THIRD PERSON'S POV
Naglalakad na papasok sila Helliana at Caliber. Napatigil sila parehas ng marinig ang usapan ng mga students.
"Alam niyo bang bababa sa pwesto si Zhavia?" sabi nung babae.
Agad kumunot ang noo ni Helliana. Pamilyar sa kanya ang pangalan na iyon. Parang narinig na niya kung saan pero hindi niya matandaan.
"What?" bulong ni Caliber. Agad siyang tinignan ni Helliana.
"Sino yon?" tanong ni Helliana kay Caliber. Tinignan naman siya ni Caliber.
"President nitong School." simpleng sagot ni Caliber.
Nagsimula na ulit silang maglakad at andon pa rin ang usap usapan tungkol sa pagbaba sa pwesto ni Zhavia.
Si Caliber ay nagtataka pa rin. Bakit bababa sa pwesto si Zhavia? Bago niya nakuha yung posisyon na iyon ang dami niyang pinaghirapan tapos bababa siya ng ganon ganon lang?
Kapag pasok nila parehas sa room nila ay ganon pa rin ang usap usapan. Napakunot ang noo ni Helliana ng makitang wala si Clark ngayon. Agad silang naupo sa kanilang sariling upuan.
Agad hinili ni Kean at upuan niya malapit sa amin at humarap. Si James naman ay sumunod lang sa kanya.
"Alam niyo ba bababa sa pwesto si Zhavia?" tumango silang dalawa.
"Pero bakit diba ang tagal bago nakuha ni Zhav yun. Pinaghirapan niya yon tapos ibibigay lang niya ng ganon ganon lang." takang sabi ni Caliber.
Hanggang ngayon puno ng tanong ang utak niya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon. Sa sobrang tagal din ni Zhavia na namuno ay masasabi naman nitong tama ito kung mamuno. Pantay ito. Higit sa lahat ay maayos ito kung mamuno.
"Yun nga ang nakakapagtaka."
Bahagyang tinignan ni Helliana si James ng mapansing nakatitig si James sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo nito sa inaasal ni James.
"Alam niyo rin bang nawalang parang bula yung dalawa." sabi ni James. Napakunot naman silang lahat. Nagtataka kung sino ang tinutukoy ni James.
"Sinong dalawa?" Tanong ni Caliber.
"Si Damulag at yung babaeng sobrang kapal nung make-up."
"Yung nakaaway nila Hell at Clark ba?" tanong naman ni Kean. Agad tumango si James.
"What do you mean naglaho?" takang tanong ni Caliber.
Hindi nakaligtas sa mata ni Helliana ang pasimpleng pagtingin ni James sa kanya. Sa pagtingin ni James ay isang nakakalokong ngisi ang binigay niya dito.
Alam na ni Helliana na may alam ang lalaki. Hindi niya pa alam kung paano niya nalaman pero sigurado siyang malalaman din niya ito not now but soon. She's confident na hindi naman magsasalita ito. He's afraid, alam ni Helliana. Nakikitaan niya ang takot sa mata ni James.
"Hindi na sila muling nakita." gulat naman ang dalawa, sina Kean at Caliber.
"HI EVERYONE. IT'S ME ZHAVIA, THE PRESIDENT. I WILL GATHER ALL OF YOU IN THE GYMNASIUM. THANK YOU."
Muling umugong ang ingay. Nagsitayuan na silang lahat para pumunta sa Gymnasium. Nagpahuli ulit sila at nang wala ng tao ay agad silang tumayo at dumiretso sa Gymnasium.
Nakatayo si Zhavia sa stage at andon din ang Dean pati ang ibang investor. Andon din ang Vice President at iba pa.
Nang mapuno na ang Gym ay agad kinuha ni Zhavia ang mic at pumunta sa gitna. Umiigting pa rin ang bulong bulungan. Maraming nagtataka. Tahimik naman sina Caliber. Nakaupo lang sila habang nanonood pero tulad ng iba ay puno ng pagtataka ang utak nila.
"Hi everyone sa tingin ko lahat kayo nagtataka kung bakit ako bababa sa pwesto na 'to. Maraming nakasaksi kung paano ko pinaghirapan ang posisyon na 'to. Ang tagal ko ring pinamunuan ang University na ito. " ngumiti si Zhavia sa lahat. Lalong lumakas ang bulungan.
"Ngayon, I Zhavia Figuerroa ay baba sa pwesto bilang Vice President. "
Iba't iba ang kumento ng mga tao. May negative at may positive rin naman. Tinignan ni Zhavia si Helliana. Matalas ang mata ni Helliana kaya alam nito na siya ang tinitignan nito.
Hindi alam ni Helliana kung sino ba si Zhavia sa buhay nila ni Clark pero alam niyang may kakaiba kay Zhavia. Nginisian lang siya ng nakakaloko si Helliana. Matalim naman siyang tinignan ni Zhavia.
Galit. Selos. Insecurity. Yan ang nararamdaman ni Zhavia kay Helliana. Galit siya kasi bakit siya pa ang mahal ni Clark? Bakit siya pa kung andito naman siya? Handang ibigay ang lahat para kay Clark. Selos kasi nasa kanya ang lahat ng gusto niya.
"Clark Denver." lalong lumakas ang bulungan ng mga tao. Agad lumabas si Clark mula sa likod at pumunta sa pwesto ni Zhavia.
"Binigay ko na ang gusto mo, Clark. You owe me one favor." bulong ni Zhavia bago binigay kay Clark ang mic. Nginisian lang naman siya ni Clark.
Agad hinanap ng mata ni Clark si Helliana at ng makita niya ito ay tinitigan niya ito. Matiim lang naman itong tinignan ni Helliana.
Yung buong lugar ay puno pa rin ng bulungan. Isang new tranfer student ay biglang naging President. Samantalang si Zhavia ay bago makuha ang posisyon ay grabeng paghihirap ang ginawa.
May ibang humanga kay Clark at may ibang nainis.
"Hi everyone I'm Clark Denver. Ako na ngayon ang bagong President nitong University because I'm the President right now be prepared to my new rules. "
Ang mga babae na humanga agad kay Clark at nagtiliin. Ang iba ay umangal naman dahil magkakaroon na naman ng bagong rules.
"I'm new here so I don't want to be unfair. So raise your hand if you're against of my rules." seryosong sabi nito. Marami ang natakot dahil kakaiba ang aura nito.
"Number one it's very common you need to wear your proper uniform. Very easy, right?" Wala naman umapila sa unang rules nito.
"Number two if you're late and caught cutting classes you need to deal with me." May mga nagtaasan ng kamay. Ngumisi naman ito.
"Pano kung natanghali kami ng gising, ha?!" malakas nitong tanong.
"That's not my problem anymore." matalim na tinignan ni Clark ang lalaki na nagtanong. Sa takot ay wala naman itong nagawa. Ang ibang nagtaaas ng kamay ay agad na ibinaba.
"Number three always study you're in school. So you must study." Walang umangal.
"Number four no fighting. Anong mangyayari kapag nakipag away kayo? Oh, I guess you don't want to know because I'll swear to God when I caught you fighting you'll die." seryoso nitong sabi pero kalaunan ay agad itong ngumiti.
"Number five always respect me. "
"Number six always follow the rules."
"Pano kapag hindi niyo sinunod ang rules ko? Well, makakaalis na kayo sa University na 'to. And you think may tatanggap pa sayong University."
Tahimik ang buong Gymnasium. Walang nagtangkang magsalita. Ibang iba ang pamamalakad nito kesa sa pamamalakas ni Zhavia. Takot ang nararamdaman nito.
"Oh and the golden rules I almost forgot DON'T. YOU. EVER. HURT. MY. GIRL. You all guess who is my woman." mabilis na napailing si Helliana sa inaasal ni Clark.
"Anong klaseng rules yan?" inis na bulong ni Caliber kay Helliana. Hindi naman siya nito pinansin.
"HOY ANONG KLASENG RULES YAN?!" biglang tumayo si Caliber sa sobrang inis.
"Do you have a problem, Mr. Rios?" nakangising tanong ni Clark.
Mabilis na naglakad papunta sa stage si Caliber at kumuha ng isa pang mic.
"Of course! Your rules is not for MY SCHOOL! It's for your own good." malakas na sigaw ni Caliber sa mic. Napapalo na lang sa ulo ang mga kaibigan ni Caliber.
"But what can you do? I'm the President so MY RULES!" sumigaw na rin si Clark.
Ngumisi naman si Caliber kay Clark.
"HOY ANG KAPAL NG APOG MO! PRESIDENT KA LANG PERO KAMI ANG MAY ARI NG SCHOOL NA 'TO. SO GAGAWA RIN AKO NG RULES, AKALA MO!" napailing naman ang Lolo ni Caliber.
"Well do whatever you want but you need to follow my rules or else," Lumapit si Clark kay Caliber. "Goodbye Helliana kana." inis siyang tinulak si Midnight.
"Fine, but you need to follow my rules too." ngumisi lang naman ito.
"Number one walang pwedeng manggulo sa amin lalo na kay Helliana." agad nagsimula ang bulungan.
Tumawa naman si Clark. Masama siyang tinignan ni Midnight. Iiling iling naman si Clark. Bahagyang kumunot ang noo ni Helliana.
"Anong ginagawa ng gunggong na 'to?" inis na sabi ni Helliana.
"Well masanay ka na minsan talaga may sapak sa ulo yan." sabay tawa ni Kean.
"Number two kapag hindi ako gumagawa ng assignment pati si Helliana ay dapat hindi kami pagagalitan." agad napahilot sa sintido ang Lolo ni Caliber.
"Caliber." mahinang tawag ng Lolo nito.
"Stop making fun. " bahagyang napanguso si Caliber.
"Lolo naman! Gusto ko may rules din ako!" Walang nagawa ang Lolo nito kung hindi ang hayaan siya sa gusto niya. As you can see Caliber is a spoiled brat.
"Number three wag kang lalapit kay Helliana, Clark."
"She's my sister." tatawa tawang sabi ni Clark.
"You know Caliber you're just making a scene. Go back to your seat. I'll announce something." inis lang siyang inismiran ni Caliber pero umurong naman ito.
"So everyone pagpasensiyahan niyo na si Caliber sadyang wala lang sa tamang pag iisap ang isang 'to." agad binatukan ni Caliber si Clark sa sobrang inis.
Napatigil si Clark. Nag iba ang aura nito. Pinaka ayaw pa naman nito ang nagugulo ang buhok niya. Mabilis na napansin iyon ni Helliana kaya mabilis itong tumayo. Sa sobrang tahimik ay rinig na rinig ang silya nito.
"Come here, Midnight." agad nagliwanag ang mukha ni Caliber at mabilis pa sa alaw kwatrong lumapit kay Helliana. Inis na sinamaan ng tingin ni Clark si Midnight.
"So the announcement is tomorrow we're all going in the Z Forest. Mag aactivity tayo don. So students go home and prepare your things. Thank you."
HELLIANA'S POV
Dahil isang kukupad kupad kumilos ang isang iyon ay eto na naman ako at hinihintay siyang matapos sa pag aayos ng gamit. Sabi ko kasi sa kanya kahapon na ayusin na ang gamit niya, oo lang siya ng oo pero hindi niya pa rin ginawa. Kaya ngayon ayun paspas siya, nakalimutan daw niyang ayusin ang gamit niya.
"Wala ba yang ibibilis?!" malakas kong sigaw. Nakarinig naman ako ng gulong mula sa taas, ibig sabihin tapos na siya at pababa na siya.
"Eto na, teka lang!" sigaw niya. Isang maleta ang dala nito at malaking sling bag.
Napailing naman ako dito. Dinaig pa niya ako, akala mo maglalayas sa dami ng bigbit niya. Ako isang malaking sling bag lang din ang dala ko.
"Ang tagal mo. Sabi ko kasi sayo na ayusin mo na ang gamit mo kagabi, diba? Hindi mo pa rin sinunod kung ano ano pa ginawa mo." irita kong sabi dito pero imbis na mainis ito sa akin ay nginitian lamang ako nito.
Napatigil ako ng kinuha ni Midnight at sling bag ko. May crush siya sakin. I know. Nahahalata ko. Iba ang trato niya sa akin. Siguro nagkagusto sa'kin dahil nililigtas ko siya pero sana alam niyang trabaho ko iyon.
Ayokong mag assume pero hindi naman ako tanga para hindi ko malaman kung ano ang ginagawa niya.
"Tara na!" malakas na sigaw nito.
Nagsimula na itong maglakad palabas. Tinignan ko ito habang nakatalikod siya.
No, Midnight. Lahat na gustuhin mo wag lang ako. Hindi ko masasabi kung kailan ka ipapatapos sa akin ni Clark. Hindi ko rin kayang suklian yang nararamdaman mo para sa akin dahil ang puso ko ay nakalaan para lang kay Clark.
"Hoy babae, ano na?!" Nagsimula na akong maglakad.
Sumakay ako sa passenger seat. Magkikita kita kami lahat sa School dahil bus bus ang sasakyan namin. Hindi ako nag motor kasi nga may bitbit ako, mahihirapan ako. Kaya sumabay na lang ako kay Midnight.
Nang nasa school na kami ay ang dami ng tao at siyempre magkakatabi kami sa upuan. Agad kaming pumasok sa bus na nakaatas sa amin. Dun kami sa pinakadulo na pwesto.
Andon na yung babae na isa. Yung dating President na hindi ko alam kung ano ang pangalan. Zhavia ba?
Agad umupo si Midnight sa may tabi ng bintana. My favorite spot. Si Clark ang isa pa naming kasama na ngayon bilang President ay inaayos ang bawat bus. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote ni Clark at naisipan niyang magpaka President.
"Pwesto ko yan." Tinaasan naman ako nito ng kilay.
Actually hindi ko yon pwesto dahil wala namang pwestong nakalagay doon. Basta sabi dulo lang kaming apat pero gusto ko talaga sa may tabi ng bintana para nahahanginan ako.
"Kapal mo naman!" Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ayaw sabihin kung ayaw ibigay ang pwesto sa akin." inis kong sabi. Tumalikod na ako para sabihin kay Clark na lilipat ako ng pwesto dahil gusto ko talaga sa may tabi ako ng bintana at walang makakapigil sa akin.
"Eto na oh! Dito kana! Mag wawalk out pa e." Bahagya akong napangiti. Kung wala siguro siyang gusto sa akin ay siguradong magkamatayan man ay hindi niya ibibigay ang pwestong yon.
Naupo na ako doon. Akala niya siguro nagalit ako nung tumalikod ako.
"Hindi naman ako mag wawalk out." rinig ko ang pag ismid nito sa akin.
"Hindi daw. Nako pasalamat ka lang talaga at nako!" nanggigil na itong tumingin sa akin. Agad naman akong napatawa sa mukha niya.
"Pasalamat at ano?" agad naman itong namula. Oh f**k masyado talaga siyang halata.
Biglang tumunog ang cellphone niya. Dahil katabi ko siya ay nakita ko kung sino iyong nag text sa kanya.
Kean:
Sayang hindi tayo magkaparehas ng Bus kainis si Clark!
Hindi naman nagreply si Midnight. Napatingin ako sa bintana kung saan kitang kita ko si Clark na busy-ing inaayos ang bawat bus. Seryoso itong inaayos ang sitting arrangement ng mga ito. Bahagya akong napangiti sa nakita kong scenario.
"Nagugutom ako." napunta ang atensiyon ko kay Midnight ng bigla itong magsalita.
Agad kong kinuha ang bag naming puno ng pagkain at binuksan ito.
"Gusto mo ba tinapay?" Tanong ko pero umiling ito.
"Cheese Ring?" umiling naman ulit ito.
"Piattos?" umiling ulit.
"Nova?" umiling ulit.
"Nagaraya?" umiling ulit.
"Pillows?" umiling ito.
Agad kumunot ang noo ko. Lahat na lang ayaw nito. Mukhang napansin nito ang pagkainis ko kaya bahagya itong tumikhim sa akin. Last na talaga to kapag ayaw pa niya ewan ko na lang.
"Pic-A?" iritado ko ng tanong sa kanya.
"I don't like it."
Hindi ko alam kung makakatagal pa ako sa kanya. Gutom siya pero ayaw niya lahat. Anong gusto niyang kainin? Nakaka tangina siya. Sarap niyang sagasaan sa sobrang nakakainis ang ugali niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit maraming galit sa ugali niya ngayon.
"You don't like anything!" malakas kong sigaw kaya yung iba ay napalingon sa amin pero bumalik din sila sa kani-kanilang ginagawa.
"I like you."
Agad akong napatigil. Kahit na nararamdaman ko ng gusto niya ako, iba pa rin siyempre yung sinabi niya talaga sa akin. Tinitigan ko lang siya at ganon din siya. Seryoso ang mukha nito.
So tama nga ang hinala ko? Gusto niya ako. Hindi ko alam pero bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ba ako? Natatakot? Naeexcite? What the f**k? Minsan hindi ko rin talaga maintindihan ang sarili ko.
"Ah ano I mean I like you bilang bodyguard ko kasi ano alam mo na magaling ka makipag laban kahit na babae ka super galing mo makipag suntukan. Dinaig mo pa kami nila Kean HEHE." awkward nitong sabi sa akin ng siguro ay natauhan siya sa sinabi niya sa akin.
Super weird niya. Halata siya masyado. Dahil maputi ito ay halata ko ang pagkapula ng pisngi nito hanggang sa tenga niya ang pula.
"Say something!" halata ko ang kaba nito.
Takot siyang malaman ko ang nararamdaman niya? O nahihiya siya?
"Siguro akala mo gusto kita. Hindi pa kasi ako tapos kaya wag kang assuming!" bahagya akong napangiti sa kanya.
Umiwas ito ng tingin sa akin. Kakaiba rin talaga ang isang ito.
"You're such an idiot, Caliber." sabi nung Zhavia ba yon. Narinig niya siguro ang sinabi ni Caliber sa akin.
"WHAT? HOW DARE YOU? HOY HINDI AKO IDIOT ANG KAPAL MO GUSTO MONG ITAPON KITA DYAN SA BINTANA." inis na sabi ni Midnight sa kanya.
Hindi na talaga ako magtataka kung bakit siya napapaaway. Sa paraan ng pananalita nito ay akala mo laging nanghahamon ng away. Isa pa, super yabang niya na akala mo naman kaya niya.
"Sige nga gawa!" matapang na sabi nung Zhavia. Pinanood ko naman silang dalawa.
"Baka kapag ginawa ko, umiyak ka!" sabi naman ni Caliber.
"Bakit ako iiyak? Gagaya mo pa ako sayo. Bakit ba galit na galit ka diyan? You're really such an idiot. If you like her just tell her." agad namang natahimik si Midnight.
"Hindi nga kasi sabi e!" inirapan na lang siya nung Zhavia at hindi na pinansin. Nag head phone na ito at pumikit.
"Epekto yan ng pagbaba ng pwesto." parinig pa ni Midnight.
Isip bata rin itong si Midnight e. Hindi nagpapatalo akala mo naman kalakas lakas. Kapag naman nasa panganib, talas ng dila ang pinapagana.
"Tumahimik kana kasi diyan. Kung gutom ka kumain kana diyan." Nag ear phone na ako at naiinis na rin ako kay Midnight.
"Hindi mo tatanungin kung anong gusto ko?" matalim ko itong tinignan.
Tumawa lamang ito at kumuha ng Pic-A at kumain na. Pilit pa ako nitong sinusubuan at sa sobrang mapilit ay wala akong nagawa kung hindi ang ngumanga sa kanya at magpasubo.
Agad na namang pumasok si Clark sa bus at pawisan na umupo sa may tabi nila Zhavia at Caliber. Bahagyang napatigil pa si Midnight sa pagkain.
"Ano ba yan pawis na pawis ka, nakakadiri ka." Napailing ako sa inasal ni Midnight. Kaya siya napagkakamalang bakla e, ubod ng arte akala mo naman napaka linis.
Agad kong kinuha ang towel sa bag ko at binigay kay Clark. Nginitian naman ako nito at nag punas na ng pawis.
Maya maya ang umandar na ang sinasakyan namin. Napatigil ako ng nag vibrate ang cellphone ko.
Clark:
Konti na lang sakin yang Caliber na yan, pipilipitin ko leeg niyan.
Napatawa naman ako sa text ni Clark. Alam kong nagpipigil lang ito at kapag hindi na naman niya ito nacontrol ay baka mapatay niya si Midnight.
Helliana:
Well understand him. He's so f*****g childish and idiot.
Clark:
I missed you baby.
Helliana:
I missed you too.
"Sino ka text mo?" agad kong pinatay yung screen ng dumungaw si Midnight.
"Wala ang chismoso mo."
"Ikaw din naman kanina!"
Tinawanan ko na lang siya at hindi pinansin. Pansin ko ang pasimpleng tingin sa akin ni Clark.