your business." Napahawak si Zhavia sa puso niya. Masakit. Mahal na mahal niya si Clark hanggang ngayon. Alam niyang gagamitin siya ulit nito pero anong magagawa niya? Hindi niya kayang tanggihan ang pinakamamahal niya. "Okay." nginitian naman siya ni Clark at tumalikod na. Agad siyang niyakap patalikod ni Zhavia. Kumunot ang noo ni Clark pero hinayaan niya ang dalaga sa pagyakap sa kanya. "Helliana, siya ba?" agad tumulo ang luha nito. Nung nakita niya pa lang si Helliana iba na agad ang pakiramdam niya. Iba yung tingin ni Clark kay Helliana. Iba kung mag alala. Ibang iba. Kumpara sa paraan ng pagtingin niya kay Zhavia. "Yes." Napaluhod ito. Nakatalikod pa rin si Clark at hindi tinitignan si Zhavia. "Why? Can't you see?! She likes Caliber!" agad humarap si Clark sa kanya at hinaklit ang damit nito at malakas na sinampal. "Shut up." matalim tinignan ni Clark si Zhavia. "Layuan mo siya, bumalik ka sa'kin kung gusto mo yung posisyon na 'yon." Hinagis siya ni Clark. Napadaing ito sa sakin pero mas masakit ang puso nito ngayon. "Pano kung hindi ko ginawa? Hindi mo ibibigay yung posisyon na iyon sa'kin?" malakas tumawa si Clark at lumapit kay Zhavia. "You know me, kapag gusto ko nakukuha ko. Dinadaan kita sa magandang pakiusap pero kung gusto mo akong kalabanin at magmatigas ka. Alam mo na ang mangyayari sayo." pilit na tumayo si Zhavia kahit masakit ang buo nitong katawan. "You really love her, huh. You're willing to do everything for her while she's protecting someone." nginitian siya ni Clark. "You know nothing." Tumalikod na si Clark pero agad siyang hinila ni Zhavia at siniil ng halik. "I love you." Tinulak na lang siya ni Clark at tumalikod na. "I still love you even though I know you're a demon. How about Helliana? You think she'll love you when she know who you really are. " nakangisi si Clark na humarap kay Zhavia. "Mas demonyo pa siya sa'kin. You don't know her and I swear you don't want to see the real her." Napaatras naman si Zhavia. Pasimpleng tumingin si Clark sa madilim na parte at nginisian ito. Alam niyang may kanina pang nakikinig sa usapan nilang dalawa ni Zhavia pero alam din niyang kahit marinig niyo ay hindi niya ilalabas kung ano ang narinig niya. Tumalikod na ito at iniwan si Zhavia. Dahan dahan nitong sinundan ang lalaking kanina pa nakikinig sa kanila. "Curiosity kills the cat." gulat na napaharap si James sa kanya. "Don't you dare hurt Caliber." agad ngumiti si Clark. "Anong gagawin mo kapag sinaktan ko si Caliber? Anong magagawa mo?" agad kinuyom ni James ang kamao nito. Akmang susuntukin nito si Clark pero hinawakan ni Clark ang kamay nito at binaligtad. Napasigaw sa sakit si James. "f**k, I will kill you!" Hawak hawak nito ang braso niya sa sobrang sakit. "Kill me? Try me, if you can." Tumawa si Clark habang pinapanood si James na namimilipit sa sakit. "Demonyo ka!" lalong lumakas ang tawa ni Clark. "Demonyo ako? Ano pa ang kaibigan mo? " agad kumunot ang noo ni James. Hinawakan ni Clark ang panga ni James. Pinilig ni James ang ulo nito pero hindi natinag si Clark at mas hinigpitan ang hawak sa panga nito. "What do you mean?" Binitawan na ni Clark ang panga nito at mabilis tumalikod. "Do monster make war or does war make monster?" Humarap si Clark sa kanya. Kumunot ang noo ni James, hindi nito maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. " There's a story behind every person. There's a reason why they're the way they are." At iniwan ni Clark si James na puno ng pagtataka. Nang makabawi si James ay agad itong pumunta ng parking lot at pumasok sa kotse. Sumasakit ang braso nito sa pagpilipit ni Clark kanina pero hindi na niyo ininda at mas inisip ang sinabi ni Clark. Alam niyang hindi iyon sasabihin ni Clark ng walang dahilan. “Ano bang ibig sabihin niya?” Napahawak ito sa ulo niya at nirecall sa utak niya ang sinabi ni Clark. “Demonyo ako? Ano pa ang kaibigan mo?” pag uulit nito sa sinabi ni Clark. “Sinasabi niya bang ganoon din si Caliber? Ha, nagpapatawa ba siya?” kausap nito sa sarili niya. Alam niyang masama ang ugali ni Clark pero hindi ito dadating sa punto na papatay ito ng tao. Nanakit lang ito gamit ang salita, kahit na ganoon si Caliber, alam niyang hindi ito mananakit ng basta basta. Nagtataka rin ito kung paano nagkakilala sina Zhavia at Clark. Napapasunod din niya si Zhavia nang walang kahirap hirap. Kilala si Zhavia na walang kinikilala, kahit kaibigan niya or kahit si Caliber kapag may nilabag na rules talagang pinaparusahan niya. Kaya sa nagdaang taon ay hindi mapalitan sa pamumuno si Zhavia dahil maganda ang pamamalakad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD