CHAPTER 14

3012 Words
Third Person's POV Agad bumukas ang Tent nila at dumungaw doon ang dating Vice President. Napalingon naman silang tatlo dito. "Magready na kayo, magsisimula na ang first activity. Zhavia tawag ka ni Prof." Tumango naman si Zhavia at mabilis na lumabas. Nagkatinginan naman sila Caliber at Helliana at sabay ng lumabas. *** Agad lumapit si Zhavia sa Prof. Nakita nitong kasama nito si Clark kaya agad na lumapad ang ngiti nito. "Yes Prof?" nakangiting tanong nito. Nginitian naman ni Zhavia si Clark pero hindi niya ito pinansin at nag text sa cellphone. "As Former President pwede bang ikaw muna ang mamahala ngayon habang wala si Clark?" Agad ulit napadako ang tingin nito sa nakakunot na noo na si Clark. "Saan siya pupunta, Prof?" Malakas na bumuntong ang Prof. Takot ang nararamdaman nito sa katabi niya kaya wala itong magawa at sundin ang gusto nito. "May importante siyang aasikasuhin, mamaya ang alis niya. Maiwan ko muna kayo." Tumango si Zhavia at tumabi kay Clark. Bahagya itong sumilip sa cellphone ni Clark pero tinalikuran lang ni Clark si Zhavia at hindi pinansin. Mapait na napangiti si Zhavia. Napadako ang tingin ni Zhavia kila Caliber at Helliana na ngayon ay kausap sila Kean at James. Matalim na tumingin si Zhavia kay Helliana. Meron na siyang Clark, meron pa siyang Caliber. *** "Oh bakit ba kasi galit na galit sayo 'yang si Clark sayo?" tanong ni Kean kay Caliber. Iritang napatingin naman si Caliber kay Kean ng maalala na naman niya kung paano siya sinuntok ni Clark kanina. Ang sakit pa rin ng labi niya hanggang ngayon. Ang iniingatan niyang mukha ay nagalusan dahil sa Clark na 'yon. "Hindi ko alam sa kanya!" malakas na sigaw ni Caliber. Napailing naman ang dalawa niyang kaibigan at bahagyang napalingon kay Helliana na ngayon ay nakaupo habang nag pipipindot sa cellphone. "Hindi pa nga kayo ni Helliana pero ayaw na agad sayo ng kapatid niya." mahinang bulong ni Kean para hindi marinig ni Helliana. Napagulo naman ng buhok si Caliber. Naisip niyang may point nga ang kaibigan niya. Hindi pa nga sila ni Helliana ay ayaw na agad sa kanya ni Clark. Galit ba ito dahil naasar siya kay Caliber? Agad hinila ni Caliber ang dalawa palayo kay Helliana para hindi nito marinig ang pag uusapan nila. Napatingin naman sa kanila si Helliana pero hindi naman ito nagtanong at balik sa cellphone ang atensyon. "Yun na nga e. Hindi pa kami ni Helliana pero ayaw na agad sa akin. Anong gagawin ko?" problemadong tanong ni Caliber. Nag isip naman si Kean para matulungan ang kaibigan habang si James ay napailing na lang. "Siguro dapat maging mabait ka kahit konti lang." kumunot naman ang noo nito sa sinabi ni Kean. "Bakit? Mabait naman ako, ah? Sinasabi mo bang hindi ako mabait?" inis na tanong nito. Napailing naman si Kean. Sumasakit ang ulo nito sa kaibigan niya. "Oo, hindi ka mabait kaya maging mabait ka kahit kay Clark lang. Wag mong kontrahin ang sinasabi nito at sumang ayon ka na lang, malay mo tulungan ka pa non. Mas kilala non si Helliana kaya alam niya mga gusto ni Helliana, diba?" Napaliwanag ang mukha ni Caliber. Tama ang kanyang kaibigan. Agad pinatahimik ni Caliber si Kean ng makitang papunta si Helliana sa pwesto nila. "Mag uumpisa na daw." nakangiting tumango naman si Caliber kay Helliana. Napatingin naman ito sa dalawa pero agad natigilan si Caliber ng mapansin ang masamang tingin ni James kay Helliana. "James?" Nawala ang tingin ni James kay Helliana at napalingon kay Caliber. "Bakit?" walang emosyong tanong nito. Napailing na lang si Caliber at pinasawalang bahala ang masamang tingin ni James kay Helliana. Dumaan si James kay Helliana at agad tumigil at may binulong dito. "Alam ko ang lahat. Stop fooling us, I'll swear if you hurt Caliber I will kill you." bahagyang napangisi si Helliana ng marinig ang bulong nito. Lalagpasan na sana siya ni James ng hinawakan ni Helliana ang balikat nito na nagpatigil sa kanya. "You know everything? I advice you to stay away from this." babalang sabi ni Helliana. Galit na humarap si James kay Helliana. "Stay away from this? You will f*****g hurt my friend! Pano ko magagawa yon kung alam kong nasa panganib ang kaibigan ko?" galit na bulong nito kay Helliana. "It's none of your business." Inangat nito ang kamay niya pero nakita niya ang titig na titig na si Caliber kaya agad nitong binaba ang kamay at tumalikod. "Janna." Napatigil ito ng marinig ang pangalan ng kapatid niya. "Jane." Napaharap ito ng sabihin naman nito ang pangalan ng ina niya. "And Jacob." Mabilis itong lumapit kay Helliana ng marinig ang pangalan ng ama. "I'm a fire don't touch me if you're scared to burn." sabi ni Helliana bago muling pumunta sa pwesto nila Caliber na nakatitig sa kanila. Si James ay hindi nakagalaw at tinanaw ang nakatalikod na si Helliana. Agad lumapit si Helliana kila Caliber na ngayon ay nakakunot ang noo. Halata mo ang pagtataka sa mukha nito. "Anong pinag usapan niyo?" agad na tanong ni Caliber. "Bakit gusto mong malaman?" tanong ni Helliana ng nakangiti. Napakamot naman ng ulo ni Caliber. "Una na ako don, Caliber at Helliana." tumango naman sila parehas kay Kean. Mabilis na umalis si Kean at pinuntahan ang tulalang si James. "Bakit parang galit sayo si James? Anong ginawa mo don?" Tinawanan lang ni Helliana ang tanong at agad hinila si Caliber. May hawak na mic si Zhavia habang ang mgas estudyante ay nanood at hinihintay ang sasaribihin nito. "Ngayon wala ang bago nating President dahil may mas importante pa siyang gagawin. Kaya ngayon ako muna ang pansamantalang mag aayos sa inyo. Ngayon ang first activity natin ay itatali ang tag isa niyong paa, kaya kailangan ng matindihang pakikipag cooperation dito. Paunahan kayo hanggang finish line. Whoever win, you will name your price hanggang kaya naming ibigan ay ibibigay namin. So goodluck!" Agad kumilos ang mga officer member at tinali na ang tag isang pares. Nag umpisa na ang karera. Hinintay namin ang pagkakataon namin. "Kailangan nating manalo." bored na tumingin si Helliana kay Caliber. Wala itong planong paghirapan itong activity na 'to at manalo dahil wala naman itong gusto. "Bakit?" tumingin si Caliber sa kanya. "Kasi may gusto akong makuha." bahagyang napakunot ang noo ni Helliana. "Ano naman yon?" Agad umiwas ang tingin ni Caliber at napunta ito sa mga naglalaro. "Mali ang tanong mo." Agad humarap si Caliber sa nakakunot ang noong si Helliana. Nagtataka ito kung ano ang ibig sabihin ni Caliber. "Dapat ang tanong mo, sino." Bahagyang napaawang ang labi ni Helliana sa sinabi ni Caliber. "Then who?" bahagyang ngumiti si Caliber sa kanya. Kakaiba ang ngiti nito. 'Yung ngiti nitong si Helliana pa lang ang nakakagawa. Hindi yung ngiting mapang asar. "It's a secret." Tumango na lang si Helliana dahil sila na ang susunod na maglalaro. Kung sino ang mananalo ngayon ay siyang makikipag laban sa mga nanalong iba at kung sino ang nanalo siya na ang pinakapanalo. "Ready. Set. Go." Medyo nahirapan silang dalawa ni Midnight at Helliana dahil sabay silang nauuna. Magkahawak sila sa bewang ng isa't isa habang pilit na naglalakad. "Ako muna bago ikaw, maliwanag ba? Kung gusto mo manalo ayusan mo." Tumango si Caliber at sinunod ang sinabi ni Helliana. Maayos na ang paglalakad nila. "Faster baby." Bahagyang natigilan si Helliana pero agad din itong nagpatuloy at binilisan. Napailing si Helliana ng makita na tinalisod ni Caliber ang katabi naming partner. Mas binilisan nila ang lakad ng malapit na ang finish line at ng marating nila iyon ay malakas na tumawa si Caliber. Agad inalis ang naka tali sa paa nila. Natigilan ulit si Helliana ng binuhat ito ni Caliber at tumatawang tinignan siya, mas lalong nagulat si Helliana ng binaba siya ni Caliber at hinalikan sa may noo. "Nanalo tayo." nakangiting sabi ni Caliber. Napalunok si Helliana habang tinitignan si Caliber. Tumatawa ito. Agad lumapit sila Kean at James pero ang tingin pa rin nito ay nakay Caliber na malapad ng ngiti. Kitang kita ang mapuputi nitong ngipin sa sobrang lapad ng ngiti nito. Agad bumalik sa reyalidad si Helliana at nakitang nagtataka si Caliber habang nakahawak sa balikat niya at niyuyugyog siya. "Okay ka lang, Helliana? Bakit hindi ka nagsasalita? Anong nangyayari sayo? Hoy!" Napatikhim ito at bahagyang lumayo kay Caliber. Mabilis ang pagtibok ng puso niya. "Ah oo. Nanalo tayo. Uhm dun muna ako sa may tent." Hindi na nito hinintay ang sagot niya at mabilis ng naglakad palayo sa kanila habang sapo nito ang puso niya. Hindi niya alam kung bakit sa simpleng pagtawa lang ni Caliber ay grabe na ang epekto sa kanya. Grabe na ang t***k ng puso niya. Natatakot siya. Hindi niya kayang makontrol ang damdamin niya at kusa itong tumitibok ng mabilis pagdating kay Caliber na ikinainis niya. Hindi tumitibok ng ganon ang puso niya kapag si Clark ang kasama niya. Hindi nagugulo ang sistema niya hindi tulad ngayon. Natatakot siyang mahulog ang loob kay Caliber dahil malaki ang magiging kapalit nito at lalong hindi matutuwa si Clark. Hindi niya kayang traydurin ang lalaking nagbigay ng bagong buhay sa kanya, ang nag alay ng buhay sa kanya at ang nag turo dito pano lumaban at maging malakas May gusto na siya kay Caliber alam niya 'yon, nararamdaman niya dahil iba na ang epekto sa kanya ng binata pero hanggang maaga ay gusto na niyang alisin iyon dahil malaking problema ang mangyayari kung sakaling magpatuloy at lumalim pa iyon. "Hindi ka ba mag papaalam sakin bago ako umalis?" napalingon ito sa nagsalita. Si Clark iyon na nakasandal sa may puno at seryosong nakatingin sa kanya. "San ka pupunta?" Lumapit si Clark sa kanya at pinatitigan ang mata niya. Bahagya itong umiwas at binaling sa iba ang tingin. "May importante akong aayusin." Napatango naman si Helliana. "Why are you avoiding my eyes?" Malalim na bumuntong hininga si Helliana bago tinitigan si Clark. "I'm not. May tinitignan lang akong iba." Bahagya lumayo si Clark sa kanya. "It's your first time." Bahagyang kumunot ang noo nito. "What?" "It's your first time lying to me." As I expected. Kilalang kilala na niya ako. Alam niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo at kailan nagsisinungaling. "Why are you lying?" Dahan dahan itong lumapit sa kanya. Napatikhim ito at matapang na hinarap ang seryoso nitong mata. Ang mga mata nito ay parang binabasa ang nasa isip nito. "I'm not lying. Bakit naman ako magsisinungaling sayo?" Nakangiti niyang sabi dito at niyakap ito. Naramdaman niya ang pagyakap nito pabalik. "Mag ingat ka don, okay?" Tiningala ni Helliana si Clark at mabilis na hinalikan sa labi. "Gusto mo na ba matapos ang mission mo?" Sa tanong ni Clark ay agad na natigilan si Helliana at napatitig sa mata ng binata. Hindi agad ito nakasagot kaya mahabang katahimikan ang namalagi sa kanila. Eto ang kailangan ni Helliana ang matapos na ang mission para makabalik na siya sa normal niyang buhay at makabalik na rin kay Clark. Eto ang kailangan niya pero hindi iyon ang gusto niya. Gusto pa niyang makasama si Caliber. "Oo naman para makabalik na ako sayo." Nakangiti nitong sabi pero sa likod nito ay ang malungkot na Helliana. No, ayoko pa. Ayoko pang matapos ang mission ko. Gusto ko pang makasama si Caliber. Mas makilala. Gusto niya 'yang isagot pero hindi niya kaya, wala siyang lakas ng loob. "I'm sorry baby kung nahihirapan ka sa mission na pinapagawa ko sayo. But don't worry malapit ng matapos ang mission mo." At hinalikan siya nito sa noo. Nang sabihin ni Clark ang salitang baby ang pumasok sa isip nito ay si Caliber. Hindi maalis sa isip nito ang pagtawag ni Caliber sa kanyang baby. "That's good to hear. Mauna na ako ha baka hinahanap na ako doon. Mag iingat ka sa byahe." Agad na itong tumalikod dahil hindi na nito kayang magsinungaling pa. She can't betray him. She won't. Habang tinatanaw ni Clark ang papalayong si Helliana ay agad itong ngumisi ng mala demonyo. "Oh baby, I love listening to lies when I know the truth." Agad ng tumalikod si Clark at pumunta kung saan naroon ang helicopter na sasakyan niya paalis sa  Z forest. "Bye Zhavia." Nakangisi nitong sabi ng makita ang dalaga na nakatitig sa kanya. *** "Saan ka nanggaling? Akala ko ba pupunta ka ng tent pero nung pinuntahan kita don wala ka." Agad na salubong sa kanya ni Caliber. Ngumiti naman ito sa kanya. "Wala lang diyan lang, nagpahangin." Hindi na nagtanong ulit si Caliber ng agad na silang tinawag dahil mag uumpisa na ang laban nila. Nang nakaposisyon na silang lahat. Medyo nagtaka pa sila ng hindi si Zhavia ang nag host ng final first activity nila. "Do you really want to win?" agad na tanong ni Helliana kay Caliber. "Yes." Bahagyang ngumisi si Helliana. Kung gusto ni Caliber na manalo, kailangan namin manalo kahit anong mangyari. Kahit na maglaro siya ng madumi, makuha lang ni Caliber ang gusto niya. "Ready. Set. Go." At agad na silang mabilis na naglakad. Napatingin si Helliana ng makita si Kean at James na hinaharangan ang iba at pinapauna sila. Nag thumbs up naman si Kean sa kanila. Mabilis silang naglakad papunta sa may finish line. Naramdaman ni Helliana na may nakasunod na sa kanila kaya mas binilisan pa nila ang lakad pero mauunahan na sila nito kaya walang nagawa si Helliana kung hindi pasimple itong talisudin. Naramdaman nito na hahawakan sana ng babae ang paa niya kaya agad niyang iniwas at mabilis na pumunta sa finish line. "Congratulation Caliber Midnight Rios and Helliana Gwyneth Denver. So anong gusto niyong prize." Agad na pumunta ang bagong host sa kanila. "Siya muna." Turo ni Caliber sa kanya. "Gusto ko ng isang araw na pahinga." Mabilis na sagot ni Helliana dahil hindi naman ito sanay sa ganitong klseng laro. Mas sanay siya sa mga adventure. "How about you?" baling naman nito kay Caliber. "Ieemail ko sa inyo." tanging sagot ni Caliber at tinalikuran na at pinuntahan sila Kean at James. Curious na sumunod naman si Helliana. Gusto nitong malaman kung ano ang prize na gusto nito at gustong gusto niyang manalo. "Thanks bro." Nag fist bump silang tatlo. "Kain na tayo?" yaya ni Kean na kaagad nilang sinang ayunan dahil nagugutom na rin naman talaga sila. "Caliber," Napalingon si Caliber kay Helliana ng tinawag nito ang pangalan niya. "Bakit?" taka nitong tanong at hinawakan pa ang balikat niya para mapabilis ang lakad nito. "Ano yung hihilingin mo sa kanila?" Napangiti naman si Caliber. Eto na naman siya sa ngiti niyang kita ang ngipin niyang maputi na nakakapag patibok sa puso ni Helliana. "Yun ba? Malalaman mo rin." Naupo na sila sa upuan at humarap sa hapag. Natigil si Helliana ng nilagyan ni Caliber ng kanin ang plato niya. "Okay na ba yan sayo?" Masamang tinignan ni Helliana si Caliber dahil halos matapos na ang kanin sa plato niya sa sobrang dami nitong nilagay. "Ano ba tingin mo sakin? Baboy? Halos mapuno na yung plato sa sobrang dami mong kanin na nilagay sa akin. Gusto mo ata akong tumaba." inis na sabi ni Helliana. Napanguso naman si Caliber at binawasan ng isang sandok. Mas sumama ang tingin ni Helliana dito. "Eto naman hindi mabiro." Nagtira ito ng tamang dami ng kanin sa plato ng dalaga kaya nawala na ang masamang tingin ni Helliana sa kanya. "Anong gusto mong ulam?" tanong ni Caliber. Tinuro naman ni Helliana ang gusto nitong ulam. Nilagyan naman siya ni Caliber sa may plato. Nang matapos ay kumuha pa ito ng tubig at pinaglagyan si Helliana sa may baso. Ang iba doon ay nakatitig lang sa ginagawa ni Caliber. Naninibago sila dahil ang madalas na ginagawa ni Caliber noon ay ang painitin ang ulo ng mga prof at pasigawin hanggang sa mamula na sa galit. Malakas din itong mang asar ng kaklase at tapunan ng masasakit na salita pero ang nakikita nila ngayon ay ang maalagang si Caliber. Ang iba ay kinikilig at ang iba ay puno naman ng selos. Sabay na kumain sila Helliana at Caliber at hindi pinansin ang mga matang nakatingin sa kanila. Nang matapos sila ay bumalik sila sa may tent, sumunod naman ang dalawang kaibigan ni Caliber. "Mid pahiram naman ng cellphone." Agad na bungad ni Kean pagpasok sa tent nila. Inis na binigay ni Caliber ang cellphone sa kaibigan at hindi na nagtanong kung saan pag gagamigan dahil sanay na ito dito. Si James ay may sariling mundo na nag cecellphone at ganon din si Helliana. Habang si Caliber ay naglalaro sa PSP niya. Pasimpleng kinalabit ni Kean si James. "Tignan mo 'to." Nilapit ni Kean ang Cellphone ni Caliber kay James ng makita ang puro mukha ni Helliana sa gallery ng kaibigan. "f**k he's creeping me out." Natatawang sabi ni Kean habang tinitignan ang picture ni Helliana sa cellphone. Nang malaman ni Caliber na nag momodel ito ay kaagad na sinearch niya ito at pinanood ang mga interview at kung ano ano pa. Pinag sasave rin nito ang picture ni Helliana. "Model ka pala dati." Napalingon si Helliana ng biglang magsalita si James. "Yeah." tanging sagot nito at bumaling ulit sa cellphone. Bumaling naman si Caliber at agad na kinuha ang cellphone kay Kean. "Akin na nga yan kung ano ano na ginagawa niyo." Bahagyang namula ang pisngi ni Caliber dahil  alam niyang nakita ng kaibigan ang mga picture ni Helliana na halos umabot ng 2k+ dahil halos lahat sinave niya sa cellphone niya. "Nako Caliber nakita na namin. Nakakakilabot ka, bro." Sinamaan naman ng tingin ni Caliber si Kean. "BTW ano pala yung hihilingin mo?" tanong ni James. Agad nitong naalala na mag eemail pala siya sa host para malaman kung anong gusto niya. "Basta malalaman niyo rin." Agad na nagtype si Caliber para ipaayos ang lahat ng kailangan niya para bukas ng gabi. "Ayaw pang sabihin e." inis na sabi ni Kean Sinamaan naman ni Caliber ng tingin si Kean. "Malalaman mo rin naman e, hindi ka makapag hintay." iritang sabi ni Caliber. "Bulong mo sa akin ngayon na!" irita ring sagot ni Kean Inirapan na lang siya ni Caliber at hindi na pinansin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD