Naisipan nilang lahat na mag bonfire dahil bukas ay wala silang gagawin at puro pahinga kaya pwedeng mahaba ang tulog nila dahil sa request ni Helliana na isang araw na pahinga.
Kanyang kanyang kain sila at kwentuhan, meron pang nainom ng wine at kung ano ano pa.
"So Caliber and Helliana," sabay na napalingon si Caliber at Helliana sa nagsalita. Pati ang iba ay natuon na rin ang atensyon dito.
"The Great Caliber Midnight Rios and The Model Helliana Gwyneth Denver is dating?" tanong ng isang kaklase nila. Agad namula si Caliber at walang pakielam na tinignan lang naman siya ni Helliana. Para kay Helliana ay hindi naman big deal iyon. Ayaw na lang niyang magsalita, bahala sila sa kung ano ang gusto nilang isipin.
"Omyghod nagblush siya!" Kinikilig na sabi ng ibang babae.
"N-not yet." Nahihiyang sagot ni Caliber.
Bahagyang napalingon si Helliana sa kanya. Marunong pala itong mahiya. Para kasing walang hiya ito, e. Dahil maputi si Caliber kitang kita ang pamumula nito, dahil na rin sa liwanag na nanggagaling sa apoy ay nakita nila ang pamumula ng pisngi ni Caliber.
"Not yet? Pero bakit mo sinabing girlfriend mo si Helliana?" tanong nung lalaki.
Mukhang hindi natuwa si Caliber sa tanong nito kaya naman nag iba ang aura nito. Ang kaninang nahihiya ay kumunot ang noo.
"Ano bang pakielam mo?! Inggit ka?!" malakas na sigaw ni Caliber.
Agad nanguna ang tawa ni Kean habang sila Helliana at James ay sabay na napailing. Basta sa kalokohan ay mangunguna si Kean sa tawa.
"Chill, Caliber." nakangising sabi nung lalaki.
"Hindi naman kayo, so may pag asa pa kami kay Helliana, right boys?"
Agad naghiyawan ang mga lalaki. Nakangisi namang tinignan ni Caliber yung lalaki.
Si Kean ay hindi na tumatawa. Pinipigilan na ni Kean si Caliber bago pa ito gumawa ng gulo.
"You want a fight?" Maangas na tanong ni Caliber habang pinipigilan ni Kean.
Nanonood naman si Helliana. Napapailing na lang ito dahil alam niyang in the end, hihingi at hihingi si Caliber ng tulong sa kanya. Tinignan nung lalaki si Caliber mula ulo hanggang paa. Halatang nang aasar ito sa bawat tingin nito kay Caliber.
"No, masyado kang mahina. Sayang sa oras. Baka isang tabig ko lang sayo tumalsik ka." Agad nagtawanan ang mga lalaking tropa niya.
"Ah yeah, you're right. " Lalong nagtawanan ang mga lalaki. Si Caliber ay ngumisi at siya naman ang tumingin sa lalaki mula ulo hanggang paa. Parang nandidiri pa ang tingin nito.
"Sa taba mo ba namang 'yan, malamang tatalsik ako. Wala ba kayong gym sa bahay? Uso mag gym." Agad tumawa si Caliber. "Oh sorry I forgot hindi niyo nga pala afford."
Si Kean at James naman ang tumawa pati ang ibang nanonood. Matalim ang tingin ng lalaki dito at akmang susugurin na ng suntok ng hinawakan ni Helliana ang kamao nito.
"Oh my goddess." Nakangiting sabi nung lalaki habang hawak ni Helliana ang kamao niya. Napairap naman si Helliana. Nandidiri niya itong tinignan.
"Goddess my ass." Agad natahimik ang lahat ng sinuntok ni Helliana ang bunganga nung lalaki.
Agad nawalan ng malay ang lalaki na lalong nagpatahimik sa kanila. Lalo na ng makita nilang dumugo ang bunganga nito at meron pang natanggal na ngipin sa harap. Yung mga lalaking nasa likod nung lalaki kanina ay nawala bigla.
"Isang suntok ko lang, tulog kana agad." Duguan ang bibig nito. Halos lahat sila tahimik at natakot.
Agad sinipa ni Caliber yung lalaki.
"Hah! Yan ang napapalo mo." Napailing na lang si Helliana sa inasal ni Caliber.
"Omyghad why did you do that? Hindi mo daw sinusuntok ng ganon ang mga lalaki." May mga lumapit kay Helliana at tinignan ang namumulang kamay nito.
Bahagyang kumunot ang noo ni Helliana pero hindi na lang sila pinansin.
Agad napatigil si Caliber ng may mag text sa kanya na agad niyang ikinangisi.
"Tabi nga may gagawin kami ni Helliana." Bahagyang tinabig ni Caliber ang mga babae. Iyong iba ay natawa na lang, sanay na sila kay Caliber kaya yung mga sinasabi nito ay wala ng epekto sa kanila. Alam na kasi nilang spoiled brat si Caliber at hindi uso dito ang makipag plastikan. Kung ayaw niya sayo, sasabihin niya agad at hindi lang 'yon, lalaitin ka pa niya.
"Ohhh anong gagawin niyo?" Nauna sa panunukso si Kean at sumabay naman yung iba.
"Kayo haaa."
"Yieeee."
"Ang bata niyo pa ha."
Tinaas lang ni Caliber ang middle finger niya. Nagsimula ng maglakad si Helliana at hindi sila pinansin. Agad sumunod si Caliber sa kanya at pinigilan.
"Teka Helliana," taka naman itong tinignan ni Helliana. Hindi nito maintindihan kung ano ba ang gustong ipahiwatig ni Caliber sa kanya. Hindi niya rin alam kung ano bang sinasabi niyang gagawin nila kuno.
"Tumalikod ka." Kahit nagtataka ay sinunod nito ang utos niya at tumalikod. Kapag talikod niya ay agad siyang piniringan ni Caliber kaya mas lalo itong nagtaka.
"Mapapatay kita Caliber kapag ako nauntog sa pinaggagawa mo." Napatawa naman si Caliber sa banta ni Helliana. Hinawakan ni Caliber ang balikat niya at nagsimulang maglakad.
Malakas ang t***k ng puso ni Helliana. Kinakabahan siya na naeexcite. Hindi niya alam kung ano ba ang ipapakita sa kanya ni Caliber. Pinapakiramdaman lang niya ang paligid. Alam naman niyang kahit nakapiring siya ay kaya niya ang sarili niya dahil malakas ang pakiramdam nito.
Naramdaman nito ang dahan dahang pag atras ni Caliber at ang paghila ng nakapiring sa kanya. Nakita niyang may nakaset up doon na lamesa at may mga design pa iyon. May mga ilaw na nakapalibot doon at meron ding nakasabit sa mga puno. Sa dinaanan niya kanina ay puno ng rose petals at sa gilid nun ay may mga kandila at meron pang ilaw.
Ang nakalagay sa may lamesa ay kandila at dalawang plato, kutsara, tinidor at kutsilyo.
Natigil si Helliana sa nakita. Hindi niya alam kung bakit ginagawa ito ni Caliber. Agad lumapit si Caliber sa kanya at naka tuxedo na ito at nakalahad ang kamay niya sa kanya.
Kumalabog ang kanyang puso. Ang lakas ang t***k nito. Hindi niya alam kung matutuwa siya o matatakot. Hindi pwedeng mahulog siya sa sarili niyang patibong.
Nakatitig si Caliber at hinihintay ang pag abot ng kamay nito sa kanya. Napalunok ito at dahan dahang tinanggap ang kamay ni Caliber.
Inurong ni Caliber ang silya at pinaupo don si Helliana. Umupo siya sa tapat nito at mabilis na pumitik. Nagsipag halera ang halos nasa 20 na waiter at may hawak na mga ibat ibang putahe ng pagkain.
Isa isang lumapit ang waiter at nilalagyan sila sa plate.
Ito ba yung hiniling niya? Pina set up niya lahat ng ito? Alam na ni Helliana kung saan patungo ito. Nagtatalo ang isip niya kung pipigilan niya o hahayaan si Caliber sa ginagawa niya. Hindi niya rin alam sa sarili niya dahil hindi siya maka tanggi kay Caliber.
"Caliber..." Nakangiting humarap si Caliber sa kanya.
'Yan na naman ito sa ngiti niya. Sa bawat pag ngiti nito ay kumikislap pa ang mata niya.
"Yes, Helliana?" Napalunok ito. Parang nanuyo ang lalamunan at hindi alam ang sasabihin kay Caliber. Tumitig na lang ito sa nakangiting si Caliber. Pinakiramdaman niya ang sarili at grabe ang bilis ng t***k ng puso niya, parang may giyera sa loob nito sa sobrang bilis.
"Let's eat?" Bahagyang napangiti si Helliana at agad tumango. Nagsimula na silang kumain at sa kalagitnaan ng pagkain ay tumayo si Caliber. May dalawang dumating at may dala silang upuan at gitara. Kinuha naman ni Caliber iyon at naupo sa may upuan.
Tumigil sa pagkain si Helliana at pinanood siya. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Ito ang first time na may gumawa sa kanya nito. Si Clark never siyang pinag effortan ng ganito, madalas ay nagpapareserve lang ito sa restaurant.
Naiintindihan naman niya kung bakit hindi makagawa ng ganito si Clark. Alam niya at nakikita kung gaano ka busy si Clark pero kahit ganon ay gumagawa ito ng paraan para makasama pa rin siya, kaya hindi na rin siya humihiling ng ganitong bagay. Hindi niya rin ieneexpect na dadating yung araw na mararanasan niya ito. Mararanasan niya sa ibang lalaki.
I do swear that I'll always be there
I'd give anything and everything and I will always care
Through weakness and strength
Happiness and sorrow
For better, for worse
I will love you with every beat of my heart
Parang nakikipag karerahan ang puso niya sa sobrang bilis ng t***k nito. Habang kumakanta si Caliber ay titig na titig ito kay Helliana na para bang ito lang ang tao sa mundo. Parang nakaka hypnotized ang titig ni Caliber sa kanya.
From this moment, life has begun
From this moment, you are the one
Right beside you is where I belong
From this moment on
From this moment, I have been blessed
I live only for your happiness
And for your love, I'd give my last breath
From this moment on
I give my hand to you with all my heart
I can't wait to live my life with you, I can't wait to start
You and I will never be apart
My dreams came true because of you
From this moment as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing I wouldn't give
From this moment on, oh
You're the reason I believe in love
And you're the answer to my prayers from up above
All we need is just the two of us
My dreams came true because of you
From this moment as long as I live
I will love you, I promise you this
There is nothing I wouldn't give
From this moment
I will love you as long as I live
From this moment on
Binaba ni Caliber ang kanyang gitara at dahan dahang lumapit kay Helliana. Hindi alam nito kung saan nakuha ni Caliber ang bouquet. Agad binigay ni Caliber ang bouquet of flowers sa kanya at hindi niya alam pero nakangiti niyang tinanggap iyon. Tinayo siya ni Caliber at pinakatitigan.
"Nung una kitang nakilala, naiinis ako sayo. Naiinis ako kasi ginugulo mo ang buong sistema ko. Naiinis ako kasi isang ngiti mo lang, napapasunod mo ako na parang alipin mo ako. Isang tawa mo lang, wala na galit ko. Anong ginawa mo sakin?" Napaawang ang labi ni Helliana habang titig na titig kay Caliber.
Nagsimulang magkaroon ng background music. Hindi niya alam kung saan iyon nanggaling.
"Your smile," tinignan ni Caliber ang labi nito na nagpalunok sa kanya. "Your eyes, " napunta na ang tingin nito sa mata nito. Kumikislap ang mata nito at kita mo ang senseridad nito. "The way you laugh. The way you talk. The way you walk. I could stare at you forever."
"Alam mo bang sobrang nasaktan ako nung sinabi mong kaya mo lang ako niligtas ay dahil bodyguard kita. Kumikirot ang puso ko. Parang dinudurog but f**k lahat ng sakit na naramdaman ko nung gabing yon nawala agad nung makita kita. "
"Grabe ang ginawa mo sa'kin. Makita lang kita sobrang gulo na ng buo kong sistema. Nung hindi mo ako kinakausap para akong baliw. Hindi ko alam kung anong ginawa ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako. Hindi ko kayang hindi mo ako pansinin o kausapin man lang. Dapat lagi mo akong pansinin. Dapat lagi mo akong kausapin. Dapat laging ako lang. Ako lang!"
"I remember how your smile used to make me smile wishing that I could keep it forever. You know everytime I hear your name, napapalingon agad ako. Everytime I see you, sobrang gulo na ng sistema ko. Yung puso ko parang lalabas na sa sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Everytime I think of you, I can't help but smile and think of you. "
"Being with you makes me forget about everything wrong with my life and like any problem I have doesn't matter and like everything might be okay."
"I realized I was thinking of you and I began to wonder how long you'd been on my mind. Then it occured to me. Since I met you, you've never left. I fell in love with you I don't know how, I don't know why. I just did."
Napaawang lalo ang labi ni Helliana. Pakiramdam nito ay walang Clark na nag eexist at walang mission tanging silang dalawa lang ni Caliber. Bawat kataga na sinasabi ni Caliber ang nagpapalambot ng puso niya.
"I just can't put in words how in love with you I am. You are so beautiful and amazing ang breathtaking just like a galaxy. You're that one girl I had feeling since I first met you."
"It's just I look at you and I see the kind of person I want to share my life with and I know I probably sound crazy but I've never been able to look at someone the way I look at you. You have no idea how much I like you. How much you make me smile, how much I love talking to you, or how much I wish you were mine. "
"You're probably the best thing that will ever happen to me. And I hope you keep happening to me for a really long time. "
Napalunok si Helliana at binuka ang bibig. Nanginginig ang tuhod niya, nanlalambot. Ngayon lang siya nanghina ng ganito. Hindi niya alam kung anong sasabihin.
"W-why me?" halos pabulong na tanong ni Helliana.
"I didn't choose to love you. It's just happened that I fall for you."
Agad itong natigilan ng may nahuhulog mula sa langit na rose petals. Agad napalingon si Helliana sa kalangitan at may helicopter doon at may dalawang tao na nag hahagis ng rose petals sa kanila.
"I'm in love with you and it's scaring me. I don't want this feeling to fade. I want you to be happy but I want you to be happy with me."
Muli itong napalingon sa kalangitan ng may narinig na putok. Sa kalangitan ay may nakasulat na. "I LOVE YOU HELLIANA. I WILL COURT YOU."
Bahagya itong napatawa sa nakasulat. Diba dapat ang tanong doon ay "CAN I COURT YOU?"
"Hindi na kita tatanungin kung papayag ka o hindi sa panliligaw ko sayo. Kasi kahit pumayag ka o hindi araw araw kitang liligawan."
Hindi alam ni Helliana ang isasagot niya kay Caliber. Alam niya na. Alam niya sa sarili niyang gusto niya ito pero natatakot siya. Pano kung dumating ang oras na ipapapatay na siya ni Clark? Gusto niyang mawala na ang nararamdaman niya. Gusto niyang ipatianod na lang iyon sa hangin at ilayo sa kanya. Pero hindi hinabol niya ang hangin na may hawak ng damdamin niya para kay Caliber at sa pag habol niyang yon hindi niya namalayang nahulog na siya. Hulog na hulog na, hindi na niya kaya pang bumangon ulit. Pero habang nahuhulog siya ang kadena sa leeg niya ay andoon pa rin. Hindi siya makawala sa pagkakatali niya, hindi niya rin alam kung makakawala pa ba siya. Alam niyang hindi niya hawak ang buhay niya, kahit na buhay niya ito, si Clark pa rin ang masusunod.
"Bigyan mo pa ako ng panahon, Caliber."
Iba ang inaasahan nitong reaksyon ni Caliber. Akala niya ay magagalit si Caliber at pagpipilitan pero hindi. Ngumiti si Caliber.
"Gusto kong gustuhin mo rin ako sa natural na paraan, hindi yung pilit. Gusto kong magkagusto ka sa akin hindi dahil gusto kita, kundi dahil gusto mo ako. I hate waiting but if waiting means being able to be with you. I'll wait as long as forever to be with you."
Kapag kasabi niya non ay mahabang katahimikan ang namalagi sa dalawa. Alam ni Caliber na nag iisip si Helliana kaya hinayaan niya lang ito at naupo sa may nakalatag doon at tinignan ang langit.
Gumaya rin naman si Helliana at tumingin sa kalangitan. Napatingin si Helliana ng maramdaman humiga si Caliber at pumikit.
Tinitigan ni Helliana si Caliber. Alam niyang maraming nagkakagusto kay Caliber pero alam niyang walang magkakalakas loob umamin dito dahil sa ugali nito. Aaminin niya na gwapo talaga si Caliber, yung tipo na kahit titigan mo hindi ka mag sasawa.
Habang nakatitig si Helliana kay Caliber ay dahan dahang dumilat si Caliber at nagkatitigan sila. Seryosong silang nakatitig sa isa't isa.
“I know, I'm handsome.”
Napangisi naman si Helliana sa kanya, kaya agad tumawa si Caliber.
“Hangin,” Napanguso naman si Caliber. Pumikit ulit si Caliber, tumabi naman si Helliana sa kanya at tumingin sa langit.
"I'll be the one
That stays 'till the end
And I'll be the one
That needs you again
And I'll be the one that proposes
In a garden of roses
And truly loves you long after our curtain closes
But will you still love me
When nobody wants me around?"
Napatitig si Helliana ng kumanta si Caliber. Maganda ang boses ni Caliber, kayang kaya niya itong pakinggan kahit magdamag pa ito.
"When I turn 81 and forget things
Will you still be proud?" Agad dumilat si Caliber.
"Cause I am the one
Who has waited this long
And I am the one
That might get it wrong
And I'll be the one that will love you
The way I'm supposed to, girl"
Humarap si Caliber kay Helliana. Tinitigan niya ito sa mata.
"But will you still love me
When nobody wants me around, around?
When I turn 81 and forget things
Will you still be proud?"
Nilagay ni Caliber ang hinahangin na buhok ni Helliana. Napangiti naman si Helliana.
"Proud of me, of my short list of accomplishments
Me and my lack of new news
Me and my selfishness
Or me and myself wish you nothing but a happy new version of you
Cause I, I, mm-mmh"
"I want you to tell me
You find it hard to be yourself
So I can say it's gonna be alright
And I want you to love me the way you love your family
The way you love to show me what it's like to be happy"
Agad nilapit ni Caliber ang mukha niya kay Helliana. Hindi alam ni Helliana kung anong pumasok sa isip niya pero napapikit na lang siya. Naramdaman nito ang pag dampi ng labi nito sa noo niya.
“Let's go?” Napadilat si Helliana at nakatayo na si Caliber at nakalahad ang kamay para tulungan siyang tumayo. Tumango naman si Helliana at inabot ang kamay ni Caliber.
.