CHAPTER 18

3020 Words
Hindi pumasok si Caliber dahil masakit pa ang katawan niya kaya syempre ako hindi na rin ako pumasok. Ayaw din niya akong pumasok at ayaw ko rin pumasok, kaya pumayag na ako. Kung pwede nga lang na hindi na ako pumasok e, kaso kailangan kong bantayan si Caliber hanggang school. Hanggang school kasi ay ang dami niyang nakakaaway. Kung pwede nga lang na busalan ko ang bibig niya para wala siyang makaaway, ginawa ko na. Buong mag hapon siyang nakahilata at natutulog dahil tinatrangkaso na siya. Buong maghapon din akong nasa tabi niya at binabantayan siya dahil iyon ang gusto niya. Ayaw niyang makikita akong wala sa kwarto niya, kaya hindi ako makaalis. Kanina ko pa gustong mahiga sa kama ko pero hindi ko magawa. Sumasakit na ang likod ko sa pagkakaupo ko sa silya. Minsan nahihiga ako sa may sofa niya sa kwarto pero hindi pa rin ako kumportable. "Why?" Namamaos nitong tanong sa akin ng mapansin niyang galaw ako ng galaw. Hindi ko na alam kung anong klaseng posisyon ang gagawin ko para maging komportable ako. Gusto ko ng mahiga sa kama ko pero di rin ako makapagreklamo kay Caliber dahil nakikita kong masama talaga ang pakiramdam nito. "Wala." Nahiga ulit ako at sinubukan na lang matulog kahit na hindi ako kumportable  pagkakahiga ko. Hindi tama ang unan ko at nananakit ang likod ko. Agad akong napadilat ng maramdaman kong may papalapit sa akin. Agad akong naupo ng makita ko si Caliber na papalapit sa akin. "Bakit ka bumangon?" tanong ko rito. Numungay ang mata nitong tumitig sa akin. Lumuhod ito sa harap ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "What are you thinking?" namamaos pa rin nitong tanong sa akin. "Wala naman. Hindi lang ako komportable." Dahil hawak ni Caliber ang kamay ko ramdam ko ang mainit nitong palad. "Wala lang 'yon, Caliber. Halika na, mahiga ka na ulit at magpahinga ka na." Inalalayan ko siyang makatayo hanggang sa makahiga siya. Napakunot ang noo ko ng umusog ito sa gilid ng kama niya. Tinap niya ang katabi niyang space. Nagets ko ang ibig niyang sabihin pero hindi ako gumalaw. Ayokong tumabi sa kanya dahil baka mahirapan pa siya kapag katabi niya ako. Baka hindi siya maging komportable. "Come here." Paos na paos na ang boses nito parang konti na lang ay mawawalan na ito ng boses. Ayokong mag salita ulit siya kaya nahiga na ako sa may tabi niya. Medyo naging kumportable na ako sa pagkakahiga ko kaya hindi na rin ako gumalaw. Kinumutan ako ni Caliber, hindi naman ako umangal at hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Nilusot niya ang kamay niya sa may bandang leeg ko para makaunan ako sa braso niya. Niyakap ako nito ng mahigpit at nararamdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa ulo ko. Sa sobrang kumportable ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Bigla na lang akong naalimpungatan. Tinignan ko ang oras at 8 na. Bumangon ako at lumabas ng kwarto ni Caliber. Kailangan kumain at uminom ng gamot ni Caliber kaya bumaba ako para utusan si Manang at mag bilin. "Manang kapag nagising si Caliber dalhan niyo ng pagkain." utos ko sa kasambahay. "Opo." Bumaba ako para makakuha ng cereals. Kapag kakuha ko ay agad na akong dumiretso sa kwarto ko. Binuksan ko ang tv ko at nanood na lang ng palabas habang nakain ng cereals. *Beep* Agad kong kinuha ang cellphone ko ng marinig na may nag text. Akala ko si Clark iyon pero si Caliber pala. Caliber: Where are u? Agad akong nagtipa para makasagot sa text niya. Helliana: My room. Pinatay ko na ang screen ng cellphone ko at kukuhanin na sana ulit ang cereals na nilapag ko kanina ng tumunog na naman ang cellphone ko. Caliber: What are you doing? Kumunot naman ang noo ko. Wala ba siyang magawa sa buhay? Nasa iisang bahay lang kami at tinetext pa niya ako. Pwede naman niya akong puntahan dito kasi ang lapit lang din ng kwarto namin sa isa't isa. Caliber: Are u texting someone else? Helliana: No. I'm laying in bed. Hinayaan ko sa hita ko ang cellphone habang nakatingin sa tv at nakain ng cereals. Nang muling tumunog ay nilapag ko ang cereals. Caliber: Just laying in bed? Nothing else? Helliana: Wtf, Cal. Are u f*****g bored? Muli akong nagtipa para naman sagutin ang tanong niya. Hindi ko alam kung ano bang trip niya sa buhay. Helliana: I'm eating cereal while watching. Kapag send ko pa lang ay typings na agad ito. Wala ba itong ibang ka text at napakabilis magreply. Caliber: What would u do if I was in bed next to u? Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Helliana: Eat my cereal Caliber: I mean if the cereal wasn't there Hindi ko alam pero agad akong napangisi sa sinabi niya. Helliana: Then i'd get out of bed and go get cereal Hindi ito nag typing at sineen lang ang sinabi ko. Tumawa naman ako at pinagkibit balikat na lang. Mukhang magaling na siya ngayon. Nanood ulit ako habang kinakain ang cereal ko ng malakas na bumukas ang pintuan ko. Bumungad doon ang busangot na si Caliber. Nginisian ko ito pero nagdabog lang ito paalis. Agad akong tumayo para sundan siya at nasa kusina na siya agad. "Sir Caliber, ano pong ginagawa nyo?" tarantang tanong ni Manang sa kanya. Napakunot ang noo ko ng makita ang cereal na pakalat kalat sa sahig. Nakabukas ang aparador ng cereals at isa isang pinagtatapon ni Caliber sa sahig. Nang lahat ay nasa sahig na ay masama akong tinignan ni Caliber. "What?" tanong ko dito pero inirapan lang ako. Bakla talaga. "From now wag na wag na kayo bibili ng cereal na 'yan. Kapag bumili pa kayo, mabuti  mag impake na rin kayo. Atsaka sino bang nagsabing bumili kayo ng cereals ha?!" sigaw ni Caliber sa mga katulong. Naupo ako sa may upuan at pinapanood siyang kunot noong sinisigawan ang mga katulong. "I-ikaw po nagsabi na bumili ng cereals." Napatigil naman si Caliber at bahagyang napalingon sa akin. Mas lumapad ang ngisi ko. "Hindi ako iyon. Ibang pagkatao ko 'yon. Kaya from now on wag na wag kang bibili ng cereals." Agad na akong tumayo at hinarap si Caliber. "What's your problem?" Masama ako nitong tinignan at bahagyang tinulak. "Ano ba! Bakit hindi 'yung cereals mo ang tanungin mo?" Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Don't tell me-" "What?! Sa tingin mo nagseselos ako sa cereals? Ang kapal mo! Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos? Hindi naman ako nagseselos. Akala mo nagseselos ako? Mali ka. Hindi ako nagseselos. " Saglit ko itong tinignan atsaka pinagkibit balikat na lang at hindi na isinatinig ang dapat na sasabihin. "Where are you going?" tanong nito ng magsimula na akong maglakad. "Tatanungin ko yung cereals ko." pabiro kong tanong pero nagulat ako ng mabilis ako nitong hinila. "What the f**k? Okay, I'm jealous. Sa tingin ko lalagnatin ulit ako. Ang sama ulit ng pakiramdam ko, promise. Kaya dapat tabi ulit tayo matutulog kasi kapag hindi lalagnatin ako ulit." agad akong natawa sa sinabi niya. Agad akong kumalas sa kanya. Taka naman ako nitong ginawa. "Where are you going?" "Let's eat first and then let's go to bed." agad lumapad ang ngiti nito at tumango sa akin. Kapag tapos namin ay nag shower lang ako sa kwarto ko at nag suot na ng pantulog bago dumiretso sa kwarto ni Caliber. Naglagay ako ng unan sa pagitan namin bago nahiga at hinihintay na lumabas si Caliber sa shower. Nang lumabas na ito ay naka boxer na lang ito. Malapad akong nginitian at lumapit. Agad nitong inalis ang unan na nilagay ko at mabilis akong niyakap. "Do you know what, it's my first time liking someone." agad ko itong tinignan. "Ikaw ba? Nagkagusto ka na ba sa iba?" Napakagat labi ako at hindi siya sinagot. "Nevermind. Matulog na tayo." Pinikit nito ang mata niya habang yakap ako. Tumalikod naman ako sa kanya at nag isip na lang. Dalawang tao lang ang hindi ko nararamdaman kapag sinusundan ako. Si Clark at K. Hindi na ako magtataka dahil malalakas sila and well trained pero si Caliber alam kong hindi siya nagpapanggap na mahina pero nagtataka ako, paano niya kami nasundan ng hindi ko nararamdaman kahit si K alam kong di niya naramdaman 'yon. Napatingin ako sa tulog na si Caliber. Hinaplos ko ang buhok niya saka siya hinalikan sa noo. "I'm sorry." mahina kong bulong dito. Tumayo ako at agad pumunta sa terrace ng kwarto niya. Dinial ko ang numero ni Clark. Nakailang tawag ako bago nito nasagot ang tawag ko. THIRD PERSON'S POV Tahimik na nagbabasa si Clark ng nagmamadaling pumasok sa opisina niya si J2. Agad kumunot ang noo ni Clark dahil hindi man lang kumatok si J2. "Master, Helliana is calling you." Agad nitong inabot ang cellphone ko. Agad naman itong sinagot ni Clark. "May irereport ako sayo."- Helliana Napangisi naman si Clark sa sinabi ni Helliana. You can't betray me, Helliana. Even tho you can, you won't. "What is it?"- Clark "About Caliber. There's someone following and he's f*****g creeping the s**t out of me."- Helliana Kahit alam na ni Clark kung sino ang tinutukoy nito ay nag kunyare itong walang alam. "Who the f**k is he?! How dare him?"- Clark Nagkunyare itong galit para hindi mahalata ni Helliana na alam niyang lahat. Kontrolado niya ang lahat. "He's K. He's pretending as nerd here in school but I saw his tattoo and that tattoo is familiar so I confront him. He said I will need him, not now but soon." -Helliana "What kind of tatto?"-Clark "Empire. He's the Lord of North."-Helliana "North?"-Clark "Yes, and he said he can erase us in black list. "-Helliana Napakunot na ang noo ni Clark. Wala iyon sa usapan nila ni K. Ang alam nito ay galing itong North but hindi niya alam na ito pala  ang lord ng north. So he's related to Caliber. Una pa lang naman ay may kakaiba na kay K, alam 'yon ni Clark pero isinawalang bahala niya ito. "In what condition?"-Clark "If I became his queen."-Helliana That fucker. How dare him betray me. "Don't worry I can handle that. And we don't need to go to North anymore."-Clark "But as Caliber's bodyguard there's a big possibility that his parents invite Caliber to North. What am I going to do? He will know that I'm in black list."-Helliana "Why are you so scared? So what if he know that you're a f*****g killer. Do you already forgot who you are?"-Clark Agad nanahimik si Helliana at bahagyang sumulyap sa nakatalikod na si Caliber. "I know. But if he know, my mission will fail."-Helliana "And Caliber he can follow me without me noticing him. You know only skilled people can do that."-Helliana "Yes, you're right. Don't worry, just focus on your mission. Ako ng bahala sa lahat, okay baby? I miss you. When can I meet you? "-Clark "I miss you too. I don't know."-Helliana "It's already 1, I need to go to sleep."-Helliana "Okay goodnight baby. I love you."-Clark "I love you too." -Helliana Dahan dahang nahiga si Helliana sa kama ni Caliber. Dahan dahan nitong binalik ang braso ni Caliber sa pagkakayakap sa kanya. Pinikit na nito ang mata niya. Agad na dumilat si Caliber at tinignan ang nakatalikod na si Helliana. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagyakap dito. *** Agad tinakpan ni Caliber ang tenga niya ng may nakatapat na malakas na tunog sa tenga niya. "f**k. Let me sleep!" Inis nitong sabi habang tinatakpan ang tenga gamit ang unan niya pero hindi pa rin tumigil si Helliana at kumuha pa ng speaker at mas lalong nilakasan. Iritang irita na si Caliber dahil kulang ito sa tulog at kailangan niya pang matulog pero hindi siya makatulog dahil akala mo may party kung makapag patugtog si Helliana. "f**k!" Agad na umupo si Caliber at hinagis ang unan. Masamang tinignan si Helliana. Agad nagkibit balikat si Helliana "Mas maganda nga na ganito ang paraan ng pag gising ko sayo kesa sa sinisipa kita." Napanguso naman si Caliber at ginulo gulo ang buhok. Antok na antok pa siya. Gusto niyang magalit kay Helliana, pinipilit niya ang sarili niya na magalit kay Helliana pero hindi niya kaya. Sa tuwing titingin siya sa dalaga ay agad nawawala ang inis niya. Gusto niya pang matulog pero alam niyang hindi siya tatantanan ni Helliana hanggang hindi ito bumabangon. "In 30 minutes dapat nakaayos ka na. " Tumayo si Helliana at bago buksan ang pintuan ay agad nitong nilingon si Caliber na hihiga sana ulit. "Kapag wala ka pa in 30 minutes, pumili ka na ng kabaong mo." Agad  na tumayo si Caliber. Muntik pa itong madapa dahil nakapulupot ang comforter sa kanya. "Sabi ko nga maliligo na ako." Mabilis itong dumiretso sa may banyo. Iiling iling naman si Helliana na naupo sa may sala habang hinihintay si Caliber. Binuksan nito ang cellphone niya at nabasa ang text ni Clark sa kanya. Clark: Watch Caliber, carefully. Update me. I will let J2 follow K. Agad itong napabuntong hininga. Wala talaga itong planong sabihin iyon kay Clark pero wala siyang choice. Hindi niya kayang talikuran si Clark, ang lalaking nagbigay sa kanya ng buhay, ang lalaking nag ligtas sa kanya, ang lalaking nagturo sa kanya ng lahat. Gusto niyang kumala sa pagkakagapos mula kay Clark pero alam niya sa sarili niya na kahit magkaroon siya ng chance na makawala ay hindi rin siya kakawala. Kapag nasa tabi niya si Clark alam niyang ligtas siya, makakapag higanti siya, mahahanap niya ang kapatid niya, lahat kaya niyang gawin basta andyan si Clark dahil lahat kayang gawin ni Clark para sa kanya. Nagbasa ng novel si Helliana habang hinihintay na bumaba si Caliber. Nang marinig nito ang yabag nito at agad na itong tumayo. "25 minutes HAHAHAHAHA ang galing ko talaga." Umiling na lang si Helliana at nag simula ng kumain. Malakas na nag ring ang cellphone ni Caliber kaya agad itong napatingin sa Cellphone ni Caliber. Mom's calling... "Yes, mom?"- Caliber "How are you, dear? We missed you."-Mom "I missed you too."-Caliber "Who's that, Honey?"-Dad "Oh honey it's Caliber."-Mom "Let me talk to him."-Dad "Caliber,"-Dad "Yes, dad?"-Caliber "Are you okay with your bodyguard?"-Dad Napatingin naman si Caliber kay Helliana na pinapanood siya habang katawag ang pamilya nito. Bahagyang napangiti si Caliber pero hindi niya iyon pinahalata kay Helliana. "Yes, Dad. She's reliable."-Caliber "That's good to hear."-Dad Papatayin na sana ni Caliber ang tawag ng muling magsalita ang Dad niya na ikinatigil niya. "If someone try to hurt you, tell us."-Dad Agad natigilan si Caliber at dahan dahan na napalingon kay Helliana. "Who?"-Caliber Alam ni Caliber na may ibang ibig sabihin ang Dad niya. "Don't mind me, Caliber. Don't let your guard down or you'll die."-Dad Kahit patay na ang tawag niya ay nakalagay pa rin sa tenga nito ang cellphone. Tulala ito at iniisip maigi ang sinabi ng ama. "You'll die." Wala sa sarili nitong nasabi. That word parang narinig na niya. "What?" takang tanong ni Helliana. "Shoot him or he'll shoot you." "You'll die or he die, you choose." "Get up or you'll die." "What, Caliber? Are you going to die without a fight? You weakling." "You're weak." "Kill him, Caliber." "m******e the Stavros." "Torture your princess, Caliber." "You like that, Caliber? Torture her." "Kill everyone." "Your princess is crying, Caliber. Torture her more, Caliber. Moreeee!" "You like her, Caliber? Then torture her." Agad akong natumba. Mabilis na dumalo sa akin si Helliana. Kumikirot na naman ang ulo ko. Napahawak ako sa ulo. Sino 'yon? Sino yung nagsasalita? Kumpara kahapon ay malinaw ang pagkakasabi nito at naiintindihan niyang mabuti. "What's wrong?" Iniling ni Caliber ang ulo niya at nginitian si Helliana para hindi na siya mag alala. "Let's go?" Nauna na ako sa kotse para hindi na siya magtanong pa. Nagkibit balikat lang naman ito at sumakay na rin sa motor niya. Sinasabayan ako nito sa kalsada at habang bumabyahe. Napatingin ako sa kanya ng binilisan niya ang pagmamaneho. "Helliana?" Nagtataka kong tanong ng mabilis itong humarang sa isang sasakyan. HELLIANA'S POV Sinasabayan ko si Caliber dahil nag aalala ako sa kanya. Nasakit ang ulo niya kanina, hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. Habang nasa byahe kami napakunot ang noo ko ng makita ko si James na nasa gitna ng kalsada. May yakap itong puso, napatingin ako sa gilid niya at may humaharurot na kotse. Agad kong binilisan ang pagmamaneho narinig ko pang tinawag ako ni Caliber pero hindi ko na pinansin. Hinarang ko ang motor ko at inalis ang isa kong binti para hindi iyon matamaan. Sumandal ako sa motor ko at tinignan si James. Mabilis ang pagmamaneho nito kaya ng sumalpak ito sa motor ko ay napatalsik ako. Napatingin naman sa akin si James na sulat na gulat. "What a troublesome kid." Tumayo na ako at nilahad ang kamay ko para makatayo siya doon. Mukhang nagulat si James at hindi alam kung anong nangyayari. Nanlalaki ang mata nitong nakatingin sa akin. Bahagyang kumunot ang noo ko, ano bang ginagawa niya sa gitna ng kalsada? Nababaliw na ba siya? Gusto na ba niyang mamatay? "Anong nangyari sa kanya?" "Miss okay ka lang?" "Miss may sugat ka." "Ahhhhhh sir okay ka lang?" Napatingin ako kay Caliber at nakahiga na ito sa sahig at walang malay. Mabilis naman na tumakbo si James at pumunta sa sasakyan ni Caliber. Nilagay nila sa likod si Caliber, tumapat sa akin si James. Mabilis akong sumakay nag umpisa na itong magmaneho papunta sa malapit na hospital. "Move." Napatingin sa akin si James at kumunot. "What?" "Umalis ka diyan. Palit tayo." Saglit lang ako nitong tinignan at hindi pinansin. Mas mabilis kasi kung ako ang magmamaneho dahil tulad ni Caliber ay parang namamasyal ito kung magmaneho. "Meron kang sugat, hindi mo kaya." Inirapan ko muna siya bago kinuha ang baril ko at tinutukan siya. "Aalis ka diyan o papaputikin ko yang bungo mo?" Masama ako nitong tinignan bago nakipag palit ng pwesto. Mabilis ko naman itong pinaharurot sa pinaka malapit na hospital. Tinitignan ko si Caliber minu minuto. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at kung bakit siya nagkakaganyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD