CHAPTER 17

3006 Words
FLASHBACK CALIBER'S POV Tumakbo ako papalayo kay Helliana at agad nagtago. Sinilip ko siya at nakita kong naglakad na ito papunta sa c.r. Dahan dahan ko siyang sinundan at nagpunta sa second floor para matanaw ko siya doon mula sa c.r. Nakita ko siyang pumasok doon at ilang minuto lang ay lumabas din. Nakangiti akong pinagmamasdan siya. Ang ganda niya talaga, nakakabaliw. Nagtaka ako ng natigilan siya bigla at sinipa ang pinto ng boy's room. Nanlaki ang mata ko ng tumalsik sa loob ang pinto. Nakita kong umupo si Helliana sa lababo non, nakita kong may mga tao don pero hindi ako masyadong maaninag kung sino. May sumugod kay Helliana pero walang kahirap hirap nitong sinipa ang mukha nito. Nang matalo ni Helliana yung mga lalaki ay may isang lalaking lumabas mula doon. 'Yung lalaki kanina na may gusto kay Helliana. Nakita kong nag uusap silang dalawa at agad akong natigilan. Niligtas ni Helliana yung lalaking 'yon? Bakit? Inalala ko ang nangyari kanina at pag taboy ko doon sa lalaki ay hindi ako pinansin ni Helliana. Tumatawa rin si Helliana dahil sa kanya. Gusto ba siya ni Helliana? Napatingin ulit ako sa kanila at nanlaki ang mata ng kinorner nung lalaki si Helliana. Agad akong napahawak sa dibdib ko nang agad itong nanikip. Hindi ko na kayang tignan pa at agad akong bumaba at dumiretso sa may parking lot. Tulala ako doon at hindi alam ang gagawin o sasabihin kay Helliana. Akala ko kasi meron akong chance sa kanya. Akala ko magugustuhan niya ako kahit konti lang pero yung panget na 'yon pala ang magugustuhan niya. Bakit kailangan pa siyang makilala ni Helliana? Niligtas ako ni Helliana kasi 'yon ang trabaho niya at kung sakaling hindi niya 'yon trabaho ay hindi niya ako ililigtas. Sa tuwing naalala ko 'yon ay sumasakit ang dibdib ko. Ngayon naman, niligtas niya 'yung lalaking 'yon, e hindi naman siya non bodguard. Anong dahilan at bakit niya niligtas yon? “Why don't you kill him?” isang mumunting bulong sa akin. Agad akong natigilan at napatingin sa paligid. Sino ang nagsabi non? Tinignan kong maigi ang paligid pero wala namang tao. Agad akong napahawak sa ulo ng biglang sumakit ito at may naririnig akong bulong pero hindi ko alam kung anong sinasabi nito. Hindi ko maintindihan. Napahawak ako sa kotse sa tabi ko at hinihingal na nakahawak sa aking ulo. Naramdaman ko ang pagtulo ng ulan mula sa taas. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Ngayon lang may nangyaring ganito sa akin. Muli akong tumingin sa paligid at nakita ko doon si Helliana na papalapit sa akin. Agad nawala ang pagkasakit ng ulo ko kaya umayos ako ng tayo. Hindi ko alam kung ano yung naririnig kong salita. Hindi ko rin alam kung bakit sumasakit ang ulo ko pero nung nakita ko si Helliana ay nawala agad iyon. "What the f**k, Caliber? Pumasok ka na sa loob. Bilis!" Hindi ako gumalaw at hindi ko ininda kahit na nababasa ako ng ulan. Hinawakan ako nito para papasukin sa loob pero hindi ako gumalaw at dahan dahan siyang tinignan. “Bakit ang tagal mo?” Nakatitig ako sa kanya at kitang kita ko na natigilan siya at hindi alam ang isasagot sa akin. Please don't lie. "Kasi alam mo na, na-cr ako." Lumamig ang tingin ko kay Helliana. Hindi ako ganito pero hindi ko alam kung bakit parang hindi ako ito ngayon. Parang may ibang kumokontrol sa akin. Nagagalit ako, gusto kong manakit. Why did she lie to me? Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko at kinalas iyon. "Liar!" Tinabig ko siya at nakita kong napaupo naman ito sa may sahig. Agad ko siyang tinalikuran at naglakad na papalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Biglang pumasok sa akin ang mukha nung lalaki kanina at ang pag ligtas sa kanya ni Helliana, pati na rin yung pag corner niya kay Helliana sa pader. Why don't you kill him? Agad pumasok sa isip ko ang narinig ko kaninang bulong sa akin. If he's gone then there's a chance na maging akin si Helliana. Bahagya akong nagising sa reyalidad ng may humawak sa akin. Agad akong natigilan. What am I thinking? "What the f**k are you talking about? What's wrong with you? Hindi ba sabi ko dun ka sa loob ng kotse maghintay?" Dahan dahan akong tumingin kay Helliana. Hindi ko alam pero ng makita ko ang mukha niya agad akong nangilid ang luha ko. Napasinghad ako at tumingin sa taas para pigilan ang luha ko mula sa pagtulo. Tinakpan ko ang mata ko gamit ang braso ko. "Why?" mahinang bulong ko. "Sinundan kita. Natandaan mo nung unang beses akong sumakay sa motor mo? Nung nagpasalamat ako sayo dahil niligtas mo ako. Sabi mo nun trabaho mo yon. " napasinghad ako. "But why did you saved him?" Inalis ko ang braso ko sa pagkakatakip at tinitigan siya. Tulad kanina ay natigilan na naman siya at hindi makasagot. "Ako niligtas mo dahil bodyguard kita, dahil trabaho mo yon. Pero siya? Bakit mo siya niligtas?" Lumapit ako sa kanya kaya napaatras siya. "Bakit hindi ka makasagot?" Agad kong ginulo ang buhok ko. Hinili ko siya at agad na niyakap ng mahigpit. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "Do you like him?" bulong kong tanong sa kanya. "No." Binagsak ko ang ulo ko sa balikat niya at mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. That's right, dapat kong higpitan ang kapit sa kanya para hindi siya makawala sa akin. This is the only way. "I'm scare of losing you but then again, you're not even mine." Napasinghap ulit ako. Naramdaman kong niyakap na ako nito pabalik. "Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit pakiramdam ko dadating ang araw na iiwan mo ako?" "I'm sorry," Hindi ko alam pero bumibigat ang talukap ng mata ko. "I"m very sorry." huli kong narinig bago ako mawalan ng malay. END OF FLASHBACK HELLIANA'S POV Agad kong binagsak si Caliber sa kama niya. Hinawakan ko ang noo ni Caliber at halos mapaso ako sa sobrang init niya "Pa ulan pa. Kung makapag paulan akala mo di tinatablan ng sakit." Inis na sabi ko habang natutulog si Caliber. Nagpatawag na ako ng doctor at hinihintay na lang kung kailan ito darating. Kapag bukas ng pinto ay agad tumambad ang doctor. Agad ko itong tinanguhan kaya umupo na ito sa upuan katabi ng kama ni Caliber. Agad tumunog ang cellphone ko kaya lumabas ako ng kwarto ni Caliber at agad na sinagot ang tawag ni Clark. "[Hey baby, what are you doing? I miss you.]" Tinignan ko muna ang paligid ko bago ako sumagot. Mahirap na at baka may makarinig pa. "Well mag aalaga lang naman ako ng may sakit. I miss you too." "[Caliber?]" "Yap. Nagpaulan kasi siya kanina." "[Why?]" Agad akong natigilan sa tanong niya. f**k wrong move. Alam kong lahat ng nangyayari sa buhay ko ay kinukuwestyon niya. Gusto niyang lahat ay alam niya. Hindi ko alam kung kailan ay natutong magtago ng sikreto kay Clark, noon naman ay wala akong tinatago sa kanya pero ngayon pakiramdam ko ang dami ko ng sikretong tinatago sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko nga ba ayaw sabihin sa kanya. "Uhm kasi hinihintay niya ako." "[Bakit-]" Agad kong pinatay ang tawag ng bumukas ang pinto ni Caliber at lumabas doon ang doctor. "Ms. Denver." Agad ko itong nilingon ng isarado na nito ang pinto at tumingin sa akin. Binigay na nito sa akin ang gamot na dapat kong ipainom sa kanya at mga paalala sa akin. Tinandaan ko iyon lahat at hinatid ang doctor pababa ng hagdan. Agad akong pumasok sa kwarto ni Caliber at buti na lang ay nakapag palit na siya ng damit at mahimbing na natutulog. Habang natutulog siya ay naupo ako sa upuan na katabi ng kama niya at pinagmasdan siyang mahimbing na natutulog. Ngayon ko lang napansin na konti lang ang alam ko about sa kanya. Kahit yung mga simpleng bagay ay hindi ko alam tulad nung bday niya, ano mga favorites niya. Ngayon ko lang rin na merong kakaiba sa kanya. Unang kita ko kay Caliber hindi mo aakalain na mahina siya, lalo na sa paraan ng tingin nito. Talagang kakaiba, pero kapag nakausap mo na doon mo malalaman ang totoo. Yun nga ba ang totoo? Gusto kong malaman kung sino siya noon bago siya mawalan ng alaala. Alam kong merong sikretong nakatago doon na ayaw ipaungkat ng magulang niya sa kanya pero bakit? Anong meron don? Agad kong tinignan ang paligid ko at tumayo. Inuna kong buksan ang mga drawer niya pero wala akong nakikitang mahalagang detalye sa kanya. Kung ano ano lang ang laman nito. Agad akong lumabas at dumiretso sa office ni Axel pero agad may humarang sa akin. "No one is allowed to enter this room without master's command." Pasimple ko itong nginitian pero hindi ito natinag. "I just want to talk with Axel, I want to tell him what happened to his son." Pagdadahilan ko dito pero hindi ito natinag. "Master is not here." Kunyareng nagulat ako at napatango tango. "Ganon ba? Sige, tatawagan ko na lang siya." Hindi ito gumalaw kaya tumalikod na lang ako at pumasok ulit sa kwarto ni Caliber. I know there's something inside his office, kaya sobrang higpit ng seguridad niya doon. Kung ano man iyon, sisiguraduhin kong malalaman ko iyon. Tinignan ko si Caliber na mahimbing na natutulog. "What's your secret?" CALIBER'S POV Nagising ako sa isang malaking kwarto. Walang bintana. Nakaharap ako sa pinto kaya sinuri ko ang buong paligid. May isang batang babae na nakaposas. I think she's 8 years old? She's crying. I don't know pero may nagtutulak sa akin na lumapit sa bata kaya lumapit ako. "Hey why are you crying?" Pinantayan ko siya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mahaba nitong buhok. "And why are you here? In the place like this?" Instead of answering my question I heard her sobbing. Napatingin ako sa pintuan ng marinig ko itong bumukas at tumambad sa akin ang mga taong nakaputi at nakasalamin. Habang ang iba ay may mga hawak na kadena, posas, martilyo at kung ano ano pa. At ang pang huling pumasok ay isang bata na sa tingin ko ay nasa 9 years old. Gumilid ako at tinignan ang bata. Napaawang ang labi ko ng makitang duguan ito. What the? Kanina ay malinis pa ito pero ngayon ay halos maligo na ito sa sarili nitong dugo. "Ang tibay mo talaga kaya gustong gusto kita." At narinig ko ang mala demonyo nitong halakhak. Sa pagtunghay ng batang babae ay parang tumigil ang mundo ko. I know her. But hindi ko matandaan. "Hey what's happening?" Agad akong napaupo ng yugyugin ako ni Helliana. Yung mukha nung batang babae at yung lalaki ano nga ulit 'yon? Nakalimutan ko. Unti unting nawawala sa isip ko. Agad akong napahawak sa ulo ko ng bigla itong sumakit. Para itong pinupukpok. Nag simula akong may marinig na mumunting tinig mula sa aking isip. "Ang tibay mo talaga kaya gustong gusto kita." "Ang tibay mo talaga kaya gustong gusto kita." "Ang tibay mo talaga kaya gustong gusto kita." "Ang tibay mo talaga kaya gustong gusto kita." Agad akong napasigaw sa sobrang sakit ng ulo ko. Kung ano ano ang pumapasok sa utak ko na imahe na lalong nagpasakit ng ulo ko. Imahe na hindi ko maintindihan kung ano, parang nakita ko na noon na hindi. "f**k. What's wrong with you?" Agad akong nilapitan ni Helliana. "Manang!" sigaw nito. "NOOOO! WHO ARE YOU?!" Muling pumapasok sa isip ko yung bata. Kung ano ano ang naririnig kong salita. Napatingin ako kay Helliana ng pinilit nitong ipaharap ako sa kanya. "What's happening to you?" kunot noo nitong tanong. Agad akong napapikit ng sa pagtitig ko sa kanya ay nakita ko ang batang babae. "NO! DON'T COME NEAR ME. GO AWAY!" Malakas ko itong tinulak. Napaupo si Helliana sa ginawa ko pero wala na ako sa tamang pag iisip para intindihin pa ang ginawa ko sa kanya. f**k. Napahawak ako sa ulo ko ng sumakit iyon. Dumoble ang sakit. Kung ano ano ang nakikita ko. Kung ano ano ang imahe na pumapasok sa utak ko. Sa sobrang dami ng imahe na ito ay hindi ko na nasusundan pa. Kung ano ano na rin ang naririnig ko at hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi sa sobrang dami niyang sinasabi. "Who are you? " halos pabulong ko ng tanong sa sobrang sakit ng ulo ko. Naramdaman ko na lang na may humawak sa akin, meron siyang tinurok at agad akong nawalan ng malay. *** Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Madilim pa rin sa labas. Medyo ayos na ako at hindi na masakit ang ulo ko. Bumangon ako pero may nahawakan akong kamay kaya napalingon ako at nakita ko si Helliana na natutulog ng nakaupo habang ang ulo ay nasa may kama ko. Napatingin ako sa kamay na nahawakan ko kanina dahil napansin ko ang ring niyang suot. May maliit na bato iyon. Simple pero alam mong sa unang tingin pa lamang ay mahal na. Tinaas ko yung kamay niya para matignan sana ng mabuti ang singsing ng may mahawakan akong galos sa kamay niya. Sa kanyang palad ay puro galos ito. Agad akong nanlambot ng maalala ko na ako ang may kasalanan kung bakit siya nag kagalos. Tinulak ko siya ng ilang beses. Hinawakan ko ang buhok niya at agad na hinalikan ito sa ulo. Nahiga ako at hinimas himas ang kanyang buhok. Inisip ko yung mga imahe na pumasok sa isip ko na hindi ko na sinundan. Pilit ko ring inaalala ang mukha nung batang babae. Hindi ko alam kung bakit ko nakikita ang mga iyon, hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Parte ba iyon ng nakaraan ko? Kung ganoon nga, bakit ngayon lang bumabalik? Ilang taon na ang nakalipas at ngayon lang may nangyaring ganito sa akin. Napatingin ako kay Helliana ng umangat ang ulo niya. Mapungay ang mata niya at halata mong kulang sa tulog. Parang hinahaplos ang puso ko sa nakita. "Are you okay?" agad akong naupo at tinignan siya. Umurong ako at binigyan siya ng malaking espasyo para makahiga siya sa tabi ko na mukhang hindi niya nagets dahil kumunot ang noo niya. "Are you still mad at me? You're f*****g avoiding me and I don't know what the f**k is wrong with you." kita ko ang galit sa mukha niya. Padabog pa itong tumayo kaya nahulog ang silyang inuupuaan niya. Aalis na sana siya ng mabilis ko siyang hinila kaya napahiga siya sa akin. "I want to get mad at you because I'm f*****g jealous. What if you like him? Then what about me? What am I to you?" Agad kong ginulo gulo ang buhok ko. Aalis sana siya sa pagkakahiga sa akin ng niyakap ko siya ng mahigpit para di siya makawala. "Do you like him? " Agad umiling si Helliana. Napakamot ako sa ulo ko. I already asked her. What the f**k is wrong with me? "Even if you like him, I won't allow you to date him. " "I already told you I don't like him. What's wrong with you?" irita nitong sabi. I bite my lower lip while looking at her. Yeah, what's wrong with me? "I don't know what's wrong with me. All I know is you're mine and I'm so jealous. Call me selfish or whatever but I don't want you to get close to someone else because it's driving me insane." Malakas ako nitong tinulak na bahagya kong kinagulat. Naupo ito sa kama at ganon din ako. "You're f*****g insane." Napatigil ako bigla ng may naisip na magandang ideya. Tama, para maayos ko na itong gulo ng utak ko. "Yeah right I'm f*****g insane. I'm f*****g crazy. I'm f*****g crazy in love with you. Just f*****g marry me already so you can get close to someone else but of course if one day we get married you will always be with me 24 hours." Agad na akong nag isip ng para sa kasal namin. But we are too young to get married but it's okay age doesn't matter when it comes to love. Kunot na kunot ang noo nito na nakaharap sa akin at hindi makapaniwala sa sinasabi ko sa kanya. "DOCCCC!!" Malakas na sigaw ni Helliana na nakapag pakunot naman ng noo ko. May masakit ba sa kanya? Taranta ang mga doctor na nagsipag puntahan sa may kwarto ko. Halata mong kakagising lang nila at nabulabog sa malakas na sigaw ni Helliana. "What happen? Are you sick?" I asked her at lalapit na sana sa kanya pero bahagya niya akong tinulak na nagpakunot sa noo ko. "What the f**k you f*****g asshole. I think he's sick. Pati yung utak niya naapektuhan." galit na sabi ni Helliana na nagpanguso sa akin. "I'm not sick." nakanguso kong sabi sa kanya. Kakamot kamot ang ulo ng mga doctor na lumabas  sa kwarto ko. Iiling iling si Helliana na umalis sa higaan ko at naupo ulit sa may silya kanina. Napaisip naman ako kung bakit naging ganon ang reaksyon niya. Inaya ko lang naman siyang magpakasal, ano bang masama don? I know, nararamdaman ko na sooner or later ako ang mapapangasawa niya kaya anong problema kung papaagahin na namin ang kasal namin. Nag propose  lang naman ako  sa kanya. Dahan dahan akong napatingin sa daliri ni Helliana at nakita ang singsing niya. Agad kong pinukpok ang ulo ko ng maalala ko iyon. Bakit ba ako padalos dalos? "What the f**k? You're crazy." Iiling iling na sabi ni Helliana habang tinitignan ako. Agad akong lumapit sa kanya na ikinagulat ko. Agad kong hinawakan ang dalawa niyang kamay at pinagdikit iyon  habang hawak hawal ko. "Now I know why you are angry at me. Next time we will go to the famous jewelry shop so we can buy our engagement ring." ngiting ngiti kong sabi sa kanya. Agad niya  akong tinulak at binatukan. Nagulat ako kaya di ako nakapag react nung  nag walk out siya. Ano na namang ginawa ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD