CHAPTER 12

3017 Words
HELLIANA'S POV Medyo mahaba ang naging byahe namin. Nandito kami ngayon sa Z Forest. Masarap ang simoy ng hangin dito. Wala na naman si Clark dahil ayon nag aayos na naman siya. "Nakakainis talaga! Bakit hindi mo ginawan ng paraan 'on, Caliber?" nagmamaktol na sabi ni Kean. Hanggang ngayon hindi pa rin maka move on si Kean na hindi kami magkakasama sa iisang bus. Nakaupo lang naman si James at ako habang si Caliber at Kean ay medyo nagtatalo pa. "Malay ko ba." inis na sabi ni Caliber. Nagtawag na si Clark ng mga partner. Babae at lalaki ang partner sa mga laro. Sa pagtulog naman ay dalawang partner sa isang tent. Hinintay ko ang pangalan ko na tawagin. "Helliana Gwyneth Denver and Caliber Midnight Rios wait what the f**k?!" napasigaw si Clark. Napakunot ako sa naging reaksyon ni Clark. Ngiting tagumpay naman si Midnight na nasa tabi ko. "Why did you change this?" inis na tanong ni Clark kay Midnight. Pinakiramdaman ko si Clark dahil baka mamaya ay mawala na naman ito sa control. Agad kumunot ang noo ko ng lumapit sa amin si Zhavia. "Lagi niya 'yang ginagawa taon-taon, Clark. Hayaan mo na lang kasi kapag iniba mo pa ang gusto niya ay totopakin lang siya. Kapag tinopak 'yan, magkakagulo ang lahat." Nanliit ang mata ko ng hawak hawak pa nung Zhavia ang braso niya at medyo malapit ang mukha nito sa mukha ni Clark. "Pero hindi siya dapat masanay na laging ganyan. Lagi niyang iniiba ang lahat. Oo, siya ang may ari ng University na 'to pero estudyante pa rin lang siya. Masyado siyang nagiging unfair." Sabay lingon ni Clark kay Midnight. Napawi naman ang ngiti ni Midnight at mabilis na tumayo. "E ano naman sayo kung unfair ako? Bakit unfair ka rin naman, ah? " Bahagyang nag dilim ang aura ni Clark. Pinakaayaw niya ang iniiba ang kanyang disisyon. Bossy siyang tao na gusto niya siya ang nasusunod. "Anong unfair dito, ha? " Yung ibang estudyante ay nakatingin na sa kanila dahil sa lalakas ng bibig. Sila Kean at James ay tulad kong nanonood lang din. "Unfair kasi gusto mong partner mo sa lahat ng bagay si Helliana." Pinanood ko silang dalawa. Nang napadako ang tingin ko kay Zhavia ay nakatitig ito sa akin. Napansin nitong nakatingin na ako sa kanya ay agad itong umiwas ulit ng tingin. "Gusto ko rin kasing bantayan ang  kapatid ko." Bahagya akong napangisi sa naging sagot ni Clark. Mas maganda na rin para sa akin na iniba ni Midnight ang partner dahil natatakot akong baka may makahalata sa amin. Minsan pa naman ay padalos dalos ito ng disisyon lalo na kapag galit. "Alam mo namang si Helliana ay..." Napatigil si Midnight. Hindi niya pwedeng sabihin na bodyguard niya ako. Masyadong weird kapag sinabing bodyguard niya ako. Napasandal ako at pinanood si Midnight. Ano kayang sasabihin niya? "Ano?" mapanghamong tanong ni Clark. Napatingin sa akin si Midnight at nagdadalawang isip pa ito. Ang dami ng naghihintay sa sagot ni Midnight. Nginisian ko lang naman si Midnight at pinanood siya. "Ano Caliber?" nakangisi ulit na tanong ni Clark kaya napunta na sa kanya ang tingin ni Midnight. "Girlfriend ko!" Agad na nagbulungan ang mga tao. Napanganga ako sa naging sagot niya. Yun ang pinakahuling iisipin ko na isasagot niya. Ano nga ba ang inaasahan ko sa kanya? Malamang hindi na naman gumagana ang utak niya. "Ano daw?" "Girlfriend ni Caliber si Helliana?" " Kaya naman pala lagi silang magkasama." "Oo at minsan nakita ko silang sabay na umuuwi." "Sabay ring napasok." Nag iba na talaga ang aura ni Clark sa naging sagot ni Midnight. Ngumisi naman si Midnight at proud na tinignan si Clark. Napailing naman ako. Ginalit niya lang lalo si Clark. "Ang tanga talaga magdahilan ni Midnight." napatingin ako kay Kean ng bumulong ito. "Sinabi mo pa." iiling iling kong sagot dito. "WHAT THE f**k ARE YOU TALKING ABOUT?! HELLIANA IS--" Susugod na sana si Clark kaya mabilis akong tumayo at pumunta sa harap ni Midnight. Agad kumunot ang noo ko ng niyakap ni Zhavia si Clark para mapigilan ang pag lapit dito ni Clark. "Calm down, Clark." Napatigil naman si Clark. Napatingin ako ng hinawakan ni Clark ang kamay ni Zhavia. Kinalas nito ang pagkakayakap ni Zhavia sa kanya at mabilis na tumalikod. Lalong kumunot ang noo ko ng sumunod naman si Zhavia sa kanya. Sarap pilipitin ng leeg. "HAH WALA TALAGANG MAKAKATALO KAY CALIBER MIDNIGHT THE GREAT!" malakas na sigaw ni Caliber. Yung dating Vice President na lang ang nag sabi ng mga partner partner dahil wala sa mood panigurado si Clark. Gusto ko siyang sundan pero hindi ko naman maiwan si Caliber. Kung talagang minamalas ay ang kasama namin sa iisang tent ay si Zhavia at Clark. Nagtutulong tulong na naman silang mag ayos ng Tent. Siyempre dahil dakilang spoiled ang isang ito ay iba ang pinag tayo niya ng Tent namin. Sina Kent at James ang magkasama sa tent at tulad ni Midnight ay may ibang nagtatayo rin ng tent nila. Mga spoiled. Mga tamad. "Girlfriend mo pala ako." pang aasar ko kay Midnight ng tumabi ito sa akin. Agad akong sinamaan nito ng tingin habang namumula. "Ano ba! Sinabi ko lang 'yon kasi wala akong maisip." namumula nitong sabi. Agad naman akong napatawa. "Wala ka kasing isip." Lalong sumama ang tingin nito sa akin at lalo naman akong napatawa. Pasado ng clown si Midnight para sa akin. Pano lagi na lang niya akong pinapatawa. "Everyone ngayon kapag tapos niyong mag tayo ng tent ay pwede na kayong kumain then magpahinga para bukas ay uumpisahan na natin ang activity." "Ang kapal mo talaga no! Alam mo bang kahit hindi ako pumasok kaya kong mag top 1 kasi superrrr talino ko." pagmamayabang naman nito sa akin. Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas ng loob para magyabang. Wala naman siyang ipagyayabang pero ang lakas magyabang. "Ang yabang mo rin. Kaya ang dami mong kaaway e. Puro yabang inuuna mo." inis ako nitong tinignan. "Honest lang ako." "Honest ba yan? Puro kasinungalingan sinasabi mo." inirapan naman ako nito at tumayo na. "Pupuntahan ko lang yung mga panget na gunggong na 'yon at malamang nagtatampo na mga yon. " Tumango naman ako at pinanood siyang maglakad. Nang nakita kong kasama na niya sina Kean ay agad na akong tumayo. Naka salubong ko si Zhavia. "Talaga nga naman ang daming ahas dito, anong sa tingin mo?" Tinaasan naman ako nito ng kilay at napatigil sa paglalakad. "Pardon me?" "Pero subukan lang ng ahas na yon na tuklawin ang pag aari ko." Nginisian ko ito at dinaanan sabay sabing. "Hindi ako magdadalawang isip na patayin siya." ** Kalagitnaan na ng gabi ngayon at ang iba ay pumasok na sa sari sariling mga tent. Wala pa rin sila Zhavia at Clark. Hindi ko alam kung saan ba sila nagpunta. Kaya kaming dalawa lang ngayon ni Caliber sa may tent. "Alam mo curious talaga ako." agad akong napalingon sa kanya ng bigla siyang magsalita. Nakaupo ako ngayon habang siya ay nakahiga. Kumunot ang noo ko habang tinitignan siyang nakatingin sa may langit. Yung tent kasi namin sa may bandang taas ang nakikita ang labas. Parang net siya pero meron ding tapal na kulay puti para kung sakaling umulan. "Curious saan?" Doon lang niya ako tinignan. "Nung unang araw ng pasok mo, bakit ang daming nakakakilala sayo? Para kang artista non. Alam mo ba curious na curious ako non kasi sabi nila maganda raw. Mas maganda kay ganito. Kaya nung araw na 'yon ang daming nakaabang sayo. Akalain mo 'yun, yung hinahanggan nila bodyguard ko." bahagya itong tumawa at tumingin ulit sa may langit. Dahan dahan akong nahiga sa may tabi niya at tumingin din ako sa may langit. Naamoy ko ang shampoo nito dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Humahalo  pa ang amoy ng shampoo niya sa kanyang pabango. "Kasi noon nag model ako." Naramdaman ko ang biglaang paglingon nito sa akin. Hindi ko siya nilingon at nanatili ang tingin sa may langit. "Bakit ka tumigil sa pagmomodelo kung ganon?" hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Nagmodel lang naman ako non kasi mission ko 'yon. Kailangan kong sumikat non para may mapukaw akong atensiyon. Atensyon ng isang tao na hindi kilala ang mukha. Walang nakakakita ng mukha niya, kundi ako pa lang. Sad to say patay na siya. Pinatay ko siya dahil iyon ang misyon ko. Yung mission ko non ay maging sikat. Wala naman akong talent sa pagsayaw o pagkanta kaya ang ginawa ko ay nag model ako. Nagkunwari akong idol ko ang lalaki na si JV, na kahit na sino ay wala pang nakakakita ng mukha nito. And then dahil sumikat ako non ay alam naming makakarating sa kanya ang pagkakaidolo ko sa kanya. Umayon lahat sa plano namin at nag set siya ng appointment ng meet up namin. Doon ko siya pinatay. Siyempre walang nakaalam. Basta ako ang nagtrabaho, malinis iyon at walang ebidensiya. "Wala naman. Nag model lang ako kasi gusto kong itry and then nung ayaw ko na tumigil na ako." Bumalik na ang tingin nito sa may langit. "Ang ganda ng mga stars." napangiti ako. Super nakakarelax ang tumingin sa langit. Parang wala akong problema. "Kapag sinabi ko ba sayong wala akong maalala noong bata pa ako, maniniwala ka?" napalingon naman ako sa kanya. "Oo naman, bakit?" Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. "Sabi sa'kin nila Mom and Dad noong bata pa ako ay nakidnap ako. Maraming nagbabantay sa akin non kaya nagmadali yung kidnappers sa pagmamaneho at di napansin ang paparating na truck. Kaya ayun nabangga and then 1 month halos bago ako nagising at pag gising ko daw ay wala na akong maalala." Parehas pala kami. Ako yung iba naaalala ko pero yung iba hindi. Alam ko na may ginawa sa akin sila Clark at sabi sa'kin ni Clark ay yun daw ang naging side effect nung ginawa nila sa akin. "Hanggang ngayon wala ka pa ring naaalala? Hindi na bumalik?" tumango ito sa akin. "Sabi sa'kin ni Dad wag ko na alalahanin dahil wala namang masyadong importanteng nangyari sa akin non. Sabi rin daw ng Doctor na wag kong pilitin ang sarili ko dahil baka mahimatay ako. Kaya ayun sinunod ko sila at hindi ko na inalala yon." Inalis ko na ang tingin ko sa kanya. Parang ngayon lang kami nagkaroon ng usapan na ganito, yung seryoso. "Ilang taon ka non?" "I think 11?" agad kumunot ang noo ko. Akala ko mga 4 or 5 siya non. "Bata pa ba yon?" kunot noo kong tanong dito. "Oo naman. Ayos lang din naman na hindi ko naaalala. Sa tingin ko rin walang importanteng nangyari non kasi wala namang biglang nasulpot na kung sino na nakilala ko noon." Tinignan ko ang cellphone ko. Mag 11 na pero wala pa rin silang dalawa. "Alam mo ba may kapatid ako?" umiling ako sa kanya. "Eto may picture niya ako." Kinalikot nito ang cellphone niya. Habang busy siya sa paghahanap ay inopen ko ang cellphone ko para itext na si Clark. Alam kong nagtatampo ito sa akin kaya ganto siya. Yung Zhavia naman ay alam kong nakasunod na naman siguro kay Clark. Helliana: Where are you? "Eto." Agad ko ng pinatay ang cellphone ko at kinuha ang binibigay na cellphone sa akin ni Caliber. Agad napaawang ang labi ko ng makita ang kapatid ni Caliber. Nanginig ako. Hindi ko magawang lingunin si Caliber. "Her name is Calistha Levine Rios. Sad to say but she's already dead 1 year ago. Kaya nga nag hire sila Mom and Dad ng bodyguard ko na susunod sa akin kung saan saan dahil si Ate Cali ay pinatay. Nahuli na naman yung pumatay sa kanya." Hindi ako pwedeng magkamali. Itong babaeng 'to. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nalaman ni Caliber ang totoo. Agad akong napaupo. Umupo rin siya kaya lumingon ako sa kanya. Hawak ko pa rin ang cellphone niya. "Pero I'm sure hindi siya yung pumatay kay Ate Cali." gulat akong humarap lalo kay Caliber. Pano niya nasabi? Malinis ang pagkakagawa ko non. Yes, ako ang pumatay kay Calistha. Siya ang hindi ko nakakalimutan dahil siya ang unang utos sa akin ni Clark ng walang dahilan. Wala siyang binigay na dahilan kung bakit papatayin ko si Calistha basta inutos lang niya. Binigay niya ang impormasyon at wala ng iba. "Pano mo naman nasabi?" "Dahil andun ako nung nangyari yon." Napatigil ako sa sinabi niya. Andon siya? "Nakita mo ba yung gumawa non sa ate mo?" Kahit makita naman niya ako ay hindi niya ako makikilala dahil naka mask ako. Nakakapag taka lang dahil nung nangyari ay sinigurado kong walang taong nakapaligod don maliban sa kasamahan ko. "Hindi ko nakita. Nakita ko lang siya nung nakatalikod na siya. Mahaba ang buhok na nakapony tail. Yun ang pinaka hindi ko nakalimutan. Yung babaeng nahuli na nagsasabing siya ang pumatay kay Ate Cali ay ibang iba sa babae na nakita ko. Kahit likod lang niya ang nakita ko ay malalaman ko kung ibang tao ba 'to o ito yon. " seryoso nitong sabi. Seryosong seryoso siya ngayon. Pano kaya kapag nalaman niyang ako yon? "Atsaka masyadong malinis ang pagkakagawa nila na walang ebidensya halos. Yung babae don ay halata mo naman na hindi niya magagawa ang ganon kalinis na trabaho." Namangha ako sa kanya. For the first time ay may nakapansin. Wala pang kahit na sino ang nakapansin sa kamalian ko. Alam kong mali ako sa parte kong yon. Yung pagpili ko don sa babae kasi kapos kami sa oras kaya wala akong nagawa. Kahit ang mga pulis ay hindi naghinala. "Sinabi mo ba yan sa mga pulis? Na hindi naman yon ang pumatay sa Ate mo?" Mabilis itong umiling sa akin. "Hindi. Gusto ko sana sabihin yon kapag nahanap ko na ang totoong pumatay sa ate ko. Kaya ngayon siya muna ang mag bayad kahit na hindi niya iyon kasalanan, dapat meron pa ring magbayad sa pagkamatay ng ate ko. Kaso wala kahit isang nagtuturo kung sino ba talaga 'yon. Yung cctv footage ay burado lahat. Masyadong malinis kaya hindi ko mahanap ang totoong pumatay kay Ate." "Anong gagawin mo kapag nalaman mo kung sino ang pumatay sa ate mo?" Seryoso itong nahiga ulit. Sinundan ko naman ito ng tingin. "Papatayin ko siya." Umiwas ako ng tingin dito. Bahagya akong napangisi sa naging sagot niya. Kill me? Let's see. "Pero kung papatayin mo siya, anong pinagkaiba mo sa kanya?" napatigil ito sa tanong ko. "Mahalaga ba ang buhay ng mga ganoong tao? Kung makapatay naman sila ng tao ay parang walang kwenta ang buhay nito so bakit ko pahahalagahan ang buhay nila? Kahit sino pa yung pumatay kay Ate I'll swear I will kill her no matter what. " Agad akong nahiga muli at pinanood ulit ang langit. Tinignan ko ang iba pang picture ng ate niya. Agad akong napatigil ng nakita ko ang picture ko. Stolen picture siya actually yung nakasakay ako sa motor ko at hinihintay ko siya. Tinignan ko pa yung iba at meron din nung nasa mall kami. Meron yung ngayon lang nung nasa bus kami. Bahagya akong napangiti. Hindi niya napansin ang ginagawa ko dahil busy itong kakapanood sa langit at parang may malalim itong iniisip. "Sabihin mo na lang sa'kin kung gusto mo ng picture ko." Nataranta  naman itong kinuha ang cellphone niya. Sa sobrang pagmamadali pa ay nahagis niya iyon. "Fuck." Gumagapang na kinuha niya ang cellphone niya. Agad akong humalakhak. Bumalik ito sa pagkakahiga. Nagasgasan ang cellphone nito. Namumula ang mukha nito. Agad naman akong natawa. Mabilis kong kinuha ang cellphone niya at iniswipe lang ang camera dahil hindi ko mabuksan at may password. Gulat ang mukha nito. Nakangiti ako nung pinicturan ko. "Yan na para hindi na stolen mga kuha mo." tatawa tawa kong sabi dito. "Hindi pa ako ready e." agad akong natawa. "Isa pa." Ngumiti ako sa camera at ganon din siya. Napansin ko ang pasimple nitong pag ngiti. Agad ako nitong tinalikuran. Napailing naman ako at tinignan ko naman ang cellphone ko at meron ngang missed call si Clark. Nag reply din ito sa text ko. Clark: Nandito sa isang tent. Inaayos namin ang gagamitin bukas. Clark: I'm tired :( Clark: What are you doing? Clark: Answer my call baby. What are you doing? Hindi siga galit. Akala ko pa naman ay galit siya kaya hindi siya nag text yun pala ay busy siya. Ano ba kasing pumasok sa utak niya at nag paka President pa siya? Helliana: Nagkukuwentuhan lang kami, hindi ko napansin ang tawag mo. Mabilis itong nagreply sa akin. Clark: Pinagpapalit mo na ako sa panget na yan? Agad akong natawa sa sinabi nito. Napatingin naman sa akin si Midnight ng marinig niya ang tawa ko. Napalingon siya sa cellphone ko kaya agad kong pinatay ang screen. "Sino ka text mo?" Umupo ito para tignan pero wala na pinatay ko na ang screen. "Chismoso ka talaga." Binitawan ko na lang ang cellphone ko at baka mag tanong pa ng mag tanong siya. "Hindi ka pa ba inaantok?" tanong ko sa kanya. "Hindi pa naman." Sabay kaming lumingon  ng bumukas ang tent at pumasok doon si Clark. Sa akin agad ang tingin nito. Agad itong nahiga sa kabilang gilid ko. Agad namang kumunot ang noo ni Caliber. Yan na naman sila. "Wait Clark!" Nagbukas ulit ang tent at nakita ko doon si Zhavia. Nahiga rin si Zhavia sa tabi ni Clark. Kainis ang landi naman nitong babae na ito. Walang nagawa si Caliber kung hindi ang mahiga na lang din. Hindi na ito nagsalita, buti na lang. "You smell so good." bulong sa akin ni Clark. Napaharap naman ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin. Eto ba ang rason niya kaya siya naging Presideng? Para makasama ako? "Ano ba Helliana sakin ka humarap!" Agad akong hinarap sa kanya ni Caliber. "Look at me." Kunot noo kong tinitigan si Caliber. "Iyang matang 'yan. Sa'kin lang dapat titingin. Sa'kin lang, maliwanag ba?" Nginisian ko na lang siya at pumikit na ng dalawin na ako ng antok. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Clark mula sa likod ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD