CHAPTER 13

3204 Words
FLASHBACK HELLIANA'S POV Agad kong binuksan ang pintuan ng office ni Clark dahil pinatawag ako nito. Siguro may bago akong mission. Pumasok ako sa office ni Clark, kaya agad itong napalingon sa akin. Napangiti naman ako sa kanya. He's wearing sunglasses, then yung nakaalis ang iilang butones niya. Inikot nito ang swivel chair at sinenyasan akong lumapit sa kanya. Pinat nito ang lap niya at agad naman akong umupo doon at sumandig sa kanya. Niyakap naman ako nito. “I missed you, baby.” he said while kissing my shoulder slowly. “I missed you too. By the way why did you call me?” Napatigil naman si Clark sa pag halik ng balikat niya. Binuksan nito ang isang drawer niya at may kinuha. Nilapag niya ito sa may lamesa. “What's that?” taka kong tanong. “Open it.” Nagtataka man ako ay binuksan ko naman ito. Kalag bukas ko ay andon lahat ng impormasyon ng bago kong mission. “Calistha Levine Rios.” basa ko sa pangalan nito. Nilagpasan ko na ang ibang impormasyon at tinignan ang dulo para makita ko kung sino ang nag utos na pumatay at ano ang dahilan. Syempre hindi kami tumatanggap ng walang dahilan kung bakit iyon papatayin. Nagtaka ako ng blangko iyon kaya napatingin ako kay Clark na nakatitig sa blanko ring papel. “It's blank.” Napatingin naman sa akin si Clark. “Sino ang nag utos nito?” taka kong tanong. Si Clark mismo ang gumawa ng rules na hindi siya tatanggap ng customer kapag walang binigay na dahilan kung bakit ito papatayin. Kaya nagtataka ako kung bakit siya pumayag sa isang 'to. “Me.” Agad akong napatayo sa gulat. “You? but why? Who is she?” taka kong tanong dito. Tumayo ito at hinawakan ang magkabila kong pisngi. Kumunot ang noo kong tinitigan siya. Agad naman ako nitong nginisian. “Go back to your room and get ready.” Magsasalita pa sana ako ng tinulak na niya ako palabas ng pinto at agad na sinarado ang pintuan. Pumasok ako sa kwarto ko at tinignan ulit ang impormasyon nitong babae. “Calistha Levine Rios.” sabi ko ulit. Napailing na lang ako. Alam kong may reason si Clark kung bakit hindi niya ito sinabi sa akin. Kailangan ko lang magtiwala sa kanya. Nag ayos na ako at lumabas. Nandoon na ang mga kasamahan ni J2. Tinanguhan ako ni J2 kaya agad akong pumasok sa Van. Pinaandar na nila ang Van hanggang sa makarating kami sa isang malaking kompanya. “Alam niyo na ang gagawin niyo.” malakas na sabi ni J2. “YES!” malakas din nilang sigaw. Agad na silang pumwesto at naiwan kami ni J2 dito sa may Van. “Lalabas siya ng 6:30pm.” Hindi naman ako sumagot at tinignan na lang ang oras. 5 minutes… Sinuot ko na ang mask ko at agad na pinony tail ang aking buhok. Lumabas ako at pumwesto sa hindi kataasang building, nandoon ako sa may rooftop at inayos ang gamit ko. Hindi ako makikita mula sa labas dahil merong puno na nakaharang. Kailangan mo pang titigan maigi bago mo may maaninag na tao. Agad kong inayos ang sniper at pumosisyon ng pumatak ang 6:30pm. Tinignan kong muli ang litrato nung babae at nang makita ko na ito ay sinundan ko ito ng tingin. “Whatever the reason why Clark wants you dead, I think you deserve it.” mahina kong bulong. Sinigurado nilang walang tao sa paligid. Agad ko ng tinutok sa kanya at bago pa siya makasakay sa kotse niya ay agad ko na itong binaril. Mabilis itong natumba. She's already dead because ang bala nito ay may poison. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto ni Clark na patayin siya at talagang gumamit siya ng poison para masiguradong patay talaga ito. Agad akong tumalon pababa at nilapitan ang babae. Tinignan ko ang cctv kung saan andon sila J2. Pinakatitigan ko ang wala ng buhay na babae. “Pasensiya na, trabaho lang.” Agad na akong tumalikod at sumakay sa motor na inihanda sa akin. Sina J2 na ang bahalang mag ayos doon para walang ebidensiya. Nang makauwi ako ay agad akong nagpalit at dumiretso kay Clark. “Well done, baby.” nakangiti nitong sabi sa akin. “I want to know the reason.” bigla kong sabi na ikinawala ng ngiti nito. Bumuntong hininga ito at umupo sa swivel chair niya. Humarap ito sa akin at tinitigan ako. “You will but not now.” Agad kumunot ang noo ko. “Why?” Nginisian ako nito at hinila para ipaupo sa lap niya. Hinayaan ko naman siya sa gusto niya. “Stop asking.” mahina nitong sabi sa akin. “But-” “Helliana!” sigaw nito na ikinatigil ko. Natahimik na lang ako. Alam kong kahit anong gawin ko kung ayaw niyang sabihin sa akin ay hindi talaga iyon sasabihin. Niyakap ako ni Clark at pinatong ang ulo sa balikat ko. “I'm so tired.” bulong nito. Hindi ako nagsalita at hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Hindi mawala sa isip ko ang babaeng iyon. Gusto kong malaman ang dahilan, gusto kong malaman kung bakit pero kahit anong gawin ko ay hindi niya ito sasabihin sa akin. “I love you.” bulong nito sa akin at pinaharap ako sa kanya. “I love you too.” Nginitian naman ako ni Clark at agad akong hinalikan na tinugon ko naman. “Let's cuddle?” nakangiti nitong tanong sa akin. Nginitian ko rin siya at tumango. Agad na kaming tumayo papunta sa kwarto namin. Pagod na rin ako. Gusto kong magpahinga. Ayoko munang isipin iyong babae na iyon. Lahat ng pangako ni Clark tinutupad niya kaya, I know kapag sinabi niyang malalaman ko rin soon, malalaman ko talaga. END OF FLASHBACK HELLIANA'S POV Medyo madilim pa ng magising ako. Dumilat ako at ang dalawa ay grabe makayapos sa akin. Nakakainis. Agad akong humarap kay Clark ng maramdaman kong gumalaw ito. Dahan dahan itong dumilat ng masilayan ako nito ay agad lumapad ang ngiti nito. "Good morning." Agad ako nitong hinalikan. Hindi na ako magtataka kung may makahuli sa amin dito. "Good morning." Agad na akong tumayo. Nakita ko naman si Caliber na mahimbing na natutulog pati si Zhavia. Nag ayos muna ako ng mukha. Lumabas na si Clark. Hindi ko naman siya pinansin at nag tali muna ng buhok. Napatingin ako ng umiilaw ang cellphone ni Midnight. Merong nag text sa kanya. Bahagya akong napangiti ng makita kong kami ang lock screen niya. Lumabas na ako. May iilan na ring gising at nagkakape na. Hinanap ng mata ko si Clark at nakangiti siya sa akin at may hawak na dalawang baso ng kape. "For you, my beautiful lady." Iniba pa nito ang accent niya na ikinatawa ko naman. "Thank you, handsome." Iniba ko rin ang accent ko na ikinatawa rin niya. "Bakit mo naisipan magpaka President?" tanong ko dito. Tinignan naman ako nito. Nagkatitigan kami. Nginisian muna ako nito tsaka siya sumandal at tumingin sa kung saan. "Ayoko kasing mangyari ulit iyong ipapatawag ka pa. Alam ko naman na hindi mo maiiwasan makipag away lalo na at binabantayan mo si Caliber. Alam mo naman 'yung isang 'yon, palaaway. " Tinuon nito ang tingin sa akin. "Tutulungan kong takpan ang mga gagawin mo atsaka para makasama na rin kita. " Napangiti naman ako sa huli nitong sinabi. "Good morning." Napatingin ako sa may bumati at si Zhavia iyon. "Clark anong oras ang simula ng first activity?" "Mga 6 o 7 kasi kakain pa sila, para makakain sila at hindi tayo magahol sa oras ay gisingin mo na sila ng 5. " Tumango naman si Zhavia. Agad akong napatigil ng hinalikan ni Zhavia sa pisngi si Clark. Magrereact na sana ako ng may mag salita na sa likod ko. "Good morning. Ang aga niyo gumising." Humihikab pa na sabi ni Midnight. Gulo gulo pa ang buhok nito. Sa inis ko kay Clark ay tinalikuran ko na ito. Dun na siya sa Zhavia niya. Lakas ng loob na humalik habang andito ako sa unahan niya. Ang kapal talaga. "May panis na laway ka pa." puna ko dito. Agad itong nataranta at pumasok sa loob ng tent. "Helliana!" rinig kong tawag ni Clark pero hindi ko siya pinansin at sinundan na lang si Midnight sa may loob ng tent namin. "Wala naman ah!" agad na sigaw ni Caliber kapag pasok ko. Tinawanan ko lamang siya at agad na nilapitan. "Tara na, kain na tayo?" Nilahad ko ang kamay ko sa kanya para makatayo siya. Nagulat ito sa ginawa ko at agad na namula. Napaawang pa ang labi niya at namumulang napaiwas ng tingin sa akin. Agad niyang inabot ang kamay niya sa akin at tumayo. Aalisin ko na sana ang kamay niya ng hindi niya yon binitawan kaya nilingon ko siya pero nag iwas lang ito ng tingin. Nagkibit balikat na lang ako tutal naman ang alam ng iba ay mag jowa kami, edi panindigan na namin. Inis pa rin ako sa nakita ko kanina kaya mamatay siya sa selos ngayon. Mula sa bulsa ko ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko pero hindi ko pinansin iyon. Alam kong text siya ng text sa akin at tawag pero bahala siya sa buhay niya. Lumabas kami ng tent at ang iba ay nagsisimula ng kumain. Napalingon sila sa amin pababa sa kamay namin. Agad napatayo si Kean at gulat na napalingon sa aming dalawa. Tinuro pa nito ang magkahawak naming kamay at gulat na gulat. "You two?" Nakita kong nginisian lang siya ni Caliber. Hindi ko naman siya pinansin at tinuon ang pansin kay Clark na masama na ang tingin. Umupo kami sa tapat nila Zhavia at Clark. Talagang mamatay ka sa selos, akala mo. Tignan lang natin kung kaya mong gumawa ng eskandalo ngayon dito. "Anong gusto mo?" Nakatingin ako kay Clark. Napaawang ang labi niya na bahagya kong ikinangisi. "Caliber?" Si Caliber naman ang tinignan ko ngayon. Ngiting ngiti naman si Caliber na tinuro ang gusto niya. Inasikaso ko naman siya. Pasimple akong tumingin kay Clark na ngayon ay nanglilisik na ang mata. Halos hindi na niya ginagalaw ang pagkain niya at pinapanood lang kaming dalawa. Isang plato lang para sa aming dalawa ni Caliber. Nginisian ko naman si Clark at lalong nang asar pa. Sinubuan ko si Caliber at ng may natira pa sa gilid ng labi niya ay dinilaan ko iyon. Namula agad si Caliber sa ginawa ko. Iyong ibang nasa hapag kainan ay halos hindi na kumakain at pinapanood na lang kaming dalawa ni Caliber. "Gusto mo pa?" malambing kong tanong dito. Kinuha nito ang kutsara at tinador sa akin at ako naman ang sinubuan niya. Naramdaman kong may naiwan pa sa may gilid ng labi ko. Natigilan ako ng dinilaan niya iyon at agad dumapo ang labi niya sa labi ko. Narinig ko ang malakas na pag hampas sa lamesa na nagpatigil kay Caliber. Nakatayo na si Clark at nanlilisik na ang mata. Mabilis itong lumapit sa amin at mabilis na sinuntok si Caliber. Napahiga naman sa sahig si Caliber. Agad itong dinaganan ni Clark at pinagsusuntok. Nagsipag tayuan na ang iba para umawat. Si Kean ay hinawakan na si Clark pero malakas itong tinabig ni Clark. Yung epal na Zhavia ay nakisali na rin sa pag awat pero tinabig lang siya ni Clark din. "Stop it, Clark." Bahagyang tumigil si Clark. Tumayo ito at humarap sa akin. Tinulungan nila James at Kean si Caliber na makatayo. Dumugo ang labi ni Caliber sa ginawa ni Clark sa kanya. Napailing naman ako at nilagpasan siya pero agad niyang hinigit ang braso ko. Madiin ang pagkakahawak niya sakin. "f**k Helliana don't come near him. How dare him kissed you. " Bahagyang ngumisi ako at tinabig ang kamay ni Clark sa akin. "Then how dare her kissed you?" malakas ko na ring sigaw. Napatigil naman ito at tinignan si Zhavia na nakaupo dahil sa pagkakahagis ni Clark sa kanya. Napatigil ako ng bigla akong hilahin ni Caliber at niyakap ako patalikod. Lalong nagngitngit sa galit si Clark sa nakita. Nawawala na ito sa control niya, I'm sure. "Don't touch her, she's mine!" malakas na sigaw ni Caliber. Kahit na nanghihina si Caliber ay mahigpit ang yakap nito sa akin. "She's yours? f**k YOU SON OF A b***h DON'T f*****g FOOL ME." Narinig ko ang nakakalokong tawa ni Caliber. Lalo lang nainis si Clark sa ginawa ni Caliber. Kunot na kunot na ang noo nito. "Are you blind? Can't you see? I'm not fooling you. You're fooling yourself. She's your f*****g sister, stop acting as if she's your girlfriend. f*****g incest." Agad nanlaki ang mata ko ng tinutukan ng baril ni Clark si Caliber. Ramdam ko ang gulat ni Caliber sa ginawa ni Clark. Bakit siya nagdala ng baril dito? Yung mga teacher ay nataranta na rin at pinapakalma ang mga estudyante na ngayon ay nagiiritan na rin sa sobrang takot. "Clark ibaba mo yan." Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Mag uusap tayo ng mahinahon." Agad ko itong hinila papasok sa gubat. Ramdam kong sumunod sa amin si Caliber pero hinayaan ko na lang siya na sumunod sa amin. "f**k, Helliana." Kinalas nito ang pagkakahawak sa akin. Tumalikod ito sa akin at ginulo gulo ang buhok niya at sinabunutan ang sarili niya. Pinanood lang kami ni Caliber. Humarap sa akin si Clark at nagulat ako ng hinawakan nito ang mukha ko. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa, nanlalaki ang mata kong tinitigan ang nanlilisik na mata ni Clark. Naramdaman ko ang paglapit sa amin ni Caliber. "DON'T. f*****g. TRY. ME. HELLIANA. " Malakas ako nitong tinabig at napaupo ako sa ginawa nito. Tinalikuran niya ako at naglakad na papalayo. Agad lumapit sa akin si Caliber. Kita ko sa mata niya ang pag aalala. "Are you okay?" Hinawakan nito ang pisngi ko. Tumango ako at mabilis na tumayo kahit na nanginginig na ang tuhod ko. Tumalikod ako sa kanya dahil ayokong makita niya ang pag iyak ako. Agad ako nitong hinila at niyakap ako. Napatigil ako sa ginawa niya sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko. Kung si Clark ang nagpapatahan sa akin ay iba ang gagawin niya. Sasabihin sa akin ni Clark "Stop crying. You're strong. You're not your old self. You're not going to cry anymore." Lagi rin nitong sinasabi sa akin na "Stay strong even when it feels like everything is falling apart." "Just cry. Umiyak ka lang kung gusto mo. Don't hide the pain. Hindi ako titingin, umiyak ka lang." Doon nagsimulang nagtubig ang mata ko. "No. I-i'm a strong person." Agad nitong iniangat ang mukha ko. Tinitigan niya ako. Pinunasan nito ang luha ko. Bahagyang napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ibang iba siya kay Clark. "People cry not because they are weak, but because they have been strong for too long." Bahagyang napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ibang iba siya kay Clark. Iba sila ng pananaw ni Clark. Ang pananaw ni Clark kung matapang ka, wag kang umiyak. Kasi kapag umiyak ka iisipin nilang mahina ka. Kaya kung malakas ka, wag kang umiyak. Umiyak ka lang ng isang beses at kapag tapos non hwag ka ng umiyak kahit kailan. Agad akong ngumiti sa sinabi niya. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Caliber. Yung lalaking walang ibang ginawa kung hindi ang mang asar. Yung napaka pikon din. Mapababae ka man o lalaki ay papatulan ka niya. 'Yung mas pinapagana ang talas ng dila kaya lagi siyang napapaaway. Masakit din siya magsalita. Bumitaw na ako sa kanya at nginitian siya. Inalis ko na ang luha sa mata ko. Nginitian niya na rin ako. Hindi ko inaakala na meron pala siyang side na ganito. Ang dami ko pa ngang hindi alam tungkol sa kanya. "Tara na? Balik na tayo don." Agad akong tumango sa kanya. Nilagay niya sa likod ng tenga ko ang takas na buhok ko. Sabay kaming naglakad pabalik doon. Nakita ko si Clark at ang prof. na nagbabantay samin ngayon. Agad napunta sa akin ang tingin ni Clark pero hindi ko na lang siya pinansin. Biglang lumapit sa akin ang dating Vice President. Kunot noo ko naman itong tinignan. "Tawag kayo ni Prof." Tumango ako at pumunta sa kung nasaan yung Prof na ngayon ay kasama si Clark at nag uusap. Habang papalapit ay naririnig ko ang pinaguusapan nila. "Bakit may dala kang baril? Bago ka pa lang bilang President pero tignan mo ang gulo mong ginawa agad. Wala ka pang napapakita pero nag eskandalo kana agad!" sigaw sa kanya nung Prof. Lumapit na ito sa dalawa. Si Caliber ay tumabi sa kanya. Napalingon naman ang dalawa sa amin. "There you are. Caliber and Clark bakit ba kayo nag away?" Tahimik ang dalawa at parang walang balak sagutin ang tanong. "Helliana?" Tingin naman ng Prof sa akin pero nagkibit balikat lang ako. Bakit ko nman sasabihin? "Isa ka pang babae ka e. Kayong dalawa bago pa lang kayo dito pero ang kung ano ano na ginagawa niyo. Ikaw Helliana diba napatawag ka na sa Dean's Office dahil halos mabulag mo 'yung dalawa. Ngayon naman dalawang lalaki pinag aaway mo. Hoy nandito ka para mag aral hindi para lumandi--" Agad naputol ang sasabihin nito ng sabay na sumigaw si Clark at Caliber. "HOW DARE YOU?!" sigaw ni Caliber. "WHAT'S YOUR NAME, MORON? I'LL f*****g SUE YOU. HOW DARE YOU?!" sigaw naman ni Clark. "Aba't ang babastos!" sigaw nung prof. "Leo Corio." Basa ni Clark sa name tag nito. Agad itong napangisi at lumapit sa prof at may binulong na kung ano dito na ikanatakot nung Prof. "Aalis na kami kung wala ka ng sasabihin at mag aayos pa kami para sa activity mamaya." Takot na napatango ang Prof. Tinapunan ko ng tingin si Clark pero malamig na tingin lang ang ibinigay nito sa akin. Pumasok na kami sa may Tent at nakita namin si Zhavia na nag cecellphone. Napatingin ito sa amin pero agad ring napunta sa cellphone niya ang atensiyon niya. Napatigil ako ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bulsa ko at tinignan kung sino ang nag message. Clark: Let's talk later. I will explain everything to you so you better explain everything to me too. Agad akong nag reply sa kanya. Helliana: Okay. I will. Tatago ko na sana ng agad na nag vibrate ang cellphone ko. Clark: I will kill him. Agad akong kinabahan. Anong ibig niyang sabihin? Papatayin na ba niya si Caliber? Napalingon ako kay Caliber na kunot noong naglalaro ng games. Helliana: Who? Nanginginig pa ako nung tinype ko iyon. Ano bang nangyayari sa akin? Alam ko naman na darating ang araw na papatayin ko rin si Caliber. Kung ngayon ito mamamatay, tapos na ang misyon ko at makakabalik na ako kay Clark tulad ng gusto ko. Ito 'yung gusto ko pero bakit naiisip ko pa lang nasasaktan na ako? Nagvibrate ulit ang cellphone ko. Nanginginig akong binuksan ang message ni Clark. Clark: Leo Clorio. Sinabihan ka niyang malandi I will kill him I'll swear to God. Agad akong nakahinga ng malalim ng mabasa ang message niya. Napalingon ako kay Caliber na ngayon ay napipikon na habang naglalaro. Bahagya akong napangiti. This boy. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD