Helliana's POV
Ang daming nagbago simula ng bumalik kami galing sa Forest. Ang pinaka nagbago ay si Caliber lalo na ang pakikitungo niya sa akin. Naiinis ako minsan sa kanya pero madalas ay natutuwa ako. Pakiramdam ko sobrang special ko.
Kapag kakain kami sa bahay ay pinaghahandaan niya ako. Minsan nakita ko pa siyang nanonood sa YouTube kung paano magluto. Nung tinanong ko siya bakit siya nanonood non ang sabi niya sa akin. "Para maipagluto kita araw araw."
Tulad pa rin ng dati ay ako ang gumigising sa kanya pero kahit na tinatadyakan ko siya ay hindi na siya nagagalit. Minsan ay nakokonsensiya ako ng konti. Konti lang naman. Kasi minsan nakita kong may pasa ang tuhod niya at alam kong dahil yun ang pagkakahulog niya kapag sinisipa ko siya kaya minsan ay niyuyugyog ko na lang siya.
Sa school halos siya na ata ang bodyguard sa aming dalawa. Kung nasaan ako, nandoon din siya. Feeling ko nga ay nagtatampo na sila Kean at James sa kanya pero ang sabi ni Kean sakin ay "Natutuwa nga ako, eh. At least ngayon hindi na laging mainit ang ulo niya at lagi ng natawa at nakangiti."
Ngayon nandito kami sa Cafeteria at kumakain. Halos siya ang kumukuha lahat ng gusto ko. Siya kumukuha ng drinks ko at pagkain ko. Siya na rin nagdadala ng bag ko.
"Una na kami, Caliber at Helliana." Pagpapaalam ni Kean sa amin dahil tapos na sila at magtitime na. Nalate kami dahil natulog ako sa classroom hindi naman niya ako ginising at ayaw daw niyang makaabala sa akin.
"Sige."
Tumango lang naman samin si James at tinalikuran na kami. Napatingin ako sa oras at limang minuto na lang ay magtitime na.
"May gusto ka pa bang iba?" tanong ni Caliber sa akin. Umiling naman ako. Ngumiti siya at agad na sumubo ng kanin.
"Caliber I think kailangan na nating pumasok." sabi ko. Napatigil siya at napalingon sa akin.
"Bakit?"
"Anong oras na, oh. Malalate na tayo. Hindi porket anak ka ng may ari ay itatake advantage mo na iyon." Tumigil naman ito at kunot ang noo akong tinignan. Kumunot na rin ang noo ko, naiirita na ako. Ayokong ganito! Natutuwa ako, oo. Pero ayoko ng ganito.
"Anong gusto mo? Hindi ka kumain dahil lang malalate tayo?" Ramdam ko ang pagkakairita niya sa akin pero ng nagkatitigan kami ay bumuntong hininga ito.
"Helliana wala akong pakielam kung malate man tayo. Mas importante sakin 'yang kalusugan mo. Kaya kumain kana dyan." Napailing na lang ako at nagsimulang sumubo ng pagkain.
Nang natapos ay tulad ng inaasahan ko ay late nga kami. Umiling na lang ang prof. namin at nagpatuloy. Hinayaan ko na lang alam ko namang wala silang magagawa basta si Caliber.
Napaangat ako ng tingin ng may pares ng sapatos na tumapat sa akin. Kahit si Caliber ay kunot na kunot ang noo. May lalaking medyo nakayuko at nakatingin sa notebook niya.
"Uhm ano." Bahagyang tumaas ang kilay ko. Sino ba 'to?
"Ano kasi Helliana." Tinignan ako nito at napakamot pa ang ulo. Kumunot ang noo ko lalo. Tinabingi ko ang ulo ko at pinakatitigan siya. Ano bang kailangan sakin nito?
"Hoy ano ba? Kung may kailangan ka sabihin mo nakakairita 'yang mukha mo!"
Napailing na lang ako sa sigaw ni Caliber. Bahagyang napaatras yung lalaki. Natakot ata kay Caliber.
"Kasi ano a-alam mo ba ito?" At nilahad niya ang notebook niya sa akin. Kukuhanin ko na sana ang notebook niya para tignan iyon ng agad kinuha ni Caliber. Kumunot ang noo nito.
"Bakla ka ba?!" agad na sigaw ni Caliber. Kumunot din ang noo ko sa tanong ni Caliber. Anong pinag sasabi nito?
"H-hindi." nanginginig na tanong nito.
"Oh bakit ang ganda ng sulat mo ha?!" Mahigpit ang hawak ni Caliber sa notebook nito. Napalingon ako sa notebook nito at oo nga, maganda ito kung magsulat. Sobrang linis hindi tulad ng sulat ni Caliber na akala mo elementary na kinayod ng manok ang sulat.
"T-thank you." Bahagya akong napatawa kaya sinamaan ako ng tingin ni Caliber.
"Wag kang mag thank you hindi kita pinupuri!" sigaw ulit ni Caliber. Napayuko naman ang lalaki. Ang dami ng nanonood at yung iba ay pigil ang tawa pero siyempre ang walang hiyang Kean at James ay humahagalpak ng tawa.
"S-sorry." lalong nairita si Caliber sa naging sagot nito. Hindi ko na napigilan at napatawa na rin ako. Bahagyang ngumuso si Caliber sa akin.
"Bakit ka natawa?" nakanguso nitong tanong. Umiling lang ako at hindi sumagot. Lalong humaba ang nguso nito.
"Dapat ako lang ang dahilan ng pagtawa mo!" Umiling na lang ako at umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko ay nag init ang pisngi ko.
"At ikaw naman kunyari ka pa alam ko namang nagpapapansin ka lang sa kanya. Alam mo bang ako ang pinakamatalino dito? Kaya dapat sakin ka magtatanong." Napakamot naman ng ulo yung lalaki at hindi na nakasagot.
"Alin ba dito?" Tinuro nung lalaki yung bandang baba. Kumunot ang noo ni Caliber at pinakatitigan iyon. Bahagya akong napangisi. Pinakamatalino, ha. Talaga lang?
"Ang sagot ko diyan ay hindi ko alam." Hinagis nito ang notebook nung lalaki.
"Pero--" Sinamaan ni Caliber ng tingin yung lalaki.
"Walang pero pero at umalis kana sa harapan ko. Nasagot ko na ang tanong mo kung alam ko ba yung kung ano man 'yun at ang sagot ko ay hindi ko alam kaya makakaalis kana." Pero hindi natinag ang lalaki at tinignan pa ako na lalong ikinainis ni Caliber.
"Ano ba!! Bakit ka ba natingin kay Helliana? May crush ka sa kanya, no?!" agad nanlaki ang mata nung lalaki at nag iwas ng tingin.
"Paano mo nalaman?" Naka side view siya sa akin kaya hindi nakaligtas sa akin ang kulay black na parang tatto sa bandang leeg nito pero hindi ko makita lahat dahil naka uniform ito. Hindi ako sigurado kung isa ba siyang member.
"Fine!" Agad napaharap yung lalaki kay Caliber sa sinabi nito. "Tumingin ka lang kay Helliana. Tignan mo siya hanggang gusto mo pero sinisigurado ko sayong hanggang tingin ka lang. Panoorin mo kung pano siya maging akin."
Agad nag iritan ang mga kaklase namin. Napailing na lang ako. Yumuko na lang yung lalaki at bahagyang lumingon sa akin. Pinatitigan ko siya, medyo pamilyar siya sa akin pero hindi ko maalala kung sino siya.
"Ano pang tinitingin tingin mo dyan? Alis na!" Bahagyang tinulak ni Caliber yung lalaki kaya wala itong nagawa kung hindi ang bumalik sa upuan. Sinamaan ko ng tingin si Caliber kapag lingon nito sa akin
"What?" Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin pa.
Nakita kong napanguso siya. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi ko siya pinansin. Kinakausap niya ako pero nanatiling sa bintana ang tingin ko.
Nang maguwian na ay nagpa iwan ulit kami dahil ayaw naming makipag siksikan. Nag uusap silang tatlo ni Kean at James pero madalas ay sumusulyap ito sa akin.
"Mauna na kami ha." Tumango naman ako.
"Bye mga tanga!" Tumawa lang naman yung dalawa at umalis na.
Tumayo ako at hinarap siya na ikinagulat naman niya. Nilahad ko ang kamay ko para makatayo siya.
"Hindi ka na galit sa akin?" mahinang tanong nito sa akin. Nginitian ko naman siya.
"Hindi naman ako galit."
"Pero kanina hindi mo ako pinapansin." Tinanggap na nito ang kamay ko at tumayo. Tinitigan ako nito at hindi ko maiwasang mapaiwas ng tingin kaya hinawakan nito ang chin ko at pinatitig ako sa kanya.
"Nakikinig ako ng mabuti kaya hindi kita pinapansin." Napailing na lang siya at ngumiti sa akin. Napatingin ako sa kamay na hindi niya pa binibitawan kaya napalingon din siya don.
"Holding hands while walking." ngiting ngiti nitong sabi sa akin.
"Mauna kana ha." Napatigil ito sa paglalakad at napakunot ang noo.
"Ha? Bakit?"
"Kasi naiihi ako."
"Edi hihintayin kita." mabilis akong umiling.
Walang kadala dala ang isang ito. Nung naghintay siya sa akin ay muntikan na siya at ngayon gusto niya pa rin maghintay sa akin.
"Wala ka bang kadala dala? Nung last time na hinihintay mo ako muntikan kana." napapout naman ito sa akin.
"San ka ba pupunta? Sasamahan na lang kita."
"Sa cr, sasama ka?" nakangisi kong tanong.
"Talaga? Papayagan mo ako?" Agad ko siyang binatukan kaya napapout naman siya sa akin.
"Bahala ka sa buhay mo basta pumasok ka na agad sa kotse mo at dun mo ako hintayin." lalo itong napapout. Kumunot naman ang noo ko.
"Sure kang ayaw mong samahan kita? Alam mong ayaw kong napapagod ka. Ako na bahala mag baba ng panty mo. Atsaka mukhang uulan pa oh. Makulimlim ang langit."
"Eh kung sipain ko kaya 'yang mukha mo?" Humalakhak lang ito at tumakbo na palayo sa akin. Umiling na lang ako at agad ng nagpunta sa cr ng mga babae.
Kapag katapos ko ay aalis na sana ako ng may narinig akong nahulog sa loob ng cr ng mga lalaki.
May naririnig akong halakhakan. Napakunot ang noo ko at lalampasan na lang sana ng may marinig akong pamilyar na boses ng lalaki.
"T-tama na." Pinasok ko ang kamay ko sa bulsa at agad na sinipa ang cr ng mga lalaki. Yung pinto ay agad na napunta sa mga lalaki na ikinagulat nila.
"What the f**k?" malakas na sigaw nung tatlong natabunan nung pinto. Agad akong umupo sa may lababo at nag dekwatrong tinitigan sila.
Tama nga ako. 'Yung lalaki kanina na inaway ni Caliber ang binubully nila. Ewan ko ba bakit ako nakikielam, in the first place ay wala naman akong pakielam. Hindi rin ako ang tipo ng tao ng nakikielam lalo na at hindi ito sakop ng mission ko.
Basang basa ito at basag ang salamin pero nakasuot parin sa kanya. May dugo ang gilid ng labi nito.
"Who the f**k are you?" Galit na naglakad yung isa sa akin pero bago pa siya makalapit ay sinipa ko na ang mukha niya.
"Trash."
Inirapan ko ito at sinipa. Dumugo ang ilong nito at mukhang siya ang leader ng mga ito.
Umiling na lang ako at nakapamulsang tumalikod. Agad kong tinaas ang hintuturo ko at pinasunod sa akin yung lalaking binubully nila.
"T-thanks." nauutal nitong sabi habang nakayuko.
"Stop."
Napaharap ito sa akin at nagtatakang tinignan.
"H-ha?" agad ko itong sinipa sa tuhod kakaya napaluhod ito. Kapag luhod nito ay agad kong inapakan ang noo nito at pinahiga.
"Stop pretending, you fucker." Napatigil ito.
Agad iting ngumisi, na mas lalo kong ikinangisi kaya diniinan ko ang pagkakaapak sa noo nito.
"What a beautiful sight, my lady." Agad kong inalis ang pagkaka apak ko dito ng hinaplos nito ang hita ko.
"Who are you?" Agad itong tumayo at hinagis ang salamin. Ginulo nito ang buhok nito. Dinilaan nito ang dugo sa labi nito.
Agad ako nitong tinulak at kinorner sa may ding ding.
"Hindi ko alam na gantong kaaga mo malalaman kung sino ako. I'm so impressed. Bagay na bagay ka talagang maging reyna." Dahan dahan nitong inalis ang neck tie niya at unbutton ang polo nito.
"What do you want?" agad itong napangisi. Napatingin ako sa katawan niya. That tatto.
"Not so fast, my lady." Nilapit nito ang mukha niya sa akin.
"Don't you dare hurt him." agad itong napatawa.
"You're really good at pretending, huh. Not bad but..." Nilapit nito ang bibig niya sa tenga ko. "I know your pretty litte secret, Helliana or should I call you Hell Terminator ?" Napatigil ako at hindi nakagalaw.
How? Kahit sino walang nakakalam non. Tanging ako at si Clark lamang. Pano niya nalaman ang bagay na iyon. Hinarap niya ako at ngumisi sa harap ko. Agad akong ngumisi sa kanya at bahagya siyang tinulak.
"Alam mo kung sino ako. Be my queen, I will give you everything. I will find your brother for you." Napaawang ang labi ko. Nilahad nito ang kamay niya sa akin. How? Bakit ang dami niyang alam? Pano niya nalamang hinahanap ko ang kapatid ko?
"Why do you want me to be your queen so much?" Inayos nito ng bahagya ang buhok nito at tinaas ang chin ko para maabot ang tingin ko sa kanya.
"You know the first time I saw you. I can't get you out of my mind. The way you fight, the way you killed them. I really love it. I really love how brutal you are." Dinilaan nito ang labi niya. "And ginawa ko ang lahat para malaman kung sino ang tao sa loob ng maskara ng Hell Terminator. And then I saw you, you caught my attention for the second time. And I started to stalked you." mabilis kumunot ang noo.
"You're such a creep." Humalakhak ito at inayos ang buhok ko. Nilagay niya iyon sa likod ng tenga ko.
"And then nakita kitang pumasok don. Hinanap ko ang data mo pero wala. Kaya ang ibig sabihin non ikaw ang Hell Terminator." This guy is dangerous. Masyadong marami ang alam niya. Nasundan niya ako ng hindi ko napapansin.
"If you're thinking to kill me. Don't."
Agad napataas ang kilay. Hindi siya takot at alam kong may ibubuga ang isang ito.
"Why?"
"Because you will need me. Not now but soon." Tumaas lalo ang kilay ko at umiling na lang. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Alam kong naiinip na si Caliber doon. Sigurado akong wala siyang planong ikalat ang alam niya dahil kung may plano siyaa ay sana noon pa niya ginawa.
"I can erase your profile in black list." Napatigil ako.
"No need. Wala na akong planong bumalik sa lugar na iyon." Humagalpak ulit ito kaya hindi muna ako naglakad.
"But Caliber's parent is staying there. There's a big possibility na papapuntahin din si Caliber don. Kung mangyari 'yon, paano mo masasamahan si Caliber? Well I guess it's my big opportunity, I can kill him there. The place where no one can protect him. The place where Helliana is not allowed." Napakuyom ako ng kamao. He's right. But I know may kapalit iyon pero hindi yon mahalaga sa ngayon.
"You know I have my own way. I can go there." humalakhak ito.
"Really?" Naramdaman ko ang paglapit nito sa akin. "You think they will allow you to enter there. The one who almost erase their country in the map. What a joke."
Hindi na ako sumagot. Naglakad na ako papunta sa parking lot kung nasaan si Caliber.
Naramdaman ko ang pagpatak ng ulan. f**k wala pa akong dalang payong. Napatigil ako ng nakita kong tulala si Caliber habang nagpapaulan.
"What the f**k Caliber? Pumasok ka na sa loob. Bilis!"
Pero hindi ito gumalaw. Hinawakan ko siya para papasukin pero hindi ulit ito gumalaw. Dahan dahan itong tumingin sa akin.
"Bakit ang tagal mo?" tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Kung anong idadahilan ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Ano namang magandang irason sa kanya?
"Kasi alam mo na, na-cr ako." Damn! Nakakahiya yung dahilan ko. f**k! f**k! So uncool.
Tinitigan ko ito. Malamig ang tingin nito sa akin na ipinagtaka ko. What's wrong with him? Hinawakan nito ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Ang lamig ng kamay nito at bahagyang nanginginig.
Nagulat ako ng malakas nitong inalis ang pagkakahawak ko sa kanya.
"LIARRR!!" malakas ako nitong tinabig. Napa-upo ako sa sahig dahil sa ginawa niya. Ang lakas niya. Anong nangyayari sa kanya? Napatingin ako sa kamay ko ng nakita kong nagdugo ito at nagkagasgas.
Tumayo ako para habulin siya. Naglalakad ito palayo habang malakas ang ulan. Agad akong tumakbo at hinawakan siya para pigilan. Tumigil naman ito pero hindi ito lumilingon sa akin.
"What the f**k are you talking about? What's wrong with you? Hindi ba sabi ko dun ka sa loob ng kotse maghintay?" Narinig ko ang pagbuntong hingi nito sa akin.
Dahan dahan itong humarap sa akin. Ang mga mata nito ay napakalamig pero makikita mo ang kalungkutan nito. Napasinghap ito at agad na tumingala. Tinakpan nito ang mata gamit ang braso niya.
"Why?" mahinang bulong nito. Hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya. "Sinundan kita. Natandaan mo nung unang beses akong sumakay sa motor mo? Nung nagpasalamat ako sayo dahil niligtas mo ako. Sabi mo nun trabaho mo yon. " Narinig ko na naman ang pag singhap nito.
"But why did you saved him?" Inalis na nito ang pagkakatakip sa mata at tinitigan ako.
I saved him because I need to confirm something. Pero hindi ko pwede sabihin yon sa kanya dahil malamang ay lalong dadami ang mga tanong niya sa akin.
"Ako niligtas mo dahil bodyguard kita, dahil trabaho mo yon. Pero siya? Bakit mo siya niligtas?" Mas lalo pa itong lumapit sa akin kaya napaatras ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Isang mali kong sagot ay kapag nagtanong ulit siya ay magkakabuhol buhol na ang mga sagot ko.
"Bakit di ka makasagot?" Agad nitong ginulo yung buhok niya. Nagulat ako ng bigla niya akong hinila. Yung katawan namin ay sobrang dikit. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso niya, nakahawak siya sa bewang ko habang ako ay nanatiling nakababa ang mga kamay.
"Do you like him?" halos pabulong na nitong tanong sa akin.
"No." agad kong sagot. Agad namang bumagsak ang ulo nito sa balikat ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"I'm scare of losing you but then again, you're not even mine." mahinang bulong nito sa akin.
Narinig ko ang pagsinghap nito. Hindi ko alam pero nung narinig ko ang pag iyak niya parang sinasaksak ang puso ko. Ako yung nasasaktan para sa kanya. Agad kong tinaas ang kamay ko at niyakap din siyang pabalik.
"Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko dadating ang araw na iiwan mo ako?" Napakagat ako sa labi ko.
No, Caliber. Hindi lang kita iiwan. Papatayin pa kita.
"I'm sorry." Hindi ko alam pero yan ang lumabas sa bibig ko. "I'm very sorry." Lalo kong diniinan ang pagkakakagat ko sa labi ko.
Agad akong natigilan ng unti unti na siyang bumibigat at bago pa kami bumagsak ay may umalalay sa amin. Napalingon ako at nakita ko yung lalaki kanina. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi naman niya sinabi sa akin.
"Asan ba ang sasakyan niya?" tanong nito sa akin habang pasan si Caliber. Tinuro ko ang sasakyan ni Caliber. Agad nitong binuksan ang pintuan ng sasakyan ni Caliber at inihiga ito doon. Basa kaming tatlo dahil sa ulan at ngayon ay may ambon pa rin.
"Who are you?" agad kong tanong ng tumalikod na ito.
"For now, my lady. Call me K." At may sasakyang pumarada na agad ding humarurot.
Pumasok na ako sa sasakyan ni Caliber. Napatitig ako kay Caliber. Tulog na ito ngayon at sobrang himbing pa ng tulog niya. Napatitig ako lalo kay Caliber. Pano niya ako nasundan? Hindi ko naramdaman na may sumusunod sa akin.
Sino ka ba talaga, Caliber? Bakit parang iba ang pakiramdam ko sayo? Behind your smile there's a deepest secret. Pero ano yon?
K's POV
Kapag ka sarado ko sa pinto ay bumungad sa akin ang nag wiwine at nakasalamin na lalaki. Habang ang polo nito ay naka unbotton ang butones.
"Nakilala niya agad ako." Tinignan lang ako nito at bumalik agad ang tingin sa article na tinitignan niya kanina.
"As expected." Umupo ako sa may sofa.
Sa wakas ay binitawan na rin niya ang article at tinaas ang paa sa lamesa. Tinignan ako at nginisian na mala demonyo.
"But that Caliber may iba akong pakiramdam sa kanya." Bahagyang tumaas ang kilay nito sa akin. "Nasundan niya kami ni Helliana ng hindi namin napapansin."
"Hindi siya talaga ang nakikita mo ngayon." Agad akong napaayos ng upo at napakunot ang noo.
"You mean nagpapanggap siya?" Nginisian lang ako nito. Alam kong wala itong planong sagutin ang tanong ko. Napailing na lang ako.
"So what's your next plan, Clark?"